Tahimik na nanangis si Nigel habang ang kanyang mukha ay nakabaon sa kanyang mga palad. Bakit sa ganito nauwi ang lahat? Bakit ngayon lang niya ito nalaman? Mahirap na nga para sa kanya ang tanggapin ang nadiskubreng kasamaan ni Elaine, bagaman makukulong ito ngunit ang importante ay buhay naman ito. Subalit sa nadiskubre n'ya ngayon, bukod sa maling tao pala ang kanyang minahal, ang nakalulungkot pa ay hindi na n'ya maitatama pa ang kanyang mga pagkakamali. Wala na si Nathalie, hindi na n'ya ito makikita pang muli.
Ilang oras na ang lumipas ngunit tulala pa rin si Nigel. Mabuti na lang ay walang nangailangang gumamit ng surgery room. Tiningnan n'ya ang lukot na liham at napansin niyang hindi pa pala niya nababasa lahat. Iniunat n'ya iyon at muling binasa: "Nang makalabas tayo ay pareho tayong dinala sa hospital. Nasunog din kasi ang buhok ko at nakalanghap ng usok, pero hindi ko naisip na ita-transfer ka sa ibang hospital. Nang hinanap kita, hindi na kita nakita." Dahil sa public hospital sila dinala ay nagdesisyon ang mga magulang ni Nigel na ilipat ito sa isang private hospital para sa mas mabilis at mainam nitong recovery. "Nang magkaroon ako ng balita tungkol sa'yo ay nalaman ko na lang na nagkakamabutihan na kayo ni Elaine. Ayon sa mga kaibigan namin ay lagi ka niyang dinadalaw, siguro iyon ang dahilan kaya hindi n'ya ako binisita kahit isang beses man lang." Bagaman nalalaman ni Nigel na isang babae ang sumagip sa kanya, hindi naman n'ya ito nakita dahil nawalan na siya ng malay-tao nang mga oras na iyon. Ganunpaman, agad siyang na-inlove sa babaeng iyon kahit hindi pa n'ya ito kilala, kaya agad niyang minahal si Elaine. Dahil nalalaman niya na nagkakamabutihan na ang kanyang bestfriend at ang lalaking lihim niyang iniibig ay hindi na itinuloy pa ni Nathalie ang planong pagpapakilala kay nigel, at ang planong sabihin dito na s'ya ang nagligtas dito. Ngunit hindi n'ya alam ang ginawang pag-angkin ng kaibigan sa kanyang kredito, kaya nanatili s'ya sa dilim na walang alam sa mga nangyari. Ibinigay na lamang n'ya ang basbas sa dalawa yamang pareho naman itong mahalaga sa kanya. Guwapo't makarisma si Nigel, matalino at anak-mayaman kaya popular ito lalo na sa mga kababaihan noong college days nila, at isa sila Elaine at Nathalie sa nagkakandarapa dito. Kaya gulat na gulat at mangha si Nathalie nang malaman na nagawa ng kaibigan na mapaibig ito. Ngunit makalipas ang isang taon, matapos maka-graduate ay nagulat si Nathalie nang muling mag-krus ang mga landas nila, nang ipagkasundo sila ng kani-kanilang mga magulang sa isang kasal. Masayang-masaya si Nathalie at para itong nasa alapaap. Ang akala niya ay magkakalamat na ang relasyon nila ni Elaine bilang magkaibigan ngunit nalaman niyang matiwasay naman na naghiwalay ang dalawa, umattend pa nga ito sa kasal nila. Subalit, ang hindi alam ni Nathalie ay may usapan pala sila Elaine at Nigel na itago na lamang ang relasyon nila, dahil kailangan ni Nigel na sundin ang utos ng kanyang ama na pakasalan s'ya. "Nang malaman ko na may relasyon na kayong dalawa, inaamin ko na na-heartbroken ako, pero dahil si Elaine naman yun ay tinanggap ko na lang at piniling maging masaya na lang para sa inyong dalawa. Pero hindi ko akalaing, sa huli ay maikakasal ako sayo." Muling