TINAG na ang haring araw pero hindi tulad nang dati na mistulang alarm clock si Alexa, laging on time, ngayon ay nakasubsob pa rin siya sa malambot na unan. Pagod siya, kaya kahit ano’ng tunog ng alarm clock ay hindi siya nakabangon. Paano’ng hindi e tumatak kay Sebastian ang sinabi niyang “Teach me,” kaya magdamag nga siya nitong tinuruan— kung paano nito gustong halinahin ng inosenteng asawa!
Gano’n pa man para kay Alexa, kung ito ang paraan para maangkin ng buo ang asawa, so be it! Bumalikwas siya ng bangon pagkaalala na bibisitahin niya ang pamilya ngayong araw. Pagkaligo ay tinuyo niya ang katawan. Sa halip suotin ang roba na kapares ng roba ng asawa na inihanda ng katulong, pinili niyang itapis ang tuwalyang pinangtuyo sa katawan. Pagkatapos ay atubiling tinungo ang walk-in closet nilang mag-asawa. Sa pagkailang kagabi ay ngayon lang niya na-appreciate ang laki at gara ng walk-in closet. Mas malaki pa ito sa silid niya sa Taguig. Kahit itim pa ang mga tukador ay pinakinang ito ng modernong light fixtures na nagsasalamin sa puting marbled floor. Pero hindi nagtagal, nagsalubong ang mga kilay niya. Inilinga-linga niya ang paningin sa mga damit na nakasalansan sa closet. Bukod kasi sa ilan niyang pantulog ay ang mga regalo lang na damit, sapatos, at alahas ng granny at biyenan ang nakasalansan dito. Nasaan ang iba niyang dalang damit? Wala rin ang iba niyang gamit pati maleta. Natataranta niyang hinalughog ang bawat sulok ng closet. Paghila sa huling hanay ng mga damit ay napahawak siya sa dibdib habang humihinga ng malalim. Sa wakas natagpuan niya ang maleta sa sulok ng closet, natatakpan ng magagarang bestida. “Baka hindi lang naisama sa isinalansan ng mga katulong?” Anas niya, pero ang totoo natakot siya sa isipin na ipinatapon ito ng biyenan dahil mumurahin ang mga ito. Sinuot niya ang paboritong jeans at blouse, tapos tinernohan ng heels. Pero nang nasa paanan na ng hagdan ay natigilan siya, nakatingin kasi ang lahat sa kaniya. Yong tingin na para bang “Alien” siya. “Pasensya na po kung nahuli akong magising.” Naiilang niyang hingi ng paumanhin. Inisip niya na ang pagiging huli ang dahilan ng pagtingin ng lahat sa kaniya. “Hija, bakit ganyan ang suot mo?” Nakataas ang kilay na tanong ng biyenan. Napatingin siya sa suot niya habang paulit-ulit umugong sa kaniyang tainga ang mapanghusgang tinig ng biyenan. Realization hit her— she was right. The Dior family finds her outfits “cheap.” Evidence of it is how she saw her husband shake his head disapprovingly. But if there’s one trait she got from her mama, it’s that she’s shy but hardheaded. Kalmado siyang tumingin sa biyenan, “Mama, saglit lang naman po ako sa bahay ng mga magulang ko, ito na lang po ang susuotin ko.” Tumigil sa pagkain ang biyenan at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. “I already asked my shopper to bring stuff here for you. So for now, wear the dress and shoes I gifted you.” “Pero po . . .” “Wear it, Alexa!” “WEAR IT NOW!!” Mariin at demanding ang boses ng biyenan. Yong boses na hindi ka bibigyan dahilan mangatwiran. “Women of the Dior family never walk around wearing “cheap” outfits. You’re a woman in this family now, so you should dress accordingly and with class. Now, go upstairs and change before you eat.” Sobrang tahimik ng hapagkainan; tila kahit paghinga ng malakas ay walang nagsubok. Mainit ang sulok ng mga mata ni Alexa nang humakbang palayo sa dining area. * PAANO kaya siya tiningnan ng