Share

Chapter 41 – Dirty Tricks

Penulis: M.E Rodavlas
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-14 17:45:01

Matapos kumain ay dinala ni Nigel si Nathalie sa isang outskirts para daw matunaw ang kanilang kinain. Sa gilid ng isang lawa ay naglakad-lakad ang dalawa, pareho silang walang kibo dahil hindi nila alam kung anong topic ang puwede nilang pag-usapan.

Naiilang si Nathalie, gusto niyang magsalita ngunit hindi n'ya alam ang sasabihin. Ang hindi niya alam ay ganun din si Nigel.

Nakasunod si Nigel habang naglalakad sa kanyang unahan si Nathalie, nakasubaybay siya nang tingin dito na parang binabantayan n'ya ito. "Nat...." Mahina niyang tawag.

Tumigil si Nathalie at dahan-dahang lumingon.

"About Mr. Davis, I felt he have something against you and tito armando. Mag-iingat ka sa kanya."

Nasorpresa at nagtaka si Nathalie. "Bakit mo naman nasabi, wala naman akong matandaang ginawa sa kanya na hindi n'ya nagustuhan. May alitan ba sila ng daddy ko?"

Umiling si Nigel. "Hindi ko alam. Basta, dumistansya ka sa kanya at huwag mong hahayaang magkaroon siya ng kahit na anong koneksyon sa'yo."

"E yung
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 50 – Deception And Desire

    Pag-uwi ni Rebecca galing sa trabaho ay inabutan niya ang nag-iiyak na si Nigel habang pilit itong pinatatahan ng asawa ni rina. Wala noon si Rina dahil nasa saklaan ito.Nagitla si Rebecca nang makitang may gasa sa noo ang mag da-dalawang taong gulang pa lang na anak. Nang itanong n'ya kung ano ang nangyari ay sinabi naman ito ng asawa ni Rina :Habang nasa kainitan ng paglalaro ng sakla sa kanilang bahay si Rina ay nagising si Nigel, agad itong umiyak nang makitang wala siyang kasama sa kwarto. May nagsabi naman na isa sa mga kalaro ni Rina sa sakla na gising na raw ang kanyang anak, na sinagot lang ng huli na hindi n'ya anak ang umiiyak na bata. Tinawag niya ang under na asawa ngunit wala ito doon dahil may binili ito.Nagtagal ang pag-iyak ni Nigel dahil walang umaalo dito hanggang sa narinig na lang ni Rina at ng kanyang mga kalaro ang kalabog sa kuwarto kasunod ang malakas na paglahaw ni Nigel, doon pa lang ito tumayo na naiinis pa. Subalit pagpasok ng kwarto ay nataranta s'ya

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 49 – The Untold Story

    Sumama ang mukha ni Nigel. "Aunt, hindi ko hinihingi ang opinyon mo, at sino ka sa tingin mo para panghimasukan ang desisyon ko?" "Aba't...." Hindi akalain ni Rina na sasagutin s'ya nang ganito ng pamangkin. "Tiyahin mo ako!""Maaaring tiyahin ko kayo pero hanggang dugo lang ang pagiging magka-anak natin. Wala kayong nai-ambag sa buhay namin ng mommy ko kaya alamin n'yo sana ang lugar n'yo, kung hindi ay baka mapa-uwi kayo nang maaga.""Nigel..." Inawat ito ni Nathalie sa pag-aalalang baka lumala pa ang sigalot nilang magtiyahin. Kinausap n'ya ito nang mahina. "Tiyahin mo s'ya, hindi mo dapat s'ya pinagsasalitaan nang ganyan."Ngumisi si Nigel. "Heh, tiyahin? I have enough with this woman. Kung alam mo lang ang tunay na pagkatao n'yan.""Pinagbabantaan mo ba ako, ha, Nigel?" Malakas na tanong ni Rina. Sa mga sandaling iyon ay nasa malayo-layo na ito habang pigil-pigil ni Lyka. Hinila n'ya ito kanina dahil tila gusto na nitong sugurin si Nigel. "At anong sinasabi mong wala akong nai

