Reia, 24, is heartbroken and struggling with student loans when she stumbles upon an audition for a new PPOP girl group. Taking a chance, she is unexpectedly accepted, becoming not only a member but the leader and main songwriter, pouring her personal heartbreak and experiences with her ex into every song. W4RI rises to fame quickly, culminating in a historic debut at the Philippine Arena, but Reia grows anxious when management proposes a documentary about the group’s formation, fearing it might reveal her past relationship to fans. As the documentary airs, Reia trends online, and her ex’s identity begins to surface through social media, forcing her to navigate the intersection of fame and privacy. Meanwhile, Ezra, a music platform reviewer from Poland, is assigned to evaluate W4RI’s tracks and promotion—unaware that it’s Reia. Their digital interactions gradually reconnect them, rekindling old feelings as they exchange memories, hopes, and regrets. When they unexpectedly meet at a public event in Manila, their reunion is bittersweet. They struggle with unresolved emotions, public scrutiny, and the challenges of balancing Reia’s idol career with their personal lives. After facing online harassment and fans discovering their connection, Reia and Ezra choose to be honest and support each other, ultimately emerging stronger and united. The story concludes with hope, healing, and the promise of a future where love and career coexist.
ดูเพิ่มเติมI never meant to chase the spotlight, I only wanted something loud enough to drown the sound of a breaking heart.
"From years of dedication to this defining moment, please welcome the rising stars of PPOP. This is W4RI, debuting with their own take on the iconic song of one of our POP Star here "Shatterlight". Let’s go Philippine Arena!!!"
Matapos kaming ipakilala ng host, doon ko unang narinig ang dumadagundong na sigawan, nakakabingi ngunit nagbigay ito ng lakas ng loob sa amin. Aminado ako, kinakabahan ako. Sa unang pagkakataon, magpe-perform kami sa harap ng napakaraming Pilipino… mga taong naniwala sa amin bago pa man kami marating ang entablado.
Tumunog ang unang beat ng 'Shatterlight', at sabay-sabay kaming humakbang sa entablado na tila ba iisa ang tibok ng aming puso. Sa bawat galaw, bawat awit, ibinuhos namin ang lahat, ang tatlong taong training, ang pagod, ang luha, ang pangarap. Habang sinasayaw ko ang chorus, naramdaman kong lumiliwanag ang buong venue, hindi lang dahil sa ilaw, kundi dahil sa sigawan at suporta ng taong nanonood. Sa mga sandaling ito, masasabi kong nagbunga na ang lahat ang dating iniisip kong madilim na ang buhay ko, ngayon ay nagliliwanag na parang mga Tala.
“And that is W4RI! Hi girls, introduce yourself to your fans!”
“Maul layl ha kaw, I am Wynona!”
“Mayáp a bengi, ku! I am Amaya!”
“Maayong gabii, I am Ingrid”
“Magandang gabi, I am Reia, the leader of the group”
“And we are W4RI, kamusta kayo?!”
Mas lumakas ang mga sigaw, halos hindi namin marinig ang aming mga sarili, naghawak-hawak kami ng kamay dahil ito ang kauna-unahan naming pag-peperform sa stage at sobrang kabado kami.
“W4RI grabe ang lakas ng sigawan ng mga fans and this is history. Ano ang masasabi niyo sa kauna-unahang pagkakataon na first debut performance ay napuno ang Philippine Arena?”
Kinuha ni Wyna ang mikropono at sumagot.
“Sa totoo lang po ay hindi po namin inakala na aabot kami sa ganito, taos puso po ang aming pasasalamat sa inyo SEERS dahil naniwala kayo sa amin!”
“We love you SEERS!”, dagdag pa ni Amaya.
“W4RI, 4EVER, WE HAVE THE FEVER! Wynona, Amaya, Ingrid and Reia, W4RI, W4RI!”, napangiti kami dahil rinig na rinig namin ang fan chants ng aming fans na SEERS kung aming tawagin.
