Share

CHAPTER 5

Penulis: MilanWrites
last update Tanggal publikasi: 2026-10-04 23:41:59

Lumipas ang ilang araw at mas naging maayos ang takbo ng buhay sa dambuhalang mansiyon. Isang hapon, matapos makuha ang clearance mula kay Ethan, nagpasya si Cassey na ipasyal ang mga bata sa isang marangyang mall sa lungsod. Dahil nga sa higpit ng security ng mafia don, hindi lang basta sasakyan ang kasama nila—apat na matitipunong bodyguard na naka-suit ang pormal na nakabuntot sa kanila kahit saan sila magpunta.

Bago mag-shopping, dinala muna ni Cassey sina Lucas at Chloe sa isang malaking indoor playground sa loob ng mall. Doon ay labis na nag-enjoy ang dalawang bata.

Nakipaghabulan, nag-slide, at sumisid sa pool of colorful balls si Chloe habang tawa nang tawa. Hindi rin nakatiis si Cassey; hinubad niya ang kaniyang designer shoes at nakipaglaro na rin sa dalawa, walang pakialam kung magulo ang kaniyang buhok o kung pinapanood sila ng ibang tao.

"Look at Mommy Cassey, Lucas! She’s stuck in the tunnel!" humahalakhak na sigaw ng limang taong gulang na si Chloe habang itinuturo ang kaniyang bagong ina na kunwaring nahihirapang gumapang palabas.

"Mommy, catch me!" masayang sigaw naman ni Lucas habang tumatalon patungo sa mga bola.

Hindi alam ni Cassey, sa labas ng playground, ang pinuno ng kanilang mga bodyguard ay palihim na may kausap sa telepono. Hawak nito ang kaniyang smartphone at patagong kinukunan ng video at picture si Cassey habang masayang nakikipag-kulitan sa mga bata.

Sa kabilang linya, sa kaniyang pribadong opisina, kasalukuyang pinapanood ng mafia don na si Ethan Fierro ang live transmission at mga larawang ipinapadala ng kaniyang tauhan. Habang pinagmamasdan ang napakapayapa, masayahin, at totoong ngiti ni Cassey kasama ang kaniyang mga anak, isang malalim na pakiramdam ng kapayapaan ang bumalot sa kaniyang sistema. My children are finally safe and happy, sa loob-loob ni Ethan habang dahan-dahang napapangiti sa harap ng kaniyang monitor. I made the right choice.

Matapos ang nakakapagod ngunit masayang laro, lumabas na sila ng playground para maglakad-lakad. Habang hawak ni Cassey ang mga kamay nina Lucas at Chloe, biglang humarang sa kanilang tapat ang dalawang marangyang ginang na may hawak ding mga shopping bags—ang mga ina ng mga kaklase ni Lucas na kilalang bully sa paaralan.

"Oh, look who’s here," panimula ng unang ginang sabay tingin mula ulo hanggang paa kay Cassey. "Si Lucas pala. Long time no see. We heard na may bago na namang 'kasama' ang daddy mo. Is she the new nanny or just another transient woman in the house?"

"I know, right?" sunod naman ng ikalawang ginang na may mapanuyang tawa. "Kaya pala laging tahimik at parang kawawa ang batang 'yan sa school, kasi he’s growing up without a real mother. Sadyang mahirap kapag walang totoong umagapay sa pamilya."

Naramdaman ni Cassey ang biglang paghigpit ng hawak ng pitong taong gulang na si Lucas sa kaniyang kamay, habang dahan-dahan itong yumuyuko upang itago ang nagbabadya nitong mga luha.

Doon na nagpantig ang tenga ni Cassey. Agad niyang hinarap ang dalawang ginang, ang kaniyang mga mata ay nanlilisik at ang kaniyang katarayan ay agad na umabot sa kaniyang mga labi.

