Share

CHAPTER 2

Brianna's P.O.V

Nandito ako sa lugar kung saan ay hinding hindi ko makakalimutan. Iyong mga nakaraan namin ay 

hanggang alaala na lamang. Tuwing mag hapon ay pupunta ako dito para pagmasdan ang sikat ng araw at hindi ko naman maiwasang maalala ang mga araw na magkasama kami ng aking kapatid.

Biglang lumiwanag ang singsing na suot sa aking ikatlong daliri na nasa aking kanang kamay. Alam kong may magtatankang silipin ako dito. 

Kinakabahan naman ako kaya nag tago na lang ako dito sa likod ng bato. Hindi nga ako nagkakamali dahil may biglang bumuhos na tubig sa aking likuran. 

"Huli ka! Anong ginagawa mo dito, Brianna?" Napabuntong hininga na lamang ako. Akala ko na kung sino na pero si Dakota lang pala, ang kaibigan kong star fish.

"Namasyal, dito naman kasi ang paborito kong pasyalan eh," sagot ko sa kaniya at pinaramdaman ang simoy ng hangin.

"Alam ko na! Siguro namimis mo na 'yong mahal mo noh, maliban sa lola mo," panghuhula niyang sabi.

"Maaari."

"Alam mo Brianna, no’ng namamasyal pa noon dito 'yong kapatid mo na si Yana palagi ka niyang 

binabanggit sa akin. Halos bukang bibig no’n ay 'Brianna', mahal na mahal ka no’n." Kaya hindi ko 

naman maiwasang mapangiti sa sinasabi ni Dakota. Namimis ko na naman tuloy ang ate ko.

"Mahal ko din 'yong ate ko kahit ngayong wala na siya..."

Si ate Yana 'yong palagi kong dinadalaw dito dahil sa tuwing pupunta ako sa lugar na ito ay maalala ko ang aming pinag samahan simula noong mga bata pa kami. Masayahin si ate, palagi niya akong pino-protektahan sa tuwing ako'y nasa panganib. Pero nang siya ay nasa panganib na ay hindi ko man lang siya nagawang protektahan kaya sobra akong nagagalit sa aking sarili.

--Flashback--

"Brianna may tanong ako sayo," ani ate habang sabay namin pinag masdan ang sikat ng araw.

"Ano 'yon ate?" masaya kong tanong sa kaniya.

"Alam naman natin na tayong mga sirena ay pangarap nating makita ang Secret tail at makuha ito. Kung ikaw ang makakakuha sa kwintas na iyon, ano ang gusto mo puntahan?" Agad naman akong napaisip kung saan nga ba ang mga gusto kong pupuntahan.

"Syempre ate sa maraming tao, gusto kong makita kung ano ang meron sa kanila na wala dito sa dagat. Gusto kong manirahan doon, gusto kong maranasan ang kanilang pamumuhay doon at syempre mag karoon ng nobyo," masaya kong sagot sa kaniya habang siya naman ay natatawa lang.

"Ikaw talaga kung ano-ano na ang naiisip mo." Sabay palo niya sa aking braso pero hindi naman 

masakit dahil mahal ako no’n eh.

"Aray ko naman ate.” Reklamo ko. “Syempre ang makasama ka doon sa lupa at sabay na tayong 

magkakaroon ng mga paa at saka tayo ay makakalakad na," dagdag ko pang sabi.

"Eh, bakit gusto mo pa akong makakasama sa lupa? Maaari ka namang mag isa do'n at isa pa, isa lang ‘yong kwintas."

"Dahil ayaw kong mawala ka sa tabi ko," seryoso kong sabi sa kaniya.

"Bakit nga?" tanong niya at saka ngumisi.

"Dahil mahal nga kita!" naiinis kong sagot sa kaniya.

"'Yon naman pala eh, mahal din kita bunso ko." Paglalambing niya sa akin.

Mga ilang saglit ay biglang lumiwanag ang kaniyang singsing na kulay berde. Siya lang ang meron no'n kaya kung nasaan ako ay na roon din siya para ma protektahan niya din ako. 

"May sirena!" dinig naming sigaw doon sa isa sa mga taong nakamasid sa amin ni ate dito sa likod ng bato.

"Habulin natin!" sigaw nilang lahat habang tumatakbo sila papalapit sa amin ni ate.

"Dakpin niyo bilis!"

Hindi ko naman maiwasang kabahan dahil pakiramdam ko ay katapusan ko na ngayon at hinding hindi ko na makakamit ang mga pinapangarap namin ni ate.

"Brianna bilis, langoy na baka maabutan ka pa nila!" natarantang sabi ni ate. Hindi ko naman 

maiwasang magtataka sa sinasabi ni ate dahil nanatili lang siya sa kaniyang posisyon habang 

pinapalayo niya ako.

"Ate, pa'no ka? Hindi kita iiwan mag isa dito," naiiyak kong sabi sa kaniya dahil ayaw kong umalis dito na hindi siya kasama.

“H’wag mo na akong intindihin at isipin mo na lang ang kaligtasan ng iyong sarili. Hindi pwede na 

sasama pa ako sayo pauwi dahil paniguradong masusundan nila tayo at doon na magkakagulo sa ating kaharian,” sabi niya.

Kahit na sa ganitong sitwasyon ang kaligtasan pa din ng kaharian ang iniisip ni ani at ng iba pang mga sirena.

“Pero ate,” pagmamatigas kong sabi.

"Sige na dahil malapit na sila, huwag matigas ang ulo!" sabi niya at may isinuot siya sa aking kanang 

kamay na sa pangatlong daliri at may binulong sa akin. Niyakap ko siya kaya hinalikan niya naman ang aking noo at kusa na akong lumayo sa buhangin habang lumalangoy sa dagat na mag isa.

