Mag-log inMaagang nagising si Athena kinabukasan. Pagtingin niya sa cellphone, sunod-sunod agad ang notifications. May missed calls, private messages, at mga artikulong tungkol sa engagement nila ni Robert Cojuangco.
Napangiti siya nang mabasa ang isang headline.
ROBERT COJUANGCO TO MARRY HIS SON’S FORMER FIANCÉ?
Hindi pa man opisyal ang announcement, pinag-uusapan na sila ng publiko.
“You’re already making headlines,” sabi ni Robert mula sa may pintuan.
“Hindi pa nga tayo kasal, pinag-uusapan na tayo,” natatawang sagot niya.
Umupo si Robert sa sofa. “My secretary has contacted several wedding planners. We can start with the preparations today.”
“Good. Gusto kong maayos agad ang lahat. At ayokong makialam ang pamilya ko.”
“They won’t. This is our decision.”
Sandaling nag-isip si Athena. “Robert, gusto ko ng grand wedding. Hindi iyong simpleng ceremony lang. I want a grand celebration, something people will remember.”
“Any reason why?”
“Gusto kong maging espesyal ang araw na iyon. At gusto kong makita ng lahat na hindi ako nahihiyang maging asawa mo.”
Hindi na siya nagdagdag. May mga taong gusto niyang makita sa kasal na iyon, lalo na ang mga taong siguradong hindi matutuwa sa magiging buhay niya.
“My son has been calling repeatedly,” dagdag ni Robert. “He wants an explanation.”
“Si Yosef?”
Tumango ito. Napangiti si Athena. Hindi yata pumasok sa isip ni Yosef na ang babaeng iniwan niya ay magiging asawa ng sarili niyang ama.
“Hindi niya kailangang magustuhan ang desisyon natin.”
*****
Pagsapit ng hapon, dumating sa mansion ang wedding coordinator kasama ang mga event planner, designer, at kinatawan ng ilang kilalang bridal boutique. Naglatag sila ng mga larawan ng venue, gown designs, floral arrangements, at iba pang detalye ng kasal.
“Good afternoon, ma’am. We’ve prepared several concepts for your wedding,” bati ng coordinator.
Isa-isang tiningnan ni Athena ang mga proposal.
“I want an elegant garden ceremony, followed by a grand ballroom reception. White, champagne, and gold ang theme. Gusto ko ng maraming fresh flowers, crystal chandeliers, at magandang entrance.”
“We can arrange a live orchestra, a full reception program, and a custom stage design.”
“Gusto ko rin ng malaking guest list. Business leaders, prominent families, close friends, at mga taong mahalaga sa amin. Ako ang mag-aayos ng invitations.”
“Of course, ma’am.”
Tumabi sa kanya si Robert at tiningnan ang mga gown designs.
“May napili ka na?”
“Hindi pa. Gusto ko ng gown na eleganteng tingnan pero may dating. Something unforgettable.”
“Then we’ll find the right designer.”
“At gusto kong personal kong aprubahan ang lahat, mula sa venue hanggang sa pinakamaliit na detalye.”
Walang pagtutol si Robert. Hinayaan niya itong pumili at magbigay ng pagbabago sa bawat proposal.
Hindi iyon basta kasal na may maraming bisita. Isa iyong engrandeng pagtitipon na siguradong pag-uusapan ng mataas na lipunan.
At gusto ni Athena na makita iyon nina Nicole at Margaret. Gusto niyang malaman nilang ang babaeng minamaliit nila noon ay hindi na nila kayang apihin.
*****
Sa Lopez mansion, hindi naging maganda ang usapan nina Arturo, Margaret, at Nicole.
“She’s your daughter! Hindi mo ba kayang pigilan?” singhal ni Margaret.
“What do you expect me to do? Robert Cojuangco has already made his decision,” sagot ni Arturo.
“Then talk to him! Hindi puwedeng matuloy ang kasal na iyan!”
Tahimik na nakikinig si Nicole. “Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit si Uncle Robert ang pinili niya. Si Yosef naman ang dapat niyang pakasalan.”
“She’s embarrassing this family,” sabi ni Margaret.
Pero hindi lang kahihiyan ang iniisip ni Nicole. Hindi niya matanggap na magiging asawa ng isang billionaire ang ate niyang palagi niyang minamaliit. Mas masakit isipin na magiging madrasta pa niya ito.
