Share

Chapter 2

Lumipas ang isang linggong hininging palugit ng school kay Leslie at bago pa man siya magpaalam sa kanyang mga co- teacher at mga student ay dumating na ang kapalit niyang bagong teacher na magtuturo sa kanyang mga estudyante.

Mahirap para sa kalooban niya na iiwanan na niya ang mga estudyante niyang napamahal na rin sa kanya sa loob ng ilang buwan, magmula ng magsimula ang kanilang klase ay kailangan niyang tanggapin na magkakahiwa- hiwalay na sila.

"Last day mo na today sa school, Teacher Leslie.

Nakakalungkot naman na iiwan mo na talaga kami ng mga estudyante mo. Mag iingat ka Leslie ha, kapag may kailangan ka ay tawagan mo lang ako okay, mamimiss kita ng sobra." naiiyak na sabi ni Teacher Melody sa kanya.

"Walang iyakan, parang tanga 'to, pati tuloy ako naiiyak na rin. Kainis ka, halika nga rito payakap ako." naiiyak na nga niyang sabi sa kaibigan nang di niya na rin maiwasan na hindi maging emosyonal sa pagpapaalam niya.

Si Melody kase ang super close sa kanya sa mga co-teacher niya sa school dahil sabay silang nagsimulamg magturo sa eskwelahan.

"Bukas na pala ang balik mo sa Cebu, mag iingat ka roon Teacher Leslie ha! kapag nabalik ka ng manila ay dalaw-dalaw ka rin dito." ang sabi naman ng isa pang guro na may edad na. Naging adviser nila ni Melody nung baguhan pa lamang silang nagtuturo.

"Thank you.. Maam, sa lahat ng itinuro niyo sa akin. Hindi ko po kayo makakalimutan, kayong lahat rito." nakangiti niyang saad kay Teacher Fernandez.

Kinabukasan ay nakabalik na siya ng Cebu. Hindi na siya nagpasundo pa sa mga kaanak dahil hindi rin naman niya sinabi na ngayon ang balik niya.

Habang nasa byahe siya pauwe sa bahay ng kanyang mga elder ay naalala niya ang pangyayare kung paano siya napapayag sa kasal.

Flashback

"Iha, apo, gising ka na ba? maaari ba kitang makausap?" alam niyang ang lola Esmeralda niya ang nasa labas ng pinto ng kwarto niya kaya tumayo siya ng kama at pinagbuksan ang abuela at nang makapasok na ito ay bumalik siya sa kama at naupo.

"Alam kong masama ang loob mo sa amin ng lolo Arturo mo apo. Hindi naman lingid sa inyo ng mommy mo na mahalaga ang koprahan sa lolo ninyo di ba. Matanda na kami apo, kahit na anong oras ay maaari na kaming mawala sa mundong ito. Ang iniisip lang ng lolo mo ay una pa atang mawawala sa atin ang koprahan at ang bahay na ito na gusto sana namin ipamana sa inyong magpinsan. Nagkataon lang din na ikaw ang gustong maging kapalit ni Don Menandro na pambayad sa pagkakasanla ng buong koprahan upang maging asawa ng kanyang nag iisang apo na lalaki. Hindi rin naman ako pabor sa naging desisyon ng lolo mo apo, kaya kung labag sa loob mo ay wag mo na kaming intindihin pa." ani ng abuela sa kanya at ikinayakap niya rito dahil hindi siya nito pinilit na magpakasal pa.

"Lola..., si lolo Arturo dalian nyo..!!" nagmamabilis na saad ng katulong ng mga matatanda na agad din nagpalabas sa kanila sa kwarto at nakita nila si Danilo na anak ng kapatid ng Mommy niya na buhat- buhat na ang kanilang lolo.

"Bakit anong nangyare sa lolo mo, Danilo?" nag- aalalang tanong ng lola niya sa pinsan ng makita nitong buhat nito ang kanilang lolo Arturo.

"Inatake sa puso, si lolo, La." nagmamadaling wika ni Danilo.

"Leslie, maiwan ka na rito samahan mo si lola. Kami na muna ang bahalang magpunta ng ospital at babalitaan na lang namin kayo." ang sabi ng kanyang pinsan na nagdudumali na paandarin ang owner type jeep na sakay na ang kanyang lolo at ang isang kasambahay.

Dahil sa pag-aalala sa lolo niya ay di na rin siya nakapagsalita pa at tumango na lamang.

Nang makaalis na ang kanyang pinsan ay nakita niya ang dahan-dahang pag upo ng kanyang abuela sa pang isahang sofa at napapikit ng mata at napansin niya ang pagtulo ng luha sa gilid ng pisngi ng matanda.

