“Lo, I want you to meet, Glayscent, the girl I want to marry, and my son, Nigel.”
Naningkit ang mga mata ng Don nang marinig nya ang sinabi ni Haniel habang ang kanyang kamay na nakapatong sa hawakan ng sofa ay mahigpit na kinapitan. Ang lola naman nya ay napahawak sa kanyang dibdib, halata rin ang gulat sa mga mata.
“How?” tipid na tanong ng kanyang lolo na mas ikinatakot ni Glayscent. Hindi pala salita ang matanda ngunit may mga diin sa bawat salitang kanyang binibitiwan.
Tumikhim si Haniel bago nag-umpisang magkwento, “We dated while I was in college, she is one of Bradly’s friend. He introduced us to each other, lolo.” Nilingon nya si Glayscent at pilit na ngumiti, Inilipat nya ang kamay sa balikat niya bago bahagya nya iyong pinisil hudyat na kailangan nang umarte ng kasama.
Gumanti rin ng malawak na ngiti si Glayscent at humawak sa bewang ni Haniel bago ito kinurot, bahagyang napaigtad ang binata ngun
Kanina pa hinahanap ni Haniel si Glayscent ngunit hindi nya ito makita sa mansyon. “Nasaan na ba ang babaitang iyon? Sinabi ko nang maghintay lang sa akin, napakatigas ng ulo. Humanda ka talaga ‘pag nakita kita,” inis na sabi nya sa isip habang naglilibot sa mansyon. Nagtanong-tanong na rin sya kung may nakapansin sa kanya o nakakita ngunit wala ni isa ang nagbigay ng impormasyon, hanggang sa nakita nya si mang Artemio na palabas ng mansyon galing sa kusina. “Mang Artemio, nakita nyo ho ba si Glayscent? ‘Yung kasama kong babae? Kanina ko pa po kasi hinahanap eh.” “Ah, si Ms. Glayscent po? Akala ko ho ay kasama nyo sa cellar? Nakita ko kasi s’yang pumasok doon kaya akala ko ay nauna kang pumasok doon,” sagot ng matanda. Nagtaka si Haniel, paano naman mapapadpad ang babaeng iyon doon? “May ilang oras na po ang nakalipas nu’ng makita nyo sya?” “Mga dalawang oras na po sir. Kanina pa po iyon eh,” sagot
“Goodnight, mama.” Isang mahigpit na yakap ang iginawad ni Nigel sa kanyang ina dahil ngayon ang gabi na magkahiwalay na muna silang matutulog. Mahabang paliwanagan ang nangyari bago nya napapayag ang anak na matulog sa kwarto ng mag-asawang Hermuenez. Medyo natatakot kasi ito sa boses ng Don maging sa matatalim na titig nito, hindi man nya aminin sa anak ay nakakaramdam din sya ng takot sa presensya ng matanda ngunit kailangan n’yang ituloy ang plano dahil tinupad ni Haniel ang napagkasunduan nila. Natatakot sya na baka pagbayarin sya nito kung mabubulilyaso agad ang kanilang plano. “Goodnight din baby ko, sleep ka na kina lola ha, ‘wag kang pasaway.” Hinalikan nya ito sa noo at ngumiti naman ito sa kanya bago tuluyang lumabas ng pinto at sumunod sa naghihintay na kasambahay. Habang nasa kwarto ay bumalik muli sa kanyang isip ang sinabi ni Haniel sa kanya, May kung anong kurot iyon sa kanyang puso kahit na wala na
Isang linggo pagkatapos ng araw na bumisita si Ryker sa mansyon ng mga Hermuenez ay pinuntahan ito ni Haniel sa kanyang condo unit sa Makati upang ipaliwanag ang buong pangyayari, nagkaunawaan naman ang dalawa at nangako si Ryker na mananahimik hanggang sa maging maayos na ang lahat kapalit ng pangako rin ni Haniel na magsasama sila at lalayo sa oras na mapasakamay na ni Haniel ang kanyang mana. Para makabawi sa paglilihim nya kay Ryker ay lumabas sila upang makapag-date, kumain sila sa labas at nanuod ng sine. Pumunta sila sa lugar na walang makakakilala sa kanila, ang hindi nila alam ay may nagmamatyag sa bawat kilos nilang dalawa. Kinukunan sila ng litrato ng palihim. ~~ “February 14, 2021. The much-awaited wedding of the century, especially from the Hermuenez clan. Haniel Hermuenez, the very handsome sole heir of Don Graciano Hermuenez will now tie the knot to the very beautiful Ms. Glayscent Clemente, they’ve
