Share

CHAPTER 3

Naririnig mo 'yon?" tanong ko kay Dakota na halos 'di na mapakali.

"Tulong, tulungan niyo kami!" Agad akong napatingin sa buong paligid ngunit wala akong nakikita kahit na isda man lang at tanging mga boses lang talaga ang aming naririnig.

"Oo at humihingi sila ng tulong." kaya inilibot ko agad sa buong paligid ang aking paningiPar

"Parang awa niyo na, tulungan niyo kami!" sigaw pa nilang sabi pero wala talaga akong nakikita o isang isda man lang.

"S-sino kayo? H-hindi namin kayo nakikita," sagot ko do’n sa mga boses.

"Nandito kami!" Agad akong napatingin sa isang malaking bato.

"Bato?!" Nang dahil sa gulat ko ay nabitiwan ko si Dakota.

"Aray ko naman." Kaya kinuha ko siya agad.

"N-naririnig mo kami?" nabubuhayan nilang sabi ngunit hindi ko parin napigilan ang aking sarili na 

magulat.

"Oo at hindi lang ako, kaming lahat dito." Kaya bigla na namang umingay ang paligid. "Nakakalimutan 

mo na bang lahat tayo dito sa dagat ay mababasa natin ang mga isip?" Kaya bigla ko namang naala-ala.

"Eh bakit kayo humihingi ng tulong sa amin?" tanong sa kanila ni Dakota.

"Dahil nanganganib na ang ating dagat," nalulungkot niyang sabi kaya naguguluhannaman ako sa sinasabi niya.

"Sandali, hindi ko kasi naiintindihan eh, maaari ba ikwento niyo na lang?" Sumang ayon naman sila.

"Nanganganib na ang ating dagat dahil may kumuha na sa Secret Tail."

"Manganganib ba talaga kapag makuha ito?" Hindi ko napigilan ang aking sarili na mag tanong dahil 

plano pa nga namin ni ate na kunin ito.

"Mapanganib siya kapag nasa kamay ito ng masama."

"Hala, kaya pala wala na dito 'yong kwintas?" sabi ko saka sila tumango. "Paano niyo naman nalalaman na ang kumuha no’n ay may masamang balak?" tanong ko sa kanila.

"Dahil nararamdaman namin, kaya nga masaya kami na nandito kayo dahil nararamdaman namin na mabubuti kayo." Napangiti naman ako sa sinasabi niya.

"Kung ganon, paano naman namin kayo matutulungan?" agad kong tanong sa kaniya.

"Hanapin mo ang sirenang iyon na nasa lupa na dahil nasa kaniya ang kwintas." Dahilan ng aking pagka bigla.

"Paano kung may makakakita sa akin doon at papatayin ako tulad ng ginawa nila sa kapatid ko dahil isa akong sirena?" nag alala kong sabi.

"Hindi ka pupunta doon bilang isang sirena, pupunta ka doon bilang isang tao." 

"I-ibig mo bang sabihin ay magkakaroon na ako ng mga paa saka ako ay makakalakad?" tanong ko kaya tumango naman sila. 

"Sa pamamagitan ng mga bato na ito," sabi niya. Bumukas naman ang kaniyang bibig at lumabas ang dalawang bato.

"Paano ko ba 'yan gagamitin?" nalilito kong tanong.

"Madali lang dahil kuskusin mo lang ito ng pangatlong beses kapag kailan mo gusto magkakaroon ng mga paa," seryoso nitong sabi.

"Eh, hindi ko naman pala kailangan ang kwintas ng Secret Tail para ako ay maging isang tao," masaya 

kong sabi.

"Kailangan mo parin dahil may limitasyon ang batong ito at pansamantala lang. Maging isang sirena ka rin sa hindi mo inaasahan."

"Eh ‘di kuskusin ko ulit," sagot ko naman.

"Hindi na maaari dahil kapag nakuskus mo na ang batong ito ay hindi mo na magagamit pa ito sa 

susunod."

"Isang beses lang pala?" malungkot kong tanong kaya tumango naman siya.

