Incompatible. This is how one can describe the relationship of Victorino and Prescilla. First, as neighbors, second as friends, and third, as lovers. Two rival feelings and one unpredictable fate lead to the union of two different hearts. But this is not how fate works, it plays with people most of the time. Incompatibility made Victor and Prescilla together, their being different will also lead them to separation.
Lihat lebih banyakSa paglipas ng dalawang taon ay alam kong limot ko na ang aking nararamdaman para sa taong huli kong minahal kaya naman hinahayaan ko ang aking sarili na makakilala at makasalamuha ng ibang tao.
"Sir, here is the menu," saad ng waiter saka niya iniabot sa akin iyon. Kinuha ko naman iyon."I will order later. Hihintayin ko lang yung kasama ko," wika ko.Narito ako ngayon sa Carina's Hotel and Restaurant dahil may kikitain akong isang kaibigan. Kay tagal kong pinag-isipan ang bagay na ito at sa wakas ay makikilala ko na rin siya.
Habang nakaupo ako ay iniisip ko ang kanyang hitsura—ang hubog ng kanyang katawan, kulay ng kanyang balat at ang kanyang mukha. Sa pag-iisip ko ay hindi ko namalayang madami na palang pumapasok na mensahe sa aking cellphone na nakapatong sa mesa.
Nang makita ko iyon ay biglang tumibok nang mabilis ang aking puso."Hi! I am here na sa labas ng resturant. Saang table ka nakaupo?"Ito ang laman ng kanyang mensahe."Hintayin mo na ako diyan sa labas. Susunduin kita," reply ko.Tumayo ako at inayos ang suot kong puting long sleeves na nakatupi hanggang sa aking siko na naka-tuck sa aking kulay Itim na maong pants. Putcha! Pumorma pa ako para sa kanya. Dapat maganda ang first meet up namin.Paalis na ako nang biglang tumunog ang aking cellphone."No. Just stay there. Ako na lang ang maghahanap sa 'yo. See you.” Iyan ang laman ng message.Hindi ko na na-reply-an ang kanyang chat dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko. Muli na ba akong iibig?"Hi, my virtual friend," biglang rinig ko mula sa aking likuran.Hindi ko alam kung ano ang ikikilos ko dahil sa boses na narinig kong iyon. Hindi ko malaman kung sasagot ba ako o tatahimik na lang. Hindi ko alam kung lilingunin ko ba siya o ipapako na lang ang aking tingin sa iisang direksiyon."Hey!” Kalabit niya sa aking balikat."I am Sakura, your virtual friend. Ikaw ba yung ka-meet-up ko?" saad niya ngunit nanatili akong nakaupo at hindi ko pa rin siya nililingon."I am sorry, sir. Mukhang namali yata ako nang nahanap. Parehas kasi kayo ng damit nung taong kikitain ko. Naka-white long sleeves din siya, eh. Kaya siguro hindi ka lumilingon kasi hindi ikaw 'yon. Pasensiya ka na, Sir, ah.Tatawagan ko na lang siya."Pinakiramdaman ko muna siya at sa tingin ko ay kasalukuyan siyang nagse-cellphone dahil narinig ko ang tunog nito.
Ilang segundo lang ay tumunog ang aking cellphone at nakita ko sa screen nito ang kanyang pangalan."My gosh! Ang tagal naman niyang magreply," reklamo nito ngunit nanatili akong nakaupo at nakatitig lang sa aking cellphone.Ilang segundo lang ang nakalipas.Sakura is calling…."Sir," aniya sabay kalabit ulit sa aking balikat."Ikaw naman pala yung ka-meet ko eh. Bakit ayaw mo akong lingunin? Ikaw ha. Baka nahihiya ka? Sorry. Madaldal pa naman akong tao," dire-diretso niyang saad saka rin siya umikot at diretsong umupo sa harap ko ngunit hindi pa niya ako nakikita dahil ako ay nakayuko lang.Wala akong lakas ng loob na tumingin sa kanya sa mga sandaling ito. Hindi ko alam."Oy na-miss kaya kita. Mahal na nga ya—” Natigil ang sinasabi niya nang bigla ko siyang titigan at nagtama ang aming mga mata.Sa wakas ay nagkaroon na ako ng lakas ng loob na para titigan siya.Ang ganda niya, sobra. Ang ganda niya sa suot niyang dress na off-shoulder na kulay black and white tapos naglagay siya ng konting kolorete sa kanyang mukha at ang buhok niya naman ay nilagyan niya ng pin na may design. Kahit sinong lalaki ay maiinlove sa kanya ngunit gusto kong ako lang ang lalaking iyon.Sa gulat niya ay akmang tatayo na siya ngunit mabilis kong hinawakan ang kanyang kamay na nakapatong sa mesa upang pigilan siya sa pag-alis. Sa pagkakataong ito, nananaig ang nararamdamn ko para sa kanya."Na-miss din kita," nakangiting tugon ko.