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 48 – Unwelcome Opinion

    Pagpasok ng dalawa sa suite na ibinook sa kanila ni Nigel ay namangha ang mga ito. Dahil ang kanilang suite pang VIP ay mas malaki ito at mas maganda. Meron itong dalawang kuwarto at katamtamang laki ng living room. "Grabe ang laki ng silid na ito hindi ba, lyka? At tingnan mo, ang lambot-lambot ng kama." "Oo nga 'tsang. Tama kayo, napakayaman nga ng napangasawa ng kapatid n'yo. Nakakainggit naman." Ani lyka habang sinisiyasat ang mga gamit sa silid."Diba? Sabi ko sayo e." Biglang nanahimik si Rina. Kanina lang ay may pagmamalaki sa mukha nito, ngunit tila biglang umasim ang mukha nito nang maisip ang magandang kapalaran na dumating kay Rebecca. Bigla siyang nagkaroon ng inggit, hindi n'ya napigilang maikumpara ang naging buhay n'ya sa probinsya sa naging buhay ng kapatid dito sa siyudad. 'Bakit ba hindi pa sa akin dumating ang ganitong ka-gandang kapalaran? Dahil ba mas maganda sa akin si Rebecca?' naikuyom na lamang n'ya ang kanyang mga kamay sa bedsheet ng kama.Natigil ang pagm

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 47 – The Unexpected Trouble (2)

    "Ano ka ba papatayin mo ba kami?!" Galit na sigaw at tanong ng tiyahin ni Nigel. "Anong sabi n'yo kanina? saan n'yo balak tumuloy?" Tanong ni Nigel.Nang makita ng kasama ng kanyang tiyahin ang disposisyon ni Nigel ay nalalaman niyang hindi ito natuwa sa narinig, kaya ito na ang sumagot. "S-sa kumare n'ya..... Meron na kasi'ng nakausap si tsang bago kami lumuwas dito sa Maynila, k-kaya meron na kaming matutuluyan." Sa totoo lang ay takot s'ya kay Nigel dahil talaga namang nakakatakot ang awra nito."Hindi! Hindi na tayo kay mareng Merly tutuloy, bakit pa ako makikipanuluyan sa ibang tao, e kung meron naman akong kamag-anak dito sa Maynila?" Bumaling ang tiyahin kay Nigel at may may-kapangyarihan na nag-utos dito. "Idiretso mo sa inyo ang sasakyan, doon kami tutuloy sa inyo.""No!" Matigas at malakas na sagot ni Nigel.Kinabahan ang babae. "T-tsang...." Umiling-iling ito, ngunit:"Anong no? At bakit ayaw mo kaming patuluyin sa inyo, porke ba sa probinsya kami nanggaling? Aba Nigel

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 46 – Unexpected Trouble

    Magmula nang magkaayos sila Nigel at nathalie ay tila naging mas malapit na ang loob nila sa sila sa isat-isa. Nanunuyo pa lang si Nigel ngunit sa paningin ng mga emplayadong nakakakita sa mga ito ay tila may relasyon na sila. Hindi na rin masyadong naiilang si Nathalie na tila normal na lang ang palagiang pagkikita nila at pagsundo sundo sa kanya ng dating asawa. Minsan nga ay siya pa ang nag-aaya dito para kumain.Samantala, sumama ang reputasyon at napatalsik si Mr. Davis bilang kinatawan ng mga foreign investors nang malaman ng lahat ang kanyang ginawa."Mr. Davis, what's the reason for inviting me over today?" Tanong ni Armando pagdating na pagdating sa isang golf course.Tumigil sa paglalaro ang banyaga at mainit itong tinanggap. "Welcome, Mr. Andeza! Please, have a seat and enjoy some refreshments first."May lumapit na seksing banyagang babae, may pagka daring ang suot nito. Nang pagsilbihan nito si Armando ay yumuko ito nang husto para ipakita ang "assets" nito habang naka

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 45 – Mr. Davis' Embarrassment

    "Here..." Bahagyang nagtaka si eman, ang assistant ni armando nang basta na lang at magaspang na iabot ni Francesca ang may kamahalang shoulder bag nito sa kanya. Basta na lang kasi isinubsob ng banyagang babae ang bag nito sa kanyang dibdib. Magkasama sila ngayon habang ini-escort-an niya ito, dahil s'ya ang natoka para salubungin ito at ihatid ito sa meeting room."Hey, be careful with that. It's a limited edition from Pr*da, and it's worth millions in your currency. If you damage it, your salary for ten years won't even come close to covering the cost."Nang marinig ang sinabi ng babae ay magkahalong kaba at pagkasuya ang naramdaman ni eman. Tumanda na s'ya sa kumpanya ngunit ngayon pa lang may tum'rato nang ganito sa kanya, kahit ang mga business partner ng kanyang amo ay magalang naman sa kanya kahit isa lamang siyang hamak na assistant. Kaya tila hindi n'ya maunawaan kung saang lupalop nanggaling ang walang modo at matapobreng babaeng ito na anak lang naman ng isa sa mga foreig

