Napatingala si Celeste sa harap ng isang napakalaking mansyon. Napakaliwanag, kumikinang ang mga ilaw at disenyo ng lugar na balot ng ginto. Bagamat galing siya sa marangyang pamilya at bilyonaryo ang napangasawa, hindi kasinglaki ng mansyon na ito ang kanilang tahanan. Ito ay animo binuhos ang lahat ng yaman ng pamilya para lang sa mansyon. Hindi siya makapaniwala na rito nakatira ang lalaking kanina'y nasa kritikal na kalagayan. Hindi niya tuloy maiwasang magkaroon ng kuryosidad kung bakit naroon naghihingalo ang lalaking iyon sa lugar kung saan siya iniwan ni Darson.Kuryoso rin siya kung bakit tila'y isang batalyon ng mga gwardiya ang nakikita niyang nagkakagulo ngayon sa paligid."Pasensya na sa magulong pangyayari, Miss," saad ng isang lalaki sa kanya nang makalapit sa kinatatayuan niya ngayon sa sulok ng pintuan."Ikaw ba si Diego?" tanong niya na puno ng kuryosidad.Tumango ang lalaki. Seryoso ang mukha nito na nakatingin kay Celeste nang may matatalas na mga mata, animo'y in
“Teka lang, bakit bawal akong lumabas?” takang tanong ni Celeste nang isang linggo na siyang nakakulong sa mansyon ng estrangherong lalaking kanyang niligtas.“Iyon ang ibinilin ni Diego bago siya umalis, kaya pasensya na at hindi ka namin maaaring pahintulutan na lumabas ng mansyon hanggat hindi siya bumabalik. Kung may kinakailangan kayo, pwede niyo ‘yong ipag-alam at ipag-utos sa amin.”May paggalang man siyang kinausap ng lalaking guwardiya sa gate ng malaking mansyon ay puno ang boses niyon ng determinasyon na hindi siya papayagang makalabas.“Hindi ko maintindihan.” nagsalubong ang mga kilay ni Celeste. “At least, bigyan niyo naman ako ng matinong rason kung bakit hindi ako puwedeng lumabas?”Ang matipunong lalaki ay tumango. “Iyon ay dahil hindi pa gumigising si Boss. Hanggat hindi pa nakukumpleto ang imbestigasyon namin sa nangyari, hindi ka namin pwedeng pakawalan.”“Sir, nasabi ko na lahat ng nangyari, kaya bakit sangkot parin ako?”“Pasensya na talaga. May dahilan ba kung b
Palaging naririnig ni Celeste ang mga usapan patungkol sa isang Primo Semion Lombardi noon tuwing dumadalo siya sa mga okasyon.Ang lalaking iyon ang palaging bukang-bibig noon ng mga babae niyang kaibigan, na hindi naman niya masabayan dahil siya ay nakatali na kay Darson.Bukod sa nanggaling sa napakarangyang pamilya ng lalaki na si Semion, ay tinataglay nito ang alindog na sinumang kababaihan ang mahahalina.Kung kaya't batid ng lahat na iba't-ibang mga babae ang nakakasama nito sa kama gabi-gabi, ngunit wala pang ni isa ang nakitang kasa-kasama nito sa totoong buhay. Lumalabas na ito ay playboy at ginagawang plaything ang mga kababaihan na animo'y mga walang kuwentang laruan.Nang marinig niya iyon sa isa niyang kaibigan na si Loren, na noo'y may karanasan na kay Semion, ay nawalan na kaagad siya ng gana na makinig. Dahil para sa kanya, ang mga lalaki ay dapat na magbigay ng respeto sa mga babae.Mayroon na rin siya minsan na interaksyon sa lalaki kagaya ng simpleng pagbati at kas
Semion was stunned when Celeste just wanted to go home without asking him for anything in exchange for saving his life.Halata namang mayaman siya, kitang-kita pa lang sa mansyon niya. Kaya bakit hindi kumuha ng oportunidad ang babae na humingi sa kanya ng kung ano-anong mga materyal na bagay.“Are you sure that's all you wanted?” naniniguro at seryoso niya pang tanong. “Mas mababa pa sa mababa ang gusto mo. My life is worth another mansion, nice cars, and dollars. Just name your reward.”“Hindi ko kailangan ng mga iyon. Gusto ko lang umuwi at magpahatid dahil hindi ko alam kung nasaan na ako. Isang linggo na akong nawala at mayroong naghahanap sa akin.”What the heck? Matagal na napaisip si Semion, kung mayaman din ba ang babae para tanggihan ang mga alok niya. Subalit kung mayaman ito, dapat lang din na mas garapal pa ito, kaysa sa mahirap at humingi sa kanya ng malaking halaga o teritoryo.“Where exactly do you want to go home?” masusi niya pang tanong. “Sa asawa mo? I thought you'