lahat ng tao ngayon? Tulad kaya kung paano siya tiningnan ng mga tao noong unang beses silang nagkabanggaan ni Sebastian? Yong puno ng panghuhusga? O tulad kaya kung paano siya tiningnan ng mga tao noong honeymoon nila ni Sebastian sa hotel and resort? Yong puno ng awa? Dumiin ang pagdampi niya ng tissue sa mga mata. Pinunasan ang luha niya habang pinanood ang sariling repleksyon sa salamin. “Pero at least yong mga tao na yon hindi nila ako kilala at hindi ko rin sila kilala, hindi tulad ngayon,” bulong niya sa sarili na natigilan nang maulinagan ang katok sa pintuan na sinundan ng pagbukas nito. “Madam, pinaakyat po ako rito ni sir para tulungan kayo,” turan ng katulong na sa wari niya ay ka-edaran niya lang. Nakayuko ito, halatang iniiwasan siyang tingnan. “Bakit, natatakot ba siyang mas magalit si mama dahil sa ayos ko? O natatakot lang siyang mapahiya dahil sa ayos ko?” Ani niya sa sarkastiko at malamig na tinig. Sa isang iglap ay tila naglaho ang maamong si Alexa, dahilan para mataranta ang katulong. “N-Naku hindi po, Madam!” Atubili nitong tanggi habang iwinagayway ang kamay. Sa harap ng salamin ay nagpakawala ng matipid na ngiti si Alexa bago nilingon ang namumutlang katulong. “Okay lang ako. Kaya ko ayusan ang sarili ko. Bumaba kana at mayamaya ay bababa na rin ako.” * SLOWLY, Alexa walked down the stairs. She is now wearing a blue fit-and-flare sleeveless dress. Her dress is swaying down her pinkish ankle. It was so blue— blue as her feelings now. She paired it with pearl white stilettos. She let her deep black hair loose, adorning it with a pearl rhinestone headband. These were among the many gifts she received from her mother-in-law and eldest madam. Saktong-sakto sa taas niya ang apat na pulgadang takong ng sapatos, pero aminado siyang nahihirapan ilakad ito. Mula kasi nang unang beses niyang mag-takong ay tatlong pulgada lang ang pinakamataas niyang naisuot. Sa pagitan ng living room at dining room ay nakasalubong niya ang kaniyang mag-aama. Saglit nagtama ang mga mata nila ni Sebastian. Matabang ang ekspresyon niya habang hindi naman mabasa ang sa huli. Walang imik ang mga bata na humalik lang sa kaniya tapos ay umalis na. Tanging ang biyenan na lang at ang isang lalaki na ngayon lang niya nakita ang nasa dining area. “Alexa, this is Gavin Santillan. Sebastian hired him to be your driver, bodyguard, and assistant. From now on, he will assist you with everything you need.” Pakilala ng biyenan sa maputi at malaking lalaki. “Magandang araw ho, Young Madam Dior.” Bati nito ng may kasuwal na ngiti at puno ng paggalang. Pero wala sa mood si Alexa na itinango lang ang ulo bilang tugon tapos ay naupo na sa hapag. Ayaw na sana niyang kumain; nawalan na siya ng gana pagkatapos ng nangyari kanina. Pero napilitan siya nang mapansin hindi pa rin tapos kumain ang biyenan. Halatang hinintay siyang makabalik. Hindi pa nangangalahati ang laman ng pinggan ni Alexa nang muling magsalita ang biyenan. “Dahil kikitain mo naman ang mga magulang mo, ibigay mo na rin ang resignation letter mo sa kanila para hindi mo na kailangan pumunta sa school. After all, besides your father being the school principal, isn’t your mother the head teacher in your school too?” Sa narinig ay nahigit ni Alexa ang hininga; nabilaukan siya. Natataranta niyang hinagilap ang tubig, pero naunahan siya ni Gavin. “T-Thank you, Gavin.” Mahina niyang turan pagkainom ng tubig na iniabot sa kaniya ng lalaki. Hinarap niya ang