“Desiree, kapag ikaw ay ginulo, tinarget at inalipusta ay kami lang ni daddy ang magtatanggol sa’yo. Mahal mo si Sophia pero siya… hindi ka niya iniintindi. Kami lang ni daddy ang tunay na nagmamahal sa’yo. Kami lang ang kailanman ay hindi mananakit sa’yo,” mahinang sabi nga ni Dexter.Napalunok naman nga ng sarili niyang laway si Desiree dahil para bang may kung ano ngang bumara sa kanyang lalamunan.Bigla nga siyang napaisip kung nasaan nga ba si Sophia nung pinagtatawanan siya ni Mr. Joseph sa hapunan? Nasaan nga ba siya nung pinapahiya siya ni Mr. Joseph?Mahal na mahal ni Desiree si Sophia, pero si Sophia ay malamig lamang nga ang tingin sa kanya habang pinapanood ang lahat. At para bang wala nga itong pakialam sa kanya. Kaya nga ba tama si Mr. Joseph nang sabihin nito na siya ay isang hangal.Hindi alam ni Desiree ang tunay na ginawa ng pamilya niya kay Sophia at marahil ay ayaw na rin nga niyang malaman pa iyon.Ilang beses nang pinagtangkaan ng kanyang ama na siraan at sirai
“Kung ganon ay bakit parang mas naniniwala ka pa sa sinabi ni Mr. Joseph kaysa sa amin ni dad?” muling tanong ni Dexter.“Pero ang mga sinabi niya—” hindi na nga naituloy pa ni Desiree ang sasabihin niya ng bigla ngang magsalita muli si Dexter.“Sigurado ka ba na totoo ang lahat ng sinasabi ni Mr. Joseph?” mahinahon pa na tanong ni Dexter. “Siya ang taong kumakampi kay Sophia. At lahat ng ginagawa at sinasani niya ay para protektahan si Sophia. Ang lahat ng paghahanda para sa hapunan na ito ay ginawa upang suportahan si Sophia,” malumanay pa nga na sabi niya.“Alam ni Mr. Joseph na hindi maganda ang tingin ni Sophua sa pamilya natin. Kaya sinadya niyang palabasin na masama ang pamilya natin mula sa perspektibo ni Sophia,” pagpapatuloy pa nga ni Dexter.Nanatili naman na tahimik si Desiree at tila ba naguguluhan nga siya sa mga nangyayari ngayon.“Desiree, bakit ayaw mong paniwalaan na naaawa lang si daddy sa mag-ama na iyon?” malumanay pa na tanong ni Dexter pero mabigat nga ang dati
CHAPTER 252Nang marinig ni Sophia ang tiyak na sagot ni Raymond ay hindi niya napigilang mapangiti muli habang bahagya ngang nakataas ang kanyang kilay.Tinitigan lamang diya ni Ryamond habang nakangiti siya at unti-unti na nga na napuno ng init ang dating hungkag niyang puso. Ang gulo at pagkabali sa kanyang damdamin ay agad na naglaho. Ang hindi maipaliwanag na sakit at takot ay biglang nawala at tila ba gumaan na ang lahat.Mahigpit na niyakap ni Raymond si Sophia na para bang gusto na lang niya na ipaloob ito sa kanyang katawang para hindi na ito muling mawalay sa kanya.**********Pagkatapos naman nga na umalis nina David at Dexter sa dinner party na iyon ay hindi na rin nga nagtagal pa roon si Desiree. Wala na siyang mukhang maihaharap sa mga naroon kaya hindi na talaga niya kayang manatili pa ng matagal roon.Lumaki si Desiree sa isang edukasyong malinaw ang pagkakaiba ng tama at mali. At sa kanyang pananaw ang kanyang ama at kapatid ay mga mabubuting tao. Sila ang kanyang mga
Hindi nga magawang tumingin ni Raymond sa mukha ni Sophia. Dahil ang kinakatakutan niya na makita ay ang pagkawala ng liwanag sa mga mata nito.Nanatili pa rin nga na tahimik si Sophia. Pero sa puso niya ay alam niya na sa maraming paraan ay katulad niya si Raymond. Kaya uunawain niya kung bakit ganoon ang pakiramdam nito lalo na sa ganitong mga panahon.Kung si Sophia nga ang nasa lugar ni Raymond na naaksidente, nabaldado at nalaglag mula sa tugatog ng tagumpay ay nbaka ganoon din ang mangyari sa kanya. Mababali rin ang kanyang pagmamalaki. At sa mga sandaling iyon ay pwedeng-pwede siyang mabaliw sa sakit.Maaari siyang matulad kay Raymond. Maaaring mahulog din diya sa hukay ng mababang pagtingin sa sarili. At kung tunay nga ang pagmamahal niya ay baka siya pa mismo ang tumulak palayo sa taong mahal niya upang hindi na ito madamay pa sa bigat ng kanyang pagkawasak.Napabuntong hininga naman nga si Raymond. Ramdam nga sa kanyang tinig pagod at pagkasugatan ng loob.“Kapag kasama kita
Kung ibang tao lang siguro si Sophia ay baka isipin na niya na kaya niya itong kontrolin at maaari niyang itali ang damdamin ng isang tao habambuhay gamit ang huwad na pag-ibig. Na kaya niyang akitin ito upang ialay ang tunay na puso. Pero ngayon nga na si Sophia ang taong iyon ay hindi na nga siya sigurado.Unang dahilan nga ni Raymond ay ayaw niya talaga. Kung may pagpipilian lang sana siya ay hindi niya nanaising papasukin si Sophia sa buhay ng isang tao na tulad niya na isang inutil.Pangalawa, anong desisyon ang gagawin ni Sophia? Kahit pa sabihin ni Sophia ngayon na mahal siya nito ay likas na makasarili ang mga tao. Hindi nya alam kung iiwan ba siya nito sa bandang huli? O mamahalin siya ng tapat nito habambuhay?At hindi nga kayang sagutin ni Raymond ang lahat ng mga tanong na iyon sa ngayon.“Bakit hindi ka makasagot?” tanong pa ni Francis habnag may nakakaloko ngang ngiti ang nakapaskil sa kanyang labi.Tumingin naman si Sophia kay Raymond. May kaunting tapang at pang-uusig
