Share

Kabanata 5

Sa nakalipas na ilang linggo ay tumuon si Celeste sa pag-aayos ng lahat ng mga pangangailangan ni Chiarra sa mansyon.

Hindi niya nilimitahan ang pagbibigay dito ng mga bagong mamahaling damit, accessories, at lahat ng pangangailangan ng isang buntis. Naglaan na rin siya ng budget para sa kabit, na mas mataas pa ang halaga kaysa sa kanya.

Siya rin ang nanguna sa pagrerenovate ng kuwartong pinili ni Chiarra batay sa naisin nito. Habang si Darson naman ay naging abala na pagtatrabaho, na isa hanggang tatlong beses lang umuuwi sa isang linggo.

Sa tuwing mangyayari iyon ay dederetso ito kaagad sa kabit kung kaya't wala na silang naging pag-uusap pa.

“Madam, bakit hindi pa kayo natutulog? Malapit nang maghating-gabi. Hindi maganda ang pagpupuyat lalo na't bugbog sarado na ang mga mata niyo sa kaiiyak.”

Si Anna na lang palagi ang nakakausap niya rito sa loob ng mansyon at nagpapagaan ng kanyang loob.

Malungkot siyang ngumiti habang dumudungaw sa labas ng bintana ng kanyang silid. “Hinihintay ko lang ang pagdating ng sasakyan ni Darson. Baka makumbinsi ko pa siya ngayong gabi na tabihan ako sa pagtulog.”

Mabilis na nabago ang ekspresyon sa mukha ni Anna. Malakas pa itong napabuntong hininga. “Madam, bakit hindi kaya muna tayo magbakasyon sa malayo? Para kasing nakaka-suffocate na rito sa loob, eh. Ganiyan na lang din kayo palaging nakakulong. Bakit kaya hindi tayo pumunta sa Japan ngayon? Nags-snow ngayon doon, tapos dito ang init-init lang.”

“Ayaw ko. Kahit saan naman ako magpunta, kung wala roon si Darson, hindi parin ako magiging masaya.”

“Madam naman,” muling napabuntong-hininga si Anna.

“Mauna ka nang matulog, Anna. Hihintayin ko pa si Darson umuwi at mukhang matatagalan siya ngayong gabi. Narinig ko kay Chiarra na overtime siya ngayon para tapusin ng advance ang paperwork.”

“Basta't ‘wag ka lang pong masyadong magpapuyat. T'saka, hindi maganda na paniwalaan lahat ng sinasabi ng babaeng ‘yon. Pa'no pala kung niloloko ka lang niya at hindi pala uuwi si Sir Darson ngayon? Oh, edi hindi ka lang nakatulog niyan.”

Napaisip siya sa sinabi nito. “Oo nga, ano? Pero hayaan mo na. Hindi parin naman ako naaantok. Ni hindi na nga ako makatulog dahil sa pangungulila sa asawa ko, eh. Kaya sana kahit ngayong gabi lang, makasama ko man lang siya.”

Nawawalan ng pag-asang sumuko si Anna. “Sige po, madam. Mauuna na akong matulog sa inyo at napagod ako sa buong araw na pakikipag-away sa mga maid na kampon ni Chiarra.”

Napatawa si Celeste. “Salamat sa hard work mo, Anna. Goodnight.”

“Goodnight, Madam!”

Pinanood niya ang paglabas ni Anna ng pintuan ng kanyang silid, at tuluyan siyang naiwan mag-isa sa loob habang panay parin ang dungaw sa labas ng bintana, naghihintay sa asawa.

Sa katunayan ay laganap na nga ang mga katulong dito sa mansyon na pinapaburan si Chiarra sa kung anong dahilan. Para bang wala silang pakialam sa pagiging kabit nito at pagsira ng relasyon nila ni Darson.

Naging mabait din namang amo si Celeste at hindi kagaya ng mga nasa palabas na pinagmamalupitan ang mga katulong nila sa mansyon.

Ang kabutihang asal sa pagtrato ng maganda sa mga trabahante ay nararapat niyang taglayin para sa ikakapayapa ng kanilang tahanan. Wala siyang pinagbuhatan ng kamay sinuman, kung kaya't hindi niya maintindihan kung bakit gano'n na lang ang pagkampi nila sa isang kabit?

None of these would happen if only she could give birth to Darson's child. Napakalaking kawalan ang pagiging baog niya. Kahit iyon man lang sana kapalit ng pagbagsak ng kanilang pamilya… hindi pa niya magawa.

Muli na naman niyang pinaghahampas ang tiyan niya dahil sa sama ng loob. Hindi siya tumigil hanggang sa madagdagan na naman ang mga pasa at galos na nakaimprinta na roon.

She can't help hurting herself behind Anna's back. She felt bad about her tummy, but it's still useless anyway.

“Magandang gabi, Sir!”

