Share

Kabanata 9

Author: Maureen Green
“Elisse, ano'ng nangyari? Nasaan ka?”

“Massimo, kung sasaktan mo ang pamangkin ko, hindi kita palalampasin. Hindi ba’t ikaw ang pinakamahalaga sa babaeng ito? Hintayin mo dahil bangkay ang kokolektahin mo!”

Ang matalim na boses ni Adrian ay biglang lumitaw sa telepono.

“‘Wag mong s-subukang gumawa ng gulo!”

Nanginginig ang boses ni Massimo, halatang takot na takot nang sabihin iyon. Karaniwan siyang mayabang at dominante, pero pagdating kay Elisse, natataranta siya at natatakot.

“Kung ayaw mo siyang mamatay, pumunta ka rito!” mariing sambit ni Adrian bago ibinaba ang tawag. Sinundan ito ng isang mensahe na mayroong address.

Pagkatapos ay tinitigan niya si Elisse nang matalim. “Kasalanan mo lahat nang ito, walanghiyang kabit! Sinira mo ang pamilya ng iba!”

“Hindi ako kabit! Ako ang nauna kay Massimo!” ani Elisse sabay iling nang mariin, at ayaw amining siya ang may kasalanan.

Pero si Adrian ay hindi tulad ni Massimo. Wala siyang pakialam sa awa o pagtatanggol sa mga babae. Ang alam lang niya na kapag naghiwalay ang mag-asawa, mawawalan ng lahat si Luna, at pati rin siya.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Elisse.

“Sila ang tunay na mag-asawa! Walanghiya ka at dapat lang na turuan ka ng leksyon!”

“Ano'ng karapatan mong saktan ako! Hintayin mo lang dahil hindi ka palalampasin ni Massimo!” sigaw ni Elisse, tumigil na sa pagpapanggap, at galit na galit.

Pero baliw na si Adrian sa desperasyon. Hindi na siya natakot sa banta. Sinuntok at sinipa niya si Elisse nang sunod-sunod hanggang sa nagmakaawa ito.

Samantala, mag-isa namang nag-empake si Luna ng gamit niya at sa bata. Matagal na dapat natapos ang kasal nila. Wala na ang anak niya, at kasabay nito, nawala na rin ang pag-asa niya. Bago pa man umalis si Kai, nag-aalala na ito para sa kanya at alam niyang dapat siyang mabuhay nang maayos. Kung hindi, binigo niya ang anak niya.

Paglingon niya sa mansyon na ilang taon din niyang tinirhan, napagtanto niyang katawa-tawa ang lahat. Mas malinis at maayos tingnan ang lugar nang wala na ang gamit nila.

Nang paalis na siya, tumunog ang kanyang telepono at pangalan ni Massimo ang naka-display.

‘Bago to, ah! Kailan pa siya natawag nang kusa?’ aniya sa isip.

Pagkasagot pa lang niya, sumalubong na ang galit na sigaw ni Massimo.

“Ano bang gusto mong mangyari? Sinasabi ko sa 'yo na kapag may nangyari kay Elisse, hindi kita mapapatawad! Pumunta ka rito ngayon din, hayop ka! Nakakasuklam ka!”

Wala namang ideya si Luna sa nangyayari, pero binuksan niya ang pinto at lumabas. Naroon nga si Steven, at mula sa kanya nalaman niya ang ginawa ng tito niya.

Ngayon, hindi na nagmadaling magpaliwanag si Luna. Alam niyang kapag may unang impresyon na, kahit ano ang paliwanag ay balewala at walang maniniwala sa kanya.

Pagdating niya sa lugar, nakita niya si Elisse na umiiyak, puno ng luha ang mga mata, at nakatingin sa kanila na para bang kawawang-kawawa.

Nag-aalala si Massimo, at nang makita ito, agad siyang nilapitan, hinawakan sa pulso, at marahas na itinulak palayo.

Napaatras si Luna at muntik nang matumba. Tumayo siya sa harap ni Adrian, bahagyang nakakunot ang noo, saka ngumiti nang mapait.

“Tito, bakit kailangan mo maging ganito?”