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 44 – The Sleep Lingerie

    Nagtaka si Lucille nang biglang magmadaling bumaba si Nathalie. Sinundan n'ya ito at inabutan ito kung saan naroon ang kanilang telepono. "Nat, sino ba ang Mr. Davis na yan at madaling-madali ka?" Nanlaki ang mga mata ni Lucille nang may biglang mapagtanto. "Teka nga, huwag mong sabihin sa akin na manliligaw mo yan? Nat, ang tanda na n'yan a! Kung hindi ako nagkamali ay baka ka-edad pa yan ng daddy mo." Lumapit s'ya kay Nathalie na noo'y abala sa pag-contact sa numero ng dayuhan. "Umamin ka nga, sino ba talaga ang Mr. Davis na yan?""Ma, puwede bang mag-relax ka lang d'yan? Hindi ko s'ya manliligaw, no. Itong si Mr. Davis ay ang representative ng mga foreign investors ng kumpanya natin." Sagot ni Nathalie nang hindi nililingon ang ina dahil sa kanyang kaabalahan.Saka lang huminahon si Lucille. "Mabuti naman kung ganun. Hay nako nat, hindi ko yata matatanggap kung may ganyan kang ka-tanda na manliligaw."Samantala, sa kabilang linya:Nang makita ang numero sa residence nila Armando

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 43 – Doubt And Confrontation

    Agad napatayo si Nathalie, agad din'g umani ng pansin ang nangyari sa mga diners. "Nigel!" Agad niyang nilapitan si Nigel at halos yakapin na n'ya ito para lang hindi na ito maka-abante pa. Napagmasdan n'ya ang mukha nito. Salubong ang mga kilay nito at kulimlim din ang mukha. Ngayon lang niya ito nakita na magalit nang ganito."P-pinsan?.... Nigel, a-ano'ng nangyayari dito?" Tanong ng kalalapit lang na pinsan ni Nigel na siyang may-ari ng restaurant. Agad itong natimbrehan ng kanyang waiter na may nangyayaring gulo, ngunit hindi naman nito akalaing sangkot pala ang kanyang pinsan'g minsan lang n'ya makita dahil sa pareho nilang kaabalahan sa buhay.Binalewala na ni Nigel ang hindi-kialang lalaki sa sahig, mabilis niyang dinampot ang paperbag at ang laman niyon, pagkatapos ay sinunggaban niya ang pala-pulsuhan ni Nathalie saka ito hinila palabas ng restaurant.Eksakto nang maka-alis ang dalawa ay bigla namang nag-ring ang cellphone ng lalaki na nasa sahig pa rin hanggang ngayon. Nangi

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 42 – A Sinister Encounter

    "O ikaw pala, iho." Bati ni Armando nang makita ang pagsulpot ni Nigel sa kanyang kumpanya."Good afternoon, tito. Sana ay hindi po nakaka-istorbo sa inyo ang pagpunta ko.""Hindi a! Bakit mo naman nasabi yan? Welcome ka dito anytime.... Siya nga pala, nabanggit ni Nathalie na nanggaling s'ya sa inyo kagabi. Kumusta ang mommy mo?"Naupo muna si Nigel. "She's doing fine. Salamat po.""Minsan nga ay magkaroon tayo ng dinner nang magkakasama, kahit yung simple lang, para lang makapag kamustahan na rin tayo ng personal.""Sounds good, tito. Then I'll wait for your call." Pagsang-ayon ni nigel."Anyway, bakit ka nga pala nandito? May kailangan ka ba? Magsabi ka lang."Tila nahihiya pa si Nigel. "Well, um.... Alam kong hindi ako nakakapagpaalam sa inyo kapag inaaya ko si Nathalie kahit sa mga simpleng dinner lang, pero, pakiramdam ko na since.....um, since nananuyo ako sa kanya, siguro ay tama lang na..... na magpaalam ako sa inyo kapag aayain ko s'ya sa kung saan."Biglang nagkaroon ng k

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status