Share

CHAPTER 1

Halley's P.O.V

Nandito ako sa isang lugar kung saan pilit kong inaalala ang mga nakaraang nabura sa alaala ko. Hindi ko maintindihan ang dahilan kung bakit gusto kong magpunta sa lugar na ito ngunit tuwing hapon ay palagi akong pumupunta rito, nagbabakasakaling may maalala ako. Simula no'ng naaksidente ako ay wala na akong maalala tungkol sa aking nakaraan.

--Flashback--

Nasaan ako?

'Di ko magawang gumalaw, kahit ang pagmulat ko man lang ay hindi ko talaga magawa at ramdam ko pa ang sakit ng aking katawan.

Anong nangyari sa akin? Ang sakit ng ulo ko!

Nang magising na ako ay tanging puting kisame lang ang aking nakikita. Sinubukan kong igalaw ang buo kong katawan at saka napatingin sa buong paligid. Ilang sigundo pa ang nakalipas ay narinig kong bumukas 'yong pinto at pumasok ang isang doctor.

"Good morning, Halley."

"Good morning doc, anong nagyari sa akin? Bakit ako nandito?" agad kong tanong doon sa doctor.

"Nagkaroon ka ng comatose since years ago." Dahilan nang aking pagkabigla.

"Ano po ang nangyari sa akin? Hindi ko na kasi matandaan pa," naguguluhan kong tanong.

Kinuwento niya naman sa akin kung paano ako nakapasok dito sa hospital. Dinala daw ako ni mom dito sa hospital dahil may tama daw ako sa baril. Akala pa nga daw nila no’n ay mamamatay na ako no’n dahil tumigil na daw ang tibok ng puso ko kaya hindi nila inaasahan na binigyan pa ako ng panginoon ng pangalawang pagkakataon na ma buhay ulit kaya sobra ang kanilang pag sasalamat sa araw na iyon sa panginoong diyos.

--End of flashback--

Nakaupo ako ngayon dito sa buhangin habang pinag masdan ang sikat ng araw. Tuwing mag hapon ay pumunta ako sa dagat na ito dahil malakas ang kutob ko na may kinalaman din ito sa pagkawala ng aking memorya. Dito ‘yong dagat na palagi namin pasyalan ng aking pamilya noon. Higit isang taon ko na itong ginagawa pero wala pa rin akong maalala. 

Malapit ng dumilim kaya napag desisyonan ko nang bumalik na sa kotse para mag maneho pauwi. Nang makasakay na ako ay pinaandar ko naman ito at saka umalis. Mabuti na lang na hindi traffic kaya agad akong nakarating sa bahay.

Nang nakarating na ako sa bahay ay nag bosena ako kaagad sa labas ng gate para pagbuksan, ngunit walang isa man lang ang lumabas kaya bumaba na lang ako. Nang makapasok na ako sa loob ay kapansin-pansin na walang tao dahil nakapatay lang ang mga ilaw kaya in-on ko na lang.

"Happy birthday to you.. Happy birthday to you... Happy birthday, Happy birthday... Happy birthday to you..."

Hindi ko maiwasang magulat dahil hindi ko talaga inaasahang gawin nila iyon at nakakalimutan kong 

ngayon pala ang aking kaarawaan.

"Happy birthday Halley!" sabay nilang bati sa akin.

Sobrang saya nila habang kumakanta. Hindi ko naman maiwasang maging emosyonal dahil sa masaya kong nararamdaman ngayon. Namamasa tuloy ang aking mga mata nang dahil do’n.

Isa-isa silang may ibinigay sa akin at bumati. Sina dad, kuya, nanay, at iba pang mga kasambahay namin. Wala si mom dahil busy daw pero okay lang dahil nasanay naman ako na sa tuwing sasapit ang aking kaarawan ay wala siya. Kung nandito 'yon sigurado akong hindi 'yon papayag kung mag de-decorate sila dito sa bahay dahil ayaw no'n na may dumi. Strict si mom, halos lahat ng kasambahay namin ay takot sa kaniya. Si dad naman ay kahit busy 'yon ay may time pa rin siya sa amin ni kuya. Sanay na rin naman kami sa ganito.

