Share

Chapter 63 – Demand

Author: M.E Rodavlas
last update Last Updated: 2025-05-25 19:14:08

Nang mailabas na ni elaine ang kanyang nararamdamang pagkabigo ay saka lang s'ya natauhan na pinagtitinginan na pala s'ya. Dumukot s'ya ng pera sa kanyang clutch bag at inilapag sa mesa, saka s'ya walang lingon-lingon lumabas.

Sumandal muna s'ya sa isang pader dahil tinalaban na s'ya ng alak at ngayon ay nahihilo na s'ya.

Dinukot n'ya ang kanyang cellphone at tinawagan si Nigel. May sampung beses siyang sumubok ngunit puro voicemail lang ang sumasagot sa kanya. 'Bakit? Bakit hindi ko s'ya ma-contact? Bin'lock kaya n'ya ako, o baka, nagpalit na s'ya ng number?' sunod s'yang tumawag sa abroad. "Hello dear, I just want to confirm if I won't be thrown in jail by anyone here once I exposed myself?"

"Yes, they don't have the right. Besides, doesn't your boyfriend happen to be a top-notch international lawyer?" Sagot ng isang lalaki sa kabilang linya.

"Really? Thank you dear. I finally felt relief."

"No problem, babe. Anything for you."

"Okay, see you."

"Bye, I love you."

"I love you, too."
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
juo
wag Kang Tanga Nigel wag kna ulit mg-pauto,pag ginawa mu yang katangahan mu wla lng mku2hang Gems
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 67 – Cool Off

    "Napakatahimik mo naman, wala ka bang sasabihin? Ni hindi ka man lang nag goodmorning sa 'kin? Ni hindi mo man lang tinanong kung nag-almusal na ba ako." Ani Elaine sa nagmamanehong si Nigel. Hindi umimik si Nigel na wari'y wala itong narinig. Kung alam lang ni Elaine kung gaano nito ka-gusto ang sipain s'ya pababa ng sasakyan, ngunit nalalaman nitong kailangan n'ya itong pakisamahan. "Saan kita ibababa?" "Gusto mo na ba agad akong dispatsahin, ganun ba?" Lumapit si Elaine at hindi inaasahang niyakap nito si Nigel. Muntik na itong sumubsob nang bigla na lang ipreno ni Nigel ang sasakyan.Itinigil muna ni Nigel ang sasakyan. "Ano ba?! Nakikita mo na'ng nagmamaneho ako, diba? Gusto mo bang madisgrasya tayo?" Singhal niya.Natahimik si Elaine at ngumuso na animo'y batang napagalitan. "Sorry na..... Nigel, bakit ba ganyan ka na kasungit sa kin? Naalala ko, ni hindi mo ako pinagtataasan ng boses noon. Laging kang malumanay kapag kinakausap ako, ngayon, konting pagkakamali lang, nakabul

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 66 – The Root Of The Past Sufferings

    Masayang namimili ng susuotin si Elaine. Isinuot n'ya ang pinakamahal na branded n'yang dress na tinernuhan n'ya ng may kakapalang make-up na animo'y makikipagdate. Tila nakaligtaan n'ya kung ano ang talagang pakay ng kanyang katatagpuin sa kanya.Umiindayog ang kanyang balakang habang tinutungo n'ya ang isang VIP suite na kanyang ibinook, dito n'ya pinapunta at pinaghintay ang ka-meeting n'ya. Bago pumasok ay kinuha muna n'ya ang kanyang mamahaling pabango sa kanyang pouch at nag-spray.Pagbukas ng pinto ay dinatnan n'ya ang lalaking na nakatayo sa may bintana. Nangunot ang kanyang noo nang hindi man lang s'ya lingunin nito, tila itong pagkasabik sa kanyang presensya, kabaligtaran n'ya. "Nigel...." May kalakasang tawag n'ya para kunin ang pansin nito.Nang humarap si Nigel ay umiindayog ang kanyang balakang habang nilalapatan n'ya ito. Nang ilalagay na n'ya ang kanyang mga bisig saleeg nito ay itutulak sana s'ya nito palayo nang kaagad n'ya itong balaan. "Kapag pinigilan mo ako, hi

