Share

Kabanata 6

"Huwag mo akong iwan, Darson!" Walang kapaguran ang paghagulgol at pagmamakaawa ni Celeste sa kanyang asawa.

Tila'y pinipiga ang puso niya ng paulit-ulit sa sakit, habang hindi siya hinahayaang makasakay sa loob ng sasakyan nito.

Literal na iiwan ni Darson si Celeste ngayon sa isang napakadilim na kalsada. Walang katao-tao, walang ibang sasakyan ang napapadaan, walang kahit anong liwanag bukod sa sinag ng buwan, pagkikislapan ng mga bituin sa kalangitan, at ang ilaw na nagmumula sa sasakyan ni Darson.

"P-Pakiusap, mahal ko!" Niyakap ni Celeste ang matigas na baywang ni Darson at pilit na binabaon ang kanyang mukha sa dibdib nito. "Maniwala ka, hindi ko tinulak si Chiarra! H-Hindi ko siya sinaktan! Siya ang may kagagawan no'n, m-maniwala ka sa ‘kin, please, Darson!"

"Shut the fuck up, Celeste!" Bulalas ni Darson at pinagtulakan siya.

"D-Darson!" Pinilit niyang dumikit sa katawan nito, animo linta na makapit sa katawan ng asawa, ayaw magpakuha. Subalit sa lakas ng lalaki ay wala siyang naging palag!

Kaagad siyang tumilapon sa malamig na semento ng kalsada. Mas napahagulgol siya at may pagmamakaawa parin itong tiningala.

"Mahal ko! P-Pakiusap, maniwala ka sa'kin!" Lumuhod siya at nagkakandarapang yumakap sa mga binti ni Darson.

Madilim man ay aninag na aninag niya ang galit na galit na mukha ni Darson. Sa talim ng paraan ng pagtitig nito sa kanya, ay magagawa na nito siyang kitilan ng buhay.

Sa nakikitang iyon ay mas lalong nadudurog ang puso niya. Pakiramdam niya'y wala na siyang pag-asa na pakinggan ng asawa!

"For five years, Celeste! Limang taon tayong nagsama just because of this arranged marriage between our families! I tried. I really tried to be a good husband, but you're such a disgrace! Ni hindi ka mabuntis!" Buwelta pa niya sa sobrang pagkagalit. "Sinabi mo pang tanggap mo ang relasyon namin ni Chiarra! Pero anong ginawa mo?! Ha?! Nandoon siya ngayon sa hospital dahil pinahamak mo siya at ang magiging anak namin!!"

Napaiyak siya ng malakas at sunod-sunod na umiling-iling. "T-That was her doing! I-I'm sorry, I'm sorry, Darson… please forgive me… but believe me, I-I didn't hurt her! She pushed herself! She jumped—"

"Fuck off, Celeste! Bobo ba ang tingin mo sa ‘kin?!" Muli siyang pinagtulakan at sinipa ng asawa dahilan ng pagtilapon niya sa semento. "Simula nang ikasal tayo, wala ng nangyaring maganda sa buhay ko! Wala kang binigay kundi puro kamasalan! Ikaw at ang pamilya mo ay mga malas! Lintek na mga Costa! Ano bang klaseng karma ang natanggap niyo at dinamay niyo pa kami?!"

Wala na siyang makita kundi sariling mga luha. “D-Darson…"

"This stupid marriage is over, Celeste." Nakita niya ang pagkuha nito ng kapiraso ng papel sa loob ng sasakyan, para lamang punitin iyon sa harapan niya sa kaliliit na piraso!

Nanlaki ang mga mata niya at hindi makapaniwala siyang tiningala. "N-No, our marriage certificate… no, no!!"

Dinampot niya ang mga kapiraso ng papel, nanginginig iyon inipon at pinasok sa bulsa ng kanyang suot na mahabang puting bestida.

“Dapat noon pa ako nakinig sa mga magulang ko. Dapat matagal na kitang hiniwalayan. Hinding-hindi ka na makakatapak pa sa mansyon ng mga Allegra, Celeste! Wala akong pakialam kung magamit ko lahat ng koneksyon ko mahiwalayan lang kita ngayon mismo!!”

Pinilit niyang bumangon, itayo ang sarili, at muling niyakap ng sobrang higpit ang asawa! "H-Huwag mo 'kong iwan, Darson! I promise hindi na mauulit ‘to! I promise hinding-hindi na ako lalapit kay Chiarra! Pagsisilbihan ko kayong dalawa--lahat gagawin ko! N-Nakikiusap ako, huwag mo lang akong iwan, asawa ko!"

"Ha!" Narinig niya ang sarkastiko niyang pagtawa. "Oh please! You're immature, jealous, and the most disappointing woman I've ever met! Ano sa tingin mo’t kaya mong magbago sa oras na patawarin kita sa ginawa mo?"

