I was trying all the way home. I didn't know that I could still cry this all out after dad's death. It was as if I'd just died, like someone just killed me. "This is your room," sabi ni Michael sa akin. Nakatayo kami ngayon sa tapat ng isang malaking pinto. "Dito? Ako?" tanong ko habang nakatingin sa kanya. "Yes," simpleng sagot niya bago naglakad papalayo sa akin. Nanatili naman akong nakatayo sa harapan ng pinto kung saan niya ako iniwan, pero ang mga mata ko ay nanatiling nakasunod sa kanya. Kinagat ko naman ang pang-ibaba kong labi bago ko binuksan ang cellphone kong kanina pa nasa loob ng aking bag. Napahinga ako ng malalim. Lowbatt na kasi ngayon ang cellphone ko, at 'di ko alam kung paano ko tatawagan at sasabihin kay mommy na hindi ako makakauwi ngayong gabi. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko tungkol sa trabaho ko. Hinawakan ko ang doorknob ng pinto nang magsisilbi kong kwarto rito sa bahay ni Michael. Mabagal ko itong binuksan at mabagal ko ring sinilip ang lo
Sana hindi ko na lang minahal si Michael. Sana hindi na lang din siya nagpakita ng interest sa akin. Nanatili akong nakaupo sa tapat ng study table. Kagat-kagat ko ang pang-ibaba kong labi habang mahinang humihikbi. Nakapatong na ngayon sa study table ang nagkahiwa-hiwalay ng parte ng cellphone ko. Nagsisisi ako. Maling-mali na humingi ako ng tulong sa siraulong katulad ng lalaking 'yon. Malalim akong napabuntong hininga. Kasalanan ko rin, kasalanan ko rin na umasa ako na kahit papaano ay may mabuting puso naman ang Michael na 'yon. Masyado ko kasing dinala ang sarili ko sa mga naging maliit na pag-uusap namin kanina sa ibaba. Napahinga ako ng malalim. Walang kahit anong cellphone ang makakapalit dito. Ito pa kasi ang cellphone ni Daddy. Ito 'yong cellphone at huling hawak-hawak niya bago siya mamatay. Galing pa 'to kay daddy. Binigay 'to sa akin ni mommy dahil sa tuwing nakikita niya ito ay naaalala niya ang araw na nagpabago sa buhay naming lima. At ngayon, wala na 'to. Sinira
I was standing in the midst of chaos. I was still confused, and somehow hesitant on what should I do. I was contemplating whether to move on my current place or to leave. My mind wasn't with me, I thought I would be able to function like I used to, but I was wrong. It seems like I unconsciously accepted the fact that I would never be able to help Michael. I closed my eyes and let the frustration eat the whole me. "Dito na lang," sabi ko kay Michael habang nakatingin sa paligid ng mataong palengke. Mabagal ang usad namin ngayon dahil maraming tao ang namamalengke. Hindi ko sinabi kung anong lugar ito basta sinabi ko kung saan dapat kami daraan kaya ngayon ay nandito kami. Hindi siya umimik kaya muli ko siyang tinignan. "Dito na lang tayo," ulit ko ngunit nanatili pa rin siyang nagmamaneho. "Ayaw mo ba rito?" tanong ko pa. Nilingon naman niya ako bago niya ibinalik ang kanyang atensyon sa paligid. "Why here? There's a lot of place to go," sabi naman niya sa akin. Napasandal nam
Nakatulala lang ako sa lalaking nasa harapan ko. Parang hindi na siya ang lalaking nakilala ko ilang buwan na nakakaraan. Kasalukuyan kaming tahimik na nakaupo sa loob ng sasakyan na dala-dala nila Tyron at Redenn. Nagmamaneho si Tyron ng sasakyan habang nakaupo naman sa tabi nito si Redenn na naging maya't-maya ang naging pagsipol habang nakatingin sa labas ng sasakyan. Ako naman ay nanatili lang na nakaupo sa tabi ni Michael na hanggang ngayon ay tahimik na nakaupo sa tabi ko. Kanina pa siya walang imik. Tahimik at diretso rin siyang nakatingin sa labas ng sasakyan. Kung titignan, mukhang may malalim siyang iniisip. "Ah, Michael? Okay lang ba ang lahat?" rinig kong biglang tanong ni Tyron na focus sa pagmamaneho. Hindi naman kaagad umimik si Michael. "Kumain lang talaga kami. Walang samaan ng loob. Pfft," rinig kong rebat naman ni Redenn. Akala ko ay mag-re-react na si Michael ngunit nanatili lang siyang tahimik habang nakatingin pa rin sa labas ng sasakyan. "T*ng*na mo! Umayo
