Share

Chapter 2

Author: Purpleyenie
last update Last Updated: 2021-08-26 21:37:57

Matapos akong magbihis sa loob ng aking kwarto ay lumabas na ako. Nakita ko sa aming maliit na sala sina Ranie at Reev.

Nanonood si Ranie, habang si Reev naman ay nakaupo at hawak ang kaniyang nag-iisang libro na nabili ko noong nagtrabaho ako bilang isang crew sa isang fast food chain.

"Nasaan si Mommy?" tanong ko kay Ranie. Pinasadahan naman niya ako ng tingin bago niya muling ibinaling ang kaniyang atensyon sa panonood ng t.v.

"Lumabas," tipid at mabilis na sagot niya sa akin. Hindi na ako nagtaka pa o nagsalita at tinawag na lamang si Reev.

"Reev, kumain ka na?" tanong ko sa aking nakababatang kapatid. Tinignan naman niya ako tyaka siya ngumiti.

"Hindi pa, ate. Sabi kasi ni Mommy, sa iyo na lang daw ang pagkain na nakahain sa mesa," sagot nito sa aking tanong bago muling bumalik sa kaniyang ginagawa. Tahimik naman akong napabuntong hininga.

Araw-araw na ganitong scenario ang nakikita ko rito sa loob ng bahay. Wala nang bago, wala nang improvement.

Muli akong bumuntong hininga tyaka ako naglakad papunta sa kusina. Kung saan nakapwesto ang maliit at bilog naming lamesa.

Pagkalapit ko roon, marahan kong binuksan ang takip na nakaibabaw sa plato na pinaglalagyan ng pagkain. Bumungad sa aking harapan ang isang pirasong pinatuyong isda, at sinangang na kanin na kagabi pa naming sinaing.

Hindi na ako nagsalita o nag-react pa. Umupo na lang ako at kumain.

Nilingon ko sila Ranie at Reev na gano'n pa rin ang ginagawa, busy pa rin sa kaniya-kaniya nilang mundo.

"Ranie at Reev, kain kayo," marahan na paanyaya ko sa dalawa kong kapatid.

"Sige lang, 'te," tanging sagot ni Reev sa akin. Habang wala namang naging sagot si Ranie.

Patuloy ako sa pagkain nang dumating si Mommy. Pagkapasok niya sa kusina ay agad niya akong nginitian. May dala-dala siyang isang supot na may lamang isang kilong bigas, at sardinas.

"Pasensya na, anak. Pasensya na dahil iyan lang ulit muna," sabi nito sa akin.

"Hindi po, sapat na po ito. Nagmamadali na rin ako dahil anong oras na po. Baka ma-late po ako sa interview. Pangit naman po kung sa interview palang ay late na ako," sagot ko kay Mommy bago nagpatuloy sa pagkain.

Sa totoo lang habang kumakain, ang daming tumatakbo sa isip ko. Gaya ng paano kung 'di na naman ako matanggap sa kahit saang aapplyan ko? Lalo na rito sa pupuntahan ko ngayon? Paano kung 'di na naman ako mapansin dahil high school graduate lang ako? Lahat na ng pwedeng applyan ay inapplyan ko na. Lahat nalang ata pinatulan ko, basta marangal at desenteng trabaho. Minsan natatanggap ako pero palaging minamalas at nasasali sa mga tanggalan.

Gusto ko lang kahit papaano ay mabigyan ng maginhawang buhay sila Mommy. Gusto ko ring ipakita sa mga kamag-anak namin na kaya namin. Na kahit tinalikuran at 'di na nila kami kinilala bilang kapamilya nila ay nakakaangat kami kahit papaano.

Hindi naman kami gano'n kahirap, dahil kahit papaano ay nairaraos naman namin ang isang buong araw. 'Yon nga lang, para may makain kami ay kailangan kong magtrabaho at makipagsapalaran sa reyalidad ng buhay araw-araw ng walang pahinga.