lumuha si Nigel. Napakabulag at napakatanga niya noong mga panahong iyon. Bakit hindi n'ya naisip na hingan ng pruweba si Elaine kung ito nga ba ang totoong sumagip sa kanya? Dahil doon ay hindi niya agad nakilala si Nathalie. Ang masaklap pa ay ang mismong asawa pala n'ya ang nagligtas sa kanya, ang babaeng tunay niyang mahal ngunit hindi nya pinahalagahan. Pinunasan n'ya ang mga luha at itinuloy ang pagbabasa: "Marrying you is what I considered to be the happiest thing that happened in my life. The three years is enough, at alam kong kahit na anong gawin ko ay hindi ko mapapantayan si Elaine sa puso mo. Kung alam mo lang kung gaano ko hinangad at hiniling na isang araw ay bibigyan mo din ako ng konsiderasyon at pagpapahalaga, sa kasamaang-palad, naging madamot ang pagkakataon sa akin at hindi iyon nangyari." Nagsimulang tumangis nang malakas si Nigel. 'Ang tanga-tanga ko!' Kung puwede n'ya lang sanang hilingin na bumalik siya sa nakalipas ay itatama n'ya ang lahat ng pagkakamali n'ya. Hindi lang pagpapahalaga at konsiderasyon ang ibibigay n'ya kay Nathalie, iibigin din n'ya ito nang buo at buong puso. "Wala akong maisusumbat sayo, I married you in my own risk and that is my own decision. Sa loob ng tatlong taon ay naging masaya naman ako sa piling mo kahit paano. Pero, kung meron mang afterlife at kung totoo man yun, sana ay pagbigyan ako ng Diyos at loobin niya na ibang tao na lang ang mahalin ko, yung taong kaya din akong mahalin.......Ito lang ang mga gusto kong sabihin, hanggang sa susunod na lang ng mga buhay natin, kung meron man, paalam." . . Madilim na nang umalis si Nigel sa hospital. Ang kanyang mga mata ay namumula at namamaga habang ang kanya namang buhok at damit ay magulo at lukot. Kung titingnan ay para lang siyang bagong gising. Naglakad siya na parang zombie na walang direksyon hanggang sa mapadako s'ya sa isang stone bench. Naupo siya doon habang nakatingin sa kawalan. 'Wala na si Nathalie.... sinaktan ko siya.' Walang ibang laman ang kanyang isipan kundi kung paano niya tin'rato si Nathalie noong nagsasama pa sila, ni hindi n'ya naisip na habulin at papanagutin ang may kasalanan. Kung tatanungin kung meron pa ba siyang nararamdaman para kay Elaine, ang sagot ay wala na. Biglang nagdilim ang mukha ni Nigel. Kundi dahil kay Elaine ay hindi sana n'ya masasaktan si Nathalie, hindi sana n'ya hahayaang mawalay ito sa kanya. 'B*tch, I'll make sure you pay.' kinuha n'ya ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang abogado para komunsulta sa puwede niyang isampa na kaso laban sa babae. Matapos makipag-usap ay naisipan nyang tawagan ang kanyang ina, ngunit nag-atubili s'ya. Naisip niyang sabihin na lang ang lahat sa personal. "Nigel! It's good to see you, wait..... A-are you alright? Anong nangyari sa'yo?" Ani Rebecca, ang ina ni Nigel nang makita ito. "Puwede bang pumasok muna ako? Meron akong importanteng sasabihin sa inyo." Naupo si Rebecca, Nigel at ang kanyang ama sa living room. "Hump! Ano, Iniwanan ka na ba ng kabit mo? Sino ba kasi ang babaeng yun? Wala siyang ka-moral-moral! Paano n'ya nagagawang makipagrelasyon sa lalaking may asawa na? Para siyang mauubusan ng lalaki!" Wika ng ama ni Nigel. "Honey, puwede bang kumalma ka muna? Ilang araw ko na'ng naririnig sayo yan