I keep telling lies, but so far, my favorite was telling that I love you. My whole life only revolves around Michael that I intended to keep my eyes on every wrongs that he had done. Now, now I rest my case. Maybe after finally knowing the truth. It makes me numb. Renice's POV Nakatayo ako ngayon sa tapat ng isang malaking pinto. Hindi ko alam kung bakit nandito ako, pero mayroong parte sa akin na gustong pumasok upang makita ang loob nito. Malalim akong napabuntong hininga bago ako naglakad papasok sa loob no'n. Malakas ang tibok ng puso ko. May kung ano akong naaamoy. Ibat't ibang amoy na gusto kong isuka dahil sa baho. Mabagal akong naglakad papalapit sa pinto at binuksan 'yon. Nagulat naman ako nang makita ko ang isang babae na nakayakap sa isang lalaki habang may mga taong nakahandusay sa sahig at naliligo sa sarili nilang mga dugo. Ngunit mas nagulat ako nang makilala ko kung sino ang dalawang taong magkayakap ngayon sa harapan ko. Ako ang babae, habang si Michael naman
Life's been really tough for the past three months but I guess, those instances are the ones thatnare keeping me sane. Nanatili akong nakayakap kay Michael. Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming ganito, wala naman akong naramdaman na pagtutol mula sa kanya. "A-anong nangyari?" tanong ko bago ako humiwalay sa kanya ng pagkakayakap. Nakita ko naman na hinuli niya ang mga mata ko bago siya nagsalita. "Aren't you afraid?" biglang tanong niya. Natahimik naman ako. Pakiramdam ko isa 'yong sapak sa akin. "B-bakit naman ako matatakot?" kinakabahang tanong ko. Nakita ko namang napalingon si Michael sa gawi ng mga lalaking malamig ng nakahandusay sa kama. "Aren't you afraid?" ulit na tanong niya sa akin. Hindi naman ako nakapagsalita. Nanatili kami sa mga posisyon naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit hindi ako natatakot. Hindi ko rin alam kung bakit nananaig sa akin ang tuwa na makitang ayos lang si Michael. "Sino sila?" tanong ko. Nakita kong napatingin muli sa akin si Michael.
I was left dumbfounded. I didn't know what to react nor what to say. Iniharang ko ang aking kaliwang kamay sa aking mukha dahil tumatama ang sinag ng araw dito. Mabagal kong iminulat ang aking mata ang inilibot ang aking paningin sa paligid. Ilang minuto muna akong nakatingin lang sa kawalan bago nag-sink in sa akin kung nasaan ako sa mga oras na 'to. Kaagad akong umupo mula sa pagkakahiga sa kama, at inilibot ang aking paningin sa paligid. Nakalimutan ko na nandito nga pala ako sa bahay ng lalaking 'yon. Nakalimutan ko na isa nga pala akong pekeng asawa ng isang Michael Seth. Kaagad akong tumayo mula sa pagkakaupo at lumapit sa bag kong nakapatong pa rin sa ibabaw ng lamesa. Napahinto naman ako nang makita ko ang sira kong cellphone na nakapatong sa mesa katabi nitong aking bag. Ilang minuto muna akong nakatitig lang doon bago ako napabuntong hininga. Dahan-dahan kong kinuha 'yon at tinitigan bago ako ngumiti. Masama pa rin ang loob ko dahil sa ginawa ng lalaking 'yon sa cell
Isang maling hakbang katapusan na naming lahat. Nanginginig ang mga kamay kong nakahawak sa balikat ni Redenn. Hindi ko alam kung papaano kami napunta sa ganitong sitwasyon. Nanatili kaming magkayakap ni Michael, ngunit agad akong humiwalay sa kanyang pagkakayakap nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto kung nasaan kaming dalawa. Mabilis ding itinutok ni Michael ang hawak niyang baril sa pinto at handa na iyong paputukin ano mang oras mula ngayon. "Michael!" biglang sigaw ng lalaki na kanina lang ay kasama ko sa isang lamesa bago nagkagulo. Agad ibinaba ni Michael ang hawak niyang baril nang makita niya si Redenn at Tyron na ngayon ay may mga bahid na ng dugo sa paligid ng kanilang katawan. "Anong nangyari sa pag-uusap niyo? Bakit biglang may pagsabog?" sunod sunod na tanong ni Tyron bago isinara ang pinto. Hindi naman sumagot si Michael. Mabilis lang siyang tumalikod bago pumunta sa isa pang pinto na nandito rin sa kwarto. "Na-secure ko na ang exit natin in case na mangyari it