"Excuse me?" nakataas ang kilay na banat ni Cassey, ang kaniyang boses ay malamig ngunit dinig ng mga nakapaligid. "I am Cassandra Fierro, the legal wife of Ethan, at ako ang totoong ina ng mga batang ito. And speaking of mothers... kayo ba ang mga nanay ng mga batang bully sa school ni Lucas?"

"What did you say?!" naisandal ng unang ginang ang kaniyang kamay sa dibdib.

"Let’s be direct to the point here dahil I don't waste my breath on garbage talk," patuloy ni Cassey habang humahakbang nang mas malapit, dahilan upang biglang pumustura sa likod niya ang apat na dambuhalang bodyguard ni Ethan na may matatalim ding tingin.

"Kung ang mga anak ninyo ay lumalaking walang pakundangan sa damdamin ng iba, it only means one thing—they are simply reflecting the kind of environment they have at home. Mas inuuna ninyo ang mag-usisa sa buhay ng may buhay kaysa tutukan ang tamang paggabay sa sarili ninyong mga pamilya."

"How dare you humiliate us in public! Hindi mo ba kami kilala?!" bulyaw ng ikalawang ginang na nagsisimula nang kabahan dahil sa mga bodyguard.

"I don't care kung sino kayo, at mas lalong wala akong pakialam sa estado ninyo," kalmado ngunit may pinal na tono na sagot ni Cassey sabay cross of her arms. "But remember this: a child's character is a direct mirror of their parents' values. Inilalantad ninyo ang kakulangan sa inyong sariling tahanan sa tuwing pinupuna ninyo ang pamilya ng iba. I am Cassandra Fierro, and I will make sure na kahit anong pambabastos ang maranasan ng mga anak ko mula sa kahit kanino, ay may kaukulang tugon mula sa amin. So, save your remaining dignity and walk away before you make yourselves look even worse."

Nangangatog ang mga tuhod at namumula sa hiyang mabilis na tumalikod ang dalawang ginang at nagmamadaling lumayo sa kanila.

Humarap si Cassey kay Lucas at lumuhod sa tapat nito upang pantayan ang taas ng bata. Hinawakan niya ang magkambal na pisngi nito at pinunasan ang kaunting luha. "Look at me, Lucas. You are a Fierro, and you have me now. Walang pwedeng mang-api sa'yo, okay? Don't ever let them make you feel small."

"Opo... thank you po, Mommy Cassey," nakangiting sagot ni Lucas sabay yakap nang mahigpit sa kaniya, bahagyang sumali na rin sa yakap si Chloe.

------------------------------

Kinagabihan, pagdating nila sa mansiyon, nag-set up si Cassey ng isang movie night sa malawak na entertainment room para sa mga bata bilang reward sa kanilang magandang araw. Subalit laking gulat niya nang biglang bumukas ang p***o at pumasok si Ethan—mas maaga kaysa sa kaniyang karaniwang uwi mula sa kaniyang mga operasyon.

"You're early," gulat na puna ni Cassey habang inaayos ang mga unan sa carpeted floor.

"I chose to adjust my schedule, just as we agreed upon," pormal na sagot ni Ethan habang tinatanggal ang kaniyang suit jacket at itinira ang kaniyang pormal na itim na polo.

Naupo si Ethan sa tabi ng kaniyang mga anak, na agad namang sumiksik sa kaniya. Dahil mahilig sa horror movies sina Lucas at Chloe kahit maliliit pa sila, iyon ang pinili nilang panoorin. Isang sikat at madilim na multo ang sumasalamin sa malaking screen.

Subalit kung ang dalawang bata ay seryosong nakatitig at hindi natatakot, si Cassey naman ay halos mamatay na sa takot. Sa tuwing may biglang lalabas na nakakatakot na mukha o may marahas na sound effect, napapasigaw si Cassey at halos magtakip ng buong mukha gamit ang unan, dahilan upang humagikhik sa tawa sina Lucas at Chloe dahil sa reaksyon ng kanilang mommy.

"Mommy, it’s just a movie po! Si Tonton lang 'yan!" natatawang biro ni Chloe habang niyayakap ang binti ng dalaga.