Natigil ang pananakit ni Celeste sa sarili nang marinig ang malakas na boses ng guwardiya at pag-iingay ng kanilang mga alagang aso sa kulungan.

Nang mabalingan niya ang labas ng binata ay nakita niya roon ang paglabas ni Darson sa sasakyan at pagbigay ng susi sa guwardiya.

“Park it for me.”

Nagliwanag ang mukha ni Celeste. Dali-dali siyang lumabas ng kuwarto para sana'y salubungin ang asawa niya sa sala.

Subalit nahinto siya sa pagtakbo nang makitang nakatayo si Chiarra sa pinakataas ng hagdanan, akto ring baba sa sala.

“Ate?” pansin sa kanya ni Chiarra. “Hindi ka pa natutulog?”

Napalunok siya ngunit hindi nagpatinag. “Oo, sasalubungin ko sana ang asawa ko.” Matuwid siyang naglakad patungo sa kinaroroonan nito.

“Bakit?” tinaasan siya ng kilay ni Chiarra. “Umaasa ka parin bang papansinin ka ng asawa ko?”

Napaintag siya sa narinig, pinantayan ito sa hagdanan. “Excuse me? Asawa mo? Saka mo na siya angkinin kapag kinasal na talaga kayo. Kung papakasalan ka niya.”

Mabilis na naglipana ang tensyon sa ere sa pagitan nilang dalawa.

“Kawawa ka naman, ate.” Ngumisi ng sarkastiko si Chiarra. “Ayaw sana kitang i-spoil, eh. Pero hindi mo ba alam na nakahanda na ang daybors paper para sa'yo? At ako na ang magiging asawa niya dahil pakakasalan niya ako!”

Kahit na hindi tama ang pagkakabigkas ng ignoranteng si Chiarra ay nabatid niya agad ang tinutukoy nito.

“W-What do you mean by divorce paper?” nanginig ang boses niya. Subalit agad ding sumabog ang damdamin niya nang banggitin nitong pakakasalan ito ni Darson! “Bawiin mo ‘yang sinabi mo!!”

“Bakit ko babawin eh nagsasabi lang naman ako ng totoo! Tanggapin mo na, na may bago nang mahal si Darson! At ako ‘yon! Ako na ang mahal niya dahil bulok ka na! Laspag na ‘yang pagkababae mo! Matandang baog!”

Halos lumuwa ang mga mata niya sa naririnig ngayong lumalabas sa bunganga ni Chiarra. Ngayon lang siya nakakarinig ng ganitong mga salita patungkol sa kanya sa buong buhay niya.

Ang mga kamay at paa niya ay labis na nanginginig sa panlalamig. Nagkusa ang palad niya na sumampal sa pisngi ni Chiarra bago niya pa iyon mapagtanto.

Subalit hindi nagulat si Chiarra nang masampal siya. Sa halip ay mas lalo pa siyang ngumisi ng sarkastiko.

“Ang tanga lang.”

“CELESE!!” umalingawngaw ang nakakasindak na pagsigaw ni Darson sa pangalan ni Celeste.

Dumagundong ang matinding kaba sa dibdib niya na napalingon sa asawa na ngayon ay kakapasok lang sa loob ng mansyon at tumatakbo patungo sa ibaba ng hagdan.

“H-Hindi ko sadya—” natataranta siyang hihingi sana ng paumanhin kay Chiarra.

Subalit gano'n na lang ang gulat niya sa sumunod na ginawa nito.

Napugto niya ang sariling hininga kasabay ng pagbangga ni Chiarra sa kanyang katawan.

Unti-unti ay nakita niya kung paano ihulog ni Chiarra ang sariling katawan sa mahabang hagdanan. Sinadya nitong ipagulong-gulong ang sariling katawan sa hagdan, na tila ba ito'y tinulak niya.

“Ahh!!” napasigaw siya sa nasaksihan, natakpan ang kanyang bibig sa labis na pagkagulat.

“CHIARRA!!” nagmamadaling sumaklolo si Darson sa kabit nito, bago tuluyang bumagsak ang katawan nito sa pinakadulong bahagi ng hagdanan.

Subalit nagkalat na ang dugo na gumagapang pababa sa binti nito.

“NO!!” mabilis na kinarga ni Darson ang nawalang malay na si Chiarra. Naluluhang itinakbo papalabas ang babae sa mansyon, narinig niya pa ang pagsigaw nito na paandarin ang sasakyan.

Samantalang nanginginig ang katawan ni Celeste na napabagsak mula sa kinauupuan. Tinakasan siya ng dugo, labis-labis na namumutla, at nawawala sa sarili.

“H-Hindi ko siya tinulak… h-hinulog niya ang sarili niya, hindi ako ang may gawa.” kumibot-kibot ang labi niya at bumuhos ang kanyang mga luha. “H-Hindi ko siya tinulak!!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status