Share

CHAPTER 4

Penulis: MilanWrites
last update Tanggal publikasi: 2026-10-04 22:53:46

Ang sikat ng umaga ay marahang sumilip sa pagitan ng mga mamahaling kurtina ng master’s bedroom, ngunit bago pa man tamaan ng liwanag ang mukha ni Cassey, dahan-dahan na siyang nagmulat ng mata. Pagbaling niya sa kaniyang tabi, wala na roon si Ethan. Tanging ang bakas na lamang ng pagkakaupo nito sa gilid ng kama ang naiwan, kasama ang pamilyar na panlalaking bango na humalo sa amoy ng antiseptic kagabi.

Napatingin siya sa kabilang bahagi ng kama kung saan mahimbing pa ring natutulog si Chloe. Isang malambot na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Cassey. Hinawakan niya ang pisngi ng bata bago dahan-dahang bumangon upang mag-ayos ng sarili.

Samantala, sa enggrandeng dining room sa ibaba, maagang nagtitipon ang pamilya Fierro. Nakaupo na si Donya Elena sa kabisera ng mahabang mesa habang may hawak na tasa ng tsaa. Sa tabi niya ay si Alessandra na abala sa kaniyang telepono, habang si Hunter naman ay pasunod-sunod na nag-uutos sa mga katulong para sa kaniyang breakfast.

"I’m tellin’ you, Mom, ngayon ang araw ng pagkaalis ng babaeng iyon," nakangiting sabi ni Alessandra habang humihigop ng kape. "Matapos ang eksenang ginawa niya sa iyo kahapon, no way na palalampasin ni Ethan ang kawalan niya ng galang."

"She deserves it," sagot ni Donya Elena na may mapagmataas na tono. "Hindi ko hahahayaang bastusin ng isang spoiled brat ang pamamahay na ito. Akala mo kung sinong reyna kung umasta, wala namang naitutulong sa pamilya."

Eksakto namang bumababa si Lucas, ang pitong taong gulang na panganay na anak ni Ethan. Halata ang takot sa mga mata ng bata nang makita ang kaniyang Grandma at ang kaniyang tita Alessandra. Yumuko ito at naglakad nang dahan-dahan patungo sa bakanteng upuan, ngunit bago pa man siya makaupo, hinarang na siya ng mapanuyang tingin ng kaniyang labing-apat na taong gulang na pinsan na si Hunter.

"Oh, nandito na pala ang sumbungerong bata," panunuya ni Hunter sabay tapik nang malakas sa balikat ni Lucas. "Nasaan na ang tagapagtanggol ninyo? Ang bago ninyong ina na akala mo ay kung sino? Nag-pack up na ba?"

"H-hindi ko po alam..." nauutal na sagot ni Lucas, habang nanginginig ang kaniyang maliliit na kamay.

"Hayaan mo na ang batang iyan, Hunter. Mamaya ay isasama ko siya sa likod para maturuan ng leksyon, pati na rin ang kapatid niya," malamig na banta ni Donya Elena.

"And who gave you the authority to lock anyone in that room?"

Isang baritono at makapangyarihang boses ang umalingawngaw mula sa marangyang hagdanan. Agad na natahimik ang buong dining room. Sabay-sabay na napalingon ang lahat kay Ethan na pababa ng hagdan, suot ang isang pormal na itim na suit. Walang bakas ng panghihina sa kaniyang mukha sa kabila ng tinamong sugat kagabi, at ang kaniyang mga mata ay tila ba may dalang bagyo.

"Ethan, anak!" Agad na nagbago ang mukha ni Donya Elena, napalitan ito ng pekeng pag-aalala. "Salamat at nakabalik ka na. We need to talk tungkol sa asawa mo. She’s so disrespectful! Sinigawan niya ako kahapon sa harap ng mga katulong, at pinagbintangan pa ang pamangkin mo na si Hunter—"

"I am fully aware of everything that transpired here yesterday," putol ni Ethan sa kaniyang ina. Lumakad siya patungo sa mesa at huminto sa tapat ni Lucas. Malumanay niyang tinapik ang ulo ng anak, isang kilos na ikinagulat ng lahat. "Lucas, take your seat. I have already instructed the staff to prepare a proper breakfast for you and your sister here."

Binalingan naman ni Ethan ang isang katulong na nakatayo malapit sa kusina. "Dalhin mo rito si Chloe."

