The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge

The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge

By:  Maureen GreenUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
Not enough ratings
50Chapters
3views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Si Luna Salazar ay niloko, sinaktan, at inabanduna ng sariling asawa sa loob ng limang taon. Ngunit ang mas masakit, pati ang kanilang anak na si Kai ay nadamay. Hindi man lang ito napagbigyan na maramdaman ang pagmamahal ng ama kahit sa mga huling sandali ng kanyang buhay dahil mas pinili nitong pasayahin ang kanyang kabit. Sa pagkawala ng anak, labis ang hinagpis ni Luna na kahit hiniling ng anak na maging masaya siya ay hindi pa rin niya magawa hangga't nariyan ang mga taong sumira sa kanilang buhay. Naging bingi-bingihan siya, nagpakatanga sa pagmamahal sa lalaki hanggang sa inubos na siya nito. Nakatakda na silang dalawa na maghiwalay ng kanyang asawa, ngunit bago iyan, pinangako niya sa sarili na maghihiganti siya. Ipaparamdam niya sa dating asawa ang bagsik ng isang inang nawalan ng anak at ng asawang niloko kahit ibinigay niya na ang lahat. Sa kanyang paghahangad ng paghihiganti, magagampanan niya kaya ito hanggang sa huli kung ang dating asawa niya ay tila nagpaparamdam ng kakaibang pagbabago sa kanya? Kaya pa kaya niyang buksan ang pusong matagal nang nawasak?

View More

Chapter 1

Kabanata 1

“Miss Salazar, ang sakit ng anak mo ay hereditary bone cancer. Pinakamataas na ang dalawang buwan na itatagal ng buhay niya. Hindi mo ba 'yon alam? Kung tama ang pagkakaalala ko, namatay rin ang nanay mo dahil sa sakit na ito. Ang mungkahi ko, magpacheck-up ka rin nang maigi...”

Pakiramdam ni Luna Salazar ay unti-unting nawawala ang lakas sa kanyang katawan.

Paulit-ulit na umalingawngaw sa kanyang isipan ang mga sinabi ng doktor, at nagsimulang manginig ang kanyang buong katawan nang hindi niya mapigilan.

“M-Mommy, ano ang problema?” tanong ng maliit na si Kaira Alcantara sa banayad at may pagkabahalang boses habang tumitingin sa kanyang ina. “May nagawa ba akong mali kaya nalulungkot ka?”

Tinitigan ni Luna ang payat at munting mukha na nakahiga sa kama ng ospital. Bumaha sa kanyang dibdib ang matinding pagsisisi.

“Kung may nagawa akong mali, hihingi ako ng sorry, ha?” dagdag ng bata at pilit ngumiti.

Parang may mga kutsilyong sumaksak sa dibdib ni Luna. Hindi niya matanggap ang katotohanang dalawang buwan na lang ang buhay ng anak niya. Wala siyang mga magulang, walang pamilya, at ang kanyang kasal ay para lamang sa ngalan ng pagkakautang. Si Kaira lang ang tanging dahilan kung bakit siya nabubuhay.

Pinipigilan ang luha, pilit siyang ngumiti at sinabi, “Hindi ako malungkot. Masaya ako dahil gagaling na si Kai.”

Nagniningning ang mga mata ni Kaira nang sabihin, “Ayos ‘yan! Dadalaw ba si daddy ngayon?”

Kumikinang ang malalaking itim niyang mga mata ng pag-asa, ngunit mabilis itong nanlabo nang ibaba niya ang tingin, tila natatakot mangarap nang sobra.

Ang simpleng tanong na iyon ay tumusok kay Luna na parang isang matulis na kutsilyo sa dibdib niya.

Habang nilabanan ang panginginig ng puso, dahan-dahan niyang sinagot, “Opo. Pangako ni mommy, dadalaw si daddy.”

“Totoo po ba?” tanong ni Kaira, ang maliit na boses ay puno ng pag-aalinlangan.

Alam ni Luna kung bakit walang kumpiyansa ang anak ay dahil hindi kailanman ipinakita ng ama ang pagmamahal sa kanya. Isang apat na taong gulang na bata ay hindi maiintindihan ang magulong damdamin ng mga matatanda. Nais lang niyang magkaroon ng normal na pamilya, nang kaunting pagmamahal mula sa ama.

Ngunit ang anak niya ay papalapit nang mamatay. At hindi niya ito maibibigay kahit iyon man lang.

“Kai,” bulong niya habang hinahaplos ang ulo ng anak at marahang hinahalikan, “Pangako ni mommy na kahit ano pa man, dadalhin kita kay daddy ngayon. Maligayang kaarawan.”

Matingkad na ngumiti si Kaira.

Matapos makumbinse ang anak para makatulog, lumabas si Luna at tinawagan si Secretary Steven. Huminga siya nang malalim bago magsalita.

“Nasaan si Massimo Alcantara? Sabihin mo sa kanya na nakapagdesisyon na ako.”

Sandaling pumailanlang ang katahimikan.

“Kasalukuyang ipinagdiriwang ni Mr. Alcantara ang kaarawan ni Miss Santiago. Kung gusto mong makausap siya, ipapaalam ko bukas.”

Tila sumikip bigla ang kanyang lalamunan nang marinig ang apelyidong Santiago.

“Sabihin mo kay Massimo na kung hindi ngayon, kalimutan na lang niya.”

At agad niyang pinutol ang tawag.

Hindi pa lumilipas ang sampung minuto, tumawag ulit si Secretary Steven at ibinigay ang address ng Villa Sereneta Hotel.

Pagdating ni Luna doon, sinalubong siya ni Secretary Steven sa labas. Bago pa man siya makapasok sa pribadong kwarto, may mga boses na nanggaling sa loob ang maririnig.

