Matapos akong gamutin ng mga nurses dito ay nagbayad na rin ako agad kahit na sabi nila na hindi pa raw akong puwedeng umalis. Gusto ko na rin talagang magpahinga at umuwi sa apartment ko. Kahit pinigilan pa ako ng mga nurses dito ay talagang umalis na ako. Sumakay ako ng jeep at pumunta muna ako sa isang fast food chain at bumili ng pagkain doon.
Pagod na ako. Gusto ko lang kahit isang saglit maging maligaya 'man lang ako. Bumili rin ako ng mga desserts na gusto ko at pati na rin mga junk foods. Pagkatapos kong bumili ng mga cravings ko ay dumiretso na ako sa apartment ko.
Hindi ko na kaya pa ang buhay. Naging malupit na ito pagkasilang na pagkasilang ko pa lang. Ilang beses na ring sumagi sa utak ko ang sumuko na. Lalo na ngayon na wala na ang ipon ko, wala akong kuwentang Ate at anak. Wala na rin naman na akong maiiwan dito. Ang tagal-tagal ko na ring lumalaban
Naging malinaw sa akin ang lahat at si Nezoi ang lalaking narito sa aking apartment. Mabilis niyang kinuha ang kutsilyo na nasa aking leeg at itinapon niya ang kutsilyo at agad niya akong binuhat na parang bagong kasal. Napasigaw ako roon at siya naman ay walang pakialam. Mahina ko siyang sinusuntok sa dibdib niya at ang seryoso ng mukha niya kaya natakot ako. Dinala niya ako sa kwarto ng apartment ko at saka niya ako inihiga roon at agad din siyang lumabas at ako naman ay naiwang nakatunganga lang. Iyong akala ko tapos na ang buhay ko pero ito may nagligtas at may pumigil sa akin. Ang lalaking kinasusuklaman ko pa at 'yong lalaking unang-una ko pang minahal, at ang unang lalaki rin ang bumiyak sa aking puso. Maya-maya pa ay bumalik na siya na may dala-dalang first aid kit at lumapit agad siya sa akin na madilim ang mukha kaya kinabahan ako roon. Lumayo pa ako nan
Nagising ako dahil sa sinag ng araw at sa init na nararamdaman ko na nagmumula sa araw, at tuluyan kong minulat ang aking mga mata at kitang-kita ko rito ang kislap ng araw. Huminga ako nang malalim sa ganitong sitwasyon kahit naiinitan na ako sa araw. Ang akala kong hindi ko na muling makikita ang araw ay ito ngayon, nararamdaman ko at nasisilawan ako. Pinikit ko ang aking mga mata. Ang araw na nagrerepresenta ng panibagong kabanata ng ating mga buhay, ang bagong araw para gawin at lumaban muli. Nakiramdam ako sa sarili ko at ewan ko kung bakit parang wala akong lakas ngayon, umupo ako sa aking higaan at agad akong nahilo. Sinubukan kong tumayo at nalaglag agad ako at parang may sakit ako. Hinawakan ko ang leeg at noo ko, at napaso agad ako dahil sa sobrang init nito. Muli akong humiga at parang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Narinig ko ang pagbukas ng p
Kanina pa ako gising at ganoon pa rin ang sitwasyon kong nanghihina pa rin pero kahit papaano ay pakiramdam ko naman ay umayos ako nang kaunti. Ayaw ko pang tumayo dahil nahihiya ako sa nangyari kagabi. Anong mukha pa ang ihaharap ko dahil sa kahihiyan na ginawa ko. Alam kong maya-maya ay papasok na siya rito sa kwarto ko at ito ako nilalamon pa rin ng kahihiyan. Dahil sariwang-sariwa pa sa aking utak ang nangyari kagabi. Pagkasabi na pagkasabi niyang si Tita pala ang kausap niya, parang gusto kong magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan na 'yon. Tinago ko agad ang mukha ko gamit ang mga unan ko rito at sinabi niya pa talaga ang lahat-lahat ng usapan nila ni Tita. Patuloy ang pag-flash sa utak ko ang mga pangyayaring 'yon Sinabi kasi ni Tita kay Nezoi na pumunta sa isang event para mairepresenta ang pamilya nila. Wala raw ang mga Kuya niya, mga hindi raw available k
