Share

Chapter 7

Author: Gabriel Li
last update Last Updated: 2024-08-14 21:21:03

THE MOTHER AND SON WERE THE SAME. The more angelic their faces are, the worse their personalities are!

Habang lulan ng pulang Maserati ay tahimik na humikbi si Alexa.

Oo, hindi niya pangarap maging titser at ang pagkagusto sa propesyong ito ay nakuha niya lang sa kuya at mga magulang niya. Gano'n pa man, masaya siya sa propesyon at alam niyang para ito sa kanya.

Sa nagdaang oras nang pagmamaneho, ay wala naman tigil si Gavin sa pagsilip sa amo mula sa rear view mirror. Paghinto niya ng kotse sa tapat ng bahay ng amo ay mabilis niyang hinagilap ang tissue at iniabot dito.

Pinunasan ni Alexa ang luha at pilit naglagay ng ngiti sa labi habang pinanood mula sa tinted window ng kotse ang masayang mukha ng nanay at tatay niya.

Sa saglit na panahon ay na-miss niya ng labis ang pamilya. Siguro dahil mula pagkabata ay ito palang ang unang beses na nawalay siya sa mga ito o siguro dahil malungkot siya ngayon.

"Mama, Papa!" Patakbong yumakap si Alexa sa mga magulang. Nangilid ang luha sa mga mata ng nanay at tatay niya habang may ngiti sa mga labi.

Sa kabilang banda ay humigpit ng todo ang yakap ni Alexa sa nanay at nagsimulang humikbi sa mga bisig nito.

"Princess, bakit ka umiiyak?" May pag-aalalang tanong ni Alison na mas hinigpitan pa ang yakap sa anak.

"M - Miss na miss ko lang po kayo, Ma." Hikbi niya.

"Baby, miss na miss ka rin namin." Naiiyak na turan ni Xandro na hinalikan sa noo ang anak.

"Nasaan po pala si kuya?" Usal niya habang nakasubsob pa rin sa dibdib ng nanay.

"Naku, nasa seminar siya, eh. Pero may mga regalo siya diyan para sayo at sa asawa mo. Sabi niya babawi daw siya sa susunod na uwe mo."

"Halika na at pumasok na tayo, nagluto ang mama mo ng mga paborito mo," ani Xandro pagkatapos ay binalingan ng tingin ang bodyguard ni Alexa na animo'y higanteng nakatayo sa gilid ng sasakyan.

"Hijo, halika na rin para makakain na tayo," pag-aya nito. "Ano nga ang pangalan mo, hijo?" Tanong pa nito habang inilahad ang palad sa bodyguard.

"Gavin Santillan, ho sir." Maagap naman tinanggap ng lalaki ang nakalahad na palad ni Xandro.

Pagkatapos makipagkamay ay inakbayan ni Xandro sina Alexa at Alison. Iginaya sila nito papasok ng bahay habang nahihiyang naglakad kasunod nila ang bodyguard.

Sa loob ng bahay ay masaya silang nagkamustahan. Pansin ang galak kay Alison pagkita sa pustura ng anak. Yong pusturang madalas sa TV lang nakikita. Mamahaling damit, sapatos, at alahas. Idagdag pa na may kotse at driver na ito ngayon gayong noon ay ni wala itong kotse. Nagkakasya ang pamilya nila sa motorsiklo at lumang kotse ng padre de pamilya nila.

Hindi materialistic ang pamilya nila, ordinaryo pero hindi kinakapos. Ang three-bedroom bungalow nilang bahay ay nasa loob din naman ng subdivision. Malayo ang buhay nila kumpara sa mga Dior; gano'n pa man ay kuntento at masaya sila.

Magalang, edukada, at may delikadesa ang anak kaya naniniwala siyang karapat dapat ito mahalin at tratuhin tulad ng dyamante tulad kung paano nila ito pinalaki. Kaya ngayong nasilayan niya ito na animo'y buhay prinsesa ay sobrang pasalamat at saya niya.

Nakausap din ni Alexa ang tatay niya ng sarilinan. Dito nalaman niya na tinakbuhan ng construction firm ang proyekto nito para sa school, matapos makuha ang pera na milyon-milyon ang halaga. Donasyon ito mula sa kompanya ng pamilya Dior.

Ayon din kay Xandro ay malaki ang utang na loob niya sa manugang sa pagtulong nito sa kanya.

Everything is planned, and shit!

How can she tell her father that his son-in-law, whom they all praise as an angel, was actually the monster who trapped him alive? To be a tool to use in manipulating her, his only daughter!

Bago umalis ay malungkot na iniabot ni Alexa ang resignation letter niya sa mga magulang.