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 65 – Resolution

    Nang magkamalay ay napabilikwas ng bangon si Nathalie. Agad sumariwa sa alaala n'ya ang nangyari kanina nang mawalan s'ya ng malay. Pupunta dapat s'ya sa restroom ng isang gas station nang may bigla na lamang umatake sa kanya sa kanyang likuran. Sinunggaban s'ya nito at kinaladkad sa kung saan habang ang kasama naman nito ay may ipinaamoy sa kanya na kung ano sa isang panyo. Nang mapagmasdan n'ya ang paligid ay napag-alaman n'yang nasa abandonadong lugar s'ya. Takot ang bumalot sa kanya habang nayakap n'ya ang kanyang sarili. Nagkaroon s'ya ng tanong sa kanyang isipan, kidnap for ransom kaya ang dahilan ng pagkakadukot sa kanya? Nang maisip n'ya na maaaring yun nga ang dahilan ay nabawasan kahit paano ang takot na nararamdaman n'ya. Kung iyon nga ang dahilan ay tiyak na makakapag ransom sila, huwag lang sanang makaisip nang hindi nararapat sa kanya ang mga kumidnap sa kanya.Napabalikwas s'ya nang biglang magbukas ang kalawangin at maingay na pinto. May pumasok na dalawang lalaki na

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 64 – Lost

    Biglang sinakal ni Nigel si Elaine. "Talaga bang gusto mo akong maging kriminal, ha Elaine? Talaga bang gusto mo akong piliting pumatay ng tao, ha?" Pumiglas si Elaine at galit na kumawala mula kay Nigel. "Talaga bang hindi mo na ako kayang tanggapin, ha nigel? Bakit parang ang hirap-hirap para sa'yo na gawin ang hinihiling ko? Hindi ba't minahal mo naman ako noon–" "Oo, pero dahil nabulag ako!" Singhal ni Nigel na nagpatahimik sa babae. "Dahil nagkamali ako! Nagkamali ako ng taong minahal. Kung hindi mo ako niloko at nagpakilalang nagligtas sa akin sa sunog, tingin mo ba ay mamahalin kita?" Nanigas si Elaine. Halos malimutan na n'ya ang panloloko at ang pagsisinungaling na ginawa n'ya, pakiramdam tuloy n'ya ay nasampal s'ya. "Kunsabagay, kasalanan ko rin naman e, dahil nagpaloko ako. Ni hindi ko man lang naisip na huwad ka. Alam mo, isa ka sa pagkakamali ng nangyari sa buhay ko. Sana talaga ay hindi na lang kita nakilala, dahil kung hindi dahil sa'yo, hindi ko sana masasaktan a

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 63 – Demand

    Nang mailabas na ni elaine ang kanyang nararamdamang pagkabigo ay saka lang s'ya natauhan na pinagtitinginan na pala s'ya. Dumukot s'ya ng pera sa kanyang clutch bag at inilapag sa mesa, saka s'ya walang lingon-lingon lumabas. Sumandal muna s'ya sa isang pader dahil tinalaban na s'ya ng alak at ngayon ay nahihilo na s'ya.Dinukot n'ya ang kanyang cellphone at tinawagan si Nigel. May sampung beses siyang sumubok ngunit puro voicemail lang ang sumasagot sa kanya. 'Bakit? Bakit hindi ko s'ya ma-contact? Bin'lock kaya n'ya ako, o baka, nagpalit na s'ya ng number?' sunod s'yang tumawag sa abroad. "Hello dear, I just want to confirm if I won't be thrown in jail by anyone here once I exposed myself?""Yes, they don't have the right. Besides, doesn't your boyfriend happen to be a top-notch international lawyer?" Sagot ng isang lalaki sa kabilang linya."Really? Thank you dear. I finally felt relief.""No problem, babe. Anything for you.""Okay, see you.""Bye, I love you.""I love you, too."

  • The Regretted Ex-Husband: Wife, Please Give Me A Chance    Chapter 62 – Jealousy-Fueled Anger

    "Masaya ka ba?" Tanong ni Nigel. Ka-holding hands nito si Nathalie habang naglalakad-lakad sila sa isang leisure park.Tumakas lamang sila sa kani-kanilang responsibilidad sa kumpanya para lamang magkita at mamasyal. "Oo, naman. Pero alam mo, hindi ko alam kung manghihinayang ba ako o ano. Oo, inaamin ko nung una ay parang asiwa akong tanggapin si lyka at ang ipinagbubuntis n'ya, pero naisip ko, anak ni kuya yun e. Saka wala namang kasalanan yung bata kung nabuo man s'ya dahil sa masamang hangarin ng nanay n'ya. Pero, yun nga...... hindi naman pala totoo. Wala lang, kung kailan natanggap ko na ang lahat ay saka naman namin malalaman na......""Nat...." Tumigil sa paglalakad si Nigel at ngumiti sa nobya. "Nanghihinayang ka rin ba dahil wala na'ng mangyayaring kasalan? Alam mo, puwede naman natin ituloy yun e.""Ha? Anong...."Magtatanong pa lang si Nathalie nang biglang lumuhod si Nigel. Mula sa kanyang bulsa ay dinukot n'ya ang isang kahon ng singsing. "Alam kong mabibigla ka kapag g

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status