"Masusunod po, Senyor," sagot ng katulong bago mabilis na umakyat sa itaas.

Nang maupo na si Lucas, unt-unting nawala ang natitirang kaunting init sa mukha ni Ethan. Humarap siya kay Donya Elena, kay Alessandra, at kay Hunter na unti-unti nang kinakabahan sa kaniyang malamig na presensya.

"Ethan, what is the meaning of this?" tanong ni Alessandra, sinusubukang panatilihin ang kaniyang tapang. "Are you seriously taking her side over your own mother?"

"What this means," panimula ni Ethan habang dahan-dahan at mariing ipinapatong ang kaniyang dalawang kamay sa ibabaw ng hapag-kainan, "is that your presence in this household is no longer required."

"Uncle Ethan-" bulalas ni Hunter.

"Effective today, Elena," pormal na tawag ni Ethan sa kaniyang ina. Hindi na nagtaka ang donya kung bakit hindi manlang siya tinawag ni Ethan na 'mom' dahil simula palang ng bata si Ethan, hindi na niya itinuring na ina ang donya, "you, Alessandra, and Hunter will be relocated to the old villa in the province. Permanent relocation."

"Ethan! Anak ko, paano mo nagagawang palayasin ang sarili mong kapatid, pamangkin at ina para sa isang babaeng dalawang araw mo pa lang nakakikilala?!" galit na sigaw ni Donya Elena, habang tumatayo mula sa kaniyang upuan sa hapag.

"This decision is not merely because of Cassandra," mariing sagot ni Ethan, ang kaniyang boses ay mababa ngunit puno ng panganib. "I am sending you away because of how you treated my children. Did you truly believe I would remain oblivious to your actions? The intimidation, the physical abuse, and locking them away without food while I am attending to my operations?"

Tumingin nang matalim si Ethan kay Hunter, dahilan upang mapaatras ang tinedyer sa kaniyang kinauupuan. "And as for you, Hunter—if I ever discover that you laid a hand on my children again, a relocation will be the least of your concerns. You know exactly how my men operate underground."

Natahimik ang buong hapag-kainan. Walang sinuman ang nakaimik, maging si Donya Elena ay napakapit na lamang sa mesa dahil alam nilang kapag ang mafia don na si Ethan Fierro ang nag-utos, walang sinuman ang pwedeng sumuway.

Sa itaas ng hagdanan, nakatayo si Cassey habang kasabay palang bumaba ang katulong na karga ang limang taong gulang na si Chloe. Narinig niya ang bawat salitang binitawan ni Ethan mula sa dining room. Isang lihim na ngiti ang sumilip sa kaniyang mga labi.

So, he is not just a complete robot after all, sa isip ni Cassey habang diretsong naglalakad patungo sa hapag-kainan upang tabihan ang kaniyang asawa. He actually kept his promise.

Naramdaman ni Ethan ang presensya niya kaya dahan-dahan itong lumingon. Nagtagpo ang kanilang mga mata sa tapat ng mesa. Itinaas ni Cassey ang kaniyang kilay habang umuupo sa tabi ng bakanteng upuan ni Ethan, na tila ba sinasabing, 'Not bad, Fierro.'

Isang bahagyang ngiti ang sumilip sa mga labi ng don, bago niya binalingan ang kaniyang mga tauhan na kasalukuyan nang pumapasok sa mansiyon upang kunin ang mga gamit nina Donya Elena. Ang paglilinis ay opisyal nang nagsimula sa mismong hapag na iyon, ngunit alam ni Ethan na ito pa lamang ang simula ng bago at mas magulong yugto ng kaniyang buhay kasama ang kaniyang matapang na asawa.

Habang nagkakagulo ang mga tauhan ni Ethan sa pag-aayos ng mga maleta sa labas, pormal namang inihahain ng mga katulong ang agahan sa mahabang mesa. Ang mga pinggan ng tradisyunal na sinangag, tocino, at nag-uumapaw na prutas ay inilapag nang tahimik.

"Bilisan ninyo ang pagkilos, baka may maiwan kayong gamit namin," bulong ng isang katulong sa kaniyang kasamahan habang sumesenyas sa direksyon ng sala.

"Oo, tapusin na natin ito para makaalis na sila," sagot naman ng isa pa habang pabalik sa kusina.