"Sigurado kaba na ayaw mo nang magturo? Pero masaya ka sa pagtuturo, hindi ba?" Malungkot na tanong ng tatay niya.

Si Xandro, tulad ng asawa ay simple lang manamit. Pareho silang naka-salamin kahit kita na bata pa sa itim pang mga buhok. Hindi uso sa pamilya nila ang luxury brands, kaya halos atakihin ito sa puso sa dami at puro luxury items na regalo ng pamilya Dior nang mamanhikan.

"Papa, hindi sa ayaw ko nang magturo, gusto ko, gustung-gusto ko. Pero gusto kasi ng biyenan ko na mag-focus muna ako on becoming a perfect wife for Sebastian."

"Pero masaya kaba, anak?"

Hindi maiwasan matigilan ni Alexa sa tanong ng nanay. Pumatak ang butil-butil niyang luha. Yumuko siya at suminghot, tapos pinunas ng mga palad ang luha, tsaka iniangat ang ulo para harapin ang nanay at tatay.

Sa tanda niya ay ikatlong beses na itong itinanong ng nanay sa kanya. Nang una ang sagot niya ay, "Ang kasal na ito ang kukumpleto sa kaligayahan ko." Pangalawa ay, "Opo, masayang-masaya po ako." Pero ngayon hindi niya alam ang isasagot, pero kung meron man sigurado ay . . .

"Don't worry, Mama, Papa. Pinili ko ito at pangako ko sa inyo na magiging masaya ako. Because I deserved to have my happy ending, like you guys did!"

Gabi na nang makauwi ng mansyon sila Alexa. Bago bumaba ng kotse ay matiim niyang tinitigan si Gavin, bukas-bukas nito ang pintuan ng sasakyan para sa kanya.

Kahit may kadiliman ay kita pa rin ang features ng mukha ng lalaki. Kanina sa hapagkainan ay nalaman niya na ka-edaran niya lang ito sa edad na twenty-six habang twenty-four naman siya. Tulad ng ibang bodyguards sa mansyon ay malaking lalaki ito, six footer. Siguro nga ay hindi ito kasing-guwapo ng asawa, pero ang hitsura nito ay hindi nakakasawa tingnan. May talim ang features ng mukha nito na iisipin mong snob kung hindi siya nakangiti.

"Gavin, does Katelyn send you? What is your role here?"

Inosente, pero hindi tanga si Alexa.

Kitang natigilan ang lalaki. Saglit itong tumingin sa mata ni Alexa, tapos ay yumuko.

Tumawa ng pagak si Alexa. Rinig ang pait sa tawa niya. "I envy Katelyn; she has my husband on her side and even you. You worked for me, but you aren't my person."

Tahimik na tinahak ng mga paa ni Alexa ang daan papunta sa pangunahing pinto. Pinili niyang bumaba pagkapasok ng sasakyan sa vicinity ng pamilya Dior. Medyo malayo pa ito sa mismong mansyon, pero nais niya kasing maglakad-lakad tulad ng kinasanayan niya noon.

Ninamnam niya ang lamig ng hangin ng gabi, habang naaamoy ang halimuyak ng mga bulaklak. Ang kabilaan kasi ng daan ay napaliligiran ng mababang hardin ng mga bulaklak.

Ilang hakbang pa ang layo mula sa pangunahing pinto ay natanaw na niya ang nagbabagang apoy. Malapit dun ay nakatayo ang biyenan kasama ang ilang katulong. May mga bagay silang sinusunog. Mga bagay . . .

Nagimbal si Alexa nang makita kung ano ang sinunog ng biyenan ng dis-oras ng gabi. Ang maleta niya! Ang mga gamit niya!

"Mama! Mama!" Sigaw niya habang humahangos nang takbo malapit sa biyenan. Pero pagharap ng biyenan sa kanya . . .

PAK!!

Isang malutong na sampal ang iginawad nito sa kanya. Sa sobrang lakas ng sampal ay bumagsak si Alexa; mabuti na lang ay nasa likuran na niya si Gavin.

Gulat

Lito

Takot

Halo-halong emosyon naramdaman ni Alexa. Sa unang pagkakataon sa buhay niya ay nasampal siya, sinaktan siya hindi ng magulang kundi ng biyenan!

Hindi niya alam kung iiyak siya dahil sa sobrang sakit ng sampal o iiyak dahil nakikita niya ngayon ang pagka-abo ng mga gamit na binili niya gamit ang sariling pera na pinagpaguran.

"How could you lie to us like your husband, Alexa? "Did you think I wouldn't find out what really happened on your honeymoon?" Animo'y nagliliyab ang mga mata ng biyenan sa puyos ng galit.

