Share

Chapter 2

CHAPTER TWO

"Stronzate! (Bvllshit) You fvcking impregnate my sister, you dick. Tangina, pare. Si Regina pa talaga ang pinakialaman mo. She's my sister. Paano mo iyon nagawa sa kanya?"

Mahigpit ang hawak ng kabanda nilang si Blu at Randall sa nagwawalang si Zurick o mas sanay ang karamihan na tawagin itong Rhames. Mabuti na lamang at nandoon ang mga kabanda nila upang awatin ito bago pa man nito tampalasanin ang mukha ni Nigel.

Naroon ang lahat sa hotel suite ni Rhames kasama ang walang imik na kapatid ni Zurick na si Regina.

"Look, pare! I won't deny the mistake that I made." Pumiglas si Nigel sa pagkakahawak sa kanya ni Al Cris na isa ring miyembro ng kanilang banda at hinarap si Regina. Nakayuko lamang ito. "Regina, come on! Don't do this to me. Marrying you because of your situation is not the right solution. Why don't you tell everything to Rhames? Sabihin mong ikaw talaga ang gumawa ng paraan para may mangya—"

Hindi na naman natapos ang sasabihin ni Nigel nang muli na naman siyang inatake ng suntok ni Zurick, dahilan upang bumagsak siya sa sahig.

"Hayup ka! Huwag mong sabihin na kapatid ko pa ang umakit sa'yo. Tangina!"

"Rhames, come on! Chill out at idaan natin 'to sa maayos na usapan. Alalahanin ninyo na mga musikero tayo rito at hindi mga shaolin monks." Pumagitna na si Blu na bagaman seryoso ay hindi man lang maikubli ang ngisi. Natatalisod pa ang dila nito kapag nananagalog sa kadahilanang laki ito sa Canada. "Remember again, musikero tayo, alright? Tapos ako guwapo."

Pinanlisikan ito ng mata ng lahat kabilang na si Nigel lalo naman ni Zurick na kulang na lamang ay ambahan din ng suntok ang epal na si Blu Delacroix.

"E kung pagtulungan n'yo munang gulpihin ang lokong ito at nang mabawasan naman ang intensidad dito." Yamot na sabat ni Randall na halatang naiirita na rin sa pag-awat kay Nigel at Zurick.

"Nainggit ka na naman sa kaguwapuhan ko, Randz. Get well soon, p're." Blu smirked at hindi nito napaghandaan ang kamay na tumama sa batok nito. Pinandilatan ni Blu ang may sala.

"Hell with you, Al? Inggit ka rin? Tch. Mga inggitero talaga, naglipana." Aroganteng angil ni Blu saka muling sinipat si Zurick at Nigel na animo'y sabik sumabak sa battle area.

"By the way, let's get back to your clash. Nasa anong level na ba 'yong alitan n'yo?" Presko pang paalala ni Blu at namulsa sabay sipat sa wristwatch nito na animo'y nababagot na.

"Fvck you!" Sabay-sabay na mura ng apat sa maangas na binata at ismid lang ang ibinalik nito sa mga kaibigan.

"Sorry kayo. I don't do bastardized men. I am a certified manwhore in case you forgot my reputation when it comes to women." May pagmamalaki sa tono ni Blu at sa puntong iyon ay mukhang na-i-divert na niya pansamantala ang namuong alitan sa pagitan ni Rhames at Nigel.

After a moment of nonsense ay nagkaroon na ng kapasidad ang tahimik na si Regina na ihayag ang dahilan kung bakit siya nagpunta sa Italya.

"Nigel, magkakaanak na tayo kaya kailangan mo akong pakasalan." Matatag na sabi nito na halata ang desperasyon. "Ayaw ko nang makipag-diskusyon cause I don't want to expose myself to any depression and stress again dahil ikakapahamak iyon ng anak natin."

Tuluyan nang napaupo si Nigel sa pang-isahang sofa at hindi na alam ang gagawin. "I can't really marry you, Reg. Alam naman natin pareho na si Reverie ang natatanging babae na gusto kong pakasalan."

Nagpuyos sa matinding galit si Zurick dahil sa paulit-ulit na rason ni Nigel.

Too lame! Tila sarado na ang utak niya sa mga oras na iyon dahil sa kondisyon ni Regina. Awa ang naghahari sa kalooban niya para sa nadisgrasyang kapatid dahil tiyak na itatakwil ito ng mga magulang niya oras na malaman ng mga ito ang sinapit ni Regina.

Regina is so dear to him kaya ayaw niyang itulak pa ito sa panibagong komplikadong sitwasyon na lalong ikakapahamak nito kaya gagawin niya ang lahat ng makakaya niya maisalba lamang ang kapatid.

"Asshole! So ano'ng balak mo ngayon? Papabayaan mo iyang kapatid ko ng nasa ganiyang sitwasyon? Do that and I swear, hindi ka makakaalis ng buhay sa bansang 'to, Nigel." Walang ligoy na banta ni Zurick kay Nigel at hindi na niya magawang alalahanin ang ilang taon na naging isa itong mabuting kaibigan sa kanya.

