Share

Kabanata 4

“Napakasarap, daddy!” tuwang-tuwang sigaw ni Chiarra, puri nang puri sa pagkaing sinusubo ni Darson sa kanya.

Magkatabi ang mga ito sa lamesa, habang si Celeste ay nasa harapan nila, kung kaya't kitang-kita niya ang bawat galaw ng dalawa.

Kung mailalarawan iyon ni Celeste, ay tila isang sea lion si Chiarra ngayon. Ang ingay-ingay ng tawa at panay palakpak habang ito'y binibigyan ng pagkain ng isang trainer na si Darson.

Hindi maiwasang husgahan ni Celeste ang babae dahil sa pagiging ignorante nito. Hindi ito marunong kumain ng maayos. Hindi nito alam kung anong gagamiting kagamitan sa pagkain ng lobster. Kalat-kalat at napakadungis.

Wala itong proper etiquette sa harap ng hapagkainan. Sino bang magdadaldal nang may laman ang bibig? Nakakadiri din ang mga sauce na nagkalat sa gilid ng labi at pisngi nito.

Kung ito pa'y nasa harapan ng mommy niya, paniguradong nasampal na ito ngayon. Dahil ganoon din siya pinalaki. Tamang pag-uugali sa harapan ng pagkain, lalo na kung may mga kasabay kang kumain, bilang pagbibigay respeto na rin.

“Do you like it?” may ngiti sa mga labi na tanong ni Darson kay Chiarra. Ang kinang ay nagkikisalapan sa mga mata nito habang nakatingin sa kabit.

“Oo naman, daddy! Ang sarap-sarap nga, eh! Neber pa ‘kong nakatikim neto. Parang luto ng isang chef! Sarap-sarap.”

He chuckled. "Then I'll feed you more.”

“Ay, baka maubusan ko si ate Celeste! Okay na sa ‘kin ‘to. Bigay ka naman kay ate.”

Nahinto sa panghuhusga sa isipan niya si Celeste nang marinig ang pangalan. May umaasang mga mata siyang bumaling ng paningin kay Darson.

Subalit simula nang pumasok siya rito sa dining room ay hindi pa siya binalingan ng pansin ng asawa hanggang sa pagkakataong ito. Patuloy ang pang-babalewala nito sa presensya niya. Marahil ay galit parin ito sa kanya dahil sa nangyari noon.

“Don’t mind her; mag-focus ka lang sa pagkain mo. You're also feeding our baby with this, you know.”

“Ah? Gano'n… Okay lang na ako lang ang makaubos nito?” may alinlangan si Chiarra na bumaling pa ng tingin kay Priscilla. “Auntie, kayo po ba? Baka gusto niyo ng labster?”

Kumapara sa masamang mood ni Priscilla sa tuwing kaharapan si Celeste, ngayong kaharap naman nito si Chiarra ay para itong isang santo.

“Iha, alalahanin mo ang sarili mong sikmura. Kumain ka lang nang kumain, huwag mong intindihin ang mga tao rito kundi ang sanggol diyan sa sinapupunan mo.”

Lumawak ang magandang ngiti sa labi ni Chiarra. “Maraming salamat po, auntie!”

Sa katapat na upuan ay napayuko na lamang si Celeste sa kanyang pagkain. Kahit nawawalan ng ganang magpatuloy, sinunod parin niya ang pag-uugali na ubusin ang pagkaing nasa kanyang plato.

Naririnig niya ang mga tawanan at lambingan ng tatlo, habang siya ay nilalamon ng dilim. Paulit-ulit na pinapatay ang puso niya—hinihiling na lang na sana ay maging manhid na ito ng tuluyan upang walang maramdaman.

Nang matapos kumain ay bahagya siyang nakahinga ng maluwag, dali-daling umalis sa dining room. Subalit hindi naman siya nilubayan ni Chiarra.

“Ate!” makapal ang mukha nito para yakapin ang braso niya na para bang close silang dalawa.

Si Chiarra ay ilang pulgada ang liit sa kanya. Hanggang tainga niya lang ang ulo nito. Talagang nagmumukha silang mag-'sisters’ nito, lalo pa't linta kung makadikit din sa kanya.

“Masaya ako na lumabas ka rin ng kwarto mo. Hindi mo na rin kailangan humingi ng sorry dahil matagal na kitang pinatawad. Hindi naman kasi naapektuhan ang baby sa tiyan ko kaya kakalimutan ko na lang ang ginawa mong pagtulak sa akin.” may mababang boses pa nitong sabi.

Nalukot ng husto ang mukha ni Celeste sa mga narinig. Marahas niyang hinila ang kanang braso niya na hawak nito sa pagkainis upang sana'y bawiin at layasan ito.