Sunod-sunod pumatak ang luha ni Alexa habang sapo-sapo ang pisngi at nakasalampak sa sahig. "Sorry po, Mama. Nawalan lang po ako ng choice. I didn't mean to lie."

Yumuko si Mikaela, pantay sa mga mata ng manugang, madiin na hinawakan ang baba nito.

"Alexa, put this in your mind. In this family, I am the person who will be on your side, so you should always listen to me, and you should NEVER make a fool out of me!"

"I'm sorry, Mama. I'm sorry . . ." Naliligo na ng luha si Alexa. Mga luha na bumasa na rin sa taas na parte ng damit niya.

"So never forget your role, Alexa. Ang role mo ay nakawin ang asawa mo sa MALANDING ULUPONG NA YON!"

Realization hit her—they know everything, and that's why they married him to her!

Nakawin?

Sa narinig ay hindi maalis manginig ang kaloob-looban ni Alexa.

"Pero bakit? "Bakit ko kailangan nakawin ang dapat akin?"

Iginalaw ni Mikaela ang mukha ng manugang papunta sa direksyon ng hardin niya. "Nakikita mo ba kung gaano kaganda ang hardin kong yan?"

"Kung gaano yan kaganda, doble-doble ang dami ng putik na kinailangan kong hugasin sa palad ko!"

"Ito ang mundo ng Dior, Alexa. Pinili mo'to, so you should live with it!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Cheska 14
OMG the scent hit her heart bullseye? Gano kaya kabaho Yung pabango naun?? Paliguan mo alex
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Second Wife's Dilemma   Chapter 25

    DELIKADESA?! Let’s see if you can still be decent after tonight, Pumpkin!Sarkastikong turan sa isip ni Katelyn habang nakatuon ang mga mata kay Alexa. Nakaarko ang kilay niya at nakaangat ang sulok ng mga labi. May lambing niyang inihilig ang ulo sa mainit na dibdib ni Sebastian.Naramdaman niya ang biglang pagtigas ng dibdib nito tapos ang malalim nitong paghinga. Lumungkot ang ngiti niya pero mas inihilig pa rin niya ang mukha sa dibdib nito.“We need to talk,” narinig niyang turan ni Sebastian pagkapasok na pagkapasok sa cabin niya. Marahan siya nitong inilapag sa kama.Nasa regular cabin siya. Maliit ito kumpara sa suite cabin. May isang double-size bed na nakatapat sa pintuan. Tapos sa ulunan sa gilid nito ay ang bedside drawer. Kahilera ng bedside drawer ang pintuan ng compact bathroom.“Why, Seb?” Pinukol niya ang malungkot na mga mata kay Sebastian. Sampung taon na silang magkakilala, pero sa unang beses ay ngayon lang siya nakadama ng takot sa simpleng salita nito. Nanginig

  • The Second Wife's Dilemma   Chapter 24

    “OKAY, BUMALIK KA KAAGAD, HA . . .” Sa dulo ng dila ay nalasahan ni Alexa ang pait ng sinabi. Marahan niyang kinalas ang palad sa palad ng asawa.Saglit na nagsalubong ang mga kilay niya. Sa hindi mawaring dahilan ay tila bumagal ang oras. Naramdaman niya ang pagtigas ng ribcage niya, partikular ang sternum niya. Tapos unti-unti ay bumagal ang pintig ng puso niya. Siyang paghiwalay ng mga palad nila ng asawa ay siyang pagsinghap niya. She stared at her hand— somehow without Sebastian’s hand in it, it felt empty.Sa sulok ng mga mata ay nakita niya na yumuko ang asawa at binuhat si Katelyn.Habang nasa braso nito ay binato pa siya ng huling tingin ni Katelyn. Nakaarko ang kilay nito at nakaangat ang sulok ng manipis nitong labi.Ang pagtingin nito ang tuluyang pumutol sa daluyan ng hangin ni Alexa. Napako siya sa kinatatayuan habang walang ekspresyong pinanood ang mga ito na papalayo.“Madam, gusto mo ihatid na kita sa suite niyo ni Mister Dior?”Tila napaso ng baritonong tinig si Alex

