Share

KABANATA 13.1(Jeju Island)

Pagkatapos nilang mag-agahan ay bumyahe na agad sila papunta sa airport at lumipad patungong Jeju Island. Nais sana ni Glayscent na magtrain at ferry para makita nya ang mga tanawin pero aabutin ng ilang oras kung doon sila sasakay, kaya naman pumayag na rin sya sa eroplano.

Makalipas ang mahigit dalawang oras ay narating na nila ang mala paraisong isla ng Jeju. Namilog ang mga mata ni Glayscent sa nakakahalinang tanawin na sumalubong sa kanila.

“We haven’t reached our first stop, so save your energy for the whole day,” wika ni Haniel habang nilalanghap ang sariwang hangin ng isla.

Tumango-tango lamang sya habang pinapasadahan ng tingin ang paligid, maya-maya pa ay dumating ang isang red BRZ/86 sports car. Bumaba ang driver nito at lumapit kay Haniel bago inabot ang susi sa kanya at nagpaalam.

Napalunok si Glayscent, “S-sayo rin ang kotse na iyan?” Halos malula sya sa ga

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status