"Kunin mo na ito at huwag ka ng mag aksaya pa ng panahon dahil nanganganib na ang ating dagat."

kaya agad ko kinuha 'yong bato at saka kami lumabas doon ni Dakota.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo, Brianna?" nag alala niyang tanong sa akin habang lumalangoy kami pauwi.

"Kailangan ko itong gawin maliban sa gusto kong magkakaroon ng paa, para narin mailigtas ko ang 

ating tahanan."

Hindi na siya sumasagot pa at nag papatuloy na lang ako sa pag langoy habang hawak ko parin siya. Bigla kaming napatigil nang hinaharangan kami ni Dauphine.

Si Dauphine ay pinsan ko na isa rin sirena. Kahit na pinsan ko siya ay hindi kami nagkakaintindihan nito at siya rin ang kontra bida ng buhay ko. Mahilig siyang pumupunta sa maraming tao at mabuti na lang na hindi siya nakikita sa mga ito. Malapit na rin siya ikasal sa isang prinsipe dito sa dagat na isa rin sireno at balang araw ay siya na ang maging isang reyna dito sa karagatan para mamuno. Ako naman talaga sana ang dapat pakasalan ng prinsipe para maging isa akong reyna dahil reyna at hari ang aking mga 

magulang ngunit ipinasa ko ito kay Dauphine dahil hindi pa ako handa at isa pa hindi ko minahal ang 

prinsipeng iyon. Sa dinadaming dami sirena dito karagatan ay si Dauphine ang pinili ko dahil matagal na ito nagkakagusto sa prinsipe.

"Ano na naman ba ang problema mo? huwag ka nga humarang." Nang dahil sa sinabi sa isipan ni 

Dakota ay itinago ko siya agad sa aking likuran.

"Hi kamusta!" sabi niya habang kumakaway. 

Anong Hi? Siguro pumunta na naman ito doon sa maraming tao.

"Anong kailangan mo?" walang gana kong tanong sa kaniya at parang wala siyang balak padadaanin 

kami.

"Gusto ko lang mag tanong kung saan kayo galing dahil parang nagmamadali kasi kayo," maarte niyang sabi sa amin.

"Hindi ko maaaring sasabihin sa iyo ang lahat." Kaya nagtataka naman siya sa aking sinasabi.

"Hindi ka dapat ganiyan makipag usap sa isang prinsesa!" bakas sa kaniyang boses ang nawalan na ng pasensya.

"Bakit? Nasa iyo na ba ang corona? Hindi ba’t wala pa?" pang iinis na sabi naman sa kaniya ni Dakota

kaya hindi nito napigilan ang sariling magalit.

"Tumahimik ka isdambituin!"

Aalis na sana kami pero agad na naman niya kaming hinaharangan. May napapansin naman ako sa kaniyang leeg kaya agad akong napatingin do’n.

"N-nasayo ang secret tail?" nagugulat kong tanong.

"Oo, bagay ba?" nakangiti niya ring tanong.

"Isauli mo na 'yan dahil nanganganib na ang ating karagatan," sabi ko sa kaniya habang hinahawakan ko ang kwintas.

"Ano ba ang pinagsasabi mo? Sabihin mo na nga na naiinggit ka lang dahil nasa akin ang kwintas na 'to at alam kung matagal ka ng na iingit sa akin kaya nga ikaw ang inggitera sa buhay ko!"

"Hindi ako naiinggit at kailanman ay hindi ako maiinggit dahil batid ko lang na mailigtas ang 

karagatan," matapang kong sagot habang siya naman ay nanatili lang nakakunot ang kaniyang noo.

Bigla niyang pinitik ang kaniyang daliri saka may biglang dumating na mga shokoy.

"Ikulong niyo sila!" sigaw niya doon sa mga shokoy.

"Patawad, hindi namin iyan magagawa dahil hindi ka pa isang prinsesa para utusan kami." Pagpapaaumanhin isa sa mga shokoy.

"Ganon? Kung kayo na lang kaya ang ikukulong ko?!" Bigla niya naman ito ginamitan ng kapangyarihan para sundin ang kaniyang inuutos.

"Bitiwan niyo kami!" sigaw ko dahil bigla kaming kinaladkad ng mga shokoy.