Dumaan ang ilang araw na nanatili ang kanyang Lolo Arturo sa ospital, na mild stroke daw ito ang sabi ng kuya Danilo niya ng tawagan sila nito nung unang araw na nadala sa pagamutan ang kanilang Abuelo.

Nasabi ng kanyang lola na hindi na mapagkatulog ng ayos ang lolo niya sa kakaisip sa problema at iniisip din daw nito ang koprahan na mawawala sa kanila, kaya naman nagdesisyon na siyang pumayag na sa kasal upang maibsan ang kalungkutan na nadarama ng dalawang matanda.

"Lola, nakapagdesisyon na po ako. Pumapayag na po ako sa kasal." pagbubukas niya ng usapan ng gabing naghahapunan sila.

"Sigurado ka na ba apo? baka naman nabibigla ka lang dahil sa nangyare sa lolo mo?" paniniguradong tanong na turan ng abuela at pinakatitigan siya sa mata na parang gustong basahin ang nasa isip niya.

"Salamat Leslie, salamat.." natutuwang wika ng pinsan niya na narinig rin ang sinabi niya.

Alam niyang mahalaga rin dito ang koprahan nila dahil ito ang katuwang ng kanyang lolo sa pagpapatakbo ng kanilang pangkabuhayan.

"Siya sige, kung desidido ka na talaga ay ipapaalam na natin kay Don Menandro ang desisyon mo. Matutuwa ang lolo mo apo, salamat!" aniyang muli ng abuela sa kanya.

"Sige po Lola, gusto ko rin po na makausap ang Don." ang sabi niya na tinanguan ng abuela.

Kinaumagahan ay dinalaw sila ni Don Menandro dahil nalaman nitong na ospital ang lolo Arturo niya.

"Magandang umaga Don Menandro, pasok ho kayo para makapag-usap po tayo ng maayos." bungad na bati niya sa Don na sumunod naman sa kanya sa sala.

"Manang, padala naman po ng maiinom rito. Ano pong gusto n'yo Don Menandro, kape, tsaa o juice?" pag- aasikaso niya sa bisita.

"Tubig na lang iha." maayos na sagot naman nito.

"Manang, tubig na lamang po lahat, salamat." ani n'yang utos sa kasambahay.

"Pumunta ako rito upang kumustahin ang asawa mo Esmeralda, kumusta na si Arturo?" saad ng matandang lalaki.

"Maayos naman na ang kalagayan ng aking asawa, Menandro. Mabuti rin at nadalaw ka na, nakausap ko na ang aking apo at pumapayag na siya sa kasal." wika ni Esmeralda kay Don Menandro at napatingin ito sa kanya na seryoso lang din niya itong tinignan.

"Totoo ba ang sinabi ng iyong lola esmeralda iha? pumapayag ka ng talaga?!" tanong na nais makasigurado kung tama nga ang narinig.

"Opo Don Menandro, pumapayag na ko." sagot niya.

"Thanks iha, from now on Lolo Menandro na ang itatawag mo sa akin. Matutuwa ang apo ko kapag nasabi ko na sa kanya ang pagpayag mo iha sa kasal." ani ng Don.

"May picture po ba kayo ng apo niyo Don Menandro?" tanong niya sa matanda.

"Oo naman iha. Wait lang, mayron ako dito sa cellphone ko. Oh ito iha, tignan mo ang apo ko."

Iniabot sa kanya ang phone nito at pinakatitigan niya ang picture sa phone. Gwapo ang lalaki, matangos ang ilong, halatang may lahing kastila, hawig din ito ng Don. Pero walang dating para sa kanya, wala siyang atraksiyon na maramdaman sa lalaking nasa picture.

"Tutupad po ako sa pangako Don Menandro, sana po ay kayo rin. Ipatawag na lamang ninyo ako kapag nakabalik na rito ang apo ninyo." ang sabi niya sa matanda.

End of flashback

"Miss, narito na tayo." ang sabi ng manong driver na sinakyan niya pahatid sa bahay ng lolo't lola niya.

"Salamat po, manong driver!"

"Pwede po bang magpatulong na ibaba ang mga gamit ko?" hinging tulong niya dahil walang sumalubong sa kanya sa labas ng bahay.

"Walang problema, iha."

"Apo.., apo ko.. Leslie narito ka na!" sigaw ng Lola Esmeralda niya ng makita siyang pumasok ng tarangkahan.

Napapikit siya at napahingang malalim. Pilit na ngiti sa labi ang ipinakita niya sa abuela niya dahil nahihirapan siyang itago ang tunay niyang nararamdaman. Hind siya masaya sa kanyang pagbabalik.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jossa
Umpisa pa lang nakakaexcite ng basahin......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status