biyenan na ngayon ay kunot-noo na. “Mama, ang totoo po niyan, plano kong mag-stay as teacher, kaya nag-file lang po ako ng leave.” Sa pangalawang pagkakataon ay tumigil sa pagkain ang biyenan. Kitang-kita ang galit sa mga mata nito, dahilan para magtaasan ang mga balahibo sa katawan ni Alexa. Sabi nila bukod sa mga lawyer at law enforcer ay ang mga educator ang pinaka-nakakatakot kausap. Pero napagtanto niyang pinaka-nakakatakot ang biyenan niya sa lahat! “Alexa, do you know what your role is here?!” Role. Sa sandaling pananatili ni Alexa sa mga Dior, ay maraming ulit na niyang narinig ang salitang ito. Nalaman niya na para sa pamilyang ito, ang pinakamahalaga bukod sa reputation ay ang role. “Iyon ay ang makuha ng buo ang puso ng asawa mo, and the only way to do that is for you to get pregnant!” Habang nagsasalita ay walang tigil ang pagduro ni Mikaela sa manugang. “Resign and focus on being a perfect wife to Sebastian!”UMUGONG ANG HIYAWAN sa dalampasigan. Habang nakatutok ang mga mata ng mga tao sa malaking flat screen ng Smart TV na nakakabit sa bakal na stand.Mula sa screen ay maririnig ang marahang paglagaslas ng tubig sa bawat pag-galaw ng grupo ni Sebastian sa ilalim ng dagat.“Woah!! He did it!! They did it!!”Muling hiyawan ng mga tao pagkakita kay Sebastian na iwinagayway ang transparent cylinder tank kung saan naroon ang box jellyfish!“Sobrang ganda!” aniya sa isip ni Alexa. Siyang pag-galaw nito ay siyang pagkinang nito! Pero kung meron man higit na makinang sa paningin niya ngayon, iyon ang asawa.“Gosh, Mr. Dior is really something!” Humiwa sa may kalamigang hangin ang malinaw at buhay na buhay na boses ng babae. “He’s too perfect!”“Oo, sobrang guwapo niya!” Sabat ng isa, “And his body is soooo hot!”“At nakita niyo ba yong abs at muscles niya? Bakat na bakat sa wetsuit niya diba? God!” Sabi naman ng ikatlong babae na suminghap pa.“Tama, bakat na bakat lahat, ultimo yong ano niya sob
LALONG KUMINANG ang kaputian at kagintuan ng yate habang naka-dock sa maliwanag na asul na dagat.Nakita ni Sebastian ang biglang pagtabang ng ekspresyon ni Alexa. Batid niyang hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala ang takot nito sa yate, pero kitang-kita rin niyang malungkot ito. Malamang naiinggit at nagseselos ito dahil hindi siya nito masasamahan sa gitna ng dagat.Ayaw man nitong aminin pero ramdam niya— she was jealous.“Cute!” he murmurs under his breath while watching her from the deck railing.Mataman itong nakatayo sa dalampasigan habang pinanood sila ng mga divers at medical team na maghanda sa paglayag.He had tried to coax her to join them, but she didn’t budge. He scanned the luxury private yacht; it was a forty-foot yacht that could accommodate up to twelve persons on a day trip but up to six persons only on a night trip.Naagaw ang atensyon niya ng mga babae sa bikinis na sige ang lingkis sa mga kasama niyang divers— nangungulit na isama sila. Ewan ba, pero para sa ka
TWO-PIECE BLOODY RED BIKINIS!Halos lumuwa ang mga mata ni Sebastian habang nakaawang ang bibig. Mistula itong estatwa na nakatitig sa kaniya.With his reaction, Alexa’s heart fluttered with confidence. Kinilig siya!She was standing five feet three inches tall in a bold two-piece bikini. The bloody red bikinis complement her pinkish pale skin, making it sparkle in the bright morning.Bahagyang namula ang magkabila niyang pisngi habang mistulang kinikiliti ang talampakan, sige ang kuyakoy ng mga paa sa buhanginan. Pasulyap-sulyap din siya sa mga tao sa paligid.Marahan siyang ngumiti at nahihiyang tinanong ang asawa. “Why? Gaano ba ko kaganda at ka-sexy para matulala ka ng ganyan?”Tila nagising naman sa wisyo si Sebastian sa tanong niya. Kumurap-kurap ang mga mata nito bago kunot-noong nagtanong, “Hmm, baby, a-aren’t you c-cold?”Sa tanong nito ay kaagad naglaho ang ngiti ni Alexa. Nagsalubong ang mga kilay niya. Pakiramdam niya ay biglang umangat ang dugo niya sa ulo.“Why?! Does th
