Share

Kabanata 10

Author: yklareyy
last update Last Updated: 2024-02-09 18:33:50

Kabanata 10

"Paulit-ulit lang ito?" Tanong ko.

Lumunok muna siya bago tumango at ibinalik ang tingin sa gitara. Inutusan niya akong ikasa na ang gitara habang nakaipit ang mga daliri ko sa mga frets na tinuro niya. Sinubukan ko ang tinuro niya, up and down na pagkasa at mas diniinan ang pagkakahawak sa mga strings.

Mukhang natugtog ko naman iyon nang maayos dahil maganda naman ang kinalabasan kaya nakangiti akong lumingon kay Syd.

"Ayos ba?" Tanong ko.

Natigilan siya. Napatitig muna siya sa akin bago ngumiti at sumagot. "O-Oo, maayos..." Aniya bago tumikhim.

Maganda ba talaga ang tugtog ko or sadyang maganda lang talaga ang tunog ng kaniyang gitara? Nahihiya ba siyang aminin sa akin ang totoo na pangit talaga ang tugtog ko kaya nautal siya dahil sa pagsisinungaling niya?

Nanatili ang titig ko sa kanya, hindi na inalintana kung gaano na kalapit ang mga mukha namin.

"Hindi ba maganda?" Tanong ko ulit.

Napabalik ang tingin niya sa akin. "M-Maganda naman, not bad for beginners..."

If tha
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Runaway Fiancé   Kabanata 10

    Kabanata 10"Paulit-ulit lang ito?" Tanong ko.Lumunok muna siya bago tumango at ibinalik ang tingin sa gitara. Inutusan niya akong ikasa na ang gitara habang nakaipit ang mga daliri ko sa mga frets na tinuro niya. Sinubukan ko ang tinuro niya, up and down na pagkasa at mas diniinan ang pagkakahawak sa mga strings.Mukhang natugtog ko naman iyon nang maayos dahil maganda naman ang kinalabasan kaya nakangiti akong lumingon kay Syd."Ayos ba?" Tanong ko.Natigilan siya. Napatitig muna siya sa akin bago ngumiti at sumagot. "O-Oo, maayos..." Aniya bago tumikhim.Maganda ba talaga ang tugtog ko or sadyang maganda lang talaga ang tunog ng kaniyang gitara? Nahihiya ba siyang aminin sa akin ang totoo na pangit talaga ang tugtog ko kaya nautal siya dahil sa pagsisinungaling niya?Nanatili ang titig ko sa kanya, hindi na inalintana kung gaano na kalapit ang mga mukha namin."Hindi ba maganda?" Tanong ko ulit.Napabalik ang tingin niya sa akin. "M-Maganda naman, not bad for beginners..." If tha

  • The Runaway Fiancé   Kabanata 9

    KABANATA 9"Baka kapag magpatugtog ako ng gitara at kumanta sa harapan mo, hindi mo makayanan ang sarili mo't hagkan ako," Hambog na aniya.Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sumabog na ako sa kakatawa. Nakita ko naman kung paano siya ngumisi sa reaksyon ko.Inasar na nga, ngumisi pa. Baliw."Patawa-tawa lang pero kinilig na pala," Sabi niya.Mas lalo akong humagalpak nang tawa at nakahawak na ako sa dibdib ko ngayon. Sumasakit na rin ang tiyan ko sa ginagawa ko.Tumawa muna ako. "Ang hangin mo! Hindi ka nga siguro marunong," Ani ko.Umiling-iling lang siya at nilapag ang gitara sa tabi niya. Binigay niya sa akin ang dala kong plate na wala nang laman. "Sama ako mamaya ha? Mag-aantay ako sa labas," Sabi ko.Nanatili siyang nakatayo habang nakapamewang na nakatingin sa akin."Kapag sinama kita mamaya, lalayo ka kay Syd ha? Kun'di kakaladkarin kita pauwi kahit hindi pa tapos ang gig ko," Striktong aniya.Umirap ako. "Paano ako matututong mag gitara kung pagbabawalan mo ako? At tsak