a. Ngayon lang natin nakita uli ang anak natin mula nang makabalik tayo galing abroad. Hayaan na muna natin siyang magsalita, baka importante ang isinadya niya." Sagot ni Rebecca. Ang tahimik na si Nigel ay biglang nagsalita. "Wala na si Nathalie." Sumingasing ang kanyang ama. "Hump! Natural lang na iwan ka n'ya, ano bang inaasahan mo? Dinivorce ka na ba niya? Well, mabuti nga sayo, sino bang may sabi'ng magloko ka." Pinandilatan ni Rebecca ang ayaw paawat na asawa saka bumaling sa anak. "Umalis ba s'ya sa apartment?" Napabuntong-hininga s'ya nang maitanong iyon. "By the way Nigel, baka gusto mo na'ng i-consider ang paglipat dito o kaya ay sa isang villa? Sinabi ko naman sa'yo dati na hindi nababagay si Nathalie sa apartment na yun, diba? Ang liit-liit at parang magulo din yung lugar." Naikuyom ni Nigel ang mga kamao. "Tama ka mom, kasalanan ko kung bakit hindi ko naibigay ang mga magagandang bagay sa kanya, naging maramot ako sa kanya. Pero...... wala na siya, kaya kahit gustuhin ko ay hindi ko na magagawang bumawi pa." "Anak...." Hinagod-hagod ni Rebecca si Nigel sa balikat. "Pinagsisisihan mo na ba ang ginawa mo? Alam mo, kahit hindi ko ganun ka-kilala si Nathalie, pero ayon kay Lucille ay mabait naman daw siyang bata. Anong malay mo, kung magpapakita ka lang ng sincerity ay baka mapatawad ka rin n'ya." "Hindi na iyon mangyayari, dahil......... patay na siya." Biglang natahimik ang buong living room. Medyo nagtagal bago nakabalik sa kani-kanilang wisyo ang mga magulang ni Nigel. "A-anong sabi mo?" "Patay na si Nathalie...... hindi na siya babalik." Biglang nasapo ng ama ni Nigel ang sariling dibdib at bigla itong nahirapang huminga. "Honey, honey! calm down!" Agad kinuha ni Rebecca ang gamot ng asawa at agad itong pinainom. Nang makita n'ya na bumubuti na ito ay nakasimangot niyang binalingan ang anak. "Nigel, linawin mo nga ang sinasabi mo, ano ang talagang nangyari kay Nathalie? Tayong mga Sarmientos ang responsable sa kanya kaya ano na lang ang sasabihin natin sa pamilya n'ya kung may mangyari sa kanya?" "Wala na nga siya..." Tumayo si Nigel. "Huwag kayong mag-alala, ako na ang magsasabi sa pamilya n'ya. Wala kayong kasalanan dito, ako ang may kasalanan ng lahat kaya tatanggapin ko kung ano mang parusa ang ipapataw nila sa kin." At umalis na ito habang natulala na lang ang kanyang ina. . . "Bastard!!" Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Nigel, bagaman kaya naman niyang ilagan iyon ngunit pinili niyang tanggapin iyon. "Anong pumasok sa isip ng kapatid ko para magdesisyon nang ganun? Anong ginawa mo sa kanya?" Nag-gagalaiting tanong ni Nico habang hatak-hatak si Nigel sa kuwelyo. Naroon at tahimik lang ang mga magulang ni Nathalie ngunit namumula at nagluluha ang mga mata nito. Pinunasan ni Nigel ang dugo sa gilid ng kanyang labi, pagkatapos ay lumuhod ito sa harapan ng mga dati niyang biyenan. "M-mom, dad, p-please..... Say something, kasalanan ko ang lahat. Sisihin n'yo ako, murahin n'yo ako, saktan n'yo ako, kahit anong gawin n'yo sa kin ay hindi ako lalaban." Ang pagkamatay ni Nathalie ay kumalat sa kanilang mga kaibigan, nagluksa sila bagaman wala ang katawan nito. Ngunit dahil sa patotoo ng doktora na nagsagawa ng surgery ay pinaniniwalaan na lang na ang pagkamatay nito ay