“Wow, ready na ready ang mga SEERS at may fanchant pa, anong masasabi niyo doon girls?”
“Thank you Seers, hinding-hindi magiging posible ito kung wala kayo, maraming salamat sa umaaapaw niyong suporta”, sambit ni Ingrid.
“Tanungin natin si Reia, ang lider ng W4Ri kung ano nga ba ang inihanda nila sa inyo sa gabing ito”
Bumuntong-hininga ako dahil sobrang lakas ng tibok ng puso ko, dahan-dahan kong kinuha ang mikropono at rinig na rinig ko ang muling paglakas ng sigaw ng mg tao.
“Hi Seers, ngayon nga ay maririnig ninyo lahat ng aming bagong kanta sa aming Debut Album na Half a Map, we also have surprise guests and individual performances tonight and after this is Fan Meet and Q and A, I hope everyone will enjoy this night!”
“Again thank you W4RI, and SEERS enjoy the whole night today! For their first song on this Album Half a Map, “GPS”
GPS (Going Please Stay) Performance
📍
(Reia) You said you’ll call when you land, But baby I’m still checkin’ my phone, You’re a dot on the map again, Far away but feelin’ so close.(Ingrid)
Your hoodie still smells like goodbye, I wear it like it's part of my skin, You're out there chasing your dream, But where do I even begin?Pre-Chorus – Wynona & Amaya
(Wynona)
All these red lights blinkin' But my heart keeps thinkin’— Maybe you’ll turn back?(Amaya)
My love’s on reroute, But I still can’t back out!GPS! (Going Please Stay!)
Don’t leave me stuck in yesterday Your voice is lost in satellites But my love’s still clear tonight!GPS! (Going Please Stay!) Even when you walk away You take my heart like luggage too I’m still here… waitin’ for you!I keep your pin on the map,
You’re movin’ but I’m standin’ still, Smilin’ through a video chat, But I miss the way you feel…Baby if you're drifting far
Just follow the beat of my heart It’s the signal I’ll send every day— Just come back my way…GPS! (Going Please Stay!)
Why does goodbye sound so cliché? I’m singin’ in the rain for you While you’re under skies so blueGPS! (Going Please Stay!) Love’s a road I still replay If you’re lost, then find your way Back to me… (back to me…)🎧 Outro (Reia, whispering):
"I dropped a pin where you left me..."Muli, narinig namin ang lakas ng palakpak ng mga tao maging ang hiyaw. Nagsimula muli ang susunod na kanta namin, ang TAYA.
(Ingrid – soft, almost whispering)
Nasa likod mo lang ako Pero ‘di mo pa rin ako makita You’re running fast, oh so fast Pero ako pa rin ang taya...(Wynona – dreamy tone)
Smiling while you disappear Like I asked for this chase But every time you leave me I just crave a little taste…(Amaya – breathy, mysterious)
Stop hiding under the light I see you in the dark Every time you run away You leave another mark...Taya! Ako na naman ang taya!
‘Di mo ba ‘ko nakikita? I'm laughing while I cry, But I still try, I still try!Taya! This love’s a twisted game— You touch, then run away But darling, don't you know? I’m always just one step below...(Reia – sings with a playful smile)
You say it's just a game, But I play it like it’s fate With every round, My heart resets the pain...“Close your eyes… I’m right here.”
“Count to ten… and I’ll appear.”Fans counting: 1,2,3,4,5,6,7,8,9,10
Taya! Ako na naman ang taya!
Tago ka nang tago — ‘di ka pa napagod ba? Every turn you take, I’m already where you’ll break…Taya! You love it when I fall But baby, I’m not scared at all— ‘Cause even if I lose, You’ll come back and make me choose…Taya... o wala na.
"The scariest thing? I don’t want to stop playing."
