Nang makaalis si Nigel ay nilapitan ni Elaine ang doktor at sinampal ito. "Ibinenta mo ko, how dare you?!" Galit niyang sigaw.
"At ano ang gusto mong gawin ko, hayaan na lang siya na laslasin ang leeg ko? Hindi kasi ikaw ang nasa lugar ko kaya hindi mo alam kung gaano ang takot ko kanina." "Kahit na! Bakit mo sinabi lahat, kailangan mo bang gawin yun? Sinabi mo pa na gusto kong dispatsahin ang lecheng Nathalie na yun!" "Bakit, totoo naman a? Huwag mong asahan na pagtatakpan pa kita. Kung hindi ako magsasalita, ako naman ang malilintikan...... Ayoko nang maugnay pa sa kasamaan mo, ito na ang pagtatapos ng kasunduan natin dahil magku-quit na ko." Bigla itong sinunggaban ni Elaine sa kolyar. "Bastard! Hindi mo ko puwedeng iwanan sa ere nang ganito, bawiin mo ang sinabi mo kay Nigel. Linisin mo ang pangalan ko, ngayon din!" Marahas na inalis ng doktor ang kamay ng babae sa kanyang damit. "Tama na! Ano ba ang tingin mo kay Mr. Sarmiento, kulang-kulang na basta na lang maniniwala kapag binawi ko ang mga nasabi ko na? Alam mo Ms. Elaine, dapat mo nang ihanda ang sarili mo kung paano mo haharapin ang kahihinatnan nitong ginawa mo. Kung kilala mo na si Mr. Sarmiento, alam mo na rin siguro kung ano ang puwede niyang gawin." Natakot si Elaine nang mapagtanto ito. Ito ang unang kasalanan na nalanatad sa kanya, ngunit nalalaman niyang tapos na siya sa pagkakataong ito. 'Tama! Kung magiging successful ang surgery ni Nathalie, hindi na ko puwedeng manatili pa dito.' Agad n'yang hinubad ang suot na hospital gown at nagpalit ng damit, dinampot n'ya ang lahat niyang gamit at nagmamadaling lumabas ng kuwarto. Kukunin n'ya ang pagkakataon na ito para tumakas habang abala si Nigel kay Nathalie. Halos magkandabangga-bangga na si Nigel sa mga nakakasalubong n'ya, balak n'yang puntahan ang surgery center. 'Nathalie, pakiusap, huwag mong ituloy.' Sinunggaban n'ya ang nasalubong na nurse at agad tinanong. "Nasaan ang surgery center n'yo?" Hindi pa man tapos ang nurse sa pagsasabi ng direksyon ay agad nang tinungo ni Nigel ang direksyong itinuturo nito. Humihingal nang marating ni Nigel ang naturang silid, nasa tapat siya ngayon ng pinto. Papasok sana siya nang bigla itong magbukas. Lumabas ang isang babae na nakasuot ng surgeon clothes, caps at mask. Nagulat ito nang tumambad sa kanya ang isang guwapong lalaki. "Excuse me, may kai–" Bago pa man matapos ay agad itong pinutol ni Nigel. "S-si Nathalie, yung asawa ko, nasa loob ba siya?" Tanong n'ya na may bakas ng pag-aalala. "A, si Ms. Nathalie? Yes po, nasa loob po siya." Nagkaroon ng simpatya sa mukha ng babae ngunit hindi iyon nakikita dahil naka-mask ito. "A-ano? N-nasa loob na siya?" Gulat na tanong ni Nigel, ang kanyang pagkataranta at takot ay muling bumalik. "N-no, No! Stop the surgery! Hindi na siya magpapa-surgery!" Pinigilan siya ng babae nang tangkain niyang pumasok sa loob. "Sir, hindi po kayo puwedeng pumasok, on-going pa po ang operasyon!" "Ang sabi ko ay itigil n'yo na ang surgery! Hindi mo ba ako narinig? Kakasuhan ko ang ospital n'yo kapag hindi n'yo inilabas ang asawa ko!" Sigaw ni Nigel na naka-agaw sa atensyon ng mga nurse na