totoo. Samantala, tila parang bula na bigla na lang nawala si Elaine magmula ng nangyari sa hospital. Ipinahanap ito ni Nigel ngunit hindi ito mahanap at tila wala na ito sa bansa. Hindi umaalis sa kanyang condo si Nigel, maghapon lang ito doon at umiinom. Dahil sa pag-aalala ay madalas itong dalawin ni Rebecca, ipinagluluto niya ito at laging inuudyukang kumain dahil tila napapabayaan na nito ang sarili. Mabilis na lumipas ang tatlong taon at marami na rin ang naging pagbabago. Anu-ano kayang pagbabago ang nangyari sa buhay ng mga naiwan ni Nathalie?Pinalabas ni Nathalie ang make-up artist bago ipagpatuloy ang pagbabasa sa sulat. Nahintatakutan s'ya nang mabasang, kung hindi s'ya susunod sa gusto ni Michael ay hindi lang si Nigel ang mapapahamak, kundi maging ang mga tao sa simbahan dahil meron itong bomba na iniwan doon.Dinampot n'ya ang kanyang cellphone at tatawag sana s'ya ng pulis, ngunit habang nasa kalagitnaan ay may biglang tumawag sa kanya. Nang makita ang hindi nakarehistro numero ay kinansela n'ya iyon ngunit muli itong tumawag. Kinansela n'ya uli iyon ngunit muli uli itong tumawag. Ilang ulit iyong nangyari hanggang sa mainis na si Nathalie. Dahil sa pagpipilit nito ay sinagot na n'ya ang tawag nito, ngunit natigilan s'ya nang marinig ang sinabi ng nasa kabilang linya:"Huwag kang magkakamaling tumawag ng pulis, kung hindi ay baka mapindot ko itong remote ng bomba na hawak ko."Walang kaalam-alam si Nathalie na ang kanyang kausap ay naroon lang sa isang cafeteria na malapit lang sa hotel na kinaroroonan n'ya. Meron
Hindi sinabi ni Nathalie sa kahit na sino sa kanyang pamilya ang sinabi ni Lorraine, maging kay Nigel ay hindi din n'ya ito sinabi dahil ayaw n'yang mag-alala ang mga ito.Kinabukasan ay tinawagan s'ya ni Lorraine at sinabing makipagkita sa kanya. Nagtungo si Nathalie sa isang private room ng isang restaurant at kinatagpo ang may-edad na doktora. "Mie, ano ba ang nangyayari? Ano ba ang balak sa akin ng pamangkin mo, e hindi ko naman s'ya kilala?""Maaaring hindi mo s'ya maalala o maaari din na hindi mo s'ya kilala, pero sa tingin ko ay kilalang-kilala ka nya." Napamaang si Nathalie hanggang sa ibahagi ni Lorraine ang tungkol sa pamangkin'g si Michael at ang natuklasan niya dito:May history ng isang klase ng mental disorder ang isang side ng pamilya ni Michael at namana n'ya iyon. Ngunit hindi lamang iyon ang dahilan ng pagkakaroon ng sintomas nito, dahil na-frustrate din ito na nagpa-trigger dito. At ang dahilan ay si Nathalie."A-ako?" Gulat na tanong ni Nathalie habang nakaturo sa
Tumakbo si Nigel papunta sa babae at sinunggaban ang kamay nito, mabuti na lamang ay naagapan n'ya. Napigilan naman n'ya ito ngunit nahiwa s'ya ng kutsilyo. Tiniis ni Nigel ang hapdi sa kanyang kamay at puwersahang inagaw ang kutsilyo. Matagumpay n'yang nakuha iyon at ibinato sa malayo-layo, pagkatapos ay inalis n'ya ang mask ng "katulong" Tumambad sa kanyang harapan si Elaine. "Sinasabi ko na nga ba!"Agad lumayo si Elaine at dinukot ang isang maliit na baril mula sa kanyang bulsa, itinutok n'ya iyon kay Nigel. "Hindi ako makakapayag na mauunsyami na naman ang plano ko. Bakit ba kasi lagi kang nakikialam? E di sana ay nailigpit ko na si Nathalie!..... Ito ang tandaan mo Nigel, kung hindi ka rin lang magiging akin, hindi ka rin mapupunta sa iba!""Bakit Elaine, balak mo na rin ba akong patayin? Puro kasamaan na lang ba talaga ang alam mong gawin? Hindi mo pa nga napagbabayaran ang mga ginawa mo noon, ngayon ay gusto mo na namang pumatay?...... Ibaba mo yan!""Hndi!" Sigaw ni Elaine. "
