Beranda / Romance / The Ruined Wife is Back for Revenge / Kabanata 2— The Documents He Hid

Share

Kabanata 2— The Documents He Hid

Penulis: enyxwrites
last update Tanggal publikasi: 2026-11-19 10:17:20

Alessandra's POV

Hindi ako nakatulog nang maayos buong gabi.

Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga narinig ko kagabi.

Once everything is settled, she'll have no choice but to sign.

Then we'll make sure she has nothing left to fight for.

Ano ba talaga ang ibig nilang sabihin?

Anong documents ang tinutukoy nila? At bakit kailangan kong pumirma?

Ilang beses kong sinubukang tawagan si Dominic, pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Hindi rin siya umuwi kagabi.

Napatingin ako sa bakanteng bahagi ng kama kung saan siya karaniwang natutulog.

Three years of marriage, pero ngayon ko lang naramdaman kung gaano ako kalungkot sa sarili kong tahanan.

Ilang minuto akong nakatitig sa wedding ring ko bago ko iyon hinubad.

Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko hindi ko na kayang isuot iyon ngayon.

Kinabukasan, bumaba ako para mag-almusal.

"Good morning, Ma'am Alessandra."

Bahagya akong ngumiti sa kasambahay naming si Linda.

"Good morning, Linda. Has Dominic come home?"

Umiling siya.

"Hindi pa po, Ma'am. Pero may tumawag po kanina. Sabi niya, baka late na naman daw makauwi si Sir."

Tumango ako.

"Okay. Thank you."

Hindi na ako nagtanong pa.

Pagkatapos mag-almusal, naisipan kong pumasok sa home office ni Dominic. May gusto akong malaman, at hindi ako mapapakali hangga't hindi ko nakikita ang mga dokumentong pinag-uusapan nila.

Alam kong ayaw niyang may ibang humahawak sa mga gamit niya.

But this time, I didn't care.

Dahan-dahan kong binuksan ang p***o.

Malinis ang buong office. Nasa tamang lugar ang mga libro, folders, at iba pang gamit niya.

Sinimulan kong tingnan ang mga papel na nakapatong sa desk niya.

Wala.

Binuksan ko ang drawer sa kanan. May ilang contracts at company reports, pero wala akong makitang dokumentong may pangalan ko.

Hanggang sa mapansin ko ang isang brown envelope na nakasingit sa ilalim ng ilang folders.

Kinuha ko iyon.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang buong pangalan ko na nakasulat sa unang pahina.

ALESSANDRA MONTEMAYOR.

Binuksan ko ang envelope at nagsimulang magbasa.

May ilang legal documents tungkol sa properties, financial accounts, at isang business agreement.

Hindi ko maintindihan ang lahat ng nakasulat, pero may isang bahagi na agad nakakuha ng atensyon ko.

May pangalan ko sa isang agreement na may kinalaman sa transfer of ownership.

I turned to the next page.

Nandoon ang signature line ko.

Bakit may document na kailangang ilipat ang ownership ng isang property gamit ang pangalan ko?

At bakit hindi ko ito alam?

Napahawak ako sa papel.

Binabasa ko pa sana ang iba pang detalye nang makarinig ako ng isang pamilyar na boses.

"What are you doing here?"

Mabilis akong napalingon.

Nakatayo si Dominic sa may pintuan.

"Dominic..."

Agad na bumagsak ang tingin niya sa envelope na hawak ko.

"Where did you get that?"

"I found it on your desk."

"Give it to me."

"Wait. Can you explain what this is?"

Lumapit siya sa akin at biglang inagaw ang envelope.

"These are business documents."

"Why is my name on them?"

"Because I need your signature."

Napatitig ako sa kanya.

"For what?"

"Just some company matters."

"That's not an answer, Dominic."

Lalong tumigas ang ekspresyon ng mukha niya.

"Alessandra, I don't have time for this."

"Then make time! This is my name we're talking about. I have the right to know what I'm signing."

Inilagay niya ang mga papel sa loob ng envelope.

"You don't need to understand every detail. Just sign when I tell you to."

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

"You want me to sign something without knowing what's written on it?"

"You're my wife. You should trust me."

Napatawa ako nang mahina, pero walang saya sa tawang iyon.

"Trust you?"

Tumingin siya sa akin.

"What's that supposed to mean?"