And tonight… was the payoff. Pakiramdam ko ay may dumadaloy na kuryente sa aking katawan. Sabay-sabay kaming apat na bumuo ng formation, ngumiti kami sa isa’t-isa habang hinihingal. Ang tagal naming hinintay ang pagkakataong ito. Muli, naghawak-hawak kami ng aming mga kamay at sabay-sabay kaming nag-bow sa aming mga taga-suporta.
Pinilit kong magpakatatag, kahit na gustong-gusto ko nang umiyak sa tuwa ay pinigilan ko, ngunit pagpasok na pagpasok ko sa dressing room ko, kung saan ako na lang mag-isa ay doon na lang bumuhos ang aking mga luha.
Reia, totoo ito, nangyari ito, nagbunga na lahat! Kung dati ay winawari ko lang ito, ngayon totoo na, totoo ang W4RI, hindi na kami trainees, kami na ang W4RI!
At sa ngayon, sa aking puso, wala ng kirot, unti-unti nang nawawala ang lamat, may naramdaman na ako na siyang matagal nang nawala:ang pag-asa.
Bumukas ang pinto at pumasok si Sir Carl, ngiting-ngiti, tila hindi makapaniwala sa tagumpay ng gabi. Dating sikat na mang-aawit at kilalang composer sa buong Pilipinas, ngayon siya ang manager namin.
“Reia, congrats! Napasaya niyong lahat ang fans niyo ngayong gabi—and wow, this is phenomenal. First debut album, first concert, punung-puno ang Philippine Arena!”
“Thank you, Sir Carl. Hindi po ito magiging posible kung wala kayo. Kayo po ang unang naniwala sa aming apat.”
Maya-maya, may narinig kaming nagtatakbuhan. Bumukas ang pinto—sina Wynona at Ingrid, parehong pawisan at masayang-masaya. Agad nila akong niyakap.
“Grabe Reia, ang galing natin!”
“Sabi na nga ba eh, kaya natin to! Lahat ng kanta natin, sinasabayan nila! Diba, Sir Carl?”“Mahusay. Sobrang mahusay. Pero teka—nasaan si Amaya?”
“Umuwi na, Sir Carl,” sagot ni Wynona, sabay irap. “Alam niyo naman yun… diva mode as always.”
“Ssshh, Wynona,” saway ko sa kanya. Ayoko nang magkainitan pa.
Tumikhim si Sir Carl, at sa tono ng kanyang boses, alam kong may bago siyang pakulo.
“Basta magpapatawag ako ng meeting this week. Dahil hindi lang ito basta debut... Reia, girls... this could be a show.”
“Ha? Anong ibig niyong sabihin, Sir Carl?” tanong ko, kumakabog ang dibdib.
Ngumiti siya, yung pamilyar na ngiti kapag may ideyang hindi mo pa kaya tanggapin.
“Let’s give the world a front-row seat. I-produce natin 'to. Isama natin yung training days niyo, behind-the-scenes, audition tapes... lahat. The world deserves to see how W4RI idols are made.”
Napatayo ako bigla. “Ano?! NO!”
Tahimik. Nagulat sina Wynona at Ingrid.
“Reia, chill lang—baka napagod ka lang,” sabi ni Ingrid, marahang hinawakan ang braso ko.
Ngunit hindi ako napakalma. Hindi ako napatahimik ng kahit anong sinabi nila.
“Reia, pahinga ka na muna. Wala rin si Amaya, so skip na ang dinner tonight,” ani Sir Carl habang papalapit sa pinto. “See you this weekend. Meeting tayo.”
“Sir Carl, please—pwede bang... huwag mo na—”
Pero hindi na siya lumingon. “Pahinga ka na, Reia. Bye, girls!”
“Bye Sir Carl.”
“Okay Sir, goodbye.”
“Reia, una na kami ha. Ingat ka.”
“Ingat din kayo”
Pagkasara ng pinto, naiwan akong mag-isa sa dressing room. Tahimik. Ngunit sa loob-loob ko, hindi ako mapakali.