“Massimo, harapin mo si Elisse ngayon, maging tapat ka sa lahat pagkatapos ng maraming taon ng pagsasama mo kay Luna Salazar at pagkakaroon ng anak sa kanya ay wala ka pa rin bang nararamdaman para sa kanya?”

Namutla ang mukha ni Luna.

Sumunod ang malalim at malamig na tinig na nagpatahimik sa buong kwarto.

“Akala mo ba mamahalin ko ang babaeng may masamang ugali at mga kahindik-hindik na pamamaraan? At ang bastardang batang iyon? Hindi ako sigurado kung akin nga siya. Huwag mo akong hindikin.”

Ang kalmado at walang pakialam niyang tono ay naglabas ng masakit na bugso na parang mga karayom na tumutusok sa balat.

Tanggap ni Luna ang kanyang galit, ang kanyang pagkamuhi. Ngunit hindi niya matiis na tawagin niyang bastarda ang anak nila.

Binuksan niya ang pinto nang malakas. Nanahimik ang kwarto. Lahat ng mata ay nakatutok sa kanya.

Nakaupo si Massimo sa pinakadulo ng mesa, kasing dominante gaya ng dati. Ang malamig niyang titig ay nakatuon sa kanya, at bahagyang nagkunot ang noo. Katabi niya ang isang magandang babae—ang Miss Santiago na tinawag ni Secretary Steven at ex-girlfriend ni Massimo Alcantara na si Elisse Santiago.

Bigla itong nanigas nang makita si Luna.

“Luna?” sambit ni Elisse na bahagyang nagulat. “Bakit nandito ka? Massimo? Bakit hindi mo sinabi…”

Alam ng lahat na si Luna at Massimo ay nasa proseso na ng diborsyo kaya naman napaka-kaswal ang pananalita ni Elisse, parang siya ang may-ari ng gabi.

Lalo pang lumamig ang ekspresyon ni Massimo.

“Lahat kayo, iwanan muna kami.”

Nag-alinlangan si Elisse, halatang hindi komportable ang mukha.

Ngunit tumingin si Luna nang diretso kay Massimo.

“Hindi na kailangan. Walang bagay sa atin na ayaw nilang marinig. Hayaan mo silang manatili.”

Limang taon na ang nakalipas, hindi niya kailanman nagawa na magsalita nang ganito ka kalmado. Ang damdamin niya para kay Massimo ay minsang malakas at mabagsik na pagkahumaling. Ngayon, mga peklat na lang ang naiwan. Mga marka nang matinding katotohanan.

Isang bagay lang ang meron siya sa isipan ngayon. Ang bigyan ang anak niya ng isang tamang wakas.

Nagkunot ang noo ni Elisse at hinawakan ang braso ni Massimo.

Tumingin naman si Massimo kay Luna at malamig ang tinig nang magsalita.

“Pareho pa rin ang mga kondisyon ko. Ano pa ba ang gusto mo?”

Ang mga mata niyang nandidilim ay nakakagulat sa pagiging kalmato nang salubungin niya ang titig ng lalaki.

“Ang kondisyon ko ay samahan mo si Kaira ng isang buwan. Maging ama sa kanya, simula ngayong araw.”

Tila parang bomba ang mga salitang iyon mula kay Luna.

Agad na sumabog ang nakababatang kapatid ni Elisse na si Diego at sinabing, “Alam ko na! Walang hiya kang babae ka at kumakapit ulit kay Massimo! Kung hindi dahil sa 'yo, hindi sana matagal na naghiwalay ang kapatid ko at siya!”

Nabalot ng luha ang mga mata ni Elisse. “Tigilan mo na. Pakiusap, huwag ka nang magsalita…”

Ang kanyang pag-protesta ay mas lalo pang nagpasabog sa galit ni Diego.

“Sis, matagal ka nang may depresyon. Paano hindi ako magagalit? Massimo, talagang papayagan mo ba na lokohin ka uli ng babaeng ito?”

Nagpalipat-lipat ang mga mata ni Massimo. Tiningnan niya muli si Luna at sumagot, “Hindi pwede.”

Samantala, inaasahan naman iyon ni Luna.

“Ayaw ko ng mana mo. Wala akong gusto. Pero isang bagay lang ang kondisyon ko sa diborsyo. Samahan mo si Kaira ng isang buwan, bilang ama niya,” aniya at kahit ang pagbabanggit sa pangalan ng anak ay masakit sa kanya. “Kung hindi ka sang-ayon, hindi ako papayag sa diborsyo.”

Biglang lumipad ang isang porcelain bowl sa kwarto. Tumama ito nang diretso kay Luna, ang mga piraso ay nagsipagliparan sa kanyang damit.

“Walang hiya kang babae! Wala ka bang hiya sa sarili mo!?” sigaw ni Diego.

Habang pinagpagan ang mga basag na piraso, nanatiling kalmado si Luna sa kabila ng nangyari.

“Massimo Alcantara, kung gusto mong mawala ako, iyan lang ang paraan mo. Kung hindi, mananatili tayo sa ganito sa loob ng dalawa pang taon,” malamig na saad ni Luna. “Pero kung sasamahan mo si Kaira ng isang buwan, ako na mismo ang maghahain ng diborsyo. Makakaasa ka na walang delay iyon.”

Nanlamig bigla ang mga titig ni Massimo.

Nagpakawala nang malalim na hininga si Elisse at sinabi, “Massimo, pumayag ka sa hiling niya.”

At biglang nanahimik ang kwarto.

“Elisse?” gulat na sambit ni Diego.

Hinalikan ni Elisse ang kamay ni Massimo at ngumiti nang marahan sa kanya.

“Gawin mo para sa atin. Naniniwala ako sa 'yo.”
Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
50 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status