Share

Chapter 357

"I want to hear a lot of things behind your life," sabi niya pa bago ako tinignan ng diretso muli sa mata.

Natatakot ako, natatakot akong mahusgahan niya nang dahil sa nagawa ko sa aking ama.

Napaiwas naman ako ng tingin bago ako huminga ng malalim. Makakaya ko bang aminin sa kanya ang totoo?

"A-ano naman ang gusto mong malaman?" tanong ko pa.

"How was he as a father to you and to your siblings?" tanong niya. Hindi ako kaagad nakaimik.

Mabait, responsable, at higit sa lahat mapagmahal na ama siya sa amin ni Ranie noong panahon na nabubuhay pa siya. Wala kaming narinig na kahit anong reklamo mula sa kanya kahit pa buong araw siyang nasa labas ng bahay at nagta-trabaho.

"Mabait si daddy. Mabait siya at responsable. Wala akong ibang nakita na ni-minsan ay nagreklamo siya kay Mommy tungkol sa trabaho niya," sagot ko bago ako bumuntong hininga.

Maganda ang pamumuhay namin noon. Maganda at masaya, akala ko nga ay panghabang buhay na.

"What was his job?" biglang tanong ni Michael.

Natigilan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status