Nang ipinasok na kami sa isang kulungan ay agad naman nila itong ni-lock para hindi kami makakalabas. Pagkatapos nilang gawin iyon sa amin ay saka sila umalis. Napatingin naman ako kay Dakota na nahimatay na.

"Dakota, gumigising ka." Nakakailang tawag pa ako sa kaniya bago siya nagising.

"N-nasaan tayo?" tanong niya at saka siya napatingin sa buong paligid. "Ayos ka lang ba, Brianna?" nag alala niyang tanong sa akin.

"Paano na natin siya mapipigilan? Nasa kaniya na ang kwintas at maaari na niyang gawin ang mga 

masasama niyang balak."

"Gagawa ako ng paraan." Kaya pinilit niyang makalabas at dahil nga manipis lang siya ay nakalabas naman siya kaagad.

"Bilis Dakota, hanapin mo na ang susi." Agad niya naman hinahanap sa ilalim.

"Nakita ko na!" masaya niyang sabi kaya nakahinga naman ako ng maluwag. Pero parang may napapansin ako sa malayo. Para bang lumulubog 'yong tubig papunta sa amin? At hindi nga ako nag kakamali dahil papalapit na nga sa amin.

Bigla akong nagising kaya napatingin ako sa buong paligid. Nandito ako nakahiga sa likod ng bato. Napansin ko namang umilaw ang aking singsing kaya agad akong nataranta. 

Nasaan ang dala kong bato?!

Agad ko naman itong hinahanap at mabuti na lang ay nasa gilid lang pala ito ng buntot ko. Kinuha ko ito agad at saka kinuskuskinus ko ito ng pangatlong beses at hiniling na sana ay magkaroon na ako ng mga paa.

Mga ilang segundo ay napalitan na nga ang buntot ko ng dalawang paa kaya gusto ko na sanang tumayo ngunit ang pakiramdam ko ay sobrang bigat ng aking katawan kaya hindi ko magawang tumayo.

"May tao!" Habang papalapit sa akin ang dalawang matandang babae.

"Hija, ayos ka lang ba? Isa ka rin ba sa mga na lulunod?" nag alalang tanong sa akin ng matandang babae.

"May na lunod ba? Anong grupo ng isda?" tanong ko pero mukhang hindi naman nila naririnig o 

mababasa ang aking isipan kaya nahihirapan talaga ako ngayon kung paano ko sila sasagutin.

"Grabe 'yong nangyari sa eroplano noh? Kawawa naman 'yong ibang pasahero," sabi no’ng isang 

matanda saka sumang ayon naman 'yong kasama niya.

"Teka, bakit naka hubad ka ija? Wala ka bang damit?" tanong nila sa akin.

"Ano ba 'yong damit?" pabalik ko namang tanong sa kanila at mukhang hindi nga sila katulad naming mga sirena o sino mang nilalang sa dagat ay may kakayahang mabasa o marinig ang nasa isipan ngunit hindi kami marunong mag salita gamit ang bibig gaya ng mga tao.

"Teka lang hija ha?" sabi niya at saka sila nag mamadaling umalis.

Ilang minuto ang nakalilipas ay bumalik sila saka nila ako binigyan ng ‘damit’ daw.

"Gamitin mo ito hija." Lumapit sila sa akin at saka ibinigay ang damit pero hindi ako marunong gumamit nito kaya tinulungan na lang nila ako na masuot ito.

"Tara na hija." Habang tinutulungan nila akong makatayo at mabuti na lang dahil nagawa ko ng tumayo.

Pinagmasdan ko na lang sila kung paano ba gamitin ang mga paa kaya sinabayan ko rin sila. Bigla kaming may na pansin sa ‘di kalayuan na para bang nagkaka gulo ang mga tao kaya nagmamadali namang pumunta doon ang dalawang matanda.Hindi na lang ako sumunod sa kanila dahil sobrang bilis na nilang mag lakad.

Siguro sanay na sila noh?

Kaya sa ibang direksyon na lang ako nag lalakad. Paminsan minsan nga ay madapa pa ako pero pilit ko itong sanayin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status