Sa kabila ng tensyon, naupo si Cassey sa tabi ni Ethan, habang si Chloe naman ay mabilis na lumapit at sumiksik sa mismong tabi ng kaniyang bagong ina.

"Mommy Cassey, I want the pancakes po with lots of syrup," malambing na bulong ng limang taong gulang na si Chloe habang nakayakap sa braso ng dalaga.

"Of course, my love. I’ll make the prettiest plate for you and Lucas," sagot ni Cassey, ang kaniyang boses ay biglang lumambot. Kumuha siya ng pancakes at maingat na hiniwa ito sa maliliit na piraso para kay Chloe, bago nilagyan ng paboritong ulam si Lucas.

Ang senaryong iyon ay tahimik na pinagmamasdan ni Ethan. Isang pambihirang init ang humaplos sa kaniyang puso habang nakikita kung gaano kabilis nakuha ng kaniyang mataray na asawa ang tiwala at pagmamahal ng kaniyang mga anak. She fits perfectly into their lives, far better than anyone else ever did, sa loob-loob ni Ethan habang s********p ng kape.

Subalit hindi nakatiis si Alessandra. Tumingin siya nang may pandidiri kay Cassey bago bumaling kay Donya Elena. "You know, Mom, it’s highly amusing kung paano umasta ang ibang tao rito. Two days pa lang sa mansiyon, pero kung makakapit sa mga bata, akala mo tunay na ina. Sadyang may mga taong gagawin ang lahat, pati ang magpanggap, para lang hindi matawag na sampid sa pamilyang mayaman."

"You are absolutely right, Alessandra," pagsang-ayon ni Donya Elena na may mapait na ngiti. "Some people just don't know their place. Ang akala yata nila ay reyna na sila rito porke't nakaupo sa hapag na ito."

Isang sarkastikong tawa ang pinakawalan ni Cassey. Ibinaba niya ang kaniyang tinidor nang may kaunting lakas, dahilan upang mapatingin sa kaniya ang mag-ina.

"Oh, did I hear the word 'sampid'?" nakataas ang kilay na banat ni Cassey, ang kaniyang boses ay puno ng katarayan.

"Excuse me, Alessandra, and you too, Elena. I am the legal wife of the head of this house. Kung may mga sampid man dito na palamunin at walang ibang ginawa kundi mag-utos at mangmaltrato ng bata habang nakikitira... I think they’re currently packed up and ready to be thrown out to the province today. So, who's the real squatter now?"

"How dare you?!" namumulang asik ni Alessandra.

Bago pa man makasagot si Donya Elena, biglang marahas na itinulak ng labing-apat na taong gulang na si Hunter ang kaniyang pinggan ng sinangag, dahilan upang matapon ang ilang butil sa mamahaling lamesa. "Yuck! This food tastes garbage! I don't want this!"

Hindi pa doon nagtapos ang tinedyer. Bigla niyang inabot ang plato ng pitong taong gulang na si Lucas at marahas na hinila ang tocino nito. "Akin na nga 'yan! Mas masarap 'to!"

Napasinghap si Lucas sa takot at agad na napayuko, habang nanginginig ang kaniyang maliliit na balikat.

Ngunit bago pa man makakilos si Ethan, mabilis na pinalo ni Cassey ang kamay ni Hunter gamit ang hawak niyang sandok ng kanin.

"Ouch! What the hell?!" sigaw ni Hunter habang hawak ang kaniyang kamay.

"Don't you dare speak like that while I am at this table, you ungrateful brat!" sermon ni Cassey, ang kaniyang mga mata ay nanlilisik sa galit habang nakaturo kay Hunter. "Fourteen years old ka na pero ang hilig mong mang-agaw ng pagkain ng bata? Where are your manners? Oh, wait, nakalimutan kong wala ka nga palang manners kasi ang nanay mo ay abala sa tsismis at ang lola mo naman ay busy sa pangkukulong ng mga apo niya!"

"Ethan, are you just going to let her disrespect my son?!" galit na sigaw ni Alessandra, umaasang ipagtatanggol sila ng don.

Nanatiling malamig ang mukha ni Ethan habang dahan-dahang ibinababa ang kaniyang tasa ng kape. Ang kaniyang matatalim na mata ay dumeretso kay Hunter, bago lumipat kay Alessandra.