  • The Second Wife's Dilemma   Chapter 23

    KINUYOM ni Katelyn ang palad habang nagngitngit ang mga ngipin. "Poor pumpkin. Hanggang ngayon umaasa ka pa rin na sa ating dalawa pipiliin ka ni Seb?" Gigil na bulong ni Katelyn. "Tsk. Tsk! At the end of the day, you're just a contract wife! Another pussy to fuck! Seb is mine; i*****k mo yan sa utak mo!" Sa narinig ay bigla ang paglaho ng ngiti ni Alexa. Tumahip ang dibdib niya. Kasabay ng pagtahip ng dibdib ay ang paghigpit ng kamay niya sa balikat ni Katelyn. Contract wife! Another pussy to fuck! Hindi naiwasan sumagi sa isipan niya ang mga naganap nitong nagdaang linggo. Stepmother at bed warmer. Pero, hindi lang ito ang nais niya. Nais niyang maging totoong nanay kina Sevie at Sav. Higit sa lahat, nais niyang maging totoong asawa kay Sebastian. But . . . What if this is really her only use for Sebastian? Sa buong sandali naman na nagbeso-beso sina Alexa at Katelyn ay halos hindi huminga si Sebastian. Nakatuon lang ang tingin niya sa asawa. He knows he needs to explain to he

  • The Second Wife's Dilemma   Chapter 22

    HER TRUST, HER PATIENCE, SLOWLY EVERYTHING FADED . . . Mahigpit ang hawak ni Alexa sa tela ng damit niya. Kahit kasing bigat ng adobe ang ulo ay pilit niya itong itinaas. Ika nga ng biyenan, she is the youngest madam Dior, and vowing to shameless people should never be part of her vocabulary. Taas-noo niyang tiningnan si Katelyn. Pinanood niya ang paghangos nito palapit sa kanila. Sa taas ng takong nito ay halos madapa na ito. Ang kaninang butil ng luha ni Alexa na nilipad ng hangin, ngayon ay nagbigay kinang sa mga mata niya. Tinakpan nito ang bahid ng lungkot sa mukha niya. Sa kabilang banda, sinundan ng tingin ni Sebastian ang tinitingnan niya. Nanlaki ang may kasingkitang mga mata ni Sebastian pagkatapos ay mabilis ibinalik ang tingin kay Alexa. "Wait, Alexa, let me explain—" Natatarantang usal nito pero hindi na nito natapos ang sinasabi. Nang sa harapan ng lahat ay walang anu-anong sunggaban at yapusin ng yakap ni Katelyn. "Seb, I love this dress so much!" Eksaheradong tu

  • The Second Wife's Dilemma   Chapter 21

    BATANGAS PORT Mentras palapit nang palapit sa port ang luxury van na sinasakyan nina Sebastian at Alexa ay palakas nang palakas ang tunog ng fireworks. Iba't ibang kulay na fireworks ang nagpaningning sa madilim na kalangitan. Tila kinikiliti naman si Sebastian, napapangisi habang nakapangalumbabang pinanood ang asawa. Nakabukas ang bintana ng sasakyan. Kaysa tumabi kay Alexa ay pinili niyang umupo sa harapan nito at sa kabuoan ng biyahe ay animo'y lovestruck na pinagmasdan ito. Halos hindi kumurap ang mga mata niya, takot na kapag kumurap siya ay maglaho ito. Ayaw man aminin pero, nitong nagdaang linggo napagtanto niya—she was his light of hope. The man from above must have pitied him, so he gave him a chance to change his choice. He gave him a chance to smile again. He gave him her, who is pure and who is his alone. "Sobrang ganda!" Wika ni Alexa na hindi inalis ang tingin sa labas. Hindi alintana ang malamig na simoy ng hangin. Ayaw siyang tingnan nito? Kagabi pagkagaling sa m

  • The Second Wife's Dilemma   Chapter 20

    "AND THIS CARD . . . is just one of the perks of being the wife of Love Dior’s CEO!" Pagka-ere ng matining na tinig ni Alexa ay sumunod ang pag-ere ng malutong na palakpak. “That's right, Alexa dear. Being my son's wife means no limit!" Ani Madam Mikaela. Nakahalukipkip ang mga braso nito, na tumayo sa tabi ni Alexa habang nakaarko pataas ang manipis na mga kilay kay Katelyn. Sa totoo lang, sa buong buhay ni Alexa, kailanman ay hindi pa siya nakipag-agawan o nakipag-away para sa isang bagay. Para sa lahat ng kakilala ay mapagbigay siya, na totoo naman. Sa isip niya kasi kung para sa kanya ang isang bagay ay para sa kanya. Hindi na niya kailangan makipag-agawan, lalo na ang makipag-away para dito. Pero ngayon, ewan ba! Cheap na kung cheap! Pakiramdam niya buhay ang nakasalalay sa agawan ng damit na ito. Humarap si Alexa sa kahera at malambing na nagturan, "I want the dress. Please pack it for me." Sa isip ni Katelyn ay bwisit na mag-biyenang ito; pinagtulungan pa siya! Nagngitngit

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status