Lumapit si nanay Sam sa akin at saka bumati "Maligayang kaarawan ijo." Sabay niyang ibinigay sa akin ang maliit na box. 

"Salamat po," pag papasamalat ko sa kaniya.

No'ng mga bata pa kami ni kuya ay si nanay Sam na ang nag aalaga sa amin, simula no'ng si mom ay palagi na lang busy sa kaniyang trabaho kaya sobra akong nag papasalamat kay nanay Sam dahil kahit paano ay nararamdaman ko pa din ang pakiramdam ng may nag aalaga sa akin na isang iNang

Nang matapos na ang selebrasyon ng aking kaarawan ay pumasok na kami sa aming kaniya-kaniyang mga kuwarto. Binuksan ko ang ilaw habang bitbit ko pa rin ang mga regalo. Dinala ko ang mga 'to sa kama at isa-isang binubuksan. Susi ang ibigay sa akin ni dad at nasa labas ang bago kong kotse. Binuksan ko naman ang kay nanay Sam, mga cookies na may nakasulat ng buo kong pangalan. Ang kay kuya naman ay isang sardinas.

Joke ba 'to? Lagot ka talaga sa 'kin kuya! 

Iniligpit ko na ang lahat ng 'yon at humiga sa malambot kong kama. Nakatingin lang ako sa kisame at saka ko unti-unting pinikit ang aking dalawang mata at sa hindi ko namamalayan, ako ay nakatulog na.

Kinabukasan ay ramdam ko ang sikat ng araw na nasa aking paanan. As usual ay nakapikit pa rin ako na pumasok sa banyo at saka nag toothbrush. Nag hilamos ako para bumukas ang aking mga mata. Mukhang ‘yan na yata ang aking nakasanayan sa tuwing ako ay babangon. Bumaba ako at gaya ng aking inaasahan ay nag babasa na naman ng diyaryo si Dad. Si Mom naman ay nasa kusina nag-luluto kasama si nanay Sam. Si kuya naman ay nakangising tumitingin sa akin habang nag linis sa kaniyang kotse, ayaw niya kasi na may dumi ang kaniyang kotse kahit kunti lang.

Nang maalala ko 'yong sardinas ay agad akong bumalik sa kuwarto at saka ko 'yon kinuha. Bumaba ulit ako at sinugod si kuya.

"Bro, bakit?" nakangisi niyang tanong sa akin kaya hindi ko mapigilan ang aking sarili na batukan siya.

"Bro mukha mo! Ano to?!" Ngumisi na naman siya na parang baliw.

"Sardines," tipid niyang sagot.

Hindi na ako sumagot pa baka mabatukan ko na naman siya kaya pinilit kong kumalma.

"Easy bro, hindi lang naman 'yan ang ibibigay ko eh. 'Yon oh." Sabay turo niya do’n sa 'di kalayuan.

Woah, ito ‘yong gusto kong bilhin noon pa man!

Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman ngayon dahil hindi talaga ako makapaniwala na bilhan ako ni kuya nito. Matagal ko na kasi itong gustong bilhin pero sobrang mahal kaya hanggang tingnan ko na lang iyon noon sa tuwing ako ay dadaan sa store.

Nang mag hapon na ay as usual ay pupunta na naman ako sa lugar kung saan ay ang mapayapa. Sakto rin dahil magagamit ko ang bagong regalo ni dad na sports car. Pagkarating ko ay bumaba agad ako at nag lakad-lakad. Sa 'di kalayuan ay parang may iba akong nakikita dahil sa likod ng bato iyon ay parang may nakikita akong mahabang buhok kaya padahan-dahan akong lumapit doon. Malakas ang kutob ko na baka isa itong sirena. Nang nasa likod na ako ng bato ay gusto ko talaga itong silipin dahil sa curiosity ko kaya hindi na ako nag dadalawang isip na silipin na ito. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status