“Maybe I should talk to Yosef. Baka may magawa pa siya.”
“Don’t make things worse,” babala ni Arturo. “Ako ang bahala sa ate mo.”
Hindi sumagot si Nicole. Pero hindi niya balak manahimik. Kailangan niyang malaman kung ano ang iniisip ni Yosef.
*****
Kinabukasan, nagkita sina Athena at Nicole sa isang mamahaling café. Nauna nang dumating si Athena at pumili ng mesa malapit sa bintana. Ilang minuto pa ay dumating na ang kapatid niya.
“Ate!” bati ni Nicole bago umupo. “You look well.”
“Thank you. Ikaw rin.”
“I was surprised when I heard about you and Uncle Robert.”
“Bakit? Akala mo ba si Yosef pa rin ang pakakasalan ko?”
Bahagyang natigilan si Nicole. “Akala ko mahal mo siya.”
“Mahal ko siya noon. Pero tapos na iyon.”
“Are you sure about marrying Uncle Robert? He’s much older than you. Baka pagsisihan mo rin.”
“Don’t worry about me. Alam ko ang ginagawa ko.”
“What about Yosef? Na-isip mo ba kung ano ang mararamdaman niya?”
Napangiti si Athena. “Bakit hindi mo siya tanungin?”
Saglit na umiwas ng tingin si Nicole.
“Anyway, sana maging masaya kayo,” sabi nito.
“Thank you. I’m excited about the wedding.”
“Malaki ba talaga ang celebration?”
“Very grand. Gusto kong maging espesyal ang araw na iyon. Maraming bisita, magandang venue, at lahat ng detalye pinag-isipan.”
“I’m sure maraming maiinggit,” sagot ni Nicole, pilit ang ngiti.
“That’s not my problem.”
Tumayo si Athena at kinuha ang handbag niya. “See you at the wedding, Nicole.”
Iniwan niya ang kapatid na nakaupo pa rin, halatang hindi nagustuhan ang narinig.
Hindi pa niya kailangang sabihin ang lahat ng alam niya. Mas mabuting isipin muna ni Nicole na wala siyang alam sa mga nangyari noon.
*****
Pagdating ni Athena sa sasakyan, tumawag si Yosef.
“What do you want?”
“Nababaliw ka na ba, Athena? Bakit ka magpapakasal kay Dad?”
“May problema ba sa desisyon ko?”
“Don’t play games with me. Alam mo kung gaano ka-weird ang sitwasyon!”
“Hindi ko kailangan ang opinyon mo, Yosef.”
“You can’t expect me to accept this!”
“Hindi ko hinihingi ang approval mo.”
“Athena—”
“May aasikasuhin pa ako. Kung wala ka nang ibang sasabihin, ibababa ko na.”
Pinatay niya ang tawag. Wala na siyang balak makipagtalo sa lalaking minsang nag-isip na kaya siyang lokohin nang hindi siya lalaban.
Pag-uwi niya, inilabas niya ang folder na kinuha niya mula sa study room ng kanyang ama. Nandoon ang mga dokumento tungkol sa inheritance niya at records ng shares na minana niya sa Lopez company.
Matagal nang si Arturo ang namamahala sa mga iyon. May mga pinirmahan siyang dokumento noon na nagbibigay rito ng awtoridad na kumilos para sa kanya sa ilang usaping pangnegosyo.
Lalo siyang napakunot-noo nang makita ang ilang tala tungkol sa paglilipat ng company assets at shares sa pangalan ni Nicole.
Hindi pa niya alam ang buong detalye, pero hindi niya hahayaang manatiling nakatago ang mga transaksyon.
*****
Pagbalik niya sa mansion ni Robert, nadatnan niya ito sa living room.
“How was your meeting with Nicole?” tanong nito.
“She’s more interested in my wedding than I am.”
“Did she try to change your mind?”
“Of course. Pero hindi siya nagtagumpay.”
Napansin ni Robert ang folder sa kamay niya. “What’s that?”
“Documents tungkol sa inheritance ko at shares ko sa Lopez company. Gusto kong ipasuri ang lahat ng transactions at dokumentong may kinalaman sa mga ari-arian ko.”