Matapos ang pagdinig ay nanalo sila Elaine at Butch, iyon ay dahil ang ginamit nilang dahilan ay ang pagkakaroon ng malalang migraine ni Elaine na pinatotohanan naman ng warden at ng mga presong nakasama ni Elaine sa loob ng piitan.Habang nagdidiwang ang magkasintahan ay kulimlim naman ang mukha nila Nigel. Dismayado ang mga ito dahil malaki ang kumpiyansa nilang mananalo sila dahil malakas ang kanilang ebidensya, dahil naaktuhan ng mga pulis si Elaine nang pagtangkaan nito ang buhay ni Nathalie sa surgery room. Hindi nila akalaing meron palang sakit ito, ngunit hindi din nawala ang pagdududa sa kanila na baka hindi iyon totoo at baka gumamit lang ang mga ito ng panunuhol.Sinulyapan ni Elaine ang kampo nila Nigel at ngumisi. Gusto sana nyang ipamukha sa mga ito na walang magagawa ang mga ito sa kanya, ngunit nagpigil lamang s'ya dahil kailangan nyang umasta na parang s'ya ang biktima sa paningin ng kanyang nobyo.Paglabas nila Nigel ay nagulat sila nang masalubong nila ang papasok
Bago pumasok sa kumpanya ay dumaan muna si Nigel sa hospital para kumustahin ang lagay ni Nathalie."Hindi ka pa ba aalis? Baka marami kang trabahong gagawin. Kaya ko namang magtulak ng wheelchair nang mag-isa e." Ani Nathalie."Bakit pinapaalis mo na ako, e gusto pa kitang makasama?" Itinulak ni Nigel ang wheelchair papunta sa isang stone bench, itinabi n'ya ang wheelchair ni Nathalie doon saka s'ya naupo. "Nat, hindi ko pa pala ito nasasabi sa'yo, pero meron akong nadiskubre kay Elaine."Napukaw ang atensyon at kuryusidad ni Nathalie. "Ano?""Kumuha ako ng private investigator at pinapunta ko s'ya abroad, kung saan nagtago si Elaine para paimbestigahan ang naging buhay n'ya doon. Alam mo bang meron pala siyang boyfriend na foreigner doon?""May boyfriend na pala s'ya, bakit gusto pa rin n'yang makipagbalikan sayo?""Knowing Elaine, sa ilang taon ng relasyon namin ay unti-unti ko ring nakita ang pagiging makasarili n'ya. Yung parang akala mo ay sa kanya lang umiikot ang lahat."Tinin
"Nigel, sigurado ka ba dito sa plano mo? Si Nathalie.... paano kung...." Pag-aalala ni Lucille. Nasa isang dako sila na hindi naman malayo sa kinaroroonan ng kuwarto ng anak. "Tita, alam ko po kung ang inaalala n'yo. Huwag po kayong mag-alala, kagaya ng sinabi ko, hindi ko hahayaang may mangyari kay Nathalie." Maya-maya ay bigla nag-alarm ang cellphone ni Nigel. "Tara na po." At dali-dali silang pumasok sa kuwarto ni Nathalie. Pagdating doon ay naroon na ang mga pulis, nakatutok ang mga baril nito sa natigilan at natulalang si Elaine.Isang hakbang na lang sana ang kailangang gawin ni Elaine at magtatagumpay na sana s'ya sa pagdispatsa kay Nathalie nang bigla magkaroon ng alarm sa loob ng kuwarto. Sa gulat ay nabitiwan niya ang disinfectant, bumagsak yun at natapon sa sahig. Kasunod ng alarm ay ang biglaang pagdating ng mga pulis. Napataas na lang siya ng mga kamay nang tutukan s'ya ng mga ito ng baril. Nang pumasok sila Nigel ay ganoong eksena ang kanilang inabutan.Dumating din ang