Sumunod na lang ako sa sinasabi niya dahil ayaw ko siyang mabigo sa akin at lalong lalo na sa 

sitwasyong ito.

Sa gitna ng karagatan ay pinag masdan ko lang ang mga tao kung paano nila hinuli si ate at sinasaktan. Hindi ko maiwasang maiyak. Maraming beses na niya akong pino-protektahan at ngayong nanganganib na siya ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang pagmasdan lang siyang nasasaktan. Gusto ko siyang 

tulungan pero hindi ko magawa dahil wala akong lakas na kalabanin ang mga taong 'yon at isa pa ay nag iisa lang ako.

Nakikita ko sa mga mata ni ate na gusto pang mabuhay ngunit mas pinili niyang iligtas ang maraming buhay dito sa aming karagatan.

“Totoo kang bayani ate Tatiana,” sabi ko habag humahagolhol.

Dumarami ang mga taong naka paligid sa kaniya. Habang pinag masdan ko sila ay may biglang tumatak sa aking isipan. Iyong ibinulong ni ate sa akin ay tungkol 'yon sa Secret tail na matagal ng hinahanap ng mga sirena. Si ate ang unang sirenang nakakita no'n at plano niya daw sana na kunin 'yon namin sa pag sapit ng aking kaarawan at sabay kaming pumunta sa lugar kung saan gusto naming puntahan. Gusto kong kunin 'yon ngayon at tulungan si ate ngunit nawalan na ako ng pag asa. Huli na ang lahat, wala ng 

oras na kunin pa 'yon dahil patay na si ate at parang nawalan na rin ako ng ganang pumunta sa mundo ng mga tao dahil alam ko na kung gaano pala sila kasama dahil sa ginawa nila kay ate.

--End of flashback--

"Wow, star fish!" narinig kong sigaw sa isang boses lalaki.

May tao!

Si Dakota ay nasa panganib!

"Halley, saan mo 'yan nakuha?

"Malamang dito sa buhangin, ang cute ‘di ba?"

Nang dahil sa aking pagkataranta ay agad akong lumabas sa bato.

"Bitiwan niyo siya!" sigaw ko sa aking isipan kaya bigla naman silang napatingin sa akin.

"S-sirena!" Saka sila tumakbo at hinagis sa ere si Dakota.

Pero bago pa sila makakalayo ay ginamit ko na ang aking kapangyarihan na malimutan nila na nakikita nila ako bilang isang sirena.

"Aray ko." Dahilan sa pagkakurap ko kaya napatingin naman ako kay Dakota na nalibing na sa buhangin.

Ginamit ko na lang ang aking kapangyarihan para mapunta siya sa akin dahil baka may makakakita pa sa akin kapag lalapitan ko pa siya.

"Ang galing!" sigaw niya nang hawak ko na siya.

"Sinong magaling?" nagtataka kong tanong sa kaniya.

"Ikaw," kaya nabigla naman ako.

"Bakit? Saan naman ako naging magaling?" 

"'Napakagaling ng iyong ginawa, Brianna!" Natawa na lang ako sa kaniyang sinasabi.

"Hindi ka pa ba sanay?" Siya na naman ang natatawa. "Tara, uwi na tayo." Lumapit na ako sa dagat at saka lumangoy.

Matalik na kaibigan ni ate si Dakota noon at nag papasalamat ako sa kaniya na naging kaibigan ko rin si Dakota dahil pakiramdam ko ay nasa tabi ko parin siya at lalong lalo na ngayong wala na siya.

"Brianna, nakita mo 'yon?" Kaya napatingin naman ako sa dulo.

Dahan dahan naman akong lumangoy papalapit doon dahil baka nandoon ang mga masasamang isda at sugurin kami. Nag patuloy parin kami ni Dakota hanggang sa may nakikita kaming isang kweba kaya gusto ko sanang pumasok doon kaya lang ay pinigilan niya ako.

"Sigurado ka ba talaga, Brianna? Baka hindi na tayo makakalabas pa ng bbuha," kabado niyang sabi sa akin.

"Oo, sigurado na ako Dakota at isa pa baka ito na 'yong lugar na sinasabi sa akin ni ate," paninigurado kong sabi.

"Ang alin?" nalilito niyang tanong.

"'Yong secret tail." At saka ako nag patuloy pumasok sa kwebang iyon. Sumunod na lang rin siya sa akin dahil wala naman siyang magagawa.

Sobra kaming napamangha sa kweba na ito dahil iba siyang klase at sa tagal ko na dito naninirahan sa dagat ay parang ngayon pa talaga ako nakakakita ng ganitong klaseng kweba.

"Brianna, tara umalis na tayo dahil baka may makakakita pa sa atin dito," kinakabahan niyang sabi ngunit hindi ko na siya sinagot pa dahil may umagaw na ng aking pansin.

May isang garapon na umiilaw kaya lumapit naman ako doon. Nang nakalapit na ako ay binuksan ko 'yong garapon at sa loob nito ay may bato na naka hugis buntot.

H-hindi kaya ito 'yong sinasabi ni ate na secret tail?

"Hoy Brianna, huwag mo nga 'yan galawin!" natatakot niyang sabi ngunit hindi ko na siya pinapansin.

"H-heto nga 'yon.” nabubuhayan kong sabi. "Pero nasaan 'yong kwintas?" tanong ko sa aking sarili.

"Brianna, may paparating. Tingnan mo ang iyong singsing." Kaya agad naman ako napatingin dito.

Umiilaw nga, naku lagot!

Agad kong kinuha si Dakota para aalis na sana pero natigilan kami nang may biglang nag sasalika kaya nagtataka naman ako kung saan galing ang boses na 'yon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status