Laking mahirap kasi si Mommy. Inampon lang siya nila Lolo at Lola. Sila Lolo at Lola ang tumayo niyang mga magulang, pero hindi rin nagtagal ay naulila siya dahil pareho silang namatay dahil sa sakit.

Nakaranas lamang ng isang maginhawang buhay si Mommy nang makilala niya si Daddy. Crew daw noon sa isang fast food chain si Mommy nang makilala nila ang isa't-isa. Bumili raw noon sa store nila Mommy si Daddy at nagkataon na si Mommy lang ang nag-iisang nasa counter.

Ang sabi ni Mommy sa kaniyang kwento, nagkaproblema raw ang kahang hawak niya noon. Nataranta raw siya dahil base sa itsura at tindig ni Daddy ay mayaman ito. Natatakot daw siyang masinghalan nito, ngunit nagulat siya nang bigla itong tumawa. Nilingon niya raw ito at nagtama ang kanilang mga mata at dahil doon, nagsimula na nga ang kwento ng pagmamahalan nila.

Napadalas daw si Daddy sa kanilang store, at kung anu-ano ang ginagawa upang mapansiya niya. Hanggang sa dumating na nga ang araw na kinuha nito ang numero ni Mommy, at inaya na siyang lumabas.

Hindi rin daw nagtagal ay nagkagusto silang tuluyan sa isa't-isa. At doon na tuluyang 'di napigilan ang mga puso nila.

Hindi pa gano'n katagal ang naging pagsasama nilang dalawa, pero dahil sa akin ay 'di na sila magkasamang tumanda. Hindi na nila natupad ang naging sumpaan nila sa harap ng altar. At hindi na kailanman mangyayari pa 'yon.

"Saan ka nga pala ngayon mag-aapply, anak?" naputol ang aking iniisip, at napalingon ako kay Mommy na ngayon ay nasa harap na ng kitchen sink at nagsasaing.

"Itatry ko lang po mag-apply bilang isang janitress," sagot ko sa tanong ni Mommy bago ngumiti. Natahimik naman siya.

"Nag-ayos at nag-formal attire lang po talaga ako kasi isa pong malaking kompanya ang pag-aapplyan ko," pagpapatuloy ko pa sa aking sinasabi. Bahagya naman akong nilingon ni Mommy.

"Anong kompanya naman 'yan, anak?" tanong niya sa akin bago siya nagpunas ng kaniyang basang kamay sa suot niyang damit.

"Seth Corporation po, Mommy," tipid at tanging sagot ko.

Bahagyang napahinto si mommy at tila natulala. Maglalakad na sana ako palapit sa kaniya nang 'di nagtagal ay nagsalita na siya.

"Seth Corporation?" nakakunot noong tanong niya sa akin.

"Opo," sagot ko bago bahagyang tumango.

"Bakit po, Mommy?" tanong ko pa sa kaniya.

Nanatili siyang tahimik at nakatingin lang sa akin. Lumipas muna ang ilang segundo, bago niya ipinikit ang kaniyang mga mata at yumuko. Humawak din siya sa kaniyang ulo.

"Mommy, ayos ka lang ba?" tanong ko at akmang lalakad na palapit sa kaniya ng inangat niya ang kaniyang ulo at ngumiti.

"W-wala ito, Renice," sabi niya bago muli ngumiti.

Napakunot naman ang aking noo.

"Sumakit na naman po ba ang ulo mo, Mommy?" tanong ko. Akma muli sana akong lalapit nang umayos na siya sa pagkakatayo.

"Wala, anak. Medyo parang nahilo lang ako. Kulang na ata ako sa tulog," sagot nito sa aking tanong bago ngumiti.

Nanatili naman ang aking mga mata sa kaniya habang siya naman ay muli na namang natulala. Magsasalita na sana ako nang bigla siyang tumingin sa akin.

Tatanungin ko sana siya kung ayos lang siya, ngunit bigla niyang binago ang usapan.

