Share

Kabanata 10

Author: Maureen Green
Ang ngiting iyon ay nagdulot kay Massimo ng isang hindi maipaliwanag na pagkabahala, na para bang may tunay na nawawala mula sa kanyang mga palad.

“Massimo, pumayag na siyang makipagdiborsyo. Pinirmahan niya na talaga ito,” ani Elisse habang hawak ang kasunduan sa diborsyo at tinititigan ito. Sa wakas, may halong gulat ang kanyang tinig, at doon lang natauhan si Massimo.

Bahagyang nabigla si Massimo. Akala niya ay isa lamang itong pananakot, hindi niya inakalang pipirmahan talaga iyon.

Mabilis niyang inagaw ang kasunduan, ngunit ang malinaw na lagda ay tila nanununukso.

‘Kaya ba talaga niyang bumitaw nang gano’n kadali?’ tanong ni Massimo sa isip.

“Massimo, ikaw na yata ang pinakamalupit na tao sa buong mundo,” saad ni Adrian. “Ilipat mo na agad sa akin ang sampung milyon.”

Tinitigan ni Adrian ang magkasintahang magkayakap at labis ang pagkasuklam. Pailing na umalis siya nang walang lingon.

Bagaman inaasahan na niya ang ganitong resulta, may kung anong puwang sa puso ni Massimo, may apoy ng galit na hindi niya maipaliwanag.

“Ang saya, Massimo! Malaya ka na ngayon. Tuluyan ka nang malaya! Pwede na tayong magsama!”

Niyakap siya ni Elisse nang mahigpit, may mga luha ng kagalakan sa mga mata niya.

Tunay ang saya niya, mula sa kaibuturan ng puso. Hindi na siya kailanman tatawaging kabit.

“Ihahatid muna kita sa ospital.”

Ngunit hindi kasing saya nang inaasahan si Massimo. Sa halip, may hindi maipaliwanag na pagkainis sa kanyang dibdib.

‘Talaga bang aalis na siya? At bakit parang hindi ko gusto?' saad pa niya sa isip.

Nabuwisit si Massimo sa nararamdaman niya kaya ibinuhos niya ito kay Elisse. Binuhat niya ito at tumuloy palabas.

Kilala ni Elisse si Massimo. Sa bawat galaw at ekspresyon nito, nababasa niya ang damdamin nito. Ramdam niyang magulo ang kalooban ng lalaki, pero wala siyang nakitang ligaya roon.

“Massimo, hindi ka ba masaya?”

“Masaya ako.”

Niyakap siya ni Massimo at paulit-ulit na sinabing masaya siya pero hindi malinaw kung sino ba talaga ang kinukumbinsi niya.

Nang gabing iyon, sa hindi inaasahang pagkakataon, umuwi ng kusa si Massimo. Pagbukas niya ng pinto, sinalubong siya ng katahimikan ng bahay.

Dati, kahit hindi niya gusto umuwi, laging malinis ang bahay dahil kay Luna, at may mga sariwang bulaklak pa para mas mainit ang pakiramdam ng tahanan.

Isa siyang hangal. Ang init ng tahanan ay hindi galing sa bulaklak, galing ito sa pag-ibig.

“Linda, nasaan siya?”

Pumasok si Massimo pero wala si Luna. Hindi niya nagustuhan iyon.

“Umalis na po si madam. Sabi niya ay dinala na niya lahat ng gamit niya, at hindi na raw kayo gagambalain pa.”

Maingat ang tono ni Linda. Matanda na siya, at alam niyang hindi gusto ng amo ang ginang, pero totoo ang damdamin ng ginang para sa kanya.

“At si Kai?”

Napakunot ang noo ni Massimo at muling nagtanong.

“Wala rin po ang batang babae. Dinala rin ang lahat ng gamit niya.”

Tapat na ulat muli ni Linda.

Ngunit sa halip na gumaan ang loob, lalong dumilim ang ekspresyon ni Massimo.

Napasinghap siya. “Ang bilis niya. Gustong-gusto niya na talagang umalis?”

