Share

The Remarried Perfect Housewife: A Mafia Boss Proposal
The Remarried Perfect Housewife: A Mafia Boss Proposal
Author: P.P. Jing

Kabanata 1

Sinabi minsan ng yumaong ina ni Celeste na huwag niyang dibdibin kung sakaling magloko ang kanyang asawa balang araw.

Dahil nasa kalikasan na ng mga lalaki ang hindi makuntento sa iisang babae lamang. Samantalang ang mga babae ay dapat laging tapat sa kanilang mga asawa, hindi puwedeng magpabihag sa tukso.

Matagal na panahong dinala ni Celeste ang paniniwalang iyon sa isipan niya, hanggang sa halos limang taon nilang pagsasama ni Darson bilang mag-asawa.

Naging masunurin siya rito, marespeto, lahat ng tungkulin niya ay ginampanan niya ng mabuti. Maging ang pagiging selosa ay hindi niya ginagawa para hindi bigyan ng rason si Darson na masakal sa kaniya at humanap ng ibang babae.

Pero ang pagiging perpekto niyang asawa, mukha namang wala lamang saysay para kay Darson.

“D-Darson? Sino siya?”

Pagkabukas pa lamang ng pintuan ni Celeste ay tumambad na sa kanyang harapan ang asawa. Ngunit hindi lamang ito nag-iisa, kundi sa tabi nito ay nakatayo ang isang babae na may nakaumbok na tiyan, at kung makadikit sa asawa niya ay animo linta.

“Papasukin mo muna kami.” walang emosyong tugon ni Darson sa kaniya.

Naiwang kinakabahan si Celeste na kusang napatabi sa gilid upang magbigay daan sa kanila.

Pinanood ni Celeste na may nababahalang itsura kung paano alalayan ni Darson ang buntis na babae paupo sa sofa ng sala.

“Salamat, daddy.” marahan ngunit may lagkit na sambit ng buntis na babae sa asawa niya na mayroon pang magagandang ngiti sa mga labi.

Ganoon na lang ang pagpangit ng mukha ni Celeste sa narinig, kumulubot ng husto ang noo niya kasabay ng pagsasalubong ng kanyang mga kilay. Sandali pa siyang nagdalawang-isip kung tama lang ba ang pagkakarinig niya.

Nakakapanghinang pagkabog ng kaba ang nangingibabaw ngayon sa dibdib niya. May nanlalaking mga mata niyang hinila ang braso ni Darson palayo roon sa babae. Hindi niya mapigil ang labis na pagtaas-baba ng kanyang dibdib at paghahabol ng hininga.

“D-Darson… sino iyang babaeng?” wala pa man ay may pagsusumamo na niyang kinuwestiyon ang asawa.

Celeste has been married to Darson for about five years now. At bago pa sila ikinasal ng asawa ay buong buhay na silang magkasama.

Buong buhay na nakagugol ang panahon niya para sa lalaki dahil sa arranged marriage na itinakda ng mga magulang para sa kanila.

Minahal niya ng buong puso si Darson, at alam niyang mahal na mahal din siya nito. Silang dalawa ay parang kutsara't tinidor na dapat ay palaging magkasama. Wala na yatang makapagtitibag sa kanilang relasyon dahil sa tibay ng kanilang samahan simula pagkabata.

Subalit sa nakalipas na dalawang taon ay bigla na lamang nag-iba ang ihip ng hangin para sa kaniya. Napuno ng mga kamalasan at hindi inaasahang pangyayari na nagwasak sa maganda nilang relasyon.

“Darson?” muli pa niyang pukaw sa asawa nang makita ang pagkaseryoso nito at lamig ng paraan ng pagtitig sa kaniya.

Malakas pa itong nagpakawala ng malalim na hininga bago tumugon. “Simula sa araw na ‘to, dito na titira sa mansyon si Chiarra. You also need to take care of her. She's carrying my child. Make sure not to cause her and the baby any harm.”

“A-Ano?!”

Sa mga sandaling iyon ay tila malalaglag ang puso ni Celeste. Hindi siya makapaniwalang tumitig sa asawa. Gusto niyang isipin na nagpapatawa lang ito, subalit hindi kailanman naging mapagbiro si Darson.

“You heard me, Celeste," he said firmly.

