Share

Chapter 3.3

Author: eleb_heart
last update Last Updated: 2022-09-15 20:25:13

NANATILI siyang nakatingin lamang sa kaharap niya habang nakikinig din sa mga susunod na sasabihin nito. Aalis na sana siya ngunit nagbago ang kanyang plano nang marinig ang pangalan na binanggit nito.

Hindi siya pwedeng magkamali sa narinig niya. Kahit pa sabihin na napakalaki ng syudad na iyon at baka kapangalan lamang iyon ng kaibigan niya ma si Stacey ay hindi pa rin niya magawang hindi kabahan.

Agad niyang dinampot ang kanyang cellphone upang tawagan ito at masiguro na hindi ito iyon. Nag-ri-ring ang cellphone nito kaya napahinga siya ng maluwag. Siguro ay kapangalan niya lamang iyon.

Ang kanyang kamay ay patapik- tapik sa lamesa habang hinihintay itong sumagot sa kanyang tawag ngunit walang sumagot. Muli na naman niya itong tinawagan ngunit hindi pa rin ito sumasagot ng mga oras na iyon.

"Saan siya huling nakita?" Rinig niyang tanong ni Ashley sa kausap nito sa kabilang linya. Hindi pa rin maipinta ang mukha nito sa mga oras na iyon at mababakas ang galit sa mukha nito.

"Sa mall
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Secret Agent and The Mafia King   Chapter 3.7

    Hindi na sila pa nag- aksaya ng oras at nagtungo sa head security ng subdivision upang i- check ang mga kuha ng cctv footage upang malaman nila kung sino nga ba ang mga dumukot sa kanyang Tito."Ano po iyon ma'am?" Salubong na tanong sa kanya ng isa sa mga security guard pagkarating nila doon. Ni hindi na niya nagawang lingunin pa si Ashley na halos magdikit na ang mga kilay dahil labis na itong naguguluhan sa kanya.Hindi na siya nagpaligoy- ligoy pa tiningnan niya ito at pagkatapos ay nagsalita."Pwede ba namin i- check ang mga cctv footage dito sa subdivision kaninang umaga lang?" Tanong niya sa guard at halatang nagulat naman ito. Awtomatikong napataas ang kilay nito at sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Maging ang nasa likod niya ay ganun din ang ginawa nito.Sa puntong iyon ay saka naman may lumapit sa kanila na isa pang security guard at tinanong niya ang kasama nito."Ano daw ang problema?" Tanong nito sa kabaro nito. Nilingon naman nito ito at may malosyong ngiti s

  • The Secret Agent and The Mafia King   Chapter 3.6

    Nagmamadali niyang binuksan ang pinto at bumungad sa kanyang paningin ang magulong sala. Ang mga gamit ay nagkalat na tila may nagwala, tila may taong sadyang ginulo talaga ang mga bagay na naroon. May mga basag ding mga flower base na nagkalat sa loob ng bahay kaya siya ay nag- ingat na naglakad para hindi niya matapakan ang mga bubog at para na rin hindi siya masugatan.Unti- unti siyang naglakad papasok mula sa sala patungo sa silid ng kanyang Tito. Nakita niyang bukas ito ngunit maliit lamang ang pagkakabukas nito. Mula doon ay umaabot sa kanyang pandinig ang tunog ng telebisyon, napahinga siya ng maluwag marahil ay nagwala lamang ang kanyang Tito dahil hindi nito matanggap ang mga pangyayari. Nanunuod marahil ito upang kahit papano man lang ay maibsan ang sakit na nararamdaman nito ng mga oras na iyon. Sino naman sana ang magulang na hindi mamomroblema dahil sa pagkawala ng anak niya lalo pa at kilalang kilala niya ito at alam na alam niya kung gaano nito kamahal ang anak nito.