Malinaw sa kasunduan sa diborsyo na kay Luna mapupunta ang kustodiya ni Kai, dahil hindi gusto ni Massimo ang babae, pati ang batang isinilang nito.

Ngunit ngayong dinala na talaga ng babae ang bata at tuluyang lumisan, parang may mali sa bahay.

Naalala niya noong ipinanganak si Kai. Ang bahay na dati ay maayos, biglang naging magulo. Naiinis pa nga siya noon.

‘Isang maliit na kuting lang na sanggol. Bakit parang ang daming gamit?’

Pero ngayon, lahat nang iyon ay wala na. Tila ba biglang wala nang laman ang buong bahay, at maging ang puso niya ay tila wala na rin.

Hindi siya makapaniwalang ganoon lang iyon. Sigurado siyang may dahilan ito. Isa itong patibong.

Hinila ni Massimo ang kanyang kurbata. Madilim ang mukha niya habang paakyat ng hagdan, desperadong naghahanap nang kahit anong bakas na magpapatunay na hindi ito totoo.

Ngunit kahit anong pilit niya, wala siyang nakita, ni anino nina Luna at Kai.

Dati, nakakalat sa buong bahay ang gamit ni Kai pero bakit ngayon, ni isang piraso ay wala?

Bigla niyang naalala ang study room at binuksan ito. Tinignan ang istante ng mga libro.

Noong dalawang taong gulang si Kai, pumasok ito at nag-iwan ng ilang gasgas sa istante.

Ang estanteng iyon ay pinili pa ni Elisse noong una silang magkakilala, kaya iniingatan ito ni Massimo. Galit pa nga siya noon kay Kai.

Naalala pa niyang umiiyak nang malakas si Kai, hawak ang maliit na kutsilyo sa kamay.

Pero ngayon, wala na ang mga gasgas.

May malinaw na bakas ng pag-ayos doon. Napakahusay ng pagkakagawa, halos hindi halatang nasira ito dati.

‘Inalala ba talaga niya kahit ang pinakamaliit na detalye?’ aniya sa isip.

Tumingin-tingin si Massimo sa paligid pero wala siyang nakita, tila ba hindi talaga sila kailanman nanirahan doon.

Ngayon, sigurado na siya. Talagang umalis na si Luna.

Dapat sana ay masaya siya, pero tila biglang napuno nang hindi maipaliwanag na galit ang puso ni Massimo.

Marahas niyang hinila ang kurbata at itinapon ito sa sahig.

“Steven, sinabi ba niyang kailan siya babalik?” tanong niya sa madilim na mukha.

Kinakabahang pinunasan ni Steven ang mga kamay at mahina ang boses na sinabi, “Sabi ni madam, hindi na raw siya babalik.”

‘Hindi na babalik? Talagang hindi na? Walang puso! Walang damdamin!’ galit niyang usal sa kanyang isip.

Gigil na gigil si Massimo sa mga oras na ito.

“At si Kai?”

“Hindi ko rin po nakita ang bata,” tapat na sagot ni Steven. “Pero base po sa oras, baka nasa kindergarten pa siya ngayon.”

Naalala bigla ni Massimo na nangako siya noon kay Kai na siya ang susundo rito sa paaralan, pero hindi niya natupad dahil sa iba pang bagay.

Ngayon, babawi siya. Wala namang kasalanan ang bata.

Nagliwanag ang mata ni Massimo. Sa wakas, may dahilan na siya para tawagan si Luna.

Kinuha niya ang telepono at tinawagan ang pamilyar ngunit kinapopootang numero.

“Sorry, the number you have dialed is power off.”

Ilang beses niyang sinubukan pero pareho ang tugon.

“Sino kaya ang tinatawagan niya?” inis na usal ni Massimo.

“Sir, kadalasan po kapag ganyan ang sinasabi ng linya ay baka po na-block na kayo,” mahinang saad ni Linda.

‘Na-block niya ako?’ usal ni Massimo. ‘Imposible! Hindi niya ako pwedeng i-block!’

Napangisi si Massimo. “Gusto niya akong pahirapan ngayon, ha.”

Umiling si Steven, napabuntong-hininga, at babalik na sa kusina. Bilang babae at may karanasan, malinaw niyang nakita. Hindi lang ito basta tampo. Wasak na ang puso ng madam.