“How dare you come back here?!” galit na bulalas ni Darson kay Celeste.Nanatili sa malamig at maruming semento si Celeste dahil sa lakas ng pagkakasampal sa kanya.Nanginginig ang buong katawan niya sa matinding takot na naramdaman para sa asawa. Hindi pa man siya nagtatanong o nakikiusap na bumalik ay ganito na agad ang naging bungad nito sa hindi niya inaasahan.“Ang kapal talaga ng mukha!” rinig niyang singhal ni Priscilla na siyang kalalabas lang din ng gate. “Wala ka na ba talagang natitirang kahihiyan diyan sa sarili mo, Celeste? Ano pa't naisipan mong bumalik dito matapos mong saktan si Chiarra?!”“Sinabi ko na sa'yo, Celeste na ‘wag na ‘wag ka nang magpapakita sa harapan ko ulit! Wala ba talagang kasing tigas ‘yang mukha mo at nandito ka na naman?! Hiwalay na tayong dalawa! Gusto mo pa bang ipalandakan ko ‘yon at ipahiya ka?!”Bumaon ang mga mahahaba niyang kuko sa kanyang mga palad. Pinamumulahan man ng mga mata ay walang luha ang tumulo. Sinikap niyang ibangon ang sarili mu
“You…” natatauhang naibaba ni Darson ang kanyang baril. “Primo Semion Lombardi?! W-What…”Walang panahon si Semion na intindihin ang lalaking Allegra, nang makitang nahihirapan nang huminga si Celeste ay kinuha niya ang kanang braso nito at hinila ito papatayo.Naramdaman niya ang panghihina at panlalambot ng babae na para bang papel lamang sa hangin. Hinawakan niya ang baywang nito at bahagyang sinandal sa katawan niya upang maayos na maalalayan.“A-Anna… nasaan ka… Anna?” Puno ng panghihina at hikbing rinig niyang usal ni Celeste sa kanyang bisig.Hindi niya inaalis ang pagkakatutok ng baril kay Darson sa ‘di kalayuang distansya. Ganoon na lang ang panlilisik ng kanyang mga mata sa lalaki.“Where is she? That Anna?” seryoso niyang tanong kay Darson.Sa sandaling iyon ay kitang-kita niya ang pagkagulo at taranta sa itsura ng lalaki. Marahil ay nagtataka ito kung bakit siya naririto ngayon at nangingialam sa mga nangyayari. But hey, he couldn't care less.“Tell me now.” dumikit at bah
“A-Anna, I'm sorry… patawarin mo ‘ko, Anna…” Sa madilim at maruming lugar ay mga hagulgol lamang ni Celeste ang maririnig. “K-Kasalanan kong lahat, sana nakinig na ako sa'yo una pa lang… patawarin mo ‘ko, pleasee… huwag mo akong iwan, Anna… hindi ko kaya mag-isa… ‘wag mo ‘kong iwan…hindi ko matatanggap! Aaahh!!”Ilang oras na ang lumipas na hindi magawang lapitan ni Celeste ang bangkay ng kanyang tapat na katulong, ang taong naging tunay niyang kaibigan at nagbibigay sa kanya ng comfort sa tuwing siya'y nalulungkot.Ito na nga lang ang huling tao niyang kinapitan. Ang huling tao na sana'y kasa-kasama niya pa ngayon sa paglisan sa pamilyang Allegra.Ngunit ang naabutan niya ay isang malamig at matigas na bangkay ng babae. Kahit hindi tinatanggap ng kanyang sistema, alam niya sa sariling si Anna iyon.“Anna!! ‘Wag mong gawin sa ‘kin ‘to!! N-Nakikiusap ako… bakit niyo ba ako laging iniiwan?! L-Lahat na lang… anong kasalanan ‘ko… b-bakit ako… Anna!” nanginginig ang mga kamay niya na hindi
“Boss, mag-iisang buwan nang hindi bumabangon si Miss Celeste. Hahayaan na lang ba natin siyang gano'n?” nag-aalalang tanong ni Diego.Samantalang abala parin si Semion sa kababasa ng mga dokumentong pinasa ni Diego tungkol sa mga Allegra at Costa.“Just let her be.” komportable niyang pinatong ang dalawang binti sa lamesa at sinandal ang likod sa malaki niyang upuan. “Wala kang magagawa sa taong nagluluksa. She’ll get up once she's ready.”“Hindi ba tayo nagsasayang ng oras niyan? Sigurado ka ba boss na sasang-ayon lahat sa plano mo? Naayos na natin lahat ng mga papeles, siya na lang hinihintay.”“Stop worrying, Diego. Hindi tayo nagmamadali. It takes time to heal, just like these freaking scars all over my body.” napalabi si Semion. “Besides, she has lost everything now; it will be very difficult to process all of it.”“Okay, boss.”“Basta ba't ‘wag niyo lang kalilimutan na i-check ang lagay niya maya't-maya. Incase piliin niyang magpakamatay, then our hard work will just get wasted