Ang Kasal at ang Bagong ImpiyernoMabilis na lumipas ang dalawang araw at sumapit ang araw ng kasal. Ginanap ito sa isang marangya, pribado, ngunit napakabonggang katedral na eksklusibong isinara para sa dalawang pinakamakapangyarihang pamilya. Ang buong paligid binalot ng mga puting rosas, mga kristal na chandelier, at mga sikat na personalidad sa alta-sosyedad.Sa kabilang bahagi ng unahan, lalong magngangalit sa matinding inggit sina Evelyn at Jane. Halos mapunit ang mamahaling tisyu na hawak ni Evelyn habang si Jane naman ay gigil na gigil na nakatitig kay Cassey. Akala nila ay itatapon nila si Cassey sa isang impiyerno, ngunit ngayon ay nakatayo ito na parang isang reyna.Nang dahan-dahang magbukas ang pinto ng katedral, lalong namangha si Ethan sa ganda ng kaniyang asawa. Suot ni Cassey ang isang naglalakihang satin ballgown na may mahabang tren, tila kumikinang ang kaniyang balat sa ilalim ng mga ilaw. Habang naglalakad si Cassey patungo sa altar, hindi maalis ni Ethan ang kan
Last Updated : 2026-10-03 Read more