Share

Kabanata 4

Author: Middle Child
last update Last Updated: 2024-08-16 10:30:38

“Nagsisisi ka na ba ngayon? O ganyan lang talaga kababaw ang pagmamahal mo sa akin kaya hindi ko napapansin na maaari mo palang tanggapin sa sarili mo na mapupunta ako sa iba?” inis ang tono ng boses nito. Lalo pa siyang dinaganan ng lalaki.

Halos hindi na siya makahinga sa ginagawa nito sa kanya, ngunit hindi iyon ang panahon, para magmakaawa siya dito. Kahit nanghihina, pinilit niya itong sagutin.

“Nagsisisi akong minahal pa kita! At kahit kailan, hindi na kita papangaraping magustuhan ulit!” asik niya dito. Hindi siya deserve nito, lalo na ang kanyang pagmamahal, at pinagsisisihan niya ang lahat. Mahaba na angdalawang taon. Panahon na para sumuko.

Bahagyang tumawa si Zeus, “mabuti naman. Kung hindi mo na ako mahal, mas maganda palang hindi kita lalo pakawalan. Alam mo kung bakit? Kailangan mong pagbayaran ang mga kasalana niyo sa akin. Ang makapiling ako habang buhay, ay isang matinding pasakit para sayo!”

“Dahil lang sa naisahan ka ng tatay ko, pati ako, hindi mo mapapatawad?” nagpupumiglas siya mula sa pagkakahawak nito.

“Ayoko ng naiisahan ako! Walang dapat manlamang sa akin. Kaya pagbabayaran mo ang lahat ng ito, habang buhay!” saka siya iniwan nito at pabalibag na isinarado ang pintuan.

Naupo siya sa kama at hindi makapaniwala sa narinig buhat sa lalaki. Siya ang nais nitong pagbayarin sa ginawa dito ng kanyang ama. At pagbabayaran niya iyon habang siya ay nabubuhay!

KINABUKASAN..

Nagising si Maureen sa maliwanag na sikat ng araw na sumisilip sa kurtina ng kanyang kwarto. Kung gaano kaliwanag ang sinag na iyon, ganun naman kadilim ang kanyang nararamdaman. Biglang sumakit ang kanyang tiyan.

“Aaah..” napahawak pa siya dito, “kailangan ko ng bumangon at kumain para makainom ako ng gamot.”

Bumaba siya upang makapag almusal. Agad siyang sinalubong ni Aling Layda.

“Mam, gumawa ako ng soup para sa iyong tiyan. Maganda ito upang mainitan ang iyong sikmura,” nakangiti nitong bati sa kanya.

“Salamat,” naupo siya at tinikman ang ibinigay nito sa kanya.

Masaya siyang pinapanood ng matanda. Nakakakain na kasi siya ng maayos ngayon. Hinawakan pa nito ang kanyang noo, “mukhang okay ka na ah.”

Maya maya pa, napatingin sila sa pinto ng marinig nila ang mga boses na nagtatawanan at nagkukwentuhan. Si Zeus, kasama ang babae nitong si Shane!

Napatigil siya sa pagkain at pinanood ang mga ito, ‘bwesit na lalaki ito, ayaw makipaghiwalay pero iniuwi dito ang kabit niya! Napakawalanghiya talaga!’

“Aling Layda, maghain na kayo,” malambing nitong utos sa matanda. Wala namang nagawa ang katulong kundi ang sumunod.

Parang wala siya doon, matapos maghain ng matanda. Parang ang dalawang ito lang ang nasa lugar na iyon.

“Kumain ka ng isada, maganda ito sa baby,” binigyan nito ng pagkain si Shane.

“Salamat,” sagot ni Shane. Nahihiya pa itong tumingin sa kanya, “nakakahiya naman, nandiyan ang asawa mo..”

“Okay lang yan sa kanya,” malambing na sagot nito sa babae.

Naninikip ang kanyang dibdib sa nakikita niya. Sa bagay, dapat, tinatanggap na niya ang mga ganitong bagay dahil kabayaran ito sa mga kasalanan nila sa kanyang asawa.

“Mrs. Acosta, pasensiya ka na ha. Ganito talaga kalambing si Zeus sakin noon pa mang mga bata pa kami, lalo na noong malaman niyang nagdadalang tao na ako,” mlambing na sabi sa kanya ni Shane.

“Wag mo akong tawaging Mrs. Acosta,” saway niya dito. Hindi na siya natutuwang mabansagang asawa ni Zeus.

“Bakit naman?” tumigil ito pagkain, “hindi ba kayo oaky na dalawa?”

At may gana pa talagang magtanong ang babaeng ito sa kanya kung hindi sila okay.

Hindi nagsalita si Zeus. Hindi niya rin naman alam kung ano ang isasagot sa babaeng ito.