Naging maayos na ako sa lumipas na araw at ngayon ay nabalik ko na ang sarili ko at maayos na maayos na talaga ako. Tuloy na ulit sa laban sa buhay. Hindi rin ako makapaniwala na hanggang ngayon ay humihinga pa rin ako at lumalaban sa nakakapagod na kinabukasan. Nagpatuloy na ulit ako sa trabaho ko sa isang fast food chain. Napagalitan pa ako at muntik na akong tanggalin dahil daw wala akong paramdam, nagmakaawa pa ako at humingi ng tawad at sinabi ko na ito na lang din ang isa ko pang pinagkukuhanan ng pera at muntik pa akong maiyak dahil hindi pa ako puwedeng mawalan ng trabaho lalo na ngayon na walang-wala talaga ako. Sinabi ko na nagkasakit ako kaya hindi ako nakapagsabi at sinabi rin ng boss ko na sa susunod, na magsabi ako para naman daw ay alam niya ang nangyayari sa akin. Kahit papaano ay sobrang bait din talaga sa akin ng boss ko, may alam din siya sa kuw
Simula no'ng pagkasilang ko sa mundong ito naging mahirap na agad sa akin ito. Hindi ako naging katulad ng ibang bata na nagsasaya sa labas ng mga tahanan nila at nakikipaglaro sa iba't ibang mga bata. Maagang namulat sa akin ang sama ng mundong ito. Noong bata ako ay naranasan kong kumain ng panis na pagkain, naranasan ko ring hindi kumain, uminom na galing sa gripo at sa poso. Ang mga magulang ko ay walang pakialam sa akin at kung minsan na nananalo si Nanay sa sugal niya at saka lang kami may makakakain. Si Tatay naman ay puro inom lang ang inatupag niya, puro bisyo. Nakulong si Tatay dahil sa paggamit ng illegal na droga, pero nagkaroon ng Parole sa kaso niya, kaya nakawala rin siya. Araw-araw rin akong pinapalo noon nila Tatay at Nanay pero inintindi ko 'yon na pinangangaralan lang nila ako. Pero kahit wala akong ginagawang masama ay patuloy pa ri
Bago muna kami pumunta sa apartment ko ay kumain muna kami, para kahit papaano ay mahismasan ang aming mga sarili. Sinabi ko rin kila Dorothy kung mayroon pa bang laman itong card na ito. Sana 'man lang kahit papaano ay mayroon pang natitira, kung wala na? Hindi ko na rin alam pa. Nasa isang Chinese cuisine kami at nag-ordered kami ng mga masasarap na alam naming putahe. Tinuruan pa naming magkakaibigan paano mag-chopstick ang mga kapatid ko at tawa kami nang tawa dahil hindi nila iyon magawa. Kaya ang nakakatawang part na sabi nila na magkakamay na lang daw sila. Pero hindi ako pumayag syempre, binigyan ko sila ng kutsara at tinidor. "Ate, saan po tayo matutulog?" tanong ni Veni habang kumakain kami. "Mayroong apartment si Ate. Nakalimutan niyo na ba?" Napakamot sa ulo si Veni at mukhang ngayon niya lang na-realize 'yon
Ang kapal ng mukha. Pero ramdam ko ang pamumula ko at naging mabilis ang tibok ng puso ko, dahil sa sinabi niyang 'yon. Nakita ko ang nakakaloko niyang ngiti at hindi ako natutuwa roon. Pinagtuunan ko na lang ng pansin ang mga kapatid ko at mukhang alam nila ang nangyari at narinig nila ang usapan namin ni Nezoi at nakangiti rin ang mga ito. Binigyan ko sila ng masamang tingin at ang mga ito naman ay humagikgik lang. Umusog-usog kami dahil may mga taong patuloy ang pagsakay rito. Nang mapuno na kami ay nagbayad muna ako ng pamasahi namin at buti naman at hindi na nakisali si Nezoi roon at sarili niya na lang binayaran niya. Bumaba na kami sa sakayan ng tricycle dahil isang sakay pa para sa apartment ko. Nakabuntot lang sa amin si Nezoi at katabi ko si Vici rito at si Veni naman nakikipagkuwentuhan sa likod kay Nezoi at mukhang na-miss talaga nila ang isa't i
Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti at kinindatan niya pa ako. Umirap naman ako sa sinabi niyang 'yon. Pinunasan ko ang kanyang mukha at pawis na pawis 'yon pero bakit parang mag gwapo siya ngayon kapag pawis na pawis siya? Nakatingin lang ako sa mukha niya at hindi ko inaalis ang tingin ko na 'yon sa kanya. Nakatitig lang din siya sa mukha ko at walang may gustong umiwas sa tinginan naming 'yon. Hanggang sa narinig namin ang hiyawan sa gilid namin at doon na ako umiwas dahil nakikita ng mga kapatid ko ang nangyari 'yon. Ramdam ko ang pamumula ko at si Nezoi naman ay tumatawa-tawa lang. "Si Ate talaga," pang-aasar sa akin ni Veni, "oo nga," dagdag naman ni Vici. Humarap ako sa kanila at sinamaan ko agad sila ng tingin. Tumingin naman ako sa gilid ko at si Nezoi na patuloy na mahinang tumatawa. "Bahala ka riyan,