A SCAR THAT’S UGLIER . . .A scar that’s hidden from the eyes . . . Naalala ni Alexa kung paano’ng makailang ulit umiling si Sebastian kanina habang nasa banyo sila. Pero bakit pakiramdam niya, there is something more to it? Something deeper? Something hidden? A secret? She clearly saw the pain in him when he spoke about the hidden scars . . .Nakaupo siya sa four-seater couch, tucked into the far corner, while Sebastian was sitting at the same couch in front of his laptop that was perched on the low table.Despite the short-sleeve Japanese crane shirt and linen beach pants he’s wearing, his aura is completely businessman— a no-nonsense businessman.Dahil sa nasa isipan ay paulit-ulit nagbuntonghininga si Alexa. Hindi niya namalayang malakas ang buntonghininga niya na kaagad umagaw ng atensyon ni Sebastian.Suddenly Sebastian stops speaking with the Love Dior executives. He turned his head to look at her. He thought she was getting bored waiting for him. Since he doesn’t allow her to
SOFT MORNING SUNSHINE WARMED THE ROOM. A sweet floral scent, light and fresh, hung in the air. Tulad kahapon nagmulat ang inaantok pang mga mata ni Alexa sa kumpol-kumpol ng mga rosas. But unlike yesterday, this time iba’t iba ang kulay ng mga rosas. “Good morning, Baby!” Mula sa pintuan ay umere ang boses ni Sebastian na katulad sa kulay ng mga rosas ay buhay na buhay. He had a soft and warm smile like the morning sunshine that entered the villa through the glass wall. Humakbang ito ng malalaki at inilapag ang umuusok sa init na tasa ng tsokolate sa bedside drawer, katabi ng bouquet ng mga rosas. Hindi maalis tumalon ang puso niya. So, Sebastian is indeed serious. He truly intended to coax her. “Take your time standing up. Drink your hot chocolate and wash your face before going down,” he said, leaning down and pecking her forehead. “Maglilinis at magluluto muna ang hot, handsome, and lovable husband mo.” “What?” Umugong ang tila kinikiliting tawa niya. “What? Am I not hot, han
SEBASTIAN IS CRYING? Natigilan si Alexa pagkakita sa kumislap na luha sa kulay abong mga mata ni Sebastian. Madali niya itong napansin dahil tinag na tinag na ang araw at direktang tumama sa kanila ang sinag nito. It was already late in the morning, and as if on cue, her stomach rumbled. He’s crying? Because of what she said? That first love can die? Is it because he’s afraid of death? Well, everyone is. Pero ganito ba ito katakot ma-stung ng box jellyfish? Isa pa, inisip ba nitong hahayaan niya talaga itong mamatay? Hell, asawa niya kaya to! Hmph! Or perhaps . . . Perhaps he thought her love for him was the one who would die? That she’ll fall out of love with him? “Hahaha!” Kumawala ang tawa niya tapos pinagalitan ang sarili. So presumptuous of you, Alexa! That’s impossible; not even once did he tell her he loves her. He never told her his real thoughts and feelings. No, he doesn't love her. Wake up, Alexa. You were in an arranged marriage and . . . In this marriage yo