Bigla namang tumunog ang telepono ni Massimo. Tiningnan niya si Steven at ngumiti.

“O, kita mo? Tumatawag din pala siya.”

Pero pagdampot niya, isang malamig at pormal na boses ang narinig niya sa kabilang linya.

“Hello, kayo po ba ang guardian ni Kai Alcantara? Ito po ang funeral home…”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge   Kabanata 50

    “Hindi ko pakikialaman ang mga usapin tungkol sa Alcantara Enterprise, at hindi rin ako makikisali sa anumang bagay online. Tungkol naman sa nakakatawang sinasabi mong paglilinaw, wala akong kinalaman doon!” sagot ni Luna. "Dahil ginawa mo ‘yan, dapat mong akuin ang mga resulta. Pumusta ka kaya tanggapin mo ang pagkatalo. Panahon na para bayaran mo ang kapalit ng sinasabi mong pagmamahal at pagpaparaya!”Bawat salitang binitiwan ni Luna ay mabigat at walang bahid ng emosyon na makinita sa kanya kung hindi tanging galit at hinanakit lamang ang naroon.Tuluyan na niyang binitiwan ang lalaking ito at hindi lang basta iniwan, kung hindi labis na kinamuhian.Noong una, ginawa niya ang lahat para protektahan ang imahe ni Massimo. Siya pa nga ang kusang umarte bilang mapagmahal na asawa. Ngunit ngayong inaalala niya ito, hindi niya maiwasang mangdiri sa sarili at sa nakakaawang kahinaan.“Luna, huwag mong pagsisihan ito,” ani Massimo habang nakatayo roon, taglay pa rin ang aroganteng post

  • The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge   Kabanata 49

    “Hayop ka!”Hindi na napigilan ni Luna ang sarili at napamura nang malakas.Hindi niya kailanman inakalang may tao pa pala na ganito kakapal ang mukha sa mundong ito.Nagsasalita pa ito nang buong yabang at kumpiyansa. Nakakahiya, at sobra ang kapal ng mukha.Noon, si Luna ay pinipiling kimkimin na lang ang galit niya, pero ngayon, pinili niyang lumaban, sa literal na paraan.Malakas niyang sinampal si Massimo, hinablot ito sa kwelyo, at buong puwersang hinila sa harap ng litrato ni Kai na nasa altar.“Tingnan mo! Tingnan mo si Kai! May mukha ka pa bang ulitin ang sinabi mo kanina?!” galit niyang sigaw rito.Hindi inakala ni Massimo na taglay ng babaeng ito ang ganoong kalakas na pwersa.Nakatitig sa inosente at masayahing ngiti ni Kai sa larawan, bumuka ang bibig ni Massimo at kalmadong nagsalita, “Kahit na nagpagamot tayo noon, mapapahaba lang ang buhay niya, pero hindi siya lubusang gagaling. Ang manatili sa mundong ito ay puro paghihirap lang para sa kanya.”“Nagdurusa nga

  • The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge   Kabanata 48

    Alam niyang natatangi si Luna, ngunit alam din niyang wala itong magawa. Nanatili ito sa bahay, inaalagaan ang kanyang anak, at walang gaanong alam tungkol sa mundo ng trabaho.“Kung may dumating na sundalo, lalaban tayo. Kung tubig naman, haharangin natin ng lupa. Ang pang-aaping ito ay kailangan kong makamit ang katarungan,” ani Luna habang mariing nakangisi, madilim ang ekspresyon sa mukha. Sa simula pa lang, kaya niyang palampasin ang lahat, at wala nga siyang pakialam sa mga ari-arian ng pamilya Alcantara.Ngunit makasarili si Massimo. Para sa sarili niyang interes, pinanood niya lang mamatay ang kanilang anak sa harap mismo ng kanyang mga mata. Dahil sa kanyang pagkilos, namatay si Kai.Hindi niya ito basta na lang mapapalampas. Kung hindi siya lalaban, hindi siya karapat-dapat maging isang ina.'Hindi ba’t ang pinaka-pinahahalagahan ni Massimo ay ang sariling interes? Sige, kukunin ko iyon nang paisa-isa ang lahat ng mahalaga sa lalaking 'yon,' nakangising sabi Luna sa isi