“Ouch!” Umakto na namang parang tinulak si Chiarra dahil sa ginawa niya, akmang magpapatihulog sa sahig nang masalo ito ni Darson na kanina'y nakasunod lang sa likuran nito. “D-Daddy,”

“Celeste!” pagalit na bulyaw ni Darson sa kaniya.

Napugto ang hininga niya, may naluluhang mga matang tiningala si Darson. “H-Hindi ko sadya… I'm sorry.”

“Can you please stop being aggressive?” naririndi pa nitong dagdag. “Hindi ka naman ganito, ah? Bakit ang bayolente mo na?! Hindi pa ba sapat ang ginawa mo kay Chiarra last time?”

May nagbara sa lalamunan niya at agad siyang napipilan. Sapat? Hindi, hindi sasapat ‘yon dahil unang-una, hindi naman niya tinulak si Chiarra!

“H-Hindi ko na uulitin…” Alam niyang mas lalong magagalit si Darson kung itatanggi niya ang nangyari. Hindi na nga nito hiningi pa ang paliwanag niya una pa lang at nasapal pa siya. Paano na lang kaya ngayon kung mangangatwiran pa siya?

“Tami, dalhin mo sa kwarto si Chiarra para makapagpahinga. I'll just have to talk to Celeste for a minute.” Tinawag ni Darson ang katulong na babae na siyang ka-close na ni Chiarra.

“Yes po, sir!” Agad namang inalalayan ng katulong ang kabit paakyat sa hadanan.

Hindi naman malaki ang tiyan ni Chiarra, pero kung makaalalay akala mo'y nine months nang buntis.

“Darson?” Kuryoso siyang tumuon sa asawa.

“Bukas ay papasok na ulit ako sa trabaho. Alam mo na kung anong gagawin mo. Lahat ng pangangailangan ni Chiarra dito sa loob ay simulan mo nang ibigay.”

“Gaano ba kalaki ang dapat kong gastusin sa kanya—”

“Don't limit her. Just make sure she has everything she needs during her pregnancy.”

Napapalunok siyang tumango. “Ako na'ng bahala.”

"And I'll have a guard placed under her so you won't hurt her anymore.”

Lihim niyang kinuyom ang kamao sa kanyang likuran. “Hindi ko naman siya sasaktan, Darson. Ang personal na guwardiya ay hindi naman na kinakailangan.”

“Tsk! Syempre, natural lang na magselos ka. At ngayon-ngayon pa lang nakikita ko na kung saan aabot ‘yang pagiging selosa mo. Mas okay nang mag-ingat kaysa magsisi.”

“G-Ganiyan ba talaga ang tingin mo sa ‘kin, Darson?” nasasaktang tanong niya sa asawa. “Ako ba? Hindi mo ba naiisip kung gaano ako nasasaktan ngayon dahil sa babae mo? Dahil kay Chiarra? Gano'n na lang ba ang halaga ng babaeng ‘yon kaysa sa ‘kin na nakasama mo pagkabata at asawa mo ngayon?”

Tumaas ang sulok ng labi ni Darson, puno ng pagiging sarkastiko. “Hindi ba ikaw itong ayaw umalis? Ikaw ‘tong ayaw maiwan? Ikaw ‘tong may gusto na masaktan? Bakit mo ngayon tinatanong ang mga bagay na ‘yan?”

Muli siyang napipilan. Ilang sandali pa bago siya nakapagsalita. “P-Pasensya na…”

“Tsk! I don't want to hear any more about your sulking. Nakakasira lang ng araw.” akma siyang aalisan ni Darson nang pigilan niya ito.

Hinawakan niya ang braso ni Darson at may nakikiusap na mga matang tiningala ito. “Puwede bang sa akin ka matulog ngayong gabi? Nami-miss na kasi kita… dalawang linggo rin tayong hindi nagkasama… kaya p-puwede bang sa akin ka naman?”

Marahas na inalis ni Darson ang pagkakahawak ng kamay niya sa braso nito. “Chiarra needs me more since pregnancy makes her sensitive.”

Natigilan siya. Kaagad na bumagsak ang kanyang balikat, nanlulumong napayuko. “Naiintindihan ko. Kung siguro kaya ko lang magbuntis, hindi magbabago ang nararamdaman mo para sa ‘kin. Siguro'y maganda parin ang trato mo sa ‘kin at—”

“Enough.” halos magdikit ang dalawang kilay ni Darson sa labis na inis. “This is why I'm losing interest in you. What did I even see in you to love you in the first place? Such a nuisance!”

“S-Sorry—” Bago pa siya makahingi ng paumanhin ay nilayasan na siya ng asawa.

Hindi niya sinasadyang magdrama na naman. HIndi niya alam kung bakit hindi niya mapigilan ang sarili na maglabas ng saloobin. Muli na naman siyang nagalit sa sarili dahil diyon.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
mariamakiling
Ai grbeh hahha
goodnovel comment avatar
alee
hiwalayan mo yang Asawa mong Gago Celeste bwesit
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status