"H-Hindi, hindi!! Pangako pipigilan ko nang magselos kay Chiarra, w-we can even switch places, kahit ako na lang ang gawin mong kabit-–" bago pa niya matapos ang sinasabi niya ay malakas nang sumampal ang matigas na palad ni Darson sa kanyang pisngi.

Nanigas siya sa kinatatayuan kasabay ng pagtagilid ng kanyang ulo. Nanginginig ang isa niyang kamay na napahawak sa dugong lumabas sa kanyang ilong. Ganoon na lang ang hilo at sandaling pandidilim na naramdaman niya.

"You're nothing like a proper wife at all, Celeste. If you truly are, would you even stomach saying things like this?" Nanggagalaiti pang saad ni Darson.

Nanghihina siyang napaiyak. "A-Ano bang gusto mong gawin ko, Darson? Chiarra is your mistress, but you treated her like a treasure in front of me, your wife! Ayaw mo na kaselosan ko siya, pero ayaw mo ring maging martyr ako—lunukin lahat ng sakit habang naririnig kong nagse-sex kayo tuwing nasa kwarto ka niya?! Ano bang gusto mong gawin ko, Darson?!"

Halos ipagsigawan niya ang sakit na nararamdaman niya. Ang lahat ng bagay na tiniis niya simula nang dumating sa buhay nila ang kabit niyang 'yon!

Pakiramdam niya, kahit anong gawin niya, pagsasakripisyo o pakikipaglaban sa nararamdaman niya para sa minamahal ay siyang paring ikagagalit lang nito.

Hindi niya malaman kung bakit ito biglang nagbago. Wala na siyang maramdaman ni katiting na pagmamahal mula kay Darson, kahit ano pa mang tanggi niya sa sarili sa katotohanang iyon. Hindi na nga siya mahal ni Darson...

Pilit niyang pinunasan ang umaagos niyang mga luha. Kahit anong pigil niya sa mga iyon ay hindi sila sumusunod sa gusto niyang mangyari. Nagsisimula na rin siyang mahirapang huminga, na para bang may batong nakabara sa kanyang lalamunan.

Sobrang bigat sa kanyang dibdib. Nanlalambot ang buong kanyang katawan, subalit masyado itong naninigas at pinanlalamigan sa kinatatayuan para bumagsak sa lupa. Sa sandaling ito ay kinakalaban niya pati ang sarili niya.

"Wala ka nang magagawa, Celeste." Pagdedeklara ni Darson, seryosong-seryoso ang boses. "Everything is useless now. You tried to kill both my woman and my unborn child. I will never forgive you for that. You deserved to be abandoned, Celeste. Masuwerte ka at ito lang ang gagawin ko sa'yo sa kabila ng ginawa mo sa amin ni Chiarra."

Napigil niya ang kanyang hininga. "D-Darson?" akma niyang hahawakan ang kamay ng asawa nang tabigin nito iyon.

"I just hope I will never get to see your face ever again. You brought nothing to my family, so you're going to leave us with nothing as well." Walang puso nito siyang tiningnan ng masama bago tinalikuran upang magtungo sa sasakyan. "Find your way home to the ruined Costa. That is where you belong, and let's not cross paths again, or I'll let you face dire consequences."

Bumilis ang paghinga niya at hinihingal niyang hinabol si Darson. Subalit sa bilis ng pagkakasakay nito sa sasakyan ay wala siyang nagawa kundi desperadong kumatok nang kumatok sa bintana.

"Darson! P-Please, don't leave me!! Darson please, natatakot ako!" Nabuhay ang makina ng sasakyan at mas lalong bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. "D-Darson, hindi ko kayang mag-isa!! Pakiusap huwag mo 'kong ganituhin! N-Natatakot ako rito!! Darson!!"

Umandar ang sasakyan, kaya't tinangka niyang humarang sa daraan nito sa sobrang pagkadesperada! Subalit hindi niya inaasahang aatras ang sasakyan ng sobrang bilis at lumihis ang andar nito patungo sa kabilang panig ng kalsada!

"Aaaahhh!!!" Napasigaw siya sa sobrang takot at paghihinagpis!

Kusang gumalaw ang kanyang mga binti para habulin ang sasakyan! Ngunit wala siyang magawa nang makita niya ang unti-unting pagkawala nito sa kanyang paningin.

Sa pagkawala ng ilaw ng sasakyan, ay binalot ng labis na kadiliman ang buong kalsada. Nanginig siya sa takot at sakit na naramdaman. Ang mundo niya'y biglang gumuho.

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Fatima
ang ganda unlock pls
goodnovel comment avatar
Angela Alagon Go
bakit Po putol na man Ang story sana my karurtong namn Ang mabasa ko nabebetin e
goodnovel comment avatar
Llecu Hatig
kawawa ang babae iniwan sa kawalan dapat umalis na lang.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status