“Hindi naman talaga kami okay,” tugon na lamang niya, “basta na lang kami nagpakasal kahit hindi namin mahal ang isa’t isa.”

Biglang napatingin sa kanya si Zeus. Inirapan lang niya ito. Wari namang nababasa ni Shane na may issue sa pagitan nilang mag asawa.

“Ahm.. pakiabot na lang sakin ng gulay, Maureen” sabi nito sa kanya, “hindi kasi kumakain ng gulay si Zeus, gusto ko lang matikman niya yan, para kung sakali man, at magustuhan niya, makakakain na siya ng masustansiyang pagkain.”

“Bakit hindi ikaw ang kumuha? May yaya ka bang katabi kapag kumakain ka?” panunuya niya dito, “wala ka bang kamay para abutin yan?”

“Ah- eh-, ikaw kasi ang mas malapit. Saka sa America, sanay akong sa mga hotel kumakain. May mga waiter doon na nagsisilbi.”

“Pwes, hindi mo ako waiter,” nakasimangot niyang sagot dito.

Si Zeus na lang ang tumayo at kinuha ang pagkain na nais ni Shane.

“Mag isa lang din kasi akong kumakain lagi, dahil sa trabaho, kaya hindi ako sanay ng may ganitong hain sa hapag,” malungkot pa nitong sabi, na parang nagpapaawa sa kanyang asawa.

“Shane, ang galing mo kaya. Napaka hard working mo,” pagkocomfort dito ni Zeus.

“Salamat,” nginitian pa nito si Zeus, “tikman mo ito oh, masarap yan. Enseladang labanos. Maganda ito sa katawan.”

“Sige nga, masubukan nga yan,” pinanood pa niya ito habang kinakain ang gulay na inialok dito ni Shane.

Inubos na niya ang kanyang soup. Tiningnan niya ng may pang uuyam si Zeus. Natatandaan pa niya noon, nang igawa niya ito ng rice ball na may kasamang gulay. Inalok niya itong kainin iyon habang mainit pa.

“Kuya, tikman mo itong ginawa ko. Masarap kainin ito tuwing umaga.” alok niya dito. Ibiaabot pa niya ang isang canister na may lamang pagkain.

“Hindi ako kumakain ng pagkaing hinawakan na ng iba,” saka niya ako iniwan ng walang kaabog abog.

Ang alaalang iyon ang isa sa nagpapasikip ng kanyang dibdib, lalo pa at nakikita niya kung paano kainin ng lalaking ito ang pagkaing ibinigay ni Shane.

Para na lang siyang palamuti doon, habang pinapanood ang dalawa sa kabilang bahagi ng lamesa.

“Masarap hindi ba?” tanong ni Shane kay Zeus, na marahang kinakain ang gulay na iyon.

“Hmmm.. masarap nga,” malambing na sagot nito kay Shane.

“Sabi ko sayo eh. Noong mga bata pa tayo, hindi ka talaga kumakain ng gulay. Kaya pinipilit pa kita hindi ba?” nangalumbaba pa ito sa harapan ni Zeus.

“Oh? Ang tagal na noon ah, natatandaan mo pa rin? Ang talas talaga ng memorya mo ha,” pinisil pa ni Zeus ang pisngi ng babaeng kaharap.

“Siyempre naman! Natatandaan ko pa ang lahat. Naaalala mo pa ba, noong nakakatanggap ka ng mga award? Madaming tao, lalo na ang mga kaklase nating babae ang gustong magcongratulate sayo. Sikat na sikat ka sa school natin,” nakangiting kwento ni Shane.

“Sobra naman yan, hindi ba masyadong exaggerated naman niyan,” natatawa pang sabi ng lalaki. Ang mga ngiting iyon ay hindi pa niya nakikita magmula noong maging mag asawa sila. Lalo lang siyang nakakaramdam ng inis dito.

“Oo kaya.. Sabi nga ng mama ko, may taste daw talaga ako sa lalaki, dahil ikaw ang nagustuhan ko,” parang kinikilig pa ito.

‘Yun ba ang hindi kabit? Harap harapang umaamin?’ inis niyang sabi sa sarili. Nawawalan na siya ng ganang kumain.

Napatingin pa sa kanya si Zeus habang humihigop ng kape. Waring tinitingnan nito ang kanyang reaction. Malamig lang siyang tumingin sa lalaki, saka niya ito inirapan. Napansin naman iyon ni Shane.

“Pasensiya ka na Maureen. Bata pa lang kasi kami, magkasama na kami ni Zeus. Hindi ko lang mapigilang alalahanin ang aming nakaraan,” napapahiyang sabi nito sa kanya.

Hindi na niya ito tinugon. Pinilit na lang niyang tapusin ang kanyang pagkain at baka masuka pa siya sa kanyang mga naririnig. Ngunit hindi pa pala doon natatapos ang kwento ni Shane.