Gusto kong ipaalala sa kanya ang nangyari kagabi. Gusto kong itanong kung paano niya nagawang sampalin ang sarili niyang asawa sa harap ng maraming tao.

But I held myself back.

"Nothing."

"Good. Then stay out of my office."

Nilagpasan niya ako at inilagay ang envelope sa loob ng isang locked cabinet.

Pinanood ko siyang ikutin ang susi para mai-lock iyon.

At sa sandaling iyon, lalo akong nakumbinsi.

May itinatago siya.

At ayaw niyang malaman ko kung ano iyon.

Nang hapong iyon, nasa living room ako nang tumunog ang phone ni Dominic.

Iniwan niya iyon sa center table bago umakyat sa second floor.

Wala naman akong balak na hawakan iyon.

Pero biglang may lumabas na message sa screen.

Victoria: Did you talk to her about the papers?

Biglang sumikip ang dibdib ko.

May sumunod pang message.

Victoria: We need to finish this before she starts asking questions.

Napatitig ako sa screen.

So it was true.

Alam ni Victoria ang tungkol sa mga dokumento.

Aatras na sana ako nang may panibagong notification na lumitaw.

Victoria: Remember, Dominic. We can't let her find out about the original agreement.

Original agreement?

Anong agreement?

Nagsimulang manginig ang mga kamay ko.

Gusto kong buksan ang messages para malaman ang iba pang pinag-uusapan nila, pero alam kong anumang oras ay puwedeng bumaba si Dominic.

Maingat kong ibinalik ang phone niya sa eksaktong puwesto kung saan ko iyon nakita.

Ilang segundo lang ang lumipas nang marinig ko ang mga yabag niya.

"Alessandra."

Agad akong humarap.

"Yes?"

"Have you seen my phone?"

Itinuro ko ang mesa.

"There."

Kinuha niya iyon at tiningnan ang screen.

Saglit na gumalaw ang mga mata niya bago muling bumaling sa akin.

"Did you touch it?"

"No."

Ilang segundo niya akong tinitigan bago ipinasok ang phone sa bulsa niya.

"Good."

Pagkatapos ay naglakad na siya palayo.

Naiwan akong nakatayo sa kinatatayuan ko.

Even his simple question sounded like an accusation.

Kinagabihan, bumalik ako sa bedroom namin.

Nakaupo ako sa gilid ng kama nang biglang mag-vibrate ang phone ko.

Unknown number.

Binuksan ko ang message.

Unknown: Alessandra, you need to be careful.

Kumunot ang noo ko.

Sino ito?

May sumunod na message.

Unknown: Your husband is planning something behind your back. Don't sign any document he gives you.

Mas bumilis ang tibok ng puso ko.

Agad akong nag-type ng reply.

Me: Who is this? What do you know about my husband?

Naghintay ako ng sagot.

Pero walang dumating.

Sa halip, may panibagong message na lumitaw.

Unknown: You think he married you because he loved you? Then you should start asking questions about the agreement signed before your wedding.

Sandali akong hindi nakagalaw.

Agreement?

Anong agreement?

Agad kong naalala ang mga dokumentong nakita ko sa office ni Dominic.

Could they be connected?

Bago pa ako makapagpadala ng panibagong message, may isa pang text na natanggap.

Unknown: Check your wedding documents, Alessandra. The truth has been there from the beginning.

Dahan-dahan kong ibinaba ang phone ko.

Nasa cabinet sa bedroom namin ang mga wedding documents.

Tumayo ako at naglakad papunta roon.

Nanginginig ang mga kamay kong binuksan ang drawer at hinalughog ang mga folders hanggang sa makita ko ang marriage papers namin.

Isa-isa kong tiningnan ang bawat pahina, hinahanap kung may kakaiba akong mapapansin.

Hanggang sa mapansin ko ang isang hiwalay na dokumentong nakakabit sa likod.

It was an agreement dated three days before our wedding.

Mabilis na gumalaw ang mga mata ko habang binabasa ang laman nito.

At pagkatapos, may nakita ako.

DOMINIC SALAZAR'S SIGNATURE.

Pero hindi ang pirma niya ang nakakuha ng atensyon ko.

Kundi ang paragraph na nakasulat sa itaas nito.

Binasa ko iyon nang isang beses.

Pagkatapos, muli ko iyong binasa.

Halos mawalan ako ng lakas sa mga tuhod.