Habang nagkakagulo sila, si Ethan naman ay halos hindi maalis ang pagkakatitig ng palihim kay Cassey. Mula sa kaniyang puwesto, pinagmamasdan niya kung paano mamula ang mga pisngi nito sa takot, kung paano lumaki ang magagandang mata nito sa gulat, at kung paano ito mag-pout kapag tinutukso ng mga bata.

Sa loob-loob ni Ethan, habang tinititigan niya ang kaniyang asawa sa ilalim ng malamlam na liwanag ng screen, lalo lamang itong gumaganda sa kaniyang paningin—isang uri ng kagandahan na ngayon niya lang totoong napansin at hinangaan.

Palihim siyang napapangiti sa tuwing nagugulat si Cassey. Nang mapansin ni Ethan na muling nagtakip ng mukha ang dalaga sa isa pang nakakatakot na eksena, dahan-dahan siyang nanalig sa gilid nito.

"If you are that terrified, Cassandra, you are more than welcome to hide behind me," pormal ngunit may halong panunubok na bulong ni Ethan, ang kaniyang baritonong bose ay sapat lang para marinig nito. "My chest is broad enough to block your view from the screen."

Mabilis na ibinaba ni Cassey ang unan at hinarap ang kaniyang asawa. "In your dreams, Ethan Fierro! I am not scared, nagugulat lang ako!" iritableng ganti niya sabay irap nang napakalalim bago muling hinarap ang screen na tila ba galit na galit sa multo.

"I didn't know that Cassandra Fierro was afraid of something? Akala ko puro kasungitan lang." Nakangising banat ni Ethan. Tinaasan lang siya ng kilay ni Cassey.

Isang mahaba at totoong ngiti ang tuluyang gumuhit sa mga labi ng mafia don na patuloy na pinapanood ang kaniyang masungit ngunit mapagmahal na asawa. Alam ni Ethan na bagamat marami pang panganib sa labas, ang buhay niya sa loob ng mansiyong ito ay hinding-hindi na muling magiging boring o malungkot.

Matapos ang nakakapagod ngunit masayang movie night, mahimbing nang nakatulog si Chloe sa gitna ng malawak na kama. Dahan-dahang lumapit si Cassey upang maayos na iatras at i-tuck in ang kumot ng bata, sinisiguradong hindi ito lamigin mula sa aircon. Habang abala siya sa pag-aayos, narinig niya ang marahang kaluskos sa kaniyang likuran.

Pagbaling niya, saktong hinubad ni Ethan ang kaniyang itim na polo shirt. Doon ay agad na tumambad kay Cassey ang kaniyang matipunong katawan, ngunit ang pumukaw sa kaniyang atensyon ay ang isang panibagong sugat sa kanang braso ng don—isang sariwang gasgas na bagaman hindi kasing lalim ng sa kaniyang tagiliran ay bakas na nagmula sa isa na namang mapanganib na operasyon.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Cassey sabay lakad patungo sa nightstand upang kunin ang kaniyang medicine kit.

"Sit down," pormal na utos ni Cassey habang itinuturo ang gilid ng kama.

Nananatiling malamig ang ekspresyon ni Ethan, subalit hindi na siya nakipagtalo. Umupo siya at hinayaang hawakan ni Cassey ang kaniyang braso. Maingat na kumuha ng bulak na may antiseptic ang dalaga at sinimulang linisin ang sugat ng don. Habang ginagawa ito, biglang sumagi sa isip ni Cassey ang mga narinig niya nitong mga nakaraang araw, lalo na ang mga salitang binitawan ng mga ginang sa mall, at ang masakit na pahayag ni Lucas noong unang gabi na magkausap sila.

‘Iiwan mo lang din kami gaya ng mga naging asawa ni Daddy...’

