Share

Chapter 28

AN: Thank you so much sa mga readers na nakaabot dito.😚

CHAPTER TWENTY-EIGHT

"BREAKFAST for Signor Rhames de Souza." Napakatamis na ngiti ang perpektong nakaguhit sa mga labi ni Reverie nang bumukas sa wakas ang pinto ng unit ni Zurick.

Ang balak lang sana niya sa umagang iyon ay ang subukang muli na makausap si Zurick na tiyak naman niyang hindi siya pauunlakan. Kesyo abala raw ito sa kung anu-anong bagay kaya palagi siyang naiiwan na parang ewan.

Tapos nakasalubong niya sa hallway ang delivery boy na nagdala ng in-order na agahan ni Zurick kaya nagpresenta na lamang siya na siya ang mag-aabot dito.

Pinaghalo ang gulat at simangot sa preskong mukha ni Zurick nang makita siya nito sa labas ng unit nito. Halatang nakukulitan na ito sa kanya.

"Bakit ikaw ang may dala niyan?" Pinalamig na usisa sa kanya ni Zurick na ipinagkibit-balikat niya lang.

Akmang hahablutin na ang dalang paper bag ni Zurick na may lamang pagkain mula kay Reverie nang alisto itong inilayo ni Reverie. She grin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status