“Natulog sa 'yo si Massimo, at nagkaanak pa kayo. Mag-asawa kayong dalawa pero sinira ng babaeng ‘yan ang kasal niyo at dapat lang siyang turuan ng leksyon!” sigaw ni Adrian. “Tito mo ako at naglalabas lang ako ng sama ng loob para sa 'yo. Sabihin mo, ano'ng gusto mong mangyari sa kanya? Sugatan natin ang mukha niya, ayos ba?”

Habang nagsasalita, iniabot ni Adrian ang isang kutsilyong pang-prutas sa kamay ni Luna at hinawakan ang pulso nito, itinuturo si Elisse.

“Luna, kapag sinaktan mo si Elisse, hindi kita palalagpasin! Basta pakawalan mo lang siya, kahit ano'ng kondisyon mo, sabihin mo lang!”

Ngayon lang naging bukas-palad si Massimo, pero para sa ibang babae.

“Hindi ba’t sinabi mo na samahan ko si Kai? Nangangako ako na mananatili ako sa tabi niya.”

Pagkarinig sa pangalan ni Kai, biglang nagbago ang ekspresyon ni Luna.

Lumingon siya, mahigpit ang hawak sa kutsilyo, at tinitigan si Massimo.

Siya at si Kai ay parehong umaasang uuwi si Massimo at magiging kasali sa kanilang buhay, pero hindi iyon kailanman nangyari. Pero ngayon, para sa ibang babae, biglang naging galante siya.

‘Sige. Napakagaling no'n,’ aniya sa isip.

Tama nga na ang mga hindi minamahal, sila ang laging nagmumukhang katawa-tawa.

Lumapit si Luna at kalmadong kinalag ang tali ni Elisse. Walang emosyon sa mukha, at ang tanging sinabi, “Pwede ka nang umalis.”

“Huwag! Sila ang dahilan kung bakit si Kai—”

“Sampung milyon! Bibigyan kita ng sampung milyon!”

Biglang sigaw ni Luna, pinutol ang sasabihin ni Adrian.

Ayaw niyang malaman ni Massimo na patay na si Kai. Gusto niyang umalis nang wala nang iniintinding kahit sino.

Ang lugar na ito, ang lalaking ito, at ang kanyang kabataang pag-ibig ay ayaw na niya sa lahat nang iyon. Wala na siyang gustong balikan pa.

“Sampung milyon?” ani Adrian at nagbago ang mukha nito. “May sampung milyon ka?”

Pati si Massimo ay napakunot-noo.

‘Saan nanggaling ang gano'ng pera ni Luna?’ tanong niya sa isip.

Samantala, kinuha naman ni Elisse ang pagkakataon para kumilos at agad ito yumakap kay Massimo.

“Massimo, natatakot ako!”

Mahigpit ang yakap niya kay Massimo, nanginginig ang katawan, halatang natakot. Pero ang mga mata niya ay puno ng galit kay Luna.

“Massimo, itutuloy mo pa ba ang diborsyo? Tapos na ba ang usapan?”

Napatingin si Luna kay Massimo.

“Tuloy pa ba ang kondisyon natin dati?” tanong ni Luna.

Noong una, determinado si Massimo na makipagdiborsyo pero ngayong tinanong siya nito nang direkta, tila nag-alinlangan siya.

“Massimo?”

Napansin ni Elisse ang kanyang pag-aalangan at marahang hinila ang damit niya.

Napatingin si Massimo sa mga mata nitong puno ng pag-asa, saka lumambot ang kanyang ekspresyon.

“Tuloy pa rin,” sambit ni Massimo.

“Mabuti,” ani Luna at inabot niya ang pinirmahang kasunduan sa diborsyo. “Sampung milyon. Ilipat mo sa lalaking 'yan at tapos na tayo.”

Pagkasabi nito, tumalikod na siya at umalis, pilit pinipigilan ang luha.

Hindi na siya iiyak para kay Massimo dahil hindi na ito karapat-dapat iyakan.

“Nakatali na ang kasunduan natin. Uuwi ako at sasamahan si Kai ng isang buwan.”

Hindi alam ni Massimo kung bakit, pero may bumabagabag sa loob niya habang pinapanood ang paglayo ni Luna. Hindi niya napigilang magsalita.

Pagkasabi niya nito, agad siyang nagsisi. Pero may halong pagkamausisa rin sa magiging reaksyon ng babae.