Hindi nakatiis si Cassey. Habang dahan-dahang naglalagay ng pamahid sa sugat ni Ethan, diretsahan siyang nagtanong nang hindi tumitingin sa mga mata nito. "I’ve been meaning to ask you this. Nakailang babae ka na ba rito sa mansiyon? At bakit halos lahat sila ay hindi nagtagal at umalis agad? Ilang beses ka ba nagpakasal bago mo ako naging asawa?"

Nananatiling malamig at walang emosyon ang reaksyon ni Ethan, subalit nanatiling propesyonal ang kaniyang tono nang sumagot siya.

"Yes, there were several women who resided in this mansion before you," panimula ni Ethan habang nakatitig sa ginagawa ni Cassey. "Women I expected to step up and act as a mother figure to Lucas and Chloe. However, most of them surrendered within just two days because of Elena and Alessandra. Even Hunter, along with my own two children, made it difficult for them to stay."

Bahagyang natigilan si Cassey sa kaniyang paggagamot, kaya naman nagpatuloy ang don.

"And to clarify, I never married any of them. I merely hired them under a specific contract to act as a mother to my children, not to be my wife. However, that was never their true intention. Instead of fulfilling their duties to the children, they focused entirely on finding ways to get closer to me."

Isang sarkastikong ngiti ang sumilip sa mga labi ni Cassey habang kinukuha ang medical tape para bendahehan ang braso nito. "And you thought I would be different? O baka naman akala mo ay ganoon din ang pakay ko sa'yo kaya ang aga mo akong sinabihan sa cathedral na 'don't fall for me'?"

"No," seryosong tugon ni Ethan, ang kaniyang boses ay mas bumaba at naging mas pormal. "Because from the very beginning, I was fully aware that you did not need me. You only needed my power."

"Wow, direct to the point," pabalang na ganti ni Cassey habang tinatapos ang pagbenda sa kaniyang braso. "Pero kung alam mo palang ganoon ang intensyon ko, hindi ka ba nagduda? Hindi mo ba naisip na baka pabayaan ko lang din ang mga bata kapag nakuha ko na ang gusto ko sa'yo?"

Tinitigan siya ni Ethan nang napakalalim, ang kaniyang malamig na mga mata ay tila ba binabasa ang kaniyang buong pagkatao.

"I have seen you once before, Cassandra," pahayag ni Ethan na naging dahilan upang magkatagpo ang kanilang mga mata. "I witnessed how you willingly gave your food to a stray child on the street, even though it was the only meal you had left for yourself. That single act of genuine compassion was more than enough for me to realize that you possess the capacity to care for my children as a true mother."

Saglit na natahimik si Cassey. Hindi niya inaasahan na ang isang mapanganib at malamig na mafia don ay nakapansin sa isang maliit na bagay na matagal na niyang nakalimutan. Ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso sa ilalim ng seryosong titig ni Ethan.

Iniligpit ni Cassey ang mga gamit sa medicine kit para itago ang kaniyang pagkailang. "So, you did your research on me before proposing that contract marriage. Safe to say, calculated risk ang lahat para sa'yo, Fierro."

"In my world, everything must be calculated to survive," sagot ni Ethan habang dahan-dahang tumatayo, dahilan upang mas lalong magkalapit ang kanilang mga katawan sa tabi ng kama. "But your performance today at the mall exceeded my expectations. You protected Lucas. That is something I highly appreciate."

"I did what any decent person would do. Masasakit magsalita ang mga matatandang 'yun, at hindi ko hahayaang lumaking may sugat sa puso ang mga anak mo," katarayang ganti ni Cassey sabay tulak nang bahagya sa dibdib ni Ethan para bigyan sila ng distansya. "Matulog ka na nga. At huwag mo akong titigan nang ganyan, baka isipin ko na ikaw naman ang nahuhulog sa akin."

Isang pambihira at mapanganib ngunit may kaunting lambing na ngiti ang gumuhit sa mga labi ng don. "Goodnight, Cassandra. Do not flatter yourself too much."

