Share

VENGEANCE

Lubos na na-insulto si Max sa mga sinabi ng dalaga sa kanya, ngunit bigla niyang napansin ang ganda nito at ang perpektong hubog ng katawan niyon na talaga namang kitang-kita sa suot nitong fitted pink dress. Diretso niya itong tinignan sa mga mata saka hinawakan sa magkabilang balikat. “You know what? You’re actually beautiful. And cute. Bukod pa roon ay marunong ka ring lumaban. That’s the kind of girl I want. Someone who looks so innocent, but knows how to fight.”

"W-What? Why are you talking to that woman, babe?!"

Kaagad namang hinawi ni Amber ang kamay ni Max mula sa balikat niya saka tinignan ito. “Isa pang hawak mo sa akin at sisiguraduhin kong didiretso ka sa kulungan.”

“H-Hey! Don’t you dare hit my babe like that!” sigaw naman sa kanya ni Hannah.

Nilingon siya ni Amber at walang anu-ano niya itong sinampal, dahilan upang halos mangudngod na ito sa sahig, Mabuti na lamang at kaagad siyang nahawakan ng bago niyang kasintahang si Max.

“Akala mo ba hindi ko alam ang mga pinagagawa mo sa kuya ko? Binigay niya sa’yo ang lahat, pero ni hindi mo man lang na-appreciate iyon dahil mukha kang pera. Sayang nga e, may regalo pa naman sana kami para sa’yo. Gusto mong makita?”

Sa pamamagitan lamang ng kumpas niya ay nagmamadaling lumapit sa kanila ang mga lalaking nakasuot ng mga itim na suit dala ang iba’t ibang klase ng mga mamahaling bag.

“Heto nga pala ang mga ireregalo sana namin sa’yo. Mula pa ang mga iyan sa iba’t ibang bansa at lahat iyan ay galing sa mamahaling brands. Kaya lang, wala na naman kayo ng kuya ko, kaya naman wala na ring halaga ang mga iyan. Tingin ninyo, ano kayang magandang gawin? Ah! Alam ko na!”

Muli niyang ikinumpas ang kamay niya at may mga lalaki namang naglabas ng isang metal fire pit saka iyon inilapag sa harapan nilang lahat. Bakas ang pagtataka sa mga mukha nina Hannah at Max, ngunit mas lalo pa silang nagulat nang bigla na lamang inihagis ni Amber isa-isa ang mga bag sa fire pit na iyon.

“Hayan, wala na ring pabigat sa kotse. Oo ng apala, magkano nga ulit ang bili niyo sa maliit ninyong kotse? 100 thousand? 500? Alam niyo ba na ang halaga ng SUV na iyon ay 7 million dollars? Siyempre, malamang hindi ninyo alam. I don’t think afford niyo ring bumili ng ganoon kamahal na kotse.”

Hindi na nagawa pang magsalita pa ni Hannah at ng kasintahan niya, dahilan upang matawa na lamang si Amber saka inilabas ang bank card niya. “At ito, allowance ko lang ito for one week. Want to know how much do I have here? 10 million dollars lang naman.”

Matapos sabihin ang lahat ng iyon ay sumakay na silang dalawa ni Luke sa SUV saka umalis. Naiwan namang nakanganga sina Hannah at Max na ngayon ay wala nang kotse na masasakyan pauwi.

Mapaklang tumawa si Hannah. “Napakayabang ng babaeng ‘yon. Expensive bags at 10 million dollars cash sa bank card? Kalokohan! For sure lahat naman ng mga bag na sinunog niya ay fake! Pati na rin iyong perang ipinakita niya, malamang sa malamang inutang lang nila iyon mula sa isang loan shark.”

Sa kabilang banda, napagdesisyunan naman ni Luke na dumaan sa kompanya nila upang mag-file ng resignation letter sa kanilang boss. Nang malaman kasi niyang ang vice-manager ng kompanya nila ang bagong boyfriend ng ex-wife niya ay nawalan na siya ng gana na mag-trabaho para rito.

“Oh, nandito ka pala, Luke. Bakit hindi ka naka-uniform?” tanong sa akin ni Daniel, isa sa mga ka-trabaho ko.

“Magr-resign na ako.” Tipid niyang tugon dito.

Bigla namang dumating ang isang grupo ng mga ka-trabaho niya rin. Narinig niya pang nag-tawanan ang mga ito. “Magr-resign? Sure ka riyan? E hindi ba’t dito ka na lamang kumukuha ng panggastos mo sa araw-araw?”

“Don’t tell me aasa ka nalang sa isa mo pang trabaho? Hindi ba’t isa ka ring part-time delivery boy?”

“Delivery boy? Ano bang mabibili mo sa suweldo mo roon? Mas Mabuti pa ngang mamalimos ka nalang!” dagdag pa ng isa.

Nagpatuloy lamang sa pambubuska ang mga ka-trabaho niya, hanggang sa bigla na lamang dumating ang isang maganda at matangkad na babae suot ang isang itim na pencil cut skirt at puting blouse na pinatungan ng isang black coat. Sa hitsura pa lamang nito ay mababakas mo na ang taglay niyang katalinuhan. “Anong ginagawa ninyo kay Luke?!”

“Miss Lauren.”

Kaagad na nag-yukuan ang mga empleyado nang makita ang babae. Naglakad siya palapit sa kanila.

“Hindi ba’t oras ng trabaho ngayon? Bakit nandito kayo ngayon? Ganyan ba ang ginagawa ninyo kapag hindi ako nakatingin? Gusto niyo bang tanggalin ko kayong lahat?! Isa pa, kung pagtawanan ninyo si Luke akala niyo napakagagaling niyo. Ikaw Marie, kahapon lang nawalan tayo ng isang investor dahil sa mali mong mga sinabi. At ikaw naman, Dominic, ni hindi mo pa naipapasa ang presentation na ipinagagawa ko sa’yo, hindi ba? Parati ka na lamang ganyan. Mas inuuna pa ninyong lahat ang pangmamaliit sa mga ka-trabaho ninyo kaysa gawin ang mga trabaho ninyo!” sunud-sunod niyang sigaw sa mga ka-trabaho ni Luke.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status