"Rhames, dude, you pretty know my situation as well. I've just proposed a marriage to Reeve last night. I love her with all my life and hurting her this way is too much. Intindihin n'yo rin ang kalagayan ko at ang mararamdaman ng babaeng mahal ko." Pagpapaintindi ni Nigel sa lahat na animo'y humaharap ngayon sa pinakamatinding dilemma ng buhay niya.

Tumalikod si Zurick at mahigpit na napawak sa backrest ng silyang nasa kanyang harapan.

Hindi niya maunawaan ang biglaang pagrehistro ng magandang mukha ng fiancee ni Nigel sa isipan niya.

That feisty dolce signora na bagamat unshakable at matibay ang pag-uugali ay napupuna niya ang vulnerability sa mga mata nito. Mauunawaan niya ang mararamdaman ng fiancee ni Nigel kung sakaling malaman nito ang problema ngunit hindi iyon rason upang hindi ituloy ang pagpapakasal ni Nigel at Regina sa araw ding iyon.

Sa katunayan ay kagabi pa niya naayos ang lahat sa tulong ng kanyang mga matitibay na koneksyon at any minutes now ay darating na ang huwis na magkakasal sa dalawa.

"Rhames, listen to me. As I was saying, marrying Regina is not the right decision to make. I'm sorry."

Madilim na nilingon muli ni Zurick si Nigel na may paninindigan pa rin hanggang sa lumipat ang tingin n'ya kay Regina na ngayon ay umiiyak na naman.

Cazzo!

"Well, I'm sorry about that, too, Nigel but you're going to marry Regina any moment now. Sa ayaw man o sa gusto mo. Take it as a decision and try to fvcking make it right." Pinal na saad niya at sandali pa'y nagsidatingan na ang mga taong hinihintay niya. Ang huwis at ang mga bodyguards niya na pipigil kay Nigel kung sakali mang umalma pa ito.

Habang umuusad ang proseso ng kasal ay sumiksik sa isang sulok si Zurick. Sa kailaliman ng kanyang pag-iisip ay lumitaw muli ang larawan ng magandang mukha ng fiancee ni Nigel.

She's sorry for her. Iyon ang katotohanang ayaw niyang itanggi. And now his conscience is kicking him harshly deep down inside him and telling him that he's the one who's responsible of saving the dolce signora from her heartbreak.

Fvck! He's no knight in shining armor kaya ano'ng alam niya sa pagsagip sa isang pinagtaksilang babae gayung ang alam lang naman niyang gawin sa buhay ay ang magtaksil?

LITERAL na nanigas na parang bloke ng yelo ang buong katawan ni Reverie nang bumalik sa kinaroroonan niyang suite si Nigel dala ang isang hindi kapani-paniwalang balita. Dama niya ang pamamanhid ng kanyang buong katawan sa mga oras na iyon.

Nigel is kneeling in front of her and uttering a lot of apology to her and explaining why he slumped into that situation instead of whispering and telling her how he loves her.

Tila bingi siya sa ano mang paliwanag ni Nigel. Isa lang ang malinaw sa namamanhid niyang utak sa mga oras na iyon. Iyon ay ang ikinasal na ang fiance niya sa ibang babae.

"This is not really happening, tell me, Nigel. We're just in a nightmare and fvcking tell me that we're not in reality." Nangangatal ang mga labi ni Reverie habang sinisikap na magsalita ngunit halos bulong lamang ay nakayanan niyang iusad.

"Babe, you know how much I love you, right? Believe me, hindi ko ginusto na sirain ang relasyon natin. Maniwala ka, hindi ko sinasadya ang nangyari sa amin ng babaeng iyon. I don't even remember how I woke up in her bed that day. God, I don't even remember."

Naikuyom ng mahigpit ni Reverie ang mga palad niya at nanghihinang bumagsak sa paanan ng queen sized bed na naroon sa suite niya.

Ang siste pala ay habang natutulog siya kanina dahil sa kalasingan kagabi ay ikinakasal naman sa kabilang kuwarto ang fiance niya. Her stupid fiance who just proposed to her last night and married another woman the next morning.

How fvck her situation could get?

"Iyon din ang akala ko. Damn, Nigel! Just damn." Wala siyang maisip na sasabihin. Nag-uulap ang kanyang isipan gano'n din ang mga mata. Bumuga siya ng hangin at sinubukang kumalma.

Sa matinding suliranin na ngayon ay humahampas sa kanya ay mas pinili na lamang ni Reverie na umaktong matatag.

"Believe me, babe. Gusto kong sabihin saiyo ang mga nangyari pero naipit kaagad ako. They didn't even give me a chance to tell you my situation." Nagawa niyang iproseso sa utak niya ang kabuuan ng kuwento ni Nigel.

Tila nandilim ang paningin niya sa natatanging linya na sumiksik sa magulo niyang isipan.