Irinapan lang siya ni Cassey bago dahan-dahang humiga sa kabilang gilid ng malawak na kama, katabi ang mahimbing na natutulog na si Chloe, habang si Ethan naman ay nanatiling nakatitig sa kaniya bago tuluyang humiga sa kabilang bahagi, bitbit ang isang bago at mas malalim na emosyon sa kaniyang sistema.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Second Wife    CHAPTER 34

    Nang tuluyang sumara ang pinto at marinig ang marahang paglapat ng trangka, tila ba dinala ng hangin ang huling emosyon na natitira sa mukha ni Cassey. Ang mabigat na buntong-hininga na kanyang pinakawalan ay hindi tanda ng pagsuko, kundi ang simula ng isang malalim at malamig na kalkulasyon.Naupo siya nang tuwid. Inayos niya ang kanyang buhok at dahan-dahang hinila ang ulat ng accounting na kanina lang ay naging sanhi ng panginginig ng kanyang mga kamay. Sa pagkakataong ito, wala nang takot sa kanyang mga mata. Ang bawat pahina, ang bawat huwad na pirma, at ang bawat binaligtad na numero ay isa-isa niyang tinitigan sa ilalim ng liwanag ng desk lamp.“Kung sa tinting mo, Evelyn, ay magagawa mo sa akin ang ginawa mo kay Mommy... nagkakamali ka,” bulong ni Cassey sa kanyang sarili, habang ang kanyang hintuturo ay mariing nakaturo sa pangalan ng kanyang madrasta na nakalimbag sa dulo ng opisyal na notice.Ipinikit ni Cassey ang kanyang mga mata at pilit na binalikan ang kanyang alaala m

  • The Second Wife    CHAPTER 33

    "Sumagot ka, Victoria," hamon ni Cassey, ang boses ay kalmado ngunit bawat salita ay tila hampas ng latigo sa pagkatao ng dalaga. "Kung ikaw ang nag-isip niyan, ipaliwanag mo sa akin kung bakit ang mga anggulo ng pagtabas sa mga dyamante sa gitna ay sumusunod sa partikular na mathematical ratio na ako lang ang gumagamit sa buong industriyang ito? basic architectural engineering of jewelry, Victoria. Kahit isang linya ng formula, kaya mo bang panindigan ngayon sa harap ng mga kuya mo?" Bumuka ang bibig ni Victoria upang sumagot, ngunit walang salitang lumabas. Namuti ang kanyang mga labi habang ang kanyang mga kamay ay nagsisimula nang manginig sa ibabaw ng lamesa. Ang kanyang kaninang matigas at mapagmataas na tindig ay unti-unting gumuho sa ilalim ng matatalas na sulyap ni Cassey. "Hindi mo kaya," pagpapatuloy ni Cassey, mas lalo itong lumapit hanggang sa ilang pulgada na lamang ang distansya ng kanilang mga mukha. "Dahil ang isang magnanakaw, gaano man kakapal ang mukha na itangg

  • The Second Wife    CHAPTER 32

    Kinabukasan, ang maagang sinag ng araw ay dahan-dahang pumasok sa malalawak na bintana ng executive suite ng Fierro Holdings. Ang lagnat ni Ethan ay tuluyan nang humupa pagkatapos ng mahabang gabi ng walang kapagurang pag-aalaga ni Cassey. Natutulog pa si Cassey sa sofa ng opisina nang maagang magising ang don upang mag-ayos ng kanyang sarili at maghanda para sa panibagong araw ng trabaho at lihim na pakikipaglaban.Habang nasa loob ng banyo si Ethan at naririnig ang bagsak ng tubig mula sa shower, dahan-dahang nagmulat ng mata si Cassey. Inayos niya ang kanyang nagusot na pormal na kasuotan at tumayo upang iligpit ang mga ginamit na tuwalya at medicine kit na nasa lamesa.Bzzz. Bzzz. Bzzz.Biglang bumasag sa katahimikan ang malakas at sunod-sunod na pag-vibrate ng cellphone ni Ethan na nakapatong sa nightstand table malapit sa higaan. Umalingawngaw ang tunog nito sa buong silid.Dahan-dahang lumapit si Cassey, at dahil sa kanyang natural na kuryosidad, napatingin siya sa umiilaw na s