"Nahihiya na talaga ako sa iyo, anak," biglang sabi nito. Nanatili muna akong nakatingin sa kaniya at 'di nagsalita.

Huminga muna ako ng malalim, bago tumayo para makapaghugas ng kamay. At nang matapos ako sa paghuhugas ay muli akong lumapit sa mesa at niligpit ang aking pinagkainan.

"Para saan naman po?" 'yan na lamang ang tanong na lumabas sa aking labi. Nag-aalala pa rin ako kay mommy, pero 'di ko na lamang palalakihin pa.

Muli akong lumapit sa kitchen sink at tumalikod sa gawi ni Mommy upang mag-toothbrush.

Kailangan ko lang talaga ipakita kay Mommy na hindi ako apektado sa sitwasyon namin. Na ayos lang sa akin na ganito ang set-up ng buhay ko. Kasalanan ko rin naman kasi. Hindi sana babalik sa hirap si Mommy kung hindi dahil sa akin.

"Dahil ako dapat ang nagtatrabaho sa labas at bumubuhay sa inyo, hindi ikaw. Dapat nag-aaral ka lang, at pinaghahandaan ang future mo kapag wala na ako," sagot naman ni Mommy sa aking tanong.

Nang matapos ako sa aking ginagawa ay mariin kong ipinikit ang aking mga mata bago ako bahagyang bumuntong hininga at humarap sa gawi ni Mommy.

"Okay lang po ako, Mommy. Hindi man ako makapagtapos ng pag-aaral, magsisikap ako para makaahon tayo sa kahirapan. Pero medyo matagal pa po mangyayari 'yon," natatawang sabi ko. Nakita ko rin namang napangiti siya.

"Matagal pa po ang buhay mo rito sa mundo," pagpapatuloy ko sa sinasabi ko bago ako muling ngumiti.

"Medyo mahihirapan lang pala tayo," dugtong ko pa sa aking sinasabi bago ako muling tumawa.

Hindi na rin naman nagsalita si Mommy, at nanatili na lamang ang kaniyang tingin sa akin bago bahagya muli siyang ngumiti.

Lumapit naman ako sa mesa at agad na kinuha ang pulbo at liptint ko sa loob ng bag upang makapag-ayos. Nang matapos ako ay pinasadahan ko ng tingin ang aking ina.

Nakaupo na siya sa mesa habang ang kaniyang mga mata ay sa akin lamang nakatingin. Ngumiti akong muli bago ko tinitigan ang kaniyang mukha. Nagawi naman ang atensyon ko sa kaniyang namumungay ng mga mata. Kita sa mga ito ang labis na lungkot. Ngumiti akong muli sa kaniya, para mawala ang kung ano mang tumatakbo sa isip niya.

"Mommy, ba't ka po tulala?" natatawang tanong ko. Bago pa man maisipan ni Mommy na sumagot ay dinugtungan ko na ang aking sasabihin.

"Aalis na po ako," sabi ko bago tumingin sa cellphone kong keypad para makita ang oras.

"Sige, anak. Aabutin ka ba ng gabi?" tanong nito.

Malungkot ang tinig niya at tila naiiyak. Pero hindi ko na ipinakita na napansin ko ang tono ng kaniyang pananalita.

Lumakad na lamang ako at lumapit sa sapatusan upang suotin ang halos warak ko ng sapatos. Mabuti na lamang at naimbento ang shoe glue.

Itong sapatos ko ang naging saksi sa halos lahat ng journey ko sa pag-aapply, at sa pagtatrabaho ko mismo. Tinuturing ko nga itong lucky charm.

"Siguro po," isang tipid na sagot ko sa kaniyang tanong.

At nang matapos ako sa aking ginagawa, tumayo na ako at inayos ang suot kong pencil cut na palda. Pinagpagan ko ito at tumayo ng diretso.

"Alis na po ako, Mommy," muling paalam ko sa kaniya bago ngumiti at naglakad papunta sa pinto. Nagpaalam din ako sa dalawa kong kapatid bago tuluyan ng lumabas ng bahay.