Ikinuwento pa nito ang kanilang romance noong kabataan nila. At nalaman niya, na hinadlangan pala ng lolo ni Zeus ang kanilang relasyon kaya sila naghiwalay. Wala naman siyang pakialam sa ikinukwento nito. Tiningnan niya ng masama si Zeus, baka makakaramdam ito na ayaw na niyang makinig sa ikinukwento ng kabit nito, at maiisipan nitong patigilin na sa pagsasalita si Shane.

Subalit parang walang plano ang lalaki. Inienjoy pa nito ang pakikinig sa kwento ng ex nito na ngayon ay ginawa pa nitong kabit.

Naiinis siya. Parang gusto pa ata nitong maikwento ni Shane pati ang ginagawa nilang dalawa sa kama. Gusto na lang niya itong batuhin ng plato upang manahimik na lamang. Timping timpi na siya.

“Ikaw, Maureen? May gusto ka ba kay Zeus?” tanong sa kanya ni Shane.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (13)
goodnovel comment avatar
Alma Balboadelasanta
continue po
goodnovel comment avatar
Ma Christ Aicrag
super ganda
goodnovel comment avatar
Khristine Peras Cabrera
love it continue plss
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1802

    Ang malalim na buntunghininga nito ay parang may pagtitimpi. Hindi niya malaman kung para saan iyon.Unti unting lumapit sa kanya ang lalaki. Hinawakan nito ang kanyang leen. Hinimas himas nito iyon."Sunshine.." paos ang tinig nito na parang nagmamakaawa.. "napakaingay mo pala..""A-anong ginagawa

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1801

    "ATE Ying!" tawag ni Sunshine sa mayordoma, habang naglalakad ito patungo sa garden. Tapos na ang trabaho nito at nakaugalian nilang magkwentuhan sa may swing halos isang linggo na.Sabado iyon, at may mga maid na naka off. Hindi na nga niya matandaan ang pangalan ng ibang naroroon sa sobrang dami n

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1800

    "Bakit ako aalis? kumakain pa ko?" tanong ni Jack dito."Mr. Jack, pwede ka namang kumain sa loob hindi ba?" sagot nito."Eh di ikaw ang kumain dun.." kumuha ng pagkain si Mr. Jack saka nag umpisang kumain.Napatingin naman si Royce kay Sunshine na nagkibit balikat.Hindi na lang nila pinansin si Mr

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1799

    "Wow! ang sarap ng pagkain!" palatak ni Eli.Naupo si Sunshine sa ilalim ng bubong. Ang upuang rattan na may malambot na unan ay nakakapagbigay relax sa kanyang katawan.Malamig ang simoy ng hangin na nagmumula sa lawa.Ang mga christmas light na nakapaligid sa kubo na iyon ay nabibigay ng romantic

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1798

    Naging masaya ang pag uusap nilang dalawa. Marami pa siyang kasiraang sinabi tungkol kay Mr. Jack. Tawa ng tawa si ate Ying sa kanyang mga rebelasyon. Hanggang sa sumapit ang hapon, at kailangan ng magready ni ate Ying ng hapunan.Doon pa lang sila naghiwalay.Pagkaalis ni ate Ying, nanatili siya sa

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1797

    "Sige, hindi ba ako nakakaabala sayo?" tanong nito sa kanya."Naku, hindi naman. Naiinip din naman ako. Kaya lang ako magpapahinga dahil wala naman akong makausap.." nakangiti niyang sagot, "hintayin niyo na lang ako sa garden."Pumunta si Sunshine sa swing, kung saan madalas niyang nakikita sina at

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1796

    NASA kanyang silid si Sunshine, habang nagmumuni muni. Ilang linggo na ang nakakalipas, mula ng magkaroon sila ng cold war ni Jack.Dati, kapag naiinis siya sa lalaki, nagmamadali itong lumapit sa kanya, para magsorry, magpacute, at maglambing, subalit ngayon, namuti na ata ang buong mata niya sa ka

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1795

    Nagkakatinginan ang mga kaharap nila, dahil kahit pagnguya ni Sunshine, tumutunog ng malakas."Gusto niyo?" tanong ni Sunshine habang binabalatan ang hipon ng sariling mga kamay, at inialok iyon kay Andres."Naku, hija, ayos lang ako," napangiwi ang matanda sa kanya."Naku, wag na po kayong mahiya..

  • The Scumbag's Regret: Stealing His Ex-Wife's Heart   Kabanata 1794

    "Nilalamig?" napakunot ang noo ni Sunshine ng marinig ang tanong ni Royce, "anong nilalamig?""Ang init kasi ng suot mo," bulong nito sa kanya, "parang giniginaw ka. Maiintindihan ko pa kung malamig ang panahon, kaso, mainit naman.. anong nangyari?""Ha?" hindi niya maintindihan ang ibig sabihin nit

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status