Share

The Secret Tail
The Secret Tail
Author: DIDINXX

PROLOGUE

Nagmahal ka na ba? Minahal ka ba niya? Paano niyo minahal ang isa't isa?

Paano kung may hahadlang sa inyo, manatili parin ba ang inyong pagmamahalan? Ito ang palagi kong tanong sa aking sarili na kung tama ba ito ang aming ginagawa.

Oo mahal ko siya, minahal ko siya, at mas minamahal ko pa siya.

"Brianna, kahit anong mangyayari huwag kang hihiwalay sa aking kamay, ha?” sabi niya habang tumakbo pa rin kami. Tanging tango na lang ang naisagot ko dahil sa hindi ko maipapaliwanag na nararamdaman ko ngayon. 

Sa wakas ay narating din namin ang lugar na ito. Namimis tuloy namin ang lugar na ito. Hindi ko naman maiwasang mapaluha nang maalala ang mga nakaraan ko dahil nandito kasi iyon ang lahat na mga alaala sa amin noon ni Halley simula noong bata pa lang kami. Nag kilala kaming dalawa ni Halley dahil sa lugar na ito. 

"Ayon sila!" sigaw do’n sa isa sa mga tauhan ni Gorgia.

Si Gorgia ang ina ni Halley, kaya niya ito ginawa sa amin dahil tutol siya sa pag mamahalan naming 

dalawa ni Halley ngunit dahil mahal nga namin ni Halley ang isa’t isa handa siyang lumayo sa sarili niyang ina para lang sa aming dalawa.

"Brianna, bilis baka maabutan pa tayo!" nagmamadaling sabi ni Halley.

Nag mamadali na kaming lumangoy ni Halley at muntik na nga nila kaming maabutan kaya mas binilisan pa namin ang pag langoy upang hindi kami maabutan ng mga tauhan ni Gorgia. 

Habang nasa ilalim kaming dalawa ni Halley, hindi ko maiwasan mapatingin sa kaniyang magandang mga mata, sa matangos niyang ilong, at pababa sa kaniyang mapupulang labi na unti-unting magkaka dikit na saa aking labi. Ramdam namin ang habol na hininga at napag desisyonan naming umahon muna. Sa mga sumusunod na pangyayari ay hindi ko na maaalala pa dahil may basta lang na biglang pumalo sa aking ulo at saka ako nawalan na ng malay. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status