Nagpatuloy ako sa aking paglakad hanggang sa makarating ako sa sakayan. Mataman akong nag-abang doon ng jeep na maghahatid sa aking paroroonan. Hindi rin naman nagtagal ay nakasakay na ako at nagbayad ng aking pamasahe.

Habang nakaupo sa jeep na sinasakyan ko, taimtim akong nagdarasal.

Sana sa araw na 'to ay matanggap ako sa trabaho. Sana palarin ako at magbago na ang ikot ng aking mundo.

×××

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rube Galimba
maganda ang simula hanggang dulo sana
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Rented Wife   Chapter 363

    Malalim akong huminga nang makita ko si Michael na naglalakad papunta sa gawi namin ni Redenn. Nasa likuran niya si Tyron at tatlo pang hindi ko kilalang mga lalaki. Mabilis kong iniiwas ang aking paningin sa kanya. Dahil hindi ko kayang titigan ang maganda niyang mga mata. "Twenty minutes late," sabi ni Michael nang tuluyan ng makalapit sa amin. Nakatingin pa siya sa wrist watch niya. "Traffic," biglang sagot ni Redenn habang inaayos ang suit na kanyang suot. Hindi naman sumagot si Michael kaya roon na ako tumingin sa kanya. Nakatingin siya sa akin. At may kung anong emosyon akong nakikita sa kanyang mga mata. "Ahem," natatawang untag ni Tyron bago siniko si Redenn. Natawa naman si Redenn bago hinila si Tyron papunta sa kung saan. "Ano?" pagbungad ko kay Michael nang makita kong titig na titig pa rin siya sa akin. Napailing naman siya ng marahan bago muling tumingin sa akin. "Nothing," simpleng pagsagot lang niya. Napaiwas naman ako ng tingin. Nasa labas kami ng mansion at m

  • The Rented Wife   Chapter 362

    Papunta kami ngayon ni Michael sa conference room para sa susunod na meeting ko with the board members.Marahan kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ko ang pagtama ng sinag ng araw sa aking mukha. Kaagad kong iniharang ang aking kamay upang mawala ang liwanag na ngayon ay patuloy na sumisilaw sa akin."Goo--" hindi ko na natapos pa ang kung ano sanang sasabihin ko nang matapos ko6ng tumingin mula sa aking likod ay wala na ang lalaking sa huli kong pagkakatanda ay katabi kong natulog kagabi."Michael?" pagtawag ko sa kanya. Baka kasi nasa cr lamang siya ng kwartong ito."Michael?" pagtawag ko ulit bago ako mabagal na umupo mula sa pagkakahiga at iniharang sa aking hubad na katawan ang comforter na kagabi ay sabay pa naming gamit.Nasaan ba ang lalaking 'yon?"Michael? Nasaan ka?" pagtawag ko ulit bago ako bumaba sa kama at hinanap kung saan inilagay ni Michael ang mga damit na suot ko kagabi. Napakagat naman ako ng pang ibabang la

  • The Rented Wife   Chapter 361

    I don't know how can someone be so harsh to someone. Kinakabahan ako. Pakiramdam ko makakarinig kaming dalawa ni Michael ng malalang sermon galing sa board members. Magkasama na kami ngayom ni Michael. "What are you thinking?" biglang tanong niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa meeting area. "W-wala naman. Medyo kinakabahan lang ako. Baka kasi malakasang sermon ang makuha natin sa kanila," sabi ko bago ako napabuntong hininga. Kinakabahan ako. Baka matanggal si Michael sa pagiging CEO nang dahil sa ginawa ko na naman kanina. "Tss. As if they can," sabi naman niya bago ko naramdaman ang marahang paghigpit ng hawak niya sa aking kamay. "Hey, chill. They can't scold you so relax," sabi pa niya bago bahagya akong nginitian. Kinagat ko naman ang pang ibaba kong labi upang mawala ang kung ano mang gulo na naiisip ko sa mga oras na ito. "Sigurado ka ba na hindi sila magagalit sa atin?" tanong ko naman upang mawala ang kung ano mang mga gulo na ngayon ay pumapasok sa isip ko.