“Do you suspect your father?”
“May nakita akong records na nagpapakitang may assets at shares na nailipat sa pangalan ni Nicole. Hindi ko pa alam kung may nilabag siyang batas, pero gusto kong malaman ang buong katotohanan. At gusto kong mabawi ang full control ng shares ko.”
Tumango si Robert. “I can arrange a meeting with my legal team. They can review the documents and explain how you can revoke any authority your father still holds.”
“Tutulungan nila ako, pero ako pa rin ang magdedesisyon. Ayokong palitan ng pera o impluwensiya mo ang karapatan na dapat ay akin.”
“Understood. They’ll protect your interests, not make decisions for you.”
“Good. Gusto kong kumpleto ang ebidensya bago ko harapin ang papa ko.”
“I’ll arrange the meeting tomorrow.”
Inilapag ni Robert ang wedding folder sa mesa.
“Five days from now, we’ll be married. The planners are finalizing everything.”
Napatingin si Athena sa folder. Limang araw na lang at tuluyan nang magbabago ang buhay niya.
“I’m looking forward to it,” nakangiting sagot niya.
Nang gabing iyon, inayos niya ang mga dokumentong kailangan niyang ipasuri. Kasabay ng paghahanda para sa kasal, sisimulan na rin niyang bawiin ang mga bagay na matagal nang ipinagkait sa kanya.
Hindi na siya maghihintay na ibalik ng pamilya niya ang dapat ay sa kanya.
Her father had controlled her life for years. Nicole had enjoyed privileges that should never have been taken from her. And Yosef had betrayed her while believing she would never fight back.
Isa-isa niyang babawiin ang lahat.
At sa pagkakataong ito, hindi na siya babalik sa pamilya Lopez bilang anak na madaling utuin. Babalik siya bilang babaeng handang kunin ang lahat ng para sa kanya.
The Stage of Getting to know youMaaliwalas ang umaga sa Amanpulo nang lumabas si Athena sa terrace. Suot niya ang simpleng white dress at hawak ang isang tasa ng kape. Hindi na siya nagmamadaling buksan ang laptop o tingnan ang mga bagong report. Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, hinayaan niyang magsimula ang araw nang walang iniisip na problema.“Good morning.”Napalingon siya. Nasa may pintuan si Robert, may dalang maliit na paper bag.“Good morning. Ano ’yan?”“Breakfast. Unahan na kita, I didn’t cook these.”“Sayang. I was hoping to see your cooking skills again.”“Are you saying you liked my pancakes?”“Don't let it get to your head.”Umupo si Robert sa tabi niya at inilabas ang mga pastry mula sa bag. Habang kumakain sila, napansin ni Athena na hindi nito tinitingnan ang phone nito gaya ng nakasanayan ng maraming business executives.“Hindi ka ba naghihintay ng calls from Manila?” tanong niya.“May team akong naka-assign doon. They’ll contact me if something ur
How it feels to be Mrs. CojuangcoIlang araw na rin ang lumipas mula nang dumating sila sa Amanpulo. Sa loob ng isang linggo, inilayo ni Robert si Athena sa gulo ng Maynila.That morning, nagising si Athena sa katok sa pinto.“Come in,” tawag niya habang inaayos ang buhok.Pumasok si Robert, nakasuot ng light blue shirt at may hawak na tray. “Good morning. I brought you breakfast.”Napangiti siya. “Ikaw na naman ang nagluto?”“Not today. I asked the kitchen to prepare it. I didn't want to risk ruining your morning.”“Wise decision.”Inilapag nito ang tray sa maliit na mesa. May fresh fruit, toast, eggs, at kape. “Eat first. May lakad tayo today.”“More documents?”“No. A spa day.”Napatingin siya rito. “A spa?”“I booked treatments for both of us. Massage, facial, and a few hours to relax. You’ve spent most of our honeymoon reading reports and planning your next move. I think you deserve a break before we return to Manila.”Athena smiled, genuinely touched. “You arranged all that?”Tu