Huminto si Luna sa paglalakad, huminga nang malalim, at pilit pinigilan ang sakit at galit.

“Hindi na kailangan. Hindi kailangan ni Kai iyon.”

Patay na si Kai. Hindi na niya kailangang samahan.

Hindi naman kailanman itinuring ni Massimo na anak si Kai. Kahit pa samahan niya ito, pawang palabas lang. Hindi iyon ang kailangan ni Kai.

“Luna, ano na naman ‘tong drama mo? Bago mong gimik ‘to, ano? Kailan ka ba titigil sa mga palabas mo?”

Wasak na wasak na ang damdamin ni Luna, pero iniisip pa rin nitong umaarte siya. Saglit na tumigil si Luna, lumingon sa kanya, at bigla na lang ngumiti.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge   Kabanata 50

    “Hindi ko pakikialaman ang mga usapin tungkol sa Alcantara Enterprise, at hindi rin ako makikisali sa anumang bagay online. Tungkol naman sa nakakatawang sinasabi mong paglilinaw, wala akong kinalaman doon!” sagot ni Luna. "Dahil ginawa mo ‘yan, dapat mong akuin ang mga resulta. Pumusta ka kaya tanggapin mo ang pagkatalo. Panahon na para bayaran mo ang kapalit ng sinasabi mong pagmamahal at pagpaparaya!”Bawat salitang binitiwan ni Luna ay mabigat at walang bahid ng emosyon na makinita sa kanya kung hindi tanging galit at hinanakit lamang ang naroon.Tuluyan na niyang binitiwan ang lalaking ito at hindi lang basta iniwan, kung hindi labis na kinamuhian.Noong una, ginawa niya ang lahat para protektahan ang imahe ni Massimo. Siya pa nga ang kusang umarte bilang mapagmahal na asawa. Ngunit ngayong inaalala niya ito, hindi niya maiwasang mangdiri sa sarili at sa nakakaawang kahinaan.“Luna, huwag mong pagsisihan ito,” ani Massimo habang nakatayo roon, taglay pa rin ang aroganteng post

  • The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge   Kabanata 49

    “Hayop ka!”Hindi na napigilan ni Luna ang sarili at napamura nang malakas.Hindi niya kailanman inakalang may tao pa pala na ganito kakapal ang mukha sa mundong ito.Nagsasalita pa ito nang buong yabang at kumpiyansa. Nakakahiya, at sobra ang kapal ng mukha.Noon, si Luna ay pinipiling kimkimin na lang ang galit niya, pero ngayon, pinili niyang lumaban, sa literal na paraan.Malakas niyang sinampal si Massimo, hinablot ito sa kwelyo, at buong puwersang hinila sa harap ng litrato ni Kai na nasa altar.“Tingnan mo! Tingnan mo si Kai! May mukha ka pa bang ulitin ang sinabi mo kanina?!” galit niyang sigaw rito.Hindi inakala ni Massimo na taglay ng babaeng ito ang ganoong kalakas na pwersa.Nakatitig sa inosente at masayahing ngiti ni Kai sa larawan, bumuka ang bibig ni Massimo at kalmadong nagsalita, “Kahit na nagpagamot tayo noon, mapapahaba lang ang buhay niya, pero hindi siya lubusang gagaling. Ang manatili sa mundong ito ay puro paghihirap lang para sa kanya.”“Nagdurusa nga

  • The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge   Kabanata 48

    Alam niyang natatangi si Luna, ngunit alam din niyang wala itong magawa. Nanatili ito sa bahay, inaalagaan ang kanyang anak, at walang gaanong alam tungkol sa mundo ng trabaho.“Kung may dumating na sundalo, lalaban tayo. Kung tubig naman, haharangin natin ng lupa. Ang pang-aaping ito ay kailangan kong makamit ang katarungan,” ani Luna habang mariing nakangisi, madilim ang ekspresyon sa mukha. Sa simula pa lang, kaya niyang palampasin ang lahat, at wala nga siyang pakialam sa mga ari-arian ng pamilya Alcantara.Ngunit makasarili si Massimo. Para sa sarili niyang interes, pinanood niya lang mamatay ang kanilang anak sa harap mismo ng kanyang mga mata. Dahil sa kanyang pagkilos, namatay si Kai.Hindi niya ito basta na lang mapapalampas. Kung hindi siya lalaban, hindi siya karapat-dapat maging isang ina.'Hindi ba’t ang pinaka-pinahahalagahan ni Massimo ay ang sariling interes? Sige, kukunin ko iyon nang paisa-isa ang lahat ng mahalaga sa lalaking 'yon,' nakangising sabi Luna sa isi