PRECY'S POINT OF VIEWLabis ang ikinabahaLa ng mga tao sa buong kumpanya dahil sa aksidenteng naganap. May isang babae kasing na trapped at may kailangang kunin sa loob ng stocked room kaso nga lang ay aksIdenteng nasagi niya ang nakatayong tubong bakal sa gilid dahilan ng pagkaka-ipit ng kanyang kamay.Wait,maiba tayo. Tila 'di gagana ang plano ni Tanya kung paano malaman kung talagang apektado pa rin si Victor sa nangyari. Parang ako lang naman talaga ang apektadong-apektado sa nanyari. I am just over thinking.Malapit ng magalas-tres ng madaling araw nang kami ay time-out ni Tanya. Siguro dahil sa pagod ay walang imikan sa tricycle na sinasakyan naming dalawa. It is also because pati si manong driver ay inaantom na rin dahil dis-oras ng umaga ang biyahe niya."Bye Tanya, kitakits na
VICTOR'S POINT OF VIEWHindi ko masabi sabi kung anong nararamdaman ko. Ito ay dahil natatakot o 'di kaya'y nahihiya lang dahil sa nakaraan namin.Naghintay pa ako ng ilang oras upang sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko.Magaalas-kuwatro na at siguro nakatulog na rin siya.Eto nakaupo nanaman ako sa labas ng kuwarto niya. Nag-iisa matapos makipag-usap kay Precy. Tingin ko tuloy sayang ang paghihintay ko ng matagal dahil wala naman akong nasabi sa kaniya. Siguro may tama at eksaktong panahon para riyan.Hindi ko na tinangkang matulog pa dahil ilang oras na lamang ay papasok nanaman ako sa trabaho. Dahil kung matutulog pa ako ay malamang hindi na ako magigising sa tamang oras o di kaya naman ay sasakit nanaman ang ulo ko pag nakulangan ng tulog. Kaya imbes na matulog inilibang ko na lamang ang sarili ko sa pagfefacebook.At eksaktong-eksaktong t
PRECY'S POINT OF VIEWPagod man sa katatrabaho sa apartment ay pumasok pa rin ako sa kumpanya. Paano naman kasi, kung sa loob lang sana siya sumuka at nagpakalunod ng dumi niya 'di sana ganoon karumi ang harapan ng apartment.Naamoy kaya. Akalain mo magkahalong usok ng mga sasakyang dumadaan at amoy ng alak ang naamoy pag-akyat at pagpasok mo sa apartment.Ang totoo niyan mismong harapan na kasi ng apartment ko ang daan kung kaya't sa kaunting busina ang ugong lang ng sasakyan ay magigising ka na dahil sa lakas nito.By the way, hindi ko hahayaang ma-stress ako at 'yun lang ang makakasira sa awra ko ngayon. No way! Sayang pa naman itong mahabang hikaw ko at maiksing palda ko kung iisipin ko pa iyon no.Napalingon ako sa may bandang likuran nang may sumigaw."Precy!"tawag sa akin ni Tanya
VICTOR'S POINT OF VIEWHilong-hilo ako. Masakit ang tiyan at mga mata ko at gusto ko na lamang magpatuloy sa pagtulog ngunit hindi pwede. Kaya, nandito na lamang ako sa loob ng OPD nakaupo at naiidlip pag walang ginagawa. Naparami yata ako ng inom at hindi ko na alam kung anong nagawa ko nung time na iyon. Buti na lamang na nandoon si Bernard na naghatid sa akin."Hello bro. How is your night. Grabe ka uminom kagabi ah. Lasing na lasing ka kaya kagabi,"sambit sa akin ni Bernard papunta sa mesa niya.Kaibigan ko si Bernard. Matalik kong kaibigan. Tuwing sahuran ay gigimik kami sa Bar. Dahil Kahit papaano ay nagagawa naming gumimik kahit minsan lang sa isang buwan." Eto bro, hangover as usual. Ayaw ko sana munang pumasok kaso baka magagalit na naman si Director. Alam mo naman 'yun. Ipapalipat ka sa ibang
PRECY'S POINT OF VIEWKinakabahan na nanenerbiyos na bigla kong kausapin si Victor.Buti na lamang ay hindi ko sinabi sa kaniya ang hangarin ko. Dahil sa magkahalong takot at inis ang nararamdaman ko kay Victor sa tuwing nakakausap ko siya.Kung kaya't tinalikuran ko si Victor at iniwan sa baba. Mabilis akong umakyat at umupo sa may parte ng hagdanan. Iniisip kung sasabihin ko na talaga itong nararamdaman ko. Pero kung sasabihin ko ito ay baka isipan niyang desperada ako. O baka sabihin niyang ginawa niya lang 'yun upang matigil na ako at wala lang sa kanya iyon.Magaalas-kuwatro na at nandito pa rin ako sa hagdanan nakaupo, tumatawag sa telepono at nagmumuni-muni. Umakyat na lamang ako at naligo upang maghanda papuntang trabaho.Nakarating ako sa trabaho ng tamang oras dahil may gusto akong pag-usapan with Tanya. Nilapitan ko siya at hindi na akong nag-atubiling tanungin siya.
VICTOR'S POINT OF VIEWNagtulug-tulugan ako dahil 'yun na lang ang tanging paraan upang malaman ni Precy na hindi ako pumasok sa kuwarto niya. At para malaman niyang tulog na ako ay pinatay ko na rin ang ilaw dito sa kuwarto ko.Sa pagkaka alam ko ay binalewala na ni Precy ang nakita niyang susi sa kuwarto niya ngunit……..Tok tok tok***Narinig ko ang katok niya sa pintuan ko. Alam kong si precy 'yun kaya nagpanggap akong kagigising ko lang at naistorbo ako sa pagkakatok niya.Pagkabukas ko ay agad siyang nagsalita.Sa'yo ba to?" Sabay taas ng susing hawak niya.Pagkataas niya ay kinilabutan ako at hindi ko na alam kung ano ang sasabihin
Komen