Friendship is such a big word. In your life, you will going to meet a lot of peole; while walking on a hallway, roaming, and even sitting on a fast-foodchain but having a friend that you can really rely on is rare. It was not easy to have someone that you can constantly lean on if you are having a hard time. And on my case, I don't have one. That's why I envy Michael so much, even though he has a though life and a not-so good background, at least he have Redenn, and Tyron. I smile enviously. I hope I have a friend to. Tulala lang akong nakaupo habang nandito sa loob ng sasakyan ni Michael. Hindi ako umiimik magmula kanina pa. Hindi ko rin kasi alam kung bakit muling pumasok sa isipan ko ang nangyari labing-dalawang taon na ang nakakaraan. Ang maalala ang bagay na 'yon ang isa sa pinaka ayaw kong nangyayari. Pero hindi ko alam kung bakit paulit-ulit akong hinahatak pabalik ng nakaraan. Sa sobrang sama ng pakiramdam ko, hindi ko na namalayan na nakasakay na kami ni Michael ng ele
Michael and I were staring on each other. I didn't know that I was still capable to stare at him like this after what had happened to the two of us. The longing was still here, I still do missed him, but that's it. I know we couldn't be together anymore. "Dito na lang," sabi ko kay Michael habang nakatingin sa paligid ng mataong palengke. Mabagal ang usad namin ngayon dahil maraming tao ang namamalengke. Hindi ko sinabi kung anong lugar ito basta sinabi ko kung saan dapat kami daraan kaya ngayon ay nandito kami. Hindi siya umimik kaya muli ko siyang tinignan. "Dito na lang tayo," ulit ko ngunit nanatili pa rin siyang nagmamaneho. "Ayaw mo ba rito?" tanong ko pa. Nilingon naman niya ako bago niya ibinalik ang kanyang atensyon sa paligid. "Why here? There's a lot of place to go," sabi naman niya sa akin. Napasandal naman ako sa upuan bago ako napahinga ng malalim. "Mura lang kasi ang bilihin dito sa palengke, hindi katulad sa mga grocery store. At saka, ayoko sagarin ang utang
Life was never easy, nor difficult. It just solely depends on how someone would going to handle it. Life was never too rough to someone, it's just the fate was never on someone else's life, and that else's was unfortunately, me. Life keeps on making me feel that I was never good enough to be alive; that my life tends to be this alone. Ansd Michael leaving me was a proof. Nanatili akong nakaupo at nag-abang sa loob ng jeep hanggang sa marating ko na ang lugar na aking pag-aapplyan. Hindi ko alam pero tila habang papalapit ang jeep na sinasakyan ko, tumi-triple ang kabog ng aking dibdib. Sa lahat ng mga trabaho na napag-applyan ko, ngayon lamang ako kinabahan ng ganito. Nakapag-apply na rin naman ako sa ibang kompanya, pero confident ako sa interview na pinagdaanan ko sa mga kompanyang 'yon. Iba ang araw na 'to, parang may kakaiba at bagong mangyayari. "Para po," sabi ko nang matanaw ko na ang building na aking pakay. Bumaba na ako sa sasakyan nang huminto ito. Huminga ako ng mala
I wished someday to experience the happiness I always wanted. But even that kind of dream was seemed too impossible for me to experience, It feels like I was always chasing something that keeps on slipping away. Naglalakad kami ngayong dalawa ni Michael sa isang koridor papunta sa kwarto na nirentahan niya para sa aming dalawa. Pareho kaming walang kibo at walang kahit anong sinasabi sa isa't-isa. Magmula kasi nang ihatid namin sila mommy sa kwarto nila ay pareho na kaming walang kibo, kahit tinginan sa isa't isa ay hindi na namin ginawa pa. Wala na rin sina Redenn at Tyron dahil umalis na sila at nagpaalam na bababa raw muna sila ulit para pumunta sa beach club. Gusto ko sanang i-open ang mga naging pag-uusap namin kanina pero mas pinili ko na lamang na itikom pa ang bibig ko. Sa totoo lang, kanina pa ako na-a-amaze sa ganda ng apartell na 'to. Hindi ko alam kung ano ang eksatong tawag dito pero maganda rito, napaghahalataang mahal ang renta sa bawat kwarto rito. "We are here,