"Rhames decided everything for me. Wala akong nagawa. He's like an emperor to his Roman empire. He forced me to sign that fvcking marriage contract."

And that was when she remembered what Zurick told him last night.

I am wondering how you'll bring back yourself when you'll be broken? Ito na pala ang ibig sabihin no'n.

Walang lingon-likod na gumayak si Reverie at tinungo ang inuukupahang suite ni Zurick.

"Babe.. Babe, wait. Shit." Hindi na nakasunod sa kanya si Nigel dahil kung paanong bigla na lamang na-lock ang pintong pinasukan niya ay hindi niya rin alam.

The hotel suite is a highly soundproof room kaya hindi na niya marinig ang boses ni Nigel mula sa labas.

Nadatnan niya ang kanyang hinahanap sa veranda ng suite at abala sa pagpapakain sa isang pusang hindi niya tiyak ang breed.

He's shirtless and obviously fresh from bath because of his wet hair and wearing only a shitty piece of a towel.

"You fag!" She hissed nang nasa likuran na siya nito upang nakawin ang atensiyon nito.

"Oh, hi." A rankish smile automatically painted in his aristocratic face as he stood up to face her.

Reverie cringed mentally. Kailan man ay hindi siya napamaang sa sino mang lalaking naglalantad ng magandang katawan but a series of unexpected swell of emotion puffed inside her when her eyes youthfully appreciated those conceited abs of the jerk in front of her. Bawat hibla ng katawan nito ay sumisigaw ng hotness.

She blinked and swallowed hard. Mainam na lamang na sanay siyang ipanatili na emotionless ang ekspresyon ng mukha niya kahit pa ang totoo ay parang luluwa na ang mga mata niya sa nakikita.

And now she could say that she's more interested to studied every single bit of Zurick's delicious body rather than..

Damn you, self. Kaagad na kastigo niya sa sarili bago pa siya tuluyang mawala sa katinuan.

"Go on. No one's stopping you here to eye-rape my body. I will understand you if you cannot resist your temptation to touch me, dolce signora." Pilyong wika ni Zurick, dahilan upang maalala niya ng tuluyan ang totoong pakay niya roon.

And that's to praise his delicate abs and his calibre behind that towel, sabat ng kabilang isipan niya na mabilis na naman niyang sinupil.

Upang iwaksi ang malanding emosyon niya ay sinampal na lamang niya si Zurick. Malakas na halos pati ang pusang alaga nito ay hindi kumurap.

"What the.."

With all her refine glory ay sinampal niyang muli si Zurick. Hindi ito umilag na animo'y inaasahan na niya iyon. Maigi niya itong tinitigan sa mata but damn. His stares were so distracting.

"You better pull out those marriage contracts and shits between Nigel and your fvcking sister. Wala kang karapatan na magdesisyun para sa lahat. Sino ka ba sa akala mo?"

Zurick puffed an irritated sigh. "Kailangan niyang panagutan ang nagawa niya sa kapatid ko."

"Panagutan, yes but that doesn't mean that you'll force him to inter into a loveless marriage. Bakit nagpadalus-dalos ka at talagang ipinamalas mo pa ang kakitiran ng utak mo? Wake the shit up on you, Zurick Rhames de Souza! Hindi tarantado si Nigel na talikuran na lamang ang responsibilidad niya sa magiging anak nila ng kapatid mo pero hindi ka dapat umepal ng sobra at basta na lamang ipakasal siya sa desperada mong kapatid. We don't know what madness she possessed just to have Nigel."

"Quite throwing names about my sister, woman!"

"Well, truth hurts. I trust Nigel so much at alam ko na hindi niya magagawa ang bagay na iyon. Liban na lang kung kapatid mo mismo ang gumawa ng desperation para—"

"You shut up!" Napamulagat si Reverie nang bigla na lamang siyang itulak ni Zurick papunta sa sliding glass door ng passage papunta sa veranda at walang kamukat-mukat na siniil ng halik ang bibig niya.

Nanlamig siya. Tila tatakasan siya ng hininga dahil sa deliberasyon nito.

"Fvck you!" She furiously pushed him away. Madilim ang mukha ng lalaki.

"Well, I'm not surprise kung pati ikaw ay nasisiraan din ng bait katulad sa kapatid mo. Pathetic jerk! Pathetically desperate people." Umakto siyang wala lang sa kanya ang halik nito pero ang totoo ay parang aatakihin na siya sa puso.

"Nigel is not a divine man for you to praise him like that."

"Divine or not, I'm praising him and choose to believe in him cause that how true love goes. Wala kang maiintindihan dahil bukod sa wala kang puso ay tanging ulo lang diyan sa gitna ng mga hita mo ang tanging may silbi sa'yo."

Nanigas ang anyo ng mukha ni Zurick pero wala na siyang paki sa magiging reaksyon nito.

"If you won't withdrew those papers, well, you must better prepare your stupid and worthless self for the same awful life for you in the future, Mr. Roman asshole!"

©MaribelleVerzosa

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sha Rina
thank you Ms A
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status