nagdadaan doon. Lumapit ang dalawang male nurse at sinunggaban si Nigel sa magkabilang bisig. Nang halos magwala na si Nigel ay muling nagbukas ang pinto ng surgery room at lumabas ang isang may-edad na babaeng doktor. Tinanggal nito ang kanyang mask at sumimangot. "Ano't nagkakaingay kayo? Alam n'yo namang nasa surgery center kayo, diba?" Kumawala si Nigel mula sa dalawang male nurse at humakbang palapit sa babae. "Nasaan ang asawa ko? ilabas n'yo siya kung hindi ay idedemanda ko kayo at ang ospital n'yo." Tumaas ang kilay ng doktora. "A, so ikaw pala ang EX-HUSBAND n'ya." Natigilan si Nigel nang maalala'ng divorce na nga pala sila ni Nathalie. Sumingasing ang doktora. "Hump! Hindi ba divorce na kayo? And since hiwalay na kayo, wala ka na dapat pakialam pa sa affairs niya dahil hindi ka na responsable pa sa kanya." "Wala ka na'ng pakialam doon, ilabas mo siya!" Sagot ni nigel. Dinukot ng doktora ang isang nakatiklop na papel mula sa kanyang bulsa "Gusto kong ipakita ito sayo, heto't tingnan mo." Iniabot n'ya iyon kay Nigel. Natigilan si Nigel nang makitang isang letter of consent pala iyon. 'Ang i-ibig ba nitong sabihin ay.... willing talaga si Nathalie na..... sumailalim s-sa surgery?' Muli niyan'g sinubukang pumasok sa surgery room habang nagsisisigaw. "Nathalie! Nathalie! Huwag mong ituloy, lumabas ka diyan!" Sinenyasan ng doktora ang dalawang lalaking nurse na huwag itong pigilan. Pagpasok ni Nigel ay wala siyang nakitang tao, wala doon ang kanyang hinahanap. Makakahinga na sana siya nang maluwag dahil inisip niyang maaaring hindi na natuloy ang operasyon nang magsalita ang doktora sa kanya likod. "Wala na si Nathalie, matagumpay naming na-ialis ang puso n'ya. Mababasa mo sa letter of consent na ni-request din niya na i-donate din ang iba pa niyang healthy organs sa mga nangangailangan. Mr. Sarmiento....... I'm very sorry." Tila tinamaan ng kidalt si Nigel sa narinig. "A-anong..... sabi mo?" Bumuntong-hininga ang doktora. "Dinispose agad namin ang katawan niya ayon na rin sa request n'ya, matapos naming makuha ang mga dapat kunin sa kanya. Kaya pasensya na kung hin–" Nagitla siya nang bigla siyang sunggaban ni Nigel. "Hindi ako naniniwala sayo!.…... Isinusumpa ko, idedemanda ko talaga kayo kapag hindi n'yo s'ya inilabas!" Tila mawawala na sa sarili si Nigel, ngunit hindi dahil sa may pagtingin s'ya sa dating asawa, kundi, dahil sa responsabilidad. Paano na lang n'ya haharapin ang kanyang mga magulang at ang mga magulang ni Nathalie kapag may nangyari dito? Muling siyang sinunggaban ng dalawang lalaking nurse at hinila palayo sa doktora. "Kung gusto mong magsampa ng kaso, gawin mo. Hindi ako natatakot dahil wala akong nilalabag. Sinunod ko lang ang kahilingan ni Nathalie, at ang letter of consent ang ebidensya." Hindi pa rin mapaniwalaan ni Nigel ang naging desisyon ng dating asawa. "P-pero bakit? Bakit basta na lang niya itinapon ang buhay niya nang ganun-ganun na lang?" Ngumisi ang doktora. "Hindi mo talaga alam? I see, Mr. Sarmiento, ngayon ko lang na-realize kung gaano ka kahina." Tila hindi ito naunawaan ni Nigel. "W-what do you mean?" "Hindi mo ba alam na may depresyon