Hello po, pasensya na kung kaunti lang naa-update ko. Lumuwas po kasi ako nitong lunes akala ko kaya nang balikan kaya iniwan ko laptop ko. Pinasunod ko lang kaya nakapag-update ako ngayon. Salamat po sa pang-unawa.
Samantala naman gusto nang umalis ni Brianna sa condo niya. Babalik na lang siya ng New York para ipagpatuloy ang career niya. Palabas na sana siya ng condo niya dala-dala ang malete nang biglang pumasok ang kaniyang ina. Napataas ang kilay ni Mabel ng makita niya ang maletang dala ng anak niya.“Saan ka pupunta? Tatakas ka?” tanong nito.“Napagdesiyunan kong bumalik na lang sa New York mommy para ipagpatuloy ang career ko. Dapat una pa lang pinakinggan na kita. Hindi tamang bumalik pa ako rito.” Sagot ni Brianna. Hilaw namang tumawa si Mabel saka kinuha ang maleta ni Brianna. Kunot noon naman siyang tiningnan ni Brianna.“What are you doing mom? Hindi ba at ito naman ang gusto mo? Ang bumalik ako ng New York at ipagpatuloy ang career ko?” aniya.“Noong una yun, ito na ang pinili mo kaya ipagpatuloy mo na. Pwede mo namang ipagpatuloy ang career mo kahit nandito ka. Ganiyan ka na lang ba habang buhay? Hahayaang maging talunan sa pag-ibig? Alam ko naman kung gaano mo kamahal si Kier, ba
Kinabukasan habang kumakain sila ng umagahan ay malalim ang iniisip ni Caroline. Wala na siyang balita kay Aubrey simula nang idala nila ito sa hospital. Gusto niya sanang bisitahin ito para malaman niya at makita niya sa personal na okay na ang ate niya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya saka siya muling sumubog ng pagkain. Kanina pa naman nakamasid sa kaniya ang lola niya at ang asawa niya habang tahimik lang si Kirsten na tila malayo rin ang isip.“Ayos ka lang ba apo? Kanina ko pa napapansin na para bang may iniisip ka.” Agaw atensyong wika ni Elsie. Natauhan naman si Caroline saka tiningnan ang lola niyang katapat niya sa lamesa.“Wala lang po lola,” tanging sagot niya. Nakatingin din sa kaniya si Caleb kanina pa rin iniisip kung ano bang iniisip ni Caroline.“May gusto ka bang sabihin? Nababagot ka na ba dito sa loob ng bahay? Tell me.” Ani rin ni Caleb kaya nilingon ni Caroline ang asawa niya. Muli siyang nagpakawala ng malalim na buntong hininga.“Iniisip k
Ilang araw na ang lumipas simula ng may mangyari kay Aubrey pero hindi na siya nabisita ni Caroline. Gustuhin man ni Caroline pero hindi siya pinapayagan ni Caleb na lumabas ng hindi siya kasama. Natatakot silang mahanap si Caroline ng mga taong humahabol sa kaniyang ama. Paano kung magawa nga nilang saktan si Caroline? Nagawa na nila kay Aubrey kaya hindi imposibleng saktan din si Caroline.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Caroline habang nakatingin siya sa kawalan. Ilang araw ng nasa loob lang siya ng bahay.“Caroline, apo, magmeryenda ka na muna.” wika ni Elsie habang may dala-dalang tray. Malalim naman ang iniisip ni Caroline. Kailan ba matatahimik ang buhay niya? Kailangan ba talagang masabit pa ang pangalan niya sa problema ng pamilya niya?“Lola hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko. Hindi ko na alam kung sino ang nagsasabi sa kanila ng totoo. Gulong gulo na po yung isip ko lola.” Wika ni Caroline sa lola niya. Hindi niya na alam kung sino ang dapat pag
Nang makarating sila sa hospital ay nasa loob na ng operating room si Aubrey habang si Caleb ay nasa waiting area na lang. Nang makita ni Caleb ang asawa niya ay nilapitan niya ito kaagad. May bakas pa ng dugo ang damit ni Caroline galing kay Aubrey. Hinaplos ni Caleb ang pisngi ng asawa niya saka niya ito niyakap nang mahigpit.“I’m glad that you’re safe.” Aniya, nakahinga ng maluwag. “Ano bang nangyari? Bakit nandito si Aubrey? Bakit may mga taong gusto siyang patayin?” sunod-sunod na tanong ni Caleb.“Hindi si Aubrey ang target nila.” sagot ni Caroline. Nagsalubong ang mga kilay ng dalawang magkapatid habang nakatingin sila kay Caroline.“What do you mean?” naguguluhang tanong ni Caleb.“Pinuntahan ako ni Aubrey para balaan. Hinahabol si daddy ng mga taong pinagkakautangan niya. Ang sabi ni Aubrey ako ang target nila ngayon. Ikaw ang gusto nilang singilin dahil ikaw ang asawa ko. Hindi ko alam kung anong buong kwento at kung ano talagang nangyayari sa kanila. Ako sana ang babarilin
Palakad-lakad lang si Caroline sa lobby para mawala ang antok niya. Ayaw niya kasing matulog sa hapon dahil alam niyang kalahating araw na naman siyang matutulog tapos hirap siyang makatulog sa gabi. Pinagmamasdan lang ni Caroline ang mga empleyado ng TLG habang si Caleb ay nasa office nito tinatapos ang lahat ng gawain.“Mia, what are you doing here?” tanong ni Caroline ng makita niya ang secretary niya.“Nagkaproblema ma’am sa office. Yung supplier natin ng mga silk at ibang tela bigla silang umatras. Imposible naming maideliver ang mga order sa atin sa tamang oras. Yung supplier natin ngayon ang may pinakamagaganda ng tela pero ayaw na nilang makipagpartner sa atin.” Nag-aalalang saad ni Mia. Natahimik naman si Caroline. Maayos naman ang pag-uusap nila ng supplier nila noon pero anong nangyari? Posible bang may taong nangsasabotahe sa kaniya?Ayaw isipin ni Caroline na si Brianna yun pero wala na siyang ibang tao na may nakakaalam sa ginagawa niya ngayon.“Sige gagawa ako ng paraan
Pagsapit ng weekend ay lumabas na naman si Kirsten para bumili ng mga gamit ng kambal. Masyado siyang nawiwili na bumili ng gamit ng mga baby. Napapangiti siya habang tinitingnan niya ang mga baru-baruan, onesies at mga pangtulog ng baby. Kung dati gamit niya ang mga binibili niya, ngayon gamit ng magiging kambal ng kapatid niya.“Good morning ma’am, nakapili na po ba kayo? Kung gusto niyo po ng assistant nandito lang po kami.” Nakangiting wika ng saleslady.“No, I’m fine, thanks.” Sagot ni Kirsten na ikinatango na lang ng saleslady saka ito umalis. Nang makapili si Kirsten ay inilagay niya na ito sa shopping cart niya. Napapangiti siya habang tinitingnan ang mga damit. Siguro kung ikinasal na rin siya noon baka may sarili na rin siyang anak ngayon.Abala siya sa pagshoshopping nang may taong lumapit sa kaniya. Inangat ni Kirsten ang paningin niya, ang mga ngiti sa labi niya ay biglang naglaho ng makita niya si Jayvie. Napapaikot na lang ang mga mata ni Kirsten. Hinila na ni Kirsten a