May nakasaad na kondisyon sa agreement na iyon na may kinalaman sa pangalan ko, sa pamilya ko, at sa marriage namin.

Isang kondisyon na hindi niya kailanman sinabi sa akin.

Dahan-dahan kong tinakpan ang bibig ko.

"Why, Dominic?"

Nabasag ang boses ko.

"Why did you hide this from me?"

Sa loob ng tatlong taon, naniwala akong pinakasalan ko ang isang lalaking nagmamahal sa akin.

Pero ngayon, nagsisimula na akong kuwestiyunin ang lahat.

Was our marriage ever real?

O parte lang ako ng isang planong maingat niyang inihanda bago pa man niya isuot ang singsing sa daliri ko?

Napatingin ako sa wedding picture naming nakapatong sa bedside table.

Pareho kaming nakangiti sa litrato.

Naalala ko kung gaano ako kasaya noong araw na iyon.

Kung gaano ako ka-excited na magsimula ng pamilya kasama siya.

Pero nang muli kong tingnan ang agreement na hawak ko, isang tanong ang hindi na maalis sa isip ko.

Masaya nga ba talaga si Dominic na pakasalan ako?

Because what I found in that document could change everything I had ever believed about our marriage.

At ang mas nakakatakot?

Hindi ko pa alam kung gaano kalalim ang panlilinlang na pinagdaanan ko sa loob ng tatlong taon.

---

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Ruined Wife is Back for Revenge    Kabanata 6 — The Lawyer's Office

    Alessandra's POVHindi ko alam kung mas kinakabahan ba ako sa meeting na ito o mas natatakot sa posibilidad na tuluyan ko nang malaman ang katotohanan tungkol sa asawa ko.Kanina pa kami nasa sasakyan ni Dominic. Tahimik siya habang may binabasa sa kaniyang cellphone, samantalang ako naman ay nakatingin sa labas ng bintana.Hindi niya man lang ako tinanong kung maayos ba ang pakiramdam ko.As usual."Malapit na tayo," malamig niyang sabi nang hindi inaalis ang tingin sa screen.Tumango lang ako.Ilang minuto pa ang lumipas bago huminto ang sasakyan sa harap ng isang modernong office building."Let's go."Nauna siyang bumaba. Sumunod ako habang mahigpit na hawak ang bag ko. Nasa loob nito ang mga litrato ng agreement na palihim kong kinunan.Hindi ako pupunta dito para basta makinig at pumirma.Gusto kong malaman kung ano talaga ang pinapapirmahan nila sa akin.Pagpasok namin sa building, dumiretso kami sa elevator. Pinindot ni Dominic ang button para sa fifteenth floor."Who are we me

  • The Ruined Wife is Back for Revenge    Kabanata 5— The Price of my Name

    Alessandra's POVHindi ko maalis ang tingin ko sa dokumentong nasa harap ko.Ako ang sole beneficiary ng Montemayor Family Holdings.Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang katotohanang iyon. Sa buong buhay ko, hindi ko kailanman inisip na may ganito kalaking responsibilidad na naghihintay sa akin.Hindi ako nakikialam sa negosyo ng pamilya. Hindi ko rin alam kung gaano kalaki ang kayamanang iniwan ng lolo ko.Pero ngayon, nalaman kong matagal na palang may mga taong interesado sa pangalan ko."Why didn't you tell me?" tanong ko sa mga magulang ko.My father sighed."Gusto ng lolo mo na mamuhay ka nang normal. Ayaw niyang lumaki kang iniisip na ang halaga mo ay nakadepende sa mamanahin mo.""Pero Dad, kasal na ako. Bakit ngayon ko lang nalaman?"Hinawakan ni Mama ang kamay ko."Dahil naniwala kaming hindi ka sasaktan ni Dominic. Akala namin, mahal ka niya."Napangiti ako nang mapait."Akala rin naman natin."Walang sumagot sa kanila.Iyon ang mas masakit. Hindi lang pala ako ang n

  • The Ruined Wife is Back for Revenge    Kabanata 4— The Woman Behind my Marriage