  • The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge   Kabanata 47

    Sa harap ng malamig na titig ni Massimo, nakaramdam nang matinding kaba si Elisse. Kinakabahan siya at hindi sigurado kung may natuklasan na ba si Massimo.“M-Massimo, b-bakit? Bakit hindi ka nagsasalita?” nauutal niyang tanong sa lalaki.Iniunat ni Elisse ang kamay at marahang hinila ang manggas ni Massimo.“Lumampas ka na sa linya, Elisse,” saad ni Massimo.Nanatiling walang emosyon ang mukha ni Massimo, ngunit banayad pa rin ang kanyang tinig. Gayunman, ang laman ng kanyang mga salita ang nagpatigil sa tibok ng puso ni Elisse.Pumatak ang kanyang mga luha habang nauutal na nagsalita, “O-Oo, alam kong k-kasalanan ko, pero hindi ko naman sinasadya. Gusto ko lang talagang tumulong sa 'yo. 'Yong babaeng si Luna, s-siya—”Hindi natapos ni Elisse ang sasabihin nang magsalita si Massimo.“Ang mga problema natin ay ako ang bahalang humarap diyan,” putol ni Massimo sa kanya.Sa pagkakataong ito, tuluyan nang naglaho ang kunwaring kabaitan niya. Ang natira ay isang babala, isang hulin

  • The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge   Kabanata 46

    Napakuyom na lamang ng mga kamao si Massimo at matalim na Tiningnan si Luna. “Tumahimik ka!” sigaw nito sa babae.“Bakit ako mananahimik? Ano'ng karapatan mong utusan akong tumahimik? Akala mo ba nasa lumang panahon pa rin tayo? Matagal nang pinalaya ang mga kababaihan. Mas mabuti pang pumunta ka na lang sa impiyerno!” inis na sagot ni Luna sa kanya.Ibinuhos ni Luna ang natitirang kape sa kanya at lumakad palayo nang may kumpiyansa at kahinahunan sa bawat galaw.Habang tumatalikod siya, napansin niya si Dustin na nakatayo sa labas ng pintuan na ngayon ay kita sa salamin.Sa hindi maipaliwanag na dahilan, kahit pa matapang at palaban siya ilang saglit lang ang nakalipas, nang magtagpo ang mga mata nila ni Dustin, bigla siyang nakaramdam ng hiya.Binilisan niya ang lakad at lumabas, bahagyang nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanya. “Bakit ka narito?” takang tanong niya sa lalaki.“Pumunta ako para protektahan ka pero mukhang hindi na kailangan,” tapat na sagot ni Dustin.

  • The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge   Kabanata 45

    “Luna, kailanma ay hindi ka minahal ni Massimo. Ni katiting ay wala. Kahit anong gawin mo, hindi mo kailanman makukuha ang kanyang pabor, kaya bakit ka pa nagpupumilit?”Tila taos-pusong nangungumbinsi si Elisse sa kanya. Tinitigan ni Luna si Elisse sa ganoong estado at napatawa siya.“Ang mga shares na hawak ko, kahit ibenta ko pa ay aabot nang hindi bababa sa tatlong bilyon. At nagdala ka sa akin ng tatlumpung milyon para makipag-negosasyon? Akala mo ba hindi ako marunong magbilang?”Napangisi pa siya, matalim at walang sinasanto ang tono.“Elisse, ano bang halaga ni Massimo? Noon, baka binigyan ko pa siya nang kaunting pansin alang-alang sa bata. Pero ngayong wala na si Kai, para sa akin, wala siyang silbi kung hindi ay parang utot lang!”Bahagyang itinaas pa niya ang kanyang baba, kumikislap ang mga mata sa malamig na kumpiyansa na nakatitig kay Elisse.“Hawak ko ang fifty-one percent ng shares ng Alcantara Enterprise. Ano'ng klaseng lalaki ba ang hindi ko kayang makuha kung

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status