  • The Second Wife    CHAPTER 31

    Nanatiling nakaupo si Cassey sa gilid ng kama, marahang pinupunasan ng basang tuwalya ang leeg at noo ni Ethan upang maibsan ang mataas na lagnat nito. Sa kabila ng malamig na aircon sa loob ng rest silid, bakas pa rin ang tindi ng init sa katawan ng don, ngunit ang mas nagpapabigat sa kanyang paghinga ay ang tindi ng panloob na bagyong kasalukuyang sumasakal sa kanyang isipan. Habang ibinababa ni Cassey ang tuwalya sa tabi ng medicine kit, dahan-dahang itinaas ni Ethan ang kanyang nanginginig at mainit na kamay. Marahan ngunit may tindi ng higpit niyang hinawakan ang malambot na kamay ng asawa, dahilan upang mapatigil si Cassey at mapatingin nang diretso sa kanyang mga mata. "Cassey, stay... please don't leave this room," paos, mababa, at basag ang boses na panimula ni Ethan, habang ang kanyang matatalas na mata na kilala sa pagiging cold ay puno ngayon ng tapat na takot at pagsusumamo. Napakunot ang noo ni Cassey, naramdaman ang tindi ng higpit ng pagkakahawak ng don na tila ba n

  • The Second Wife    CHAPTER 30

    Naupo si Ethan nang mas maituwid ang kanyang tindig sa loob ng gazebo, habang ang lamig ng hangin ng umaga ay tila sumasabay sa bigat ng bawat salitang kanyang ihahanda. Tinitigan niya ang mga mata ni Leah—ang mga matang puno ng nakaraang pilit niyang binuo, ngunit may iba nang reyalidad ang kanyang kasalukuyan. "Let’s look at this objectively, Leah," malamig, pormal, at may matatag na awtoridad na panimula ni Ethan habang dahan-dahang iniaalis ang kanyang kamay sa pagkakawak ng dating asawa. "Too many variables have changed since the incident in Europe. I have already established a new life, and Cassey is my wife. I am fully committed to my marriage with her, and that decision is final and non-negotiable." Nawala ang malambing na ngiti sa mga labi ni Leah, ngunit sa halip na mag-histerikal o umiyak gaya ng inaasahan ng karaniwang tao, isang manipis at kalkuladong ngiti ang dahan-dahang sumilay sa kanyang mukha. Sumandal siya sa upuan at diretsong tinitigan ang don nang may buong

  • The Second Wife    CHAPTER 29

    Marahas na isinusoot ni Ethan ang kanyang amerikana habang mabilis na naglalakad patungo sa pinto ng kanyang opisina, handang itaya ang lahat upang pumunta sa Aurelia International Airport. Ngunit bago pa man niya mahawakan ang seradura, biglang umalingawngaw ang malakas na vibrate ng kanyang telepono.Napakunot ang kanyang noo at mabilis na sinagot ang tawag nang makitang ang mayordoma mula sa mansyon ang tumatawag."Boss Ethan! Pabalik na po ba kayo?" bungad ng mayordoma, at sa pagkakataong ito, hindi lang simpleng pag-aalala ang bakas sa boses nito kundi purong takot. "Naku, si Chloe po! Kanina pa po umiiyak at humihagulhol sa kwarto niya. Sobra po ang sakit ng tiyan niya at namumutla na po ang bata! Hindi po namin alam ang gagawin!"Napatigil si Ethan sa mismong tapat ng pinto, tila ba binuhusan ng malamig na tubig. Ang mapanganib na awtoridad na taglay niya kanina ay biglang napalitan ng tindi ng pagiging isang ama. Sa gitna ng nagtatalong obligasyon—ang habulin ang asawang si Ca

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status