Lumapit ako sa locker ko, kinuha ang cellphone, at binuksan ang gallery.
Isang video ang tinitigan ko. Isang hindi kailanman dapat makita ng kahit sino.Yung araw na gusto ko nang sumuko.
Napakuyom ang kamay ko.
If they show this… everything changes. And if they show this, the fans might find him, the man behind the heartbreak, the reason I started writing, the ghost hiding between every line of W4RI’s songs.
And I’m not ready for the world to know...
because I’m not ready to face him.
I don’t even want our paths to cross again.
“Looking for these?” Napabalikwas ako ng marinig ko ang boses niya pagpasok na pagpasok ko sa classroom. Nilingon ko naman siya agad at napabuntong-hininga ako sa gulat. Ngayon nga ay naka-suot siya ng simpleng polong itim at cream trousers na mas lalong nag-palutang ng kanyang kakisigan at hindi ko talaga maiiwasan ang aking sarili na hindi tumingin sa kanyang mga mata.Iwinagayway niya ang cellphone ko, nakangiting parang may tinatagong biro, bago niya iyon iniabot sa akin.“Thank you. It’s hard to sleep without my phone. I am so scared that I might not able to wake up and be on time” sabi ko habang tinitingnan ang cellphone ko.“Yeah, I’m sorry that I didn’t see it ahead of time when you left it”, sagot naman niya. “Did you already eat?”, tanong niya sa akin.“Ah yes, I ate before I came here”, tugon ko.“Okay, see you later at Ms. Ana’s class!”, nakangiti niyang wika bago siya mabilis na umalis.Magkaiba kami ng kurso ni Ezra, siya ay Bachelor of Science Major in Computer Science
“Hi Seers! Alam niyo ba kung ano ang gusto namin sa leader namin? Magaling magluto!” nakangiting sambit ni Wynona sabay kuha ng pininyahang manok na kakahango ko lang mula sa kawali.“Sus, gusto mo lang na ikaw ang tiga-kain, Wynona,” biro ko habang inaalis ang apron ko.Sa livestream, bumuhos agad ang comments. [User_Seer01]: “Sino chef tonight? 😍” [LuvReia]: “Grabe, gutom na naman ako pag Friday livestream 😭” [TeamWynona]: “Ayan naaa, Wynona ang tagakain!”Tuwing alas-sais ng Biyernes, routine na namin ang Friday Cook & Chill with W4RI — sabay-sabay kaming apat na naghahanda ng pagkain, nagkukulitan, kumakain, at nakikipag-usap sa Seers through live chat sa aming official app at website. Hindi lang bonding sa amin, naging way din ito para mas mapalapit kami sa fans.“Wait, wait, Reiaaa!” biglang singit ni Amaya, sabay turo sa chat box. “Ang dami na nilang nagtatanong oh. Kanino raw nanggaling ang crystal orb speaker? Ang tagal na nating di sinasagot ito.”Nakangiti siya pero ha
Phone calls. Emails. Mga sulat patungkol sa lumolobong interes ng aking student loans. Isa akong marketing student, at ngayong papalapit na ang pagtatapos, unti-unti kong napagtanto kung gaano kalaki ang naging pagkakamali ko sa pagpili ng pribado at prestihiyosong unibersidad. Tama sila, masyado akong mataas mangarap, hindi ko tinitingnan ang aking totoong sitwasyon, masyadong pinilit. Inakala kong magiging madali ang lahat, ngunit nagkamali ako.Tatlong buwan na lang at magmamartsa na ako para kunin ang diploma ngunit sa likod ng ngiti at tuwa, nananabik din akong makahanap agad ng trabaho. Hindi para magbakasyon, kundi para mabayaran ang mga utang na nagbibigay sa akin ng pag-aalala sa bawat gabi ko.“Are you sure you are okay, Reia?”, tanong niya, malambing ang boses na parang pilit hinahaplos ang bigat na nasa dibdib ko. Niyakap niya ako ng bahagya, sapat para maramdaman kong hindi ako nag-iisa.“I am fine, don’t worry about me”, tugon ko, pilit na ngumiti.Hindi ko talaga ugaling