  • The Rented Wife   Chapter 360

    "Kumusta ka naman, Renice?" rinig kong tanong sa akin ni Redenn habang diretsong nakatingin sa daan. Nakasakay kami ngayon sa sasakyan ni Redenn. Papunta kami ngayon sa Seth Corporation para asikasuhin ang mga bagay na naiwan ni Michael. "Ayos lang naman ako," sabi ko habang may pilit na ngiti. Hindi ako ayos. Walang maayos. Nasasaktan ako, parang bigla akong iniwan ni Michael matapos niyang makuha ang lahat lahat sa akin. "Galit ka ba, Renice?" biglang tanong ni Redenn matapos ang ilang segundong pagiging tahimik namin. "Ha? Bakit naman?" tanong ko bago ako napatingin ng diretso sa daan. Bakit naman ako magagalit? At kanino naman? "Dahil ilang araw ng 'di nagpapakita si Michael sa iyo?" sagot naman nito sa akin. Hindi ako kaagad nakaimik. Nakakaramdam ako ng inis, at tampo dahil bigla na lang siyang nawala ng walang pasabi. Pero hindi ko 'yon maaaring aminin dahil alam ko naman sa sarili ko na wala akong karapatan. "A-ano namang magagawa ko kung ayaw niya magpakita o kung gus

  • The Rented Wife   Chapter 359

    Patuloy ako sa pagbabasa ng mga laman ng folders na narito sa mesa ni Michael. Sa totoo lang kanina pa ako rito pero wala pa ako ni isang napipirmahan o naa-aprubahan na plano.Napahinga ako ng malalim. Bukod sa wala talaga akong alam sa ginagawa ko, hindi ko rin maintindihan bakit ganito ang nararamdaman ng puso ko.Nasasaktan ako. Hindi lang dahil sa sinabi ng sekretarya ni Michael, kung hindi dahil kay Michael mismo. Paano nga ba kung may kasama na siyang iba? Katapusan na rin ba 'yon ng kontrata naming dalawa? Tapos na ba ang trabaho ko sa kanya bilang rented wife?Binitawan ko ang ballpen na kanina ko pa hawak pero ni-isang beses ay hindi ko pa nagamit dahil wala pa naman akong napipirmahan na kahit ano.Napasandal pa ako sa swivel chair bago ako napatingin sa kisame.Kinagat ko rin ang pang ibaba kong labi nang maramdaman ko ang pagbigat ng aking mga mata at ang pang iinit nito.Kung nasaan man si Michael, sana maalala niya man lang ako. At sana naaalala niya rin ako kagaya ko n

  • The Rented Wife   Chapter 358

    Tulala lang akong nakatayo ngayon sa tapat ng elevator katabi si Michael. Ito na ang araw na 'yon. Ito na ang araw na makikilala na ako ng board members, at ito na rin ang araw na official na akong ipapakilala ni Michael hindi lang sa board at sa buong kompanya, kung hindi pati na rin sa mga kaaway niya sa underground world. "Hey, are you okay?" biglang tanong ng lalaking kasalukuyang katabi ko at mahigit na may hawak ng kanang kamay ko. Marahan naman akong ngumiti bago ako tumango. "Okay lang naman ako," sabi ko bago ako muling ngumiti. Ayaw kong ipakita kay Michael ang totoo kong nararamdaman. Ayaw kong makita niya na natatakot ako. Natatakot ako hindi dahil sa ihaharap ako sa mga taong isa sa dahilan kung bakit maganda ang takbo ng Seth Corporation ngayon, kung hindi dahil sa katotohanan na maaari muling malagay ang buhay ko sa tiyak na kapahamakan Hindi ko kaagad narinig ang sagot ni Michael, pero hindi rin nagtagal, narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga. "Why are

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status