"Your son just wasted food and theft from my own child right in front of my face," malamig at pormal na pahayag ni Ethan, ang kaniyang boses ay tila yelo na nagpatahimik sa buong silid. "Cassandra is completely correct. Your lack of parenting is transparent. My wife has every right to discipline anyone who disrupts the peace of my children."

Binalingan ni Ethan ang kaniyang mga tauhan na naghihintay sa may p***o. "Take their bags outside now. And ensure they are out of my gates within the next ten minutes. I do not tolerate toxic behavior at my breakfast table."

Nanghina si Donya Elena at napaupo na lamang habang si Alessandra naman ay galit na hinila si Hunter patayo. Wala silang nagawa kundi maglakad palabas habang sumusunod ang mga tauhan ng mafia.

Nang tuluyang mawala ang tatlo, hinarap muli ni Cassey si Lucas. Kumuha siya ng bagong tocino at inilagay ito sa plato ng bata gamit ang malambot na tono. "Here, Lucas. Eat as much as you want. Walang mang-aagaw sa'yo rito, okay? i am here."

"Thank you po, tita Cassey," nakangiting sagot ni Lucas, habang si Chloe naman ay masayang pumalakpak.

Tinitigan ni Ethan si Cassey nang may kakaibang kislap sa kaniyang mga mata.

"Call her, 'mom'." Malamig na utos ni Ethan kay Lucas. Nakita niya kung paano ipinagtanggol ng kaniyang matapang na asawa ang kaniyang pamilya, at sa unang pagkakataon, naramdaman ng mafia don na ang kaniyang dambuhalang mansiyon ay sa wakas ay nagiging isang tunay na tahanan.

"Okay lang. Kung saan siya kumportable." Pamumutol naman ni Cassey.

Nang matapos ang agahan, inihatid muna ni Cassey ang mga bata sa kanilang silid para maglaro habang bantay-sarado ng mga piling tauhan ng mansiyon. Pagbaba niya sa malawak na sala, nadatnan niya si Ethan na nakatayo malapit sa malaking bintana, pormal na nakasuot ng kaniyang coat at tila may malalim na iniisip habang hawak ang isang baso ng matapang na kape.

"They're settled upstairs," panimula ni Cassey sabay cross of her arms habang dahan-dahang lumalapit sa kaniya. "Now that the toxic relatives are officially out of this house, I think kailangan nating mag-usap."

Dahan-dahang humarap si Ethan sa kaniya, nananatiling malamig ngunit kalmado ang ekspresyon. "I agree. We need to establish a few parameters now that we are the only ones managing this household."

"Good, dahil I won't sugarcoat this, Ethan," direktang banat ni Cassey, ang kaniyang boses ay puno ng determinasyon. "Mula ngayon, things will change here. Gagawa ako ng bagong routine para sa mga bata. They will eat on time, they will study properly, and most importantly, walang sinumang katulong o bodyguard ang pwedeng magparusa sa kanila nang walang pahintulot ko. I am their mother now, and what I say goes inside this house."

"Your authority regarding the children is absolute, Cassandra," seryosong sagot ni Ethan habang nakatitig sa mga mata ng dalaga. "I am giving you full control over the household operations. However, you must also understand my position. My line of work demands tight security. You and the children are not to leave the premises without my clearance, and you will always be accompanied by my personal guards."

"I can live with the heavy security, since it's for their safety anyway," pagtanggap ni Cassey, bagamat itinaas niya ang kaniyang kilay. "But what about you? Huwag mong sabihin na gabi-gabi ka pa ring uuwi na duguan habang pinapabayaan mo ang emosyonal na pangangailangan ng mga anak mo? You're a powerful mafia don outside, yes, pero kapag nandito ka sa loob, you need to step up as their dad. They need their father, Ethan, hindi isang robot na nagbibigay lang ng sustento."

Isang saglit na katahimikan ang namayani sa sala. Tinitigan ni Ethan ang kaniyang matapang na asawa, tila ba sinusuri ang bawat anggulo ng mukha nito bago dahan-dahang lumapit nang mas malapit, dahilan upang maramdaman ni Cassey ang kaniyang dominanteng presensya.