A DIFFERENT KIND OF MORNING WITH MR. COJUANGCONagising si Athena sa sinag ng araw na tumatagos sa malalaking glass doors ng villa. Ilang sandali siyang nanatiling nakahiga, pinakikinggan ang mahinang hampas ng mga alon sa dalampasigan. Tahimik ang paligid, maliban sa mga ibong maririnig mula sa mga puno sa labas.Napalingon siya sa kabilang bahagi ng kama. Maayos pa rin ang mga unan at kumot doon. Hindi naman iyon nakapagtataka dahil mula nang dumating sila sa Amanpulo, hindi pa natutulog si Robert sa kuwartong iyon.Sa master bedroom siya inilagay ni Robert, habang ang lalaki naman ay sa guest room sa kabilang bahagi ng villa. May sarili itong kama, maliit na sala, at banyo. Noong una, nag-alok siyang puwede naman silang matulog sa iisang kuwarto dahil mag-asawa na sila. Pero umiling lang si Robert.“I want you to feel comfortable, Athena. You don’t have to share a room with me just because we’re married.”Naalala niya ang sinabi nito at napangiti nang bahagya. Hindi niya inaasahang
THE FIRST CUTMaaga pa lang ay gising na si Athena. Nasa dining area siya ng villa, nakakalat sa mesa ang mga dokumentong ipinadala ng legal team ni Robert. Sa labas, kalmado ang dagat, pero hindi iyon sapat para mawala sa isip niya ang ginawa ng pamilya niya.Today, she was going to make her first move.“Hindi ka pa natutulog?” tanong ni Robert pagpasok niya, may dalang dalawang tasa ng kape.“Natulog naman ako. Maaga lang akong nagising.” Tinanggap niya ang isang tasa. “I want to secure the company records before my father realizes we're investigating.”“Already taken care of. Our lawyers sent a formal notice asking the company to preserve all records related to your shares and inheritance. They’re also preparing a request for a full accounting.”Binuklat ni Athena ang summary. “What about the transfers to Nicole?”“Some documents suggest the transfer was being arranged, but we still need to confirm which transactions were completed. We’ll verify every signature and approval before
THE SUPPOSED HONEYMOONHindi magiging ordinaryo ang unang gabi ni Athena bilang Mrs. Cojuangco.Pag-alis nila sa hotel, tahimik siyang nakaupo sa tabi ni Robert sa limousine, hawak ang folder ng mga dokumentong natanggap niya bago matapos ang reception.“Still thinking about the documents?” tanong ni Robert.“Paano ko hindi iisipin? My own father used my name to move my assets without my consent. At hindi lang basta pera ang nakataya rito. Those shares represent my place in the company. The place Abuelo intended for me.”“Then we’ll make sure no one takes that away from you.”Napatingin siya rito. Sa dati niyang buhay, ginugol niya ang mga taon sa paghingi ng pagmamahal at pagkilala. Ngayon, wala na siyang balak magmakaawa.“May naisip ako,” sabi ni Robert. “We deserve a honeymoon.”Napakurap siya. “A honeymoon?”“Yes. But not the kind newlyweds usually have.”Bahagyang napangiti si Athena. “You mean no romantic dinners, no candlelight, and no pretending we're madly in love?”“I can a
THE WEDDING THEY COULDN’T STOPMaaga pa lang ay abala na ang buong hotel. Puno ng white roses at champagne-colored flowers ang entrance. Sa loob ng ballroom, kumikinang ang malalaking chandelier habang abala ang staff sa huling preparations.Gusto ni Athena ng grand wedding—isang pagdiriwang na siguradong pag-uusapan. Gusto niyang makita ni Nicole kung ano ang pakiramdam na mapunta sa kanya ang atensyong matagal nitong inaagaw.Sa bridal suite, inaayos ng stylist ang off-shoulder gown niya na may fine lace at mahabang belo.“You look beautiful, ma’am,” puri ng stylist.“Thank you,” sagot niya. Ilang minuto na lang, magiging Mrs. Cojuangco na siya.Kumatok ang coordinator. “Ma’am, ready na po ang guests. Nasa entrance na rin si Mr. Cojuangco.”Huminga nang malalim si Athena at inayos ang belo.“Let’s begin.”Hindi pa nagsisimula ang ceremony nang dumating sa hotel sina Arturo, Margaret, at Nicole. Pagpasok pa lang nila sa ballroom, halata na ang pagkagulat ni Margaret sa engrandeng ven