CHAPTER 251Sa di kalayuan naman ay tahimik na pinagmamasdan ni Francis sina Sophia at Raymond habang nag-uusap. Para bang nalulunod siya sa sarili niyang mga alaala.Sa natatandaan niya ay hindi siya kailanman trinato ng ganoon kalapit ni Sophia. Alam naman niya na pangarap na noon pa ni Sophia na mapalapit sa kanya ngunit kahit minsan ay hindi nga niya binuksan ang puso nya rito.Tuwing lalapit pa nga si Sophia kay Francis ay palaging pormal at walang emosyon ang pakikitungo nito sa kanya at tila ba isa siyang opisyal na transaksyon lamang. Sa loob ng kumpanya ni Francis ay sila ay amo at empleyado. Ngunit pagdating nga sa kanilang apartment bagamat nakatira lang nga sila sa iisang bubong ay para silang mga estranghero sa isa’t isa. At ni hindi man lang nga sila nagtuturingan bilang magkaibigan. At nagkakausap lang silang dalawa para tugunan ang pisikal na pangangailangan ng kanilang katawan.Nakita na ni Francis ang lahat ng kahali-halinang anyo ni Sophia. Ang kanyang banayad na ka
Mahina naman nga na umubo si Raymond.“Mali ang rehistro sa ID ko. Ayon lang sa ID ang sabi ko kaya hindi iyon kasinungalingan,” pagpapalusot pa nga ni Raymond.Si Raymond ay tipikal na Sagittarius at isinilang para maging emperor type na lalaki.Sa paglipas ng mga taon ay marami ngang humanga sa kanya pero tinanggihan niya ang lahat ng iyon. Ang Sagittarius kasi ay medyo makasarili. Masayahin sa harap ng iba pero malungkot kapag wala na ang ibang tao. Tapat din nga na magmahal ang mga ito pero madalas naaakit sa mga taong hindi siya mahal. May sariling karisma si Raymond at konti kang nga ang hindi nahuhulog sa kanya.Pero dahil nga halos lahat ay nahuhulog sa kanya ay wala nang nakakagising sa kanyang pagnanais na manakop hanggang sa dumating na nga di Sophia.Nang makilala nga ni Raymond si Sophia ay kasal na ito kay Francis. Hindi pa niya noon lubusang ipinapakita ang tunay niyang pagkatao at wala pa siyang matibay na lugar sa pamilya Bustamante. Kaya naman sa panahon nga na iyon
Lumapit na nga si Sophia kay Raymond. May sugat ito sa noo at nababalutan pa nga ito ng puting gasa. Ang dating mayabang at matapang na lalaki, ngayon nga ay mukhang inosente at nakakaawang tignan. Gusto sana niyang pisilin ang tainga nito pero baka nga maaktan ang sugat nito. Kaya naman dinampian na lamang ni Sophia ng marahang tulak ang ilong nito.Bahagya naman na natawa si Raymond sa ginawang iyon ni Sophia pero naiintindihan naman niya ang ibig ipahiwatig nito sa kanya.“Sugatan ka na nga pero gala ka pa rin ng gala. Akala mo siguro ay may super powers ka na magpagaling agad? Ang mga katulad mo ay dapat na kinukulong sa bahay at nilalagyan ng tanikala para hindi makaalis,” sabi ni Sophia at may bahid nga ng tampo ang kanyang boses pero hindi naman nga siya galit. Totoo kasi na nag-aalala siya kay Raymond.Hindi naman nga maitago ang ngiti sa mga mata ni Raymond. Hawak pa rin niya ang kamay ni Sophia at dinala pa nga niya ito sa kanyang pisngi para damhin ng babae ang kanyang muk
CHAPTER 250May bakas nga ng lamig sa mukha ni Sophia. Tiningnan nga niya ang lalaking nasa harapan niya at napakalapit nga nito sa kanya at halos abot-kamay lang nga niya ito. Pero isang sulyap lang bga ang ibinigay niya rito bago nga siya muling tumalikod.“Sophia!” tawag ni Francis sa pangalan ng dalaga ng tumalikod na nga ito sa kanya. “Wala akong kinalaman sa nangyari ngayon,” pagpapatuloy pa nga ni Francis at nanatili nga na malamig ang tono niya.Sinadya nga niyang hintayin si Sophia roon at tila ba iyon lang ang gusto niyang sabihin dito.“Ano ang gusto mong sabihin ko ngayon?” malamig din naman nga na sagot ni Sophia hindi dahil nais niyang magsalita kundi dahil sa tingin niya ay katawa-taea ang narinig niya.“Sinasabi mo na wala kang kinalaman sa nangyari ngayon. Sa tingin mo, saang bahagi ka roon walang kinalaman?” sabi pa ni Sophia habang nakatitig nga ito kay Francis.“Sinabi mo na mahal mo ako. Sinabi mo rin na gusto mong magsimula muli tayo. At sinabi mo rin na gusto mo