"You have a remarkably sharp tongue, Cassandra," bulong ni Ethan, ang kaniyang boses ay bumaba ngunit may kasamang kakaibang pormalidad. "But your point is well taken. I will adjust my schedule to ensure I am present for my children. As long as you remain this dedicated to them, you will have my unwavering support."

Naramdaman ni Cassey ang bahagyang pag-init ng kaniyang mga pisngi sa seryosong titig ng asawa, kaya naman mabilis siyang umiwas ng tingin at bahagyang tumikhim. "Fine. At least we're on the same page. Mauna na ako sa itaas, dahil I promised the kids that we will watch a movie or do some arts and crafts today."

Isang maliit at pambihirang ngiti ang gumuhit sa mga labi ng don habang pinapanood ang kaniyang asawa na mabilis na naglalakad paakyat ng marangyang hagdanan. Alam ni Ethan na bagamat magiging mahirap ang mga susunod na araw dahil sa kaniyang mapanganib na mundo, sa ilalim ng pamumuno ng kaniyang matapang na asawa, ang kaniyang pamilya ay sa wakas ay ligtas na sa loob ng sarili nilang tahanan.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Second Wife    CHAPTER 34

    Nang tuluyang sumara ang pinto at marinig ang marahang paglapat ng trangka, tila ba dinala ng hangin ang huling emosyon na natitira sa mukha ni Cassey. Ang mabigat na buntong-hininga na kanyang pinakawalan ay hindi tanda ng pagsuko, kundi ang simula ng isang malalim at malamig na kalkulasyon.Naupo siya nang tuwid. Inayos niya ang kanyang buhok at dahan-dahang hinila ang ulat ng accounting na kanina lang ay naging sanhi ng panginginig ng kanyang mga kamay. Sa pagkakataong ito, wala nang takot sa kanyang mga mata. Ang bawat pahina, ang bawat huwad na pirma, at ang bawat binaligtad na numero ay isa-isa niyang tinitigan sa ilalim ng liwanag ng desk lamp.“Kung sa tinting mo, Evelyn, ay magagawa mo sa akin ang ginawa mo kay Mommy... nagkakamali ka,” bulong ni Cassey sa kanyang sarili, habang ang kanyang hintuturo ay mariing nakaturo sa pangalan ng kanyang madrasta na nakalimbag sa dulo ng opisyal na notice.Ipinikit ni Cassey ang kanyang mga mata at pilit na binalikan ang kanyang alaala m

  • The Second Wife    CHAPTER 33

    "Sumagot ka, Victoria," hamon ni Cassey, ang boses ay kalmado ngunit bawat salita ay tila hampas ng latigo sa pagkatao ng dalaga. "Kung ikaw ang nag-isip niyan, ipaliwanag mo sa akin kung bakit ang mga anggulo ng pagtabas sa mga dyamante sa gitna ay sumusunod sa partikular na mathematical ratio na ako lang ang gumagamit sa buong industriyang ito? basic architectural engineering of jewelry, Victoria. Kahit isang linya ng formula, kaya mo bang panindigan ngayon sa harap ng mga kuya mo?" Bumuka ang bibig ni Victoria upang sumagot, ngunit walang salitang lumabas. Namuti ang kanyang mga labi habang ang kanyang mga kamay ay nagsisimula nang manginig sa ibabaw ng lamesa. Ang kanyang kaninang matigas at mapagmataas na tindig ay unti-unting gumuho sa ilalim ng matatalas na sulyap ni Cassey. "Hindi mo kaya," pagpapatuloy ni Cassey, mas lalo itong lumapit hanggang sa ilang pulgada na lamang ang distansya ng kanilang mga mukha. "Dahil ang isang magnanakaw, gaano man kakapal ang mukha na itangg

  • The Second Wife    CHAPTER 32

    Kinabukasan, ang maagang sinag ng araw ay dahan-dahang pumasok sa malalawak na bintana ng executive suite ng Fierro Holdings. Ang lagnat ni Ethan ay tuluyan nang humupa pagkatapos ng mahabang gabi ng walang kapagurang pag-aalaga ni Cassey. Natutulog pa si Cassey sa sofa ng opisina nang maagang magising ang don upang mag-ayos ng kanyang sarili at maghanda para sa panibagong araw ng trabaho at lihim na pakikipaglaban.Habang nasa loob ng banyo si Ethan at naririnig ang bagsak ng tubig mula sa shower, dahan-dahang nagmulat ng mata si Cassey. Inayos niya ang kanyang nagusot na pormal na kasuotan at tumayo upang iligpit ang mga ginamit na tuwalya at medicine kit na nasa lamesa.Bzzz. Bzzz. Bzzz.Biglang bumasag sa katahimikan ang malakas at sunod-sunod na pag-vibrate ng cellphone ni Ethan na nakapatong sa nightstand table malapit sa higaan. Umalingawngaw ang tunog nito sa buong silid.Dahan-dahang lumapit si Cassey, at dahil sa kanyang natural na kuryosidad, napatingin siya sa umiilaw na s