  • The Runaway Fiancé   Kabanata 8

    KABANATA 8"Bakit mo ba ako palaging binabantaan?" Hindi siya sumagot sa tanong ko."Ganoon na ba ako ka-threat sa 'yo?" Napailing siya sa sinabi ko. "Bakit naman ako matatakot sa 'yo? Sino ka ba para katakutan? Alam mo, kung may dapat mang matakot, ikaw iyon," "Bakit naman ako matatakot sa 'yo? Wala naman akong ginawang masama para matakot sa 'yo," Sagot ko."Wala ba talaga? Bakit hindi ako kumbinsido sa sinabi mo?" Aniya."Kung hindi ka kumbinsido sa akin, hindi ko na iyon problema. Hindi naman ako nandito para kumbinsihin ka. Nandito ako para sa trabaho ko," Wika ko.Napabuntong-hininga ako at iniwas ang paningin sa kanya. Kung may dapat mang magpigil, ako dapat iyon dahil ako ang trabahante at anak siya ng boss ko. Ako dapat ang umiwas dahil ako ang nangangailangan ng trabaho. Kailangan kong kontrolin ang sarili kong emosyon dahil baka ano pa ang masabi ko. Aware ako sa sarili ko. Kung ano

  • The Runaway Fiancé   Kabanata 7

    KABANATA 7"Oh, buti nandito ka na!" Salubong sa akin ni Ma'am Trisha.Niyakap niya ako at nagbeso na ikinagulat ko."Kanina ka pa namin inaantay!" Ngumiti ako sa kanya at hinawakan siya sa balikat. "Akala ko po kasi hindi na matutuloy. Pumunta lang po talaga ako rito para dalawin kayo," Ani ko."Ikaw naman! Oo naman ‘no! Tuloy na tuloy! Hindi ko nga alam kung ano ang nakain nitong anak ko at nagpaluto nang marami!" Maligayang ani niya.Giniya niya ako patungo sa lamesa at pinaghila pa talaga ako ng upuan. Nakangiti akong nagpasalamat sa kanya at bumati kay Sir Leonell Vasquez na ngumiti lang sa akin. Napatingin ako sa gawi ni Travis na ngayon ay tahimik lang na nakatingin sa ginagawa ng ina niya. Bigla siyang tumingin sa gawi ko kaya nagtama ang paningin namin na ikinasama ng tingin niya. Nakita iyon ni Ma'am Trisha kaya pinagalitan siya."Ayusin mo nga iyang pagmumukha mo Travis! Nasa harap ka ng pagkain tapos busangot ka," Sabi ni Ma'am Trisha na parang balewala lang kay Travis.N

  • The Runaway Fiancé   Kabanata 6

    KABANATA 6"Miss Castillejo, This is Travis Vasquez, my son." Napatitig ako sa lalaki na ngayon ay nakatingin na rin sa akin. Mas lalo akong nanginig sa mga titig niyang parang ayaw akong bitawan. Kumunot ang noo niya at naniningkit ang mata sa akin pagkatapos ngumiti ng nakakaloko."Who is this beautiful lady, Ma?" Tanong niya.Napabaling ang tingin ko kay Ma'am Trisha na ngayon ay nakatingin na rin sa akin. Ngumiti siya bago tumingin sa gawi ng anak."Don't hit on her. Keep your distance because she is our new manager." May diing sabi ni Ma'am Trisha sa anak niya."Why would I hit on her Ma? I just said that she's beautiful, nothing else," He said before he turned his gaze on me.Ma'am Trisha chuckled, "Shut up Travis, I know you." Umiling lang si Travis sa sinabi ng kanyang ina bago ibinalik ang tingin sa akin. Dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa akin habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa ng kaniyang hoodie. Wala sa sariling napaatras ako kaya nakita ko kung paano siya ng

  • The Runaway Fiancé   Kabanata 5

    Kabanata 5: Maayos akong nakarating sa resort kung saan ako ni-refer ng manager ko sa dating pinagtatrabahauan ko. May nag asikaso sa akin matapos nilang malaman na ako pala 'yong bagong dating na trabahante nila. Maayos ang accomodation nila rito kaya nagtataka ako kung bakit wala man lang katao-tao. Maganda rin ang resort, may hot spring, falls, at ilog kung saan dumadaloy ang tubig na galing sa falls. May mga cottages din na mukhang matibay naman at may mini hotel din sila. May nakatayong mga rooms na hindi aano kalaki pero pwede ka roon matulog kung gusto mo ng budget friendly na offer. Pagkatapos nila akong ilibot sa buong resort na im-m-manage ko, pumunta na ako sa lobby para hintayin ang may-ari ng resort para kami naman daw ang mag-usap. Staff lang kasi iyon kanina dahil wala naman silang manager kaya 'yon ang a-apply-an ko."Pakihintay na lang po si Mrs. Vasquez ma'am para kayo na mag-usap sa mga dapat pang ipaliwanag," Ani Cherry, isa rin sa trabahante rito sa resort.Tu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status