ang asawa mo? I mean, ang dati mong asawa?" "D-depression?" "So, mukhang hindi mo nga alam hanggang ngayon. Well, hindi ko lang alam kung gaano kalala ang depresyon n'ya, pero kapag tumitingin ako sa mga mata n'ya, parang nakikita ko na rin ang paghihirap n'ya. Walang buhay ang mga mata n'ya kaya hindi na ako magtataka kung bakit naisip niya na sumuko na lang. Sinabi n'ya na ang desisyon n'ya ay para sa'yo, dahil gusto ka niyang maging masaya." Nag-angat ng tingin si Nigel sa doktora, makikita sa kanyang mga mata ang pagtatanong at ang kalituhan. 'P-para maging masaya ako? Anong ibig niyang sabihin?' Tila nabasa ng doktora ang katanungan sa kanyang isipan. "Mahal ka ng asawa mo...." Ang napapaisip pang si Nigel ay napamaang at natigilan sa narinig. "Isinuko n'ya ang buhay n'ya para mabigyan ng pagkakataong mabuhay pa ang kalaguyo mo, idinonate n'ya ang puso n'ya yamang isa s'ya sa right donor. Alam mo kung ano tuloy ang naging tingin ko sa isang katulad mo, Mr. Sarmiento? You're such an unworthy scumbag!" Hindi umimik si Nigel, nakayuko lamang ito na wari'y tinatanggap lang ang sermon ng kanyang magulang. 'M-mahal ako ni Nathalie?........ Yes, I'm such a scumbag. Naniwala ako kay Elaine, hindi ko akalain na may masama pala siya'ng intensyon kay Nathalie.' Bumakas ang kalungkutan sa kanyang mga mata. 'Elaine, kailangan mong maging responsable sa ginawa mo, patawarin mo sana ako.' Sa kabila ng kasamaan ng babae ay mahal pa rin niya ito, ngunit nagbabanta nang mawala iyon nang tuluyan nang iabot ng doktora ang isa pang sulat mula kay Nathalie: "Ibinilin ito sa kin ni Nathalie, ang sabi n'ya ay ibigay ko raw ito sa'yo kapag hinanap mo s'ya. Diyan ko din nalaman ang nangyari sa inyong dalawa. Alam kong mali ang pakialaman yan, pero hindi ko napigilan ang curiosity ko kung bakit s'ya gumawa ng ganitong desisyon." Pagkabigay ng sulat ay umalis na ang doktora at iniwan si Nigel sa silid. Agad iyon binasa ni Nigel: "June 2, 2018, nasunog ang villa n'yo at na-trapped ka sa loob. Naalala ko na injured ang binti mo nun dahil sa paglalaro mo ng basketball. Akala ko ay hindi na kita makikita pa, kaya sa takot ko ay naglakas-loob akong sumugod sa loob para iligtas ka." Natigilan si Nigel, inunawa niyang mabuti ang kanyang nabasa. Nagtaka siya nang husto kung bakit tila sinasabi ni Nathalie sa sulat na ito ang nagligtas sa kanya mula sa sunog tatlong taon na ang nakalilipas. 'Hindi ba't si Elaine ang nagligtas sa akin?' itinuloy n'ya ang pagbabasa.: "Naalala ko na nasunog ang puwitan mo...." Halos masamid si Nigel sa sariling laway nang mabasa iyon. Ang kanyang puwitan ay halos ma-toasted na dahil sa sunog at iyon ay talagang nakakahiya. Walang ibang nakakaalam niyon kundi ang doktor na gumamot sa kanya at ang mga nurses na naroon, ang kanyang mga magulang at ang taong nagligtas sa kanya....... Natigilan siya nang magkaroon ng reyalisasyon: Naalala n'ya nang minsang naglalambingan sila ni Elaine, tinanong n'ya ito bilang paglalambing kung na-aalala pa ba nito kung anong parte ng katawan n'ya ang nasunog, ngunit hindi ito makasagot. Ngayon ay nauunawaan na n'ya, dahil hindi talaga ito ang nagligtas sa kanya; kundi, ang mismong asawa nya–si nathalie. Ang nakalulungkot na katotohanang ito ay nagpalambot nang tuluyan sa mga tuhod ni Nigel. Paluhod s'yang bumagsak sa malamig na sahig. 