  • The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge   Kabanata 47

    Sa harap ng malamig na titig ni Massimo, nakaramdam nang matinding kaba si Elisse. Kinakabahan siya at hindi sigurado kung may natuklasan na ba si Massimo.“M-Massimo, b-bakit? Bakit hindi ka nagsasalita?” nauutal niyang tanong sa lalaki.Iniunat ni Elisse ang kamay at marahang hinila ang manggas ni Massimo.“Lumampas ka na sa linya, Elisse,” saad ni Massimo.Nanatiling walang emosyon ang mukha ni Massimo, ngunit banayad pa rin ang kanyang tinig. Gayunman, ang laman ng kanyang mga salita ang nagpatigil sa tibok ng puso ni Elisse.Pumatak ang kanyang mga luha habang nauutal na nagsalita, “O-Oo, alam kong k-kasalanan ko, pero hindi ko naman sinasadya. Gusto ko lang talagang tumulong sa 'yo. 'Yong babaeng si Luna, s-siya—”Hindi natapos ni Elisse ang sasabihin nang magsalita si Massimo.“Ang mga problema natin ay ako ang bahalang humarap diyan,” putol ni Massimo sa kanya.Sa pagkakataong ito, tuluyan nang naglaho ang kunwaring kabaitan niya. Ang natira ay isang babala, isang hulin

  • The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge   Kabanata 46

    Napakuyom na lamang ng mga kamao si Massimo at matalim na Tiningnan si Luna. “Tumahimik ka!” sigaw nito sa babae.“Bakit ako mananahimik? Ano'ng karapatan mong utusan akong tumahimik? Akala mo ba nasa lumang panahon pa rin tayo? Matagal nang pinalaya ang mga kababaihan. Mas mabuti pang pumunta ka na lang sa impiyerno!” inis na sagot ni Luna sa kanya.Ibinuhos ni Luna ang natitirang kape sa kanya at lumakad palayo nang may kumpiyansa at kahinahunan sa bawat galaw.Habang tumatalikod siya, napansin niya si Dustin na nakatayo sa labas ng pintuan na ngayon ay kita sa salamin.Sa hindi maipaliwanag na dahilan, kahit pa matapang at palaban siya ilang saglit lang ang nakalipas, nang magtagpo ang mga mata nila ni Dustin, bigla siyang nakaramdam ng hiya.Binilisan niya ang lakad at lumabas, bahagyang nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanya. “Bakit ka narito?” takang tanong niya sa lalaki.“Pumunta ako para protektahan ka pero mukhang hindi na kailangan,” tapat na sagot ni Dustin.

  • The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge   Kabanata 45

    “Luna, kailanma ay hindi ka minahal ni Massimo. Ni katiting ay wala. Kahit anong gawin mo, hindi mo kailanman makukuha ang kanyang pabor, kaya bakit ka pa nagpupumilit?”Tila taos-pusong nangungumbinsi si Elisse sa kanya. Tinitigan ni Luna si Elisse sa ganoong estado at napatawa siya.“Ang mga shares na hawak ko, kahit ibenta ko pa ay aabot nang hindi bababa sa tatlong bilyon. At nagdala ka sa akin ng tatlumpung milyon para makipag-negosasyon? Akala mo ba hindi ako marunong magbilang?”Napangisi pa siya, matalim at walang sinasanto ang tono.“Elisse, ano bang halaga ni Massimo? Noon, baka binigyan ko pa siya nang kaunting pansin alang-alang sa bata. Pero ngayong wala na si Kai, para sa akin, wala siyang silbi kung hindi ay parang utot lang!”Bahagyang itinaas pa niya ang kanyang baba, kumikislap ang mga mata sa malamig na kumpiyansa na nakatitig kay Elisse.“Hawak ko ang fifty-one percent ng shares ng Alcantara Enterprise. Ano'ng klaseng lalaki ba ang hindi ko kayang makuha kung

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status