  • The Second Wife    CHAPTER 31

    Nanatiling nakaupo si Cassey sa gilid ng kama, marahang pinupunasan ng basang tuwalya ang leeg at noo ni Ethan upang maibsan ang mataas na lagnat nito. Sa kabila ng malamig na aircon sa loob ng rest silid, bakas pa rin ang tindi ng init sa katawan ng don, ngunit ang mas nagpapabigat sa kanyang paghinga ay ang tindi ng panloob na bagyong kasalukuyang sumasakal sa kanyang isipan. Habang ibinababa ni Cassey ang tuwalya sa tabi ng medicine kit, dahan-dahang itinaas ni Ethan ang kanyang nanginginig at mainit na kamay. Marahan ngunit may tindi ng higpit niyang hinawakan ang malambot na kamay ng asawa, dahilan upang mapatigil si Cassey at mapatingin nang diretso sa kanyang mga mata. "Cassey, stay... please don't leave this room," paos, mababa, at basag ang boses na panimula ni Ethan, habang ang kanyang matatalas na mata na kilala sa pagiging cold ay puno ngayon ng tapat na takot at pagsusumamo. Napakunot ang noo ni Cassey, naramdaman ang tindi ng higpit ng pagkakahawak ng don na tila ba n

  • The Second Wife    CHAPTER 30

    Naupo si Ethan nang mas maituwid ang kanyang tindig sa loob ng gazebo, habang ang lamig ng hangin ng umaga ay tila sumasabay sa bigat ng bawat salitang kanyang ihahanda. Tinitigan niya ang mga mata ni Leah—ang mga matang puno ng nakaraang pilit niyang binuo, ngunit may iba nang reyalidad ang kanyang kasalukuyan. "Let’s look at this objectively, Leah," malamig, pormal, at may matatag na awtoridad na panimula ni Ethan habang dahan-dahang iniaalis ang kanyang kamay sa pagkakawak ng dating asawa. "Too many variables have changed since the incident in Europe. I have already established a new life, and Cassey is my wife. I am fully committed to my marriage with her, and that decision is final and non-negotiable." Nawala ang malambing na ngiti sa mga labi ni Leah, ngunit sa halip na mag-histerikal o umiyak gaya ng inaasahan ng karaniwang tao, isang manipis at kalkuladong ngiti ang dahan-dahang sumilay sa kanyang mukha. Sumandal siya sa upuan at diretsong tinitigan ang don nang may buong

  • The Second Wife    CHAPTER 29

    Marahas na isinusoot ni Ethan ang kanyang amerikana habang mabilis na naglalakad patungo sa pinto ng kanyang opisina, handang itaya ang lahat upang pumunta sa Aurelia International Airport. Ngunit bago pa man niya mahawakan ang seradura, biglang umalingawngaw ang malakas na vibrate ng kanyang telepono.Napakunot ang kanyang noo at mabilis na sinagot ang tawag nang makitang ang mayordoma mula sa mansyon ang tumatawag."Boss Ethan! Pabalik na po ba kayo?" bungad ng mayordoma, at sa pagkakataong ito, hindi lang simpleng pag-aalala ang bakas sa boses nito kundi purong takot. "Naku, si Chloe po! Kanina pa po umiiyak at humihagulhol sa kwarto niya. Sobra po ang sakit ng tiyan niya at namumutla na po ang bata! Hindi po namin alam ang gagawin!"Napatigil si Ethan sa mismong tapat ng pinto, tila ba binuhusan ng malamig na tubig. Ang mapanganib na awtoridad na taglay niya kanina ay biglang napalitan ng tindi ng pagiging isang ama. Sa gitna ng nagtatalong obligasyon—ang habulin ang asawang si Ca

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status