'A-anong ginawa ko?....... So, all these years, si Nathalie pala ang totoong mahal ko?'Pinalabas ni Nathalie ang make-up artist bago ipagpatuloy ang pagbabasa sa sulat. Nahintatakutan s'ya nang mabasang, kung hindi s'ya susunod sa gusto ni Michael ay hindi lang si Nigel ang mapapahamak, kundi maging ang mga tao sa simbahan dahil meron itong bomba na iniwan doon.Dinampot n'ya ang kanyang cellphone at tatawag sana s'ya ng pulis, ngunit habang nasa kalagitnaan ay may biglang tumawag sa kanya. Nang makita ang hindi nakarehistro numero ay kinansela n'ya iyon ngunit muli itong tumawag. Kinansela n'ya uli iyon ngunit muli uli itong tumawag. Ilang ulit iyong nangyari hanggang sa mainis na si Nathalie. Dahil sa pagpipilit nito ay sinagot na n'ya ang tawag nito, ngunit natigilan s'ya nang marinig ang sinabi ng nasa kabilang linya:"Huwag kang magkakamaling tumawag ng pulis, kung hindi ay baka mapindot ko itong remote ng bomba na hawak ko."Walang kaalam-alam si Nathalie na ang kanyang kausap ay naroon lang sa isang cafeteria na malapit lang sa hotel na kinaroroonan n'ya. Meron
Hindi sinabi ni Nathalie sa kahit na sino sa kanyang pamilya ang sinabi ni Lorraine, maging kay Nigel ay hindi din n'ya ito sinabi dahil ayaw n'yang mag-alala ang mga ito.Kinabukasan ay tinawagan s'ya ni Lorraine at sinabing makipagkita sa kanya. Nagtungo si Nathalie sa isang private room ng isang restaurant at kinatagpo ang may-edad na doktora. "Mie, ano ba ang nangyayari? Ano ba ang balak sa akin ng pamangkin mo, e hindi ko naman s'ya kilala?""Maaaring hindi mo s'ya maalala o maaari din na hindi mo s'ya kilala, pero sa tingin ko ay kilalang-kilala ka nya." Napamaang si Nathalie hanggang sa ibahagi ni Lorraine ang tungkol sa pamangkin'g si Michael at ang natuklasan niya dito:May history ng isang klase ng mental disorder ang isang side ng pamilya ni Michael at namana n'ya iyon. Ngunit hindi lamang iyon ang dahilan ng pagkakaroon ng sintomas nito, dahil na-frustrate din ito na nagpa-trigger dito. At ang dahilan ay si Nathalie."A-ako?" Gulat na tanong ni Nathalie habang nakaturo sa
Tumakbo si Nigel papunta sa babae at sinunggaban ang kamay nito, mabuti na lamang ay naagapan n'ya. Napigilan naman n'ya ito ngunit nahiwa s'ya ng kutsilyo. Tiniis ni Nigel ang hapdi sa kanyang kamay at puwersahang inagaw ang kutsilyo. Matagumpay n'yang nakuha iyon at ibinato sa malayo-layo, pagkatapos ay inalis n'ya ang mask ng "katulong" Tumambad sa kanyang harapan si Elaine. "Sinasabi ko na nga ba!"Agad lumayo si Elaine at dinukot ang isang maliit na baril mula sa kanyang bulsa, itinutok n'ya iyon kay Nigel. "Hindi ako makakapayag na mauunsyami na naman ang plano ko. Bakit ba kasi lagi kang nakikialam? E di sana ay nailigpit ko na si Nathalie!..... Ito ang tandaan mo Nigel, kung hindi ka rin lang magiging akin, hindi ka rin mapupunta sa iba!""Bakit Elaine, balak mo na rin ba akong patayin? Puro kasamaan na lang ba talaga ang alam mong gawin? Hindi mo pa nga napagbabayaran ang mga ginawa mo noon, ngayon ay gusto mo na namang pumatay?...... Ibaba mo yan!""Hndi!" Sigaw ni Elaine. "