Sana makita ko ulit si Michael matapos ang araw na 'to. Gusto ko na siya ulit makita pa. Kahit na ang ibig sabihin no'n ay masira ako. Naglalakad kami ngayong dalawa ni Michael sa isang koridor papunta sa kwarto na nirentahan niya para sa aming dalawa. Pareho kaming walang kibo at walang kahit anong sinasabi sa isa't-isa. Magmula kasi nang ihatid namin sila mommy sa kwarto nila ay pareho na kaming walang kibo, kahit tinginan sa isa't isa ay hindi na namin ginawa pa. Wala na rin sina Redenn at Tyron dahil umalis na sila at nagpaalam na bababa raw muna sila ulit para pumunta sa beach club. Gusto ko sanang i-open ang mga naging pag-uusap namin kanina pero mas pinili ko na lamang na itikom pa ang bibig ko. Sa totoo lang, kanina pa ako na-a-amaze sa ganda ng apartell na 'to. Hindi ko alam kung ano ang eksatong tawag dito pero maganda rito, napaghahalataang mahal ang renta sa bawat kwarto rito. "We are here," pag-anunsyo ng lalaking katabi ko. Tinignan ko naman siya bago ang pinto ng
Maybe things wouldn't be this tough if I just knew at the first place that this kind of matter would occur. Nakanguso ako habang nakatingin sa labas ng terrace nitong villa na pinag-iwanan sa akin ni Michael. Hanggang ngayon ay palaisipan sa akin kung sino ba ang babaeng narinig kong kausap ni Michael nang tawagan niya ako kanina. Alam kong hindi sadya ni Michael na iparinig sa akin ang kung sino mang kausap niya kanina. Marahil ayaw pa nga niya na malaman kong may babae siyang kasama ngayon, dahil nang ma-realize niya siguro na nasa kabilang linya ako ay kaagad niyang pinatay ang tawag. Hindi ko tuloy ma-enjoy ang magandang view nitong lugar dahil sa mga bagay na patuloy na tumatakbo sa isip ko. Napabuntong hininga ako. Kailan ko kaya maaaring makausap ng mas matino si Michael? Kailan kaya magkakaroon ng kasagutan ang mga katanungan na meron ako? Nakatayo ako ngayon sa terrace rito sa kwarto. Gusto ko sana lumabas ng kwarto, pero natatakot ako sa 'di ko malamang dahilan. Pakiramd
Life is indeed ironic. One moment you are happy, then after a minute you are already out of emotions. Nanatili akong nakaupo sa upuan kung nasaan kami kanina nag-usap ni Mommy. Napatingin pa ako sa kalangitan bago ako napabuntong hininga. "That was deep," narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. Mabilis ko naman kaagad siyang tinignan. Nakatayo ngayon sa tabi ng upuan na inuupuan ko si Michael habang may dala-dalang dalawang baso. Hindi naman ako sumagot, tanging pag-ngiti lamang ang ginawa kong pagsagot. "Happy birthday," sabi niya bago iniabot sa akin ang hawak niya pa ring baso. Mabagal ko namang inabot 'yon bago ako muling ngumiti. "Salamat," tanging sagot ko habang nakangiti pa rin. Hindi naman na sumagot si Michael, pero sa pagkakataong ito, tinignan niya lamang ako sa mga mata. "May I?" biglang tanong niya bago tumingin sa tabi ko at bago niya ibalik ang kanyang paningin sa akin. Tumango naman ako bago ako umusog ng pagkakaupo para siya ay makaupo. Hindi na siya sum
I was still confused with what should I do, with what should I say to Michael. I know that I was still unsure on who should I listen to; my mom or myself. I am doubting my own self. Why do I keep doing this? I do I keep pretending even after knowing the truth. But what makes me different was I know what should I follow, and that is my heart, and life; Michael. I am standing in the midst of life chaos, I don't know where should I go, but Michael, he's here. Kasalukuyan na akong nandito sa kwarto na tinutulugan ko rito sa bahay ni Michael. Kanina pa ako nakahiga rito matapos naming mag-usap ni Michael sa hallway. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog. Ang tangi ko lang ginawa magmula kanina ay ang magpaikot-ikot dito sa kama at isipin ang mga bagay na patuloy na bumabagabag sa akin. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Umaasa na baka 'di magtagal ay makalimutan ko na ang kung ano mang mga nangyari nitong nakaraan. Kinagat ko pa ang pang ibaba kong labi. Ilang araw ko pa