  • The Secret Agent and The Mafia King   Chapter 3.5

    Nagkatinginan ang dalawa at sabay na umiling.Pabagsak na umupo ang babaeng nasa gitna nila at pagkatapos ay nagpakawala ng isang mahabang buntung- hininga. Napasandal ito sa kanyang kinauupuan at pinagalaw ang kinauupuan nitong swivel chair.Ilang sandali muna itong natahimik, maging sila ay tahimik lang din at hinihintay itong magsalita."Nandito lang yun kanina Ashley bago ako umalis at kumain, kaso ngayon wala na." Inis na sambit nito at pagkatapos ay muli na namang lumapit sa computer nito at sa isa pang pagkakataon ay muli na naman niya itong hinanap sa mga files na nasa desktop nito ngunit wala talaga hanggang sa inis nitong itinulak ang keyboard at muling sumandal sa upuan."Ibig sabihin ay may bumura sa files mo sa kuha ng cctv?" Tanong ni Ashley rito at iyon ang nagtulak sa kanya upang mapalingon dito.Isang tango ang ginawa nito. "Sa ilang taon ko ng nagtatrabaho rito ay ngayon pa lamang nangyari ang ganito na nabura ang files sa desktop ko. Nataon pa talaga sa kasong katul

  • The Secret Agent and The Mafia King   Chapter 3.4

    Hanggang sa makarating sila sa presinto ay wala pa rin silang imik parehas. Hindi niya alam pero ang daming gumugulo sa kanyang isipan. Hanggang kase sa mga oras na iyon ay iniisip niya pa rin ang nangyari kay Stacey. Parang napaka imposible naman ang nangyari na nawala nalang siya bigla, baka nagtampo lamang iyon at iniwan ang kanyang cellphone sa dressing room ng mall.Mabilis siyang bumaba, ang kaninang plano niya na pagtatanong kay Ashley ng mga impormasyon na makakatulong sa paghahanap niya sa kanyang target ay naudlot dahil sa nangyari kay Stacey.Dali- dali silang pumasok sa presinto, nakasunod siya rito dahil nauuna ito at isa pa ay ito naman ang kilala doon hindi naman tama kung siya ang mauunang pumasok doon kaya hinayaan niya lamang ito na mauna.Hindi niya na inalintana pa ang mga tingin ng mga taong nandoon. Alam niya ay halo- halong tingin ang tingin ng mga taong naroon, may iba sigurong humahanga at ang iba naman ay nagtataka kung ano ang ginagawa niya sa presinto na iyo

  • The Secret Agent and The Mafia King   Chapter 3.3

    NANATILI siyang nakatingin lamang sa kaharap niya habang nakikinig din sa mga susunod na sasabihin nito. Aalis na sana siya ngunit nagbago ang kanyang plano nang marinig ang pangalan na binanggit nito.Hindi siya pwedeng magkamali sa narinig niya. Kahit pa sabihin na napakalaki ng syudad na iyon at baka kapangalan lamang iyon ng kaibigan niya ma si Stacey ay hindi pa rin niya magawang hindi kabahan.Agad niyang dinampot ang kanyang cellphone upang tawagan ito at masiguro na hindi ito iyon. Nag-ri-ring ang cellphone nito kaya napahinga siya ng maluwag. Siguro ay kapangalan niya lamang iyon.Ang kanyang kamay ay patapik- tapik sa lamesa habang hinihintay itong sumagot sa kanyang tawag ngunit walang sumagot. Muli na naman niya itong tinawagan ngunit hindi pa rin ito sumasagot ng mga oras na iyon."Saan siya huling nakita?" Rinig niyang tanong ni Ashley sa kausap nito sa kabilang linya. Hindi pa rin maipinta ang mukha nito sa mga oras na iyon at mababakas ang galit sa mukha nito."Sa mall

  • The Secret Agent and The Mafia King   Chapter 3.2

    ILANG minuto na ang nakalipas nang dumating sa kanilang lamesa ang kanilang mga kape. Parehas silang tahimik at hindi nagsasalita at nakatitig lamang sa umuusok na kape sa kanilang mga harapan.Hinihintay niyang ito ang magbukas ng usapan, ayaiw niyang mag- insist na magsalita na ito kaagad dahil mukhang pagod ito at hindi niya alam kung saan ito nanggaling ng mga oras na iyon. Sa tantiya niya ay hindi ito galing sa kanilang opisina dahil hindi naman ito naka uniform. Simpleng jeans at kulay abong t- shirt lang ang suot nito na napatungan ng isang black na jacket. Ilang sandali pa ay narinig niya ang pagtanggal nito ng bara sa lalamunan kaya napaangat ang kanyang tingin dito. Dinampot nito ang tasa ng kape at pagkatapos ay humigop. Nanatiling hawak nito ang tasa at nakalapat sa labi nito at nasa labas ang tingin. Dinampot niya rin ang tasa ng kape niya at humigop. Gumuhit sa kanyang lalamunan ang mapait na lasa ng kape dahil barakong kape ang inorder niya para sa kanya. Napapikit si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status