Ilang beses siyang napakurap, mabibilis na nagsipag-giliran ang kanyang mga luha sa dalawang mata, at nanlalabo ang kanyang paningin na hindi inalis ang pagkakatitig sa lalaki.

“G-Gusto mong tratuhin ko ng tama ang kabit mo? Ang magiging a-anak ninyo?”

Since two years ago, Darson has been cheating on her multiple times. She can tolerate the pain, but it has a limit!

“Gusto mo pang suportohan ko ang pangbababae mo ng harap-harapan?” magkakasunod na luha ang bumagsak mula sa kanyang mga mata.

Nagsalubong naman ang kilay ni Darson, agad na nagalit sa sinabi niya. “Bakit? Mabibigyan mo ba ako ng anak? Ng tagapagmana? Baka nakakalimutan mong masuwerte ka pa, at hindi kita hiniwalayan kahit baog ka, Celeste! Kahit pa pinipilit na ako ni Mom at Dad na iwan ka sa ere, hindi ko parin ginawa! Kaya ayokong makakarinig sa'yo ng salita tungkol dito. Si Chiarra ay dinadala ang anak ko at dito siya maninirahan sa ayaw mo sa gusto!”

Nanginig at nanlambot ang mga tuhod niya sa pagalit ng asawa.

Hindi mabilang ni Celeste ang pagkakataon na bumaha ng luha ang mga mata niya sa piling nito.

Hindi ito ang unang pagkakataon na pinalandakan nito ang pambababae niya. Pero ito ang unang pagkakataon na mag-uwi si Darson sa tahanan nila ng babae at ito pa'y nagdadalang-tao!

Pinanood niya nang muling lapitan ni Darson ang buntis na babae. “Chiarra, sasabihin ko lang sa mga maid na ayusin ang magiging kwarto mo, okay? Wait for me here.”

“Salamat, daddy.”

Sa pangalawang beses niyang narinig ang paraan ng pagtawag ng buntis na babae sa asawa niya ay hindi niya malaman ang mararamdaman. Nakakadiri, nakakasuka, nakakasuklam!

“Ate?” Bumaling ng tuon sa kanya ang kabit na si Chiarra nang makakaalis si Darson.

Kumabog nang husto ang puso ni Celeste. Anong dapat niyang gawin dito? Sugurin? Saktan? Hilain palabas? Tinuro sa kanya ng mama niya kung paano gawin iyon. Subalit sa labis-labis na panlalamig ng katawan niya ay halos manigas na siya sa kinatatayuan, hindi makagawa ng anumang galaw.

Wala siyang magawa kundi pagmasdan ang itsura ng buntis na babae. Mahaba at paalon na blonde na buhok---umaabot hanggang sa dulo ng baywang, may maliit na mukha at hugis na perpekto. Gano'n na lang kaganda ang mapungay na mga mata nito, maliit at matapos na ilong, at magandang hubog ng labi.

Sa suot nitong hapit na hapit na pulang dress ay makikita ang ganda ng hubog ng katawan, kahit na halata na ang bukol sa tiyan nito.

“Sorry ate,” nakayuko at kaaawa-awa si Chiarra na lumapit sa kanya. “Dahil sa ‘kin nag-aaway kayo ni Daddy…”

“Daddy?” napakapait ng timpla ng mukha niya.

“Ah!” bumakas ang hiya sa mukha ni Chiarra, saka hinaplos ang sariling tiyan. “Tinatawag ko kasi si Darson no'n dahil magiging daddy na siya ng anak namin… ‘wag mo sanang masamain.”

"Huwag masamain?" Bumaon ang mga kuko niya sa kanyang palad. Nanginig ng husto ang kalamnan niya at may nag-uudyok sa kanya na sugurin na ito ngayon din!

“Sabi niya, ikaw na ang bahala sa amin ng baby ko rito sa loob ng mansyon,” nanatiling mahinhin at mababa ng boses ng kabit. “Mabait ka raw at mahaba ang pasensya, kaya sana po ‘wag ka nang magalit kay Darson at sa ‘kin, ate. Four months na rin pala akong buntis, kaya nakikiusap ako na wala kang gawin sa ‘king masama, ate.”