Kinabukasan, nakahanda na ang mga gamit nina Haniel at Glayscent para sa kanilang honeymoon. Inayos na nila ito noong isang araw. Hindi nila makakasama si Nigel dahil mamimiss daw ni Donya Eloisa ang bata, naging malapit na ito sa kanyang anak. “Baby, ‘wag mong masyadong papagurin si lola ha? Magpakabait ka. Babalik kami agad. I love you.” Isang matamis na halik sa pisngi ang iginawad nya sa kanyang anak na tinugunan naman nito ng isa ring halik. “Opo mama, balik kayo agad ha. Pasalubong.” Lambing nito sa kanya, tumango naman sya at sinabing, “Sige, baby. Pag-uwi nina mama at papa marami kang pasalubong.” Lumapit din si Haniel kay Nigel at bumulong, “Batang multo, ‘wag kang malikot ha. ‘wag ka rin masyadong madaldal, baka kung ano ang sabihin mo kina lolo at lola mayayari ka sa’kin.” Sinamaan lamang sya ng tingin ni Nigel tska sya dinilaan nito sabay takbo sa likod ni Donya Eloisa. “A
“What the fuck are these?” Halos malaglag ang panga at hindi makapaniwala si Haniel sa kanyang nakita, maging si Glayscent ay halata ang gulat sa mga mata, napatakip pa ito sa kanyang bibig. Naabutan kasi nila sa kanilang silid ang iba’t ibang uri ng mga adult toys at mga bagay na ginagamit para sa love making na kaparehas sa pelikulang fifty shades of grey. “U-umamin ka nga, Haniel. Kalahi mo ba si Christian Grey?” anito habang hawak ang isang latigo na napulot nya sa carpet ng kwarto. Pinandilatan sya ng mga mata ni Haniel bago kinuha ang latigong hawak nya “I don’t do this kind of stuff, Glayscent. Lalong-lalo na hindi sa’yo. Pinagkibit balikat lamang ito ni Glayscent. “Sinisigurado ko lang.” Tska lumakad palayo upang maglibot sa buong kwarto. Nag-ring ang cellphone ni Haniel at rumehistro ang pangalan ni Bradly. “Hello?” “Nakita nyo na
Kung maaari lamang na bugbugin ni Haniel ang parte ng sarili n’yang nag-udyok na halikan si Glayscent ay ginawa na nya. Ngunit huli na para mag-sisi, nagawa na n’yang ilapat ang labi sa babae. Nang dahan-dahang ilayo ni Haniel ang mukha nya rito ay hindi malaman ni Glayscent ang dapat maging reaksyon, naging awkward ang buong paligid at hindi sila halos makatingin sa mata ng isa’t-isa.Tumikhim si Glayscent, nagtanggal ng bara sa lalamunan na parang biglang natuyo dahil sa biglaang nangyari.“B-bakit… bakit mo ginawa i-iyon?” Nag-aalangan man ay tinanong nya parin si Haniel kahit na nauutal sya sa pagsasalita.Hindi naman agad nakasagot si Haniel at parang walang mahagilap na tamang salitang dapat n’yang sabihin.“Ah, i-iyon ba? Ha-ha-ha, a-ano… s-sabi mo kasi, ano… na nakakakilig y-y’ung eksena dun sa… pinanuod mo. Hindi ba? Kaya, ano&hel
Nag-sscan lang si Haniel ng mga channel sa tv nang marinig nya ang malakas na pagsigaw ni Glayscent na nanggagaling sa banyo, dahil sa pagkataranta at pag-aalala na baka may nangyaring masama ay dali-dali s’yang tumakbo papasok sa banyo. “What happened?” tarantang tanong nya kay Glayscent na nasa loob ng bath tub. “A-ang lamig ng tubig! Bakit ganyan kalamig? P-parang galing sa freezer!” Nakatayo parin sya sa bath tub habang nakaturo pa sa shower. Napatingin si Haniel sa kanyang dereksyon at natulala, nagtaka si Glayscent kung bakit bigla itong tumalikod. Huli na nang mapagtanto n’yang wala nga pala s’yang kahit anumang saplot sa katawan. Agad n’yang tinakpan ang sarili ngunit wala na rin itong saysay dahil nakita na ng lalaki ang kanyang kabuoan. “Bakit ka ba pumasok bigla dito! Nakakainis ka talaga!” galit na usal nya sa lalaki at tinatakpan parin ang katawan gamit ang nahigit na bat
Pagkatapos nilang mag-agahan ay bumyahe na agad sila papunta sa airport at lumipad patungong Jeju Island. Nais sana ni Glayscent na magtrain at ferry para makita nya ang mga tanawin pero aabutin ng ilang oras kung doon sila sasakay, kaya naman pumayag na rin sya sa eroplano.Makalipas ang mahigit dalawang oras ay narating na nila ang mala paraisong isla ng Jeju. Namilog ang mga mata ni Glayscent sa nakakahalinang tanawin na sumalubong sa kanila.“We haven’t reached our first stop, so save your energy for the whole day,” wika ni Haniel habang nilalanghap ang sariwang hangin ng isla.Tumango-tango lamang sya habang pinapasadahan ng tingin ang paligid, maya-maya pa ay dumating ang isang red BRZ/86 sports car. Bumaba ang driver nito at lumapit kay Haniel bago inabot ang susi sa kanya at nagpaalam.Napalunok si Glayscent, “S-sayo rin ang kotse na iyan?” Halos malula sya sa ga