    Alessandra's POV"Alessandra. We meet again."Hindi ako sumagot.Nakatayo lang ako sa harap ni Victoria habang nakangiti siya na para bang wala siyang ginawang masama sa buhay ko.I looked at Dominic."How long has she been here?"He frowned."That's none of your business."Napatawa ako nang mahina, pero walang saya sa tawang iyon."Of course. Nothing is ever my business, isn't it?""Don't start.""Then tell me something, Dominic. Why is Victoria always around you?"Tumawid si Victoria ng mga braso sa dibdib."Alessandra, I think you're misunderstanding the situation."Humarap ako sa kaniya."Did I ask you?"Unti-unting nawala ang ngiti niya.Dominic stepped closer."Watch how you talk to her."Napatingin ako sa kaniya."Really? You're defending her again?""She's a business partner. You don't have to make everything personal.""Then why are you hiding things from me?"Hindi siya sumagot.Bumaling ako kay Victoria."How long have you known about those documents?"Saglit siyang sumulya

  • The Ruined Wife is Back for Revenge    Kabanata 3— The Marriage Agreement

    Alessandra's POVHindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig sa dokumentong hawak ko.Paulit-ulit kong binabasa ang bawat linya, umaasang mali lang ang pagkakaintindi ko. Umaasang may ibang paliwanag sa lahat ng nakasulat doon.Pero wala.Nandoon ang pangalan ni Dominic. Nandoon din ang pangalan ko.At ang pinakamasakit sa lahat?May pirma siya sa dokumentong iyon tatlong araw bago ang kasal namin.Ibig sabihin, bago pa man niya isuot sa daliri ko ang wedding ring na ipinangako niyang simbolo ng pagmamahal niya, mayroon na siyang pinirmahang kasunduan tungkol sa aming marriage.Bakit hindi niya sinabi sa akin?I turned to the next page.May ilang conditions tungkol sa financial responsibilities, family assets, at legal authority. Hindi ko maintindihan ang lahat ng nakasaad, pero may isang pangalan na paulit-ulit kong nakikita.MONTEMAYOR FAMILY HOLDINGS.Napakunot ang noo ko.Bakit kasama ang pangalan ng pamilya ko sa agreement?As far as I knew, wala naman akong direktang kina

  • The Ruined Wife is Back for Revenge    Kabanata 2— The Documents He Hid

    Alessandra's POVHindi ako nakatulog nang maayos buong gabi.Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga narinig ko kagabi.Once everything is settled, she'll have no choice but to sign.Then we'll make sure she has nothing left to fight for.Ano ba talaga ang ibig nilang sabihin?Anong documents ang tinutukoy nila? At bakit kailangan kong pumirma?Ilang beses kong sinubukang tawagan si Dominic, pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Hindi rin siya umuwi kagabi.Napatingin ako sa bakanteng bahagi ng kama kung saan siya karaniwang natutulog.Three years of marriage, pero ngayon ko lang naramdaman kung gaano ako kalungkot sa sarili kong tahanan.Ilang minuto akong nakatitig sa wedding ring ko bago ko iyon hinubad.Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko hindi ko na kayang isuot iyon ngayon.Kinabukasan, bumaba ako para mag-almusal."Good morning, Ma'am Alessandra."Bahagya akong ngumiti sa kasambahay naming si Linda."Good morning, Linda. Has Dominic come home?"Umiling siya.

  • The Ruined Wife is Back for Revenge    Kabanata 1— The Wife He Never Chose

    Alessandra's POVHindi ko alam kung kailan nagsimulang maging malamig ang asawa ko.Ang alam ko lang, dati, hindi niya nakakalimutang hawakan ang kamay ko. Dati, kahit gaano siya ka-busy sa trabaho, naglalaan pa rin siya ng oras para tawagan ako at kamustahin kung kumain na ba ako.Pero ngayon?Minsan, kahit simpleng good morning, kailangan ko pang hintayin.I smiled faintly habang nakatingin sa sarili ko sa salamin. Inayos ko ang buhok ko at muling tiningnan ang suot kong red dress. Simple lang iyon, pero alam kong bagay sa akin.Tonight was supposed to be special.Our third wedding anniversary.Tatlong taon na kaming kasal ni Dominic Salazar.At kahit hindi naging perfect ang marriage namin, umaasa pa rin akong may natitira pang pagmamahal sa pagitan naming dalawa.Kinuha ko ang maliit na gift box na nakapatong sa dresser ko. Inside was a silver watch na ilang linggo kong pinag-ipunan at maingat na pinili para sa kanya.Sana magustuhan niya."Alessandra, ready ka na ba?"Napalingon

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status