Mabibigat ang bawat paghinga ni Celeste, pigil na pigil ang galit. Pinunasan niya ang mga luhang naipon sa mga mata niya at matalim niyang tinitigan si Chiarra.

“‘Wag mo ‘kong matawag-tawag na ate dahil hindi kita kapatid.”

“Pero mas matanda ka sa ‘kin, ‘di ba po?” Inosente nitong sinalubong ang paningin niya. “Malapit ka nang mag thirty, ako twenty pa lang. T'saka isa pa… pareho na tayong magiging asawa ni Darson. Bakit hindi na lang natin ituring na sisters ang isa't-isa?”

Nagkiskisan ang mga ngipin niya sa lumulukob na gigil. “Sino namang nagsabi na asawa ka rin niya? Kabit ka lang! Saan ka ba napulot ng asawa ko? Sa itsura’t pananamit mo pa lang, halatang hindi ka nagmula sa disenteng pamilya!”

“Ah…” mabilis na nangilid ang mga luha sa dalawa mata ni Chiarra. Nagulat pa si Celeste nang malakas itong napahikbi. “G-Gusto ko lang namang maging close tayo… bakit ganiyan kayo magsalita tungkol sa ‘kin? H-Hindi ako bayarang babae… hindi ‘yun totoo!”

“I-I…” Wala naman siyang sinabing bayarang babae ito! Hindi niya alam kung ba't siya biglang nataranta.

Nilapitan niya ang babae para sana'y patigilin umiyak. Subalit nang hawakan niya ito sa braso ay bigla nitong tinilapon ang sarili sa sahig at binagsak ang sarili nang malakas!

Nanlaki ang mga mata ni Celeste sa ginawa nito sa sarili, at puno ng pagkagulat niya pa itong pinanood na namilipit sa sakit sa sahig. Kahit na ang unang bumagsak ay ang puwetan nito, ang ininda nito ay ang tiyan!

“B-Bakit mo ‘ko tinulak?!” Pasigaw na umiyak si Chiarra, puno ng pagtatanong na nakatingala sa kaniya.

“A-Anong ibig mong sabihin? Hindi kita tinulak—”

“Ang baby ko!! M-Masakit!” Umaakto itong namimilipit sa sakit sa semento!

“A-Anong ginagawa mo?” Puno ng kaba niyang pilit pinapatayo si Chiarra.

“CELESTE!!”

Nanginig siya sa kinatatayuan nang marinig ang pagsigaw at galit na boses ni Darson.

Nagmamadali itong lumapit sa gawi nila at malakas na sumampal ang palad nito sa pisngi ni Celeste!

Naitabingi niya ang kanyang ulo. Puno ng gulat, pagtataka, at kaguluhan. Hindi makapaniwala siyang napatingala sa asawa. Ang sakit ay mabilis na bumalatay sa mukha at puso niya.

“D-Darson?”

“What the fuck are you trying to do with Chiarra?! Wala pa sa isang minuto akong nawala! Are you trying to kill our baby?!” Halos ipangalandakan iyon ni Darson sa buong mansyon dahil sa lakas ng boses nito.

Hindi nito hinintay ang itutugon niya. Dali-dali nitong binalingan si Chiarra, kinarga ito na wala paring tigil sa paghikbi, saka mabilis siyang tinalikuran.

“Go call Doctor Sean! Chiarra is in pain!” Bago tuluyang makaalis sina Darson ay nakita pa niya kung paano gumuhit ang pag-aalala sa mukha nito.

Naiwang nakatulala si Celeste sa kawalan, habang nakahawak sa pisngi niya ngayon na patuloy sa pagkirot.

Nanlalabo ang paningin niya, bumuhos muli ang nag-uunahang luha sa mga mata, tuluyan na siyang tinakasan ng lakas at bumagsak sa sahig.

“Aahh!” Parang sanggol, walang tigil siyang nag-iiyak sa paulit-ulit na pagdurog ng kanyang puso. “H-Hindi ko siya tinulak… huwag mo ‘kong iwan, Darson… p-pleasee… hindi ko ‘to kaya!”

Comments (4)
goodnovel comment avatar
mariamakiling
Jesus haist martir
goodnovel comment avatar
dalwatanfritchie
dgfdgdfsgfh
goodnovel comment avatar
Sabina Yarte
layasan mo na yan c darsion
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status