Matapos ang pagdinig ay nanalo sila Elaine at Butch, iyon ay dahil ang ginamit nilang dahilan ay ang pagkakaroon ng malalang migraine ni Elaine na pinatotohanan naman ng warden at ng mga presong nakasama ni Elaine sa loob ng piitan.Habang nagdidiwang ang magkasintahan ay kulimlim naman ang mukha nila Nigel. Dismayado ang mga ito dahil malaki ang kumpiyansa nilang mananalo sila dahil malakas ang kanilang ebidensya, dahil naaktuhan ng mga pulis si Elaine nang pagtangkaan nito ang buhay ni Nathalie sa surgery room. Hindi nila akalaing meron palang sakit ito, ngunit hindi din nawala ang pagdududa sa kanila na baka hindi iyon totoo at baka gumamit lang ang mga ito ng panunuhol.Sinulyapan ni Elaine ang kampo nila Nigel at ngumisi. Gusto sana nyang ipamukha sa mga ito na walang magagawa ang mga ito sa kanya, ngunit nagpigil lamang s'ya dahil kailangan nyang umasta na parang s'ya ang biktima sa paningin ng kanyang nobyo.Paglabas nila Nigel ay nagulat sila nang masalubong nila ang papasok
Bago pumasok sa kumpanya ay dumaan muna si Nigel sa hospital para kumustahin ang lagay ni Nathalie."Hindi ka pa ba aalis? Baka marami kang trabahong gagawin. Kaya ko namang magtulak ng wheelchair nang mag-isa e." Ani Nathalie."Bakit pinapaalis mo na ako, e gusto pa kitang makasama?" Itinulak ni Nigel ang wheelchair papunta sa isang stone bench, itinabi n'ya ang wheelchair ni Nathalie doon saka s'ya naupo. "Nat, hindi ko pa pala ito nasasabi sa'yo, pero meron akong nadiskubre kay Elaine."Napukaw ang atensyon at kuryusidad ni Nathalie. "Ano?""Kumuha ako ng private investigator at pinapunta ko s'ya abroad, kung saan nagtago si Elaine para paimbestigahan ang naging buhay n'ya doon. Alam mo bang meron pala siyang boyfriend na foreigner doon?""May boyfriend na pala s'ya, bakit gusto pa rin n'yang makipagbalikan sayo?""Knowing Elaine, sa ilang taon ng relasyon namin ay unti-unti ko ring nakita ang pagiging makasarili n'ya. Yung parang akala mo ay sa kanya lang umiikot ang lahat."Tinin
"Nigel, sigurado ka ba dito sa plano mo? Si Nathalie.... paano kung...." Pag-aalala ni Lucille. Nasa isang dako sila na hindi naman malayo sa kinaroroonan ng kuwarto ng anak. "Tita, alam ko po kung ang inaalala n'yo. Huwag po kayong mag-alala, kagaya ng sinabi ko, hindi ko hahayaang may mangyari kay Nathalie." Maya-maya ay bigla nag-alarm ang cellphone ni Nigel. "Tara na po." At dali-dali silang pumasok sa kuwarto ni Nathalie. Pagdating doon ay naroon na ang mga pulis, nakatutok ang mga baril nito sa natigilan at natulalang si Elaine.Isang hakbang na lang sana ang kailangang gawin ni Elaine at magtatagumpay na sana s'ya sa pagdispatsa kay Nathalie nang bigla magkaroon ng alarm sa loob ng kuwarto. Sa gulat ay nabitiwan niya ang disinfectant, bumagsak yun at natapon sa sahig. Kasunod ng alarm ay ang biglaang pagdating ng mga pulis. Napataas na lang siya ng mga kamay nang tutukan s'ya ng mga ito ng baril. Nang pumasok sila Nigel ay ganoong eksena ang kanilang inabutan.Dumating din ang