Hindi na ito ang unang beses na kami lang ni Sir Carl, ang aming manager, ang sabay kumain sa isang restaurant. Bilang lider ng aming grupo, madalas niya munang ipadaan sa akin ang mga plano bago ito sabihin sa lahat. Ngayon naman, ako ang humiling na magkita kami dahil hindi ako mapalagay. Patuloy akong kinakabahan at naguguluhan, lalo na tungkol sa documentary na gusto niyang ilabas.“You know what I like about you? Marunong kang umayon sa mga hilig ko. Alam mo agad ang favorites ko,” nakangiting wika niya matapos i-serve ang paborito niyang Grilled Chicken Alfredo Pasta na sinamahan ko pa ng Cheese Jalapeño Quesadilla. Ako naman, dahil wala talagang gana, ay nagpasya na lamang um-order ng house salad.“Yan lang talaga kakainin mo? Next week pa naman yung fan meet, mabawi mo pa ‘yan sa workout,” biro niya, sabay higop ng iced tea.Napangiti ako ng pilit pero agad ding nagseryoso. Huminga ako nang malalim bago nagsalita. “Sir Carl, kaya po ako nag-request ng one-on-one meeting sa in
“Babalikan kita, Reia.”Natigilan ako nang makita ang mga salitang iyon na biglang lumitaw bilang hologram mula sa nabasag na orb. Ilang segundo lamang ay naglaho ito, para bang hindi kailanman nangyari. Kinurap ko ang aking mga mata, umaasang namamalik-mata lang ako. Ngunit nang makita ko ang reaksyon ni Amaya, ang gulat at pagtataka sa kanyang mukha, alam kong hindi lang ako ang nakakita noon, malinaw na malinaw, pareho naming nakita ang mensaheng iyon. Nilapitan niya ako agad, halos hindi mapakali. “What was that? You saw it too, right?”, tanong niya sa akin na may halong pagkamangha. Hindi ko siya masagot, nanatili lang akong nakatitig sa sahig, sa kumikislap na piraso ng orb na nakakalat sa harapan ko. “Pwede bang burahin mo yung video?” mahina kong tanong, halos pabulong, na para bang ang mismong salita ay kayang magwasak ng natitirang paghinga ko.“This?” sagot niya, ipinakita ang phone na hawak niya, at doon ko nakita nakuhanan nga ng kamera ang hologram nang mga mensahen
Nagising ako sa malakas na alarma ng aking orasan. Mabuti na lamang at nakabawi rin ako ng tulog. Habang nakahiga pa, sinilip ko ang ilang updates sa social media. Doon ko nakita ang dumaraming followings sa aming grupo—at ang higit na nakakagulat, may ship account pa kami ni Amaya. Napatawa ako sa sarili ko. Kung alam lang ng mga fans ang tunay na ugali niya—lalo na kung paano niya ako tinrato noong trainee days namin, baka hindi nila maiisip na i-ship kaming dalawa. Muling bumalik sa akin ang mga ala-alang iyon. “You know, if you are down and nowhere to go in life, go to therapy or just apply for mundane jobs. Sobrang pabigat ka sa grupo!” mariing sigaw ni Amaya noon habang nakatayo sa gitna ng studio. Hinagis niya ang isang empty plastic bottle, tumama ito sa pisngi ko. “Look, nakailang practice na tayo sa pagsayaw pero stiff pa rin ang katawan mo!”Walang ibang tao sa loob ng silid, kami lang dalawa. Kaya’t malaya siyang gawin ang gusto niya. Tinitigan ko lang siya, kita sa mga
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
ความคิดเห็น