Share

Kabanata 01: Contract Marriage

Author: rhiettenbyme
last update Last Updated: 2024-12-29 20:09:41

Dalawang Buwan ang Nakalipas

Sa gitna ng marangyang bulwagan, nagkalat ang mga piling panauhin, suot ang kanilang pinakamagarbong kasuotan. Ang malalaking chandelier na kristal ay nagbibigay ng malambot na liwanag sa buong silid, na parang mga bituing nakabitin sa kisame.

Sa isang sulok, nakatayo si Azriel Dela Vega sa tabi ng wine bar, hawak ang isang basong alak. Ang kanyang mamahaling suit ay bumagay sa kanyang matikas na tindig, lalo pang pinatingkad ng awtoridad na natural niyang isinusuot tulad ng isang korona. Pero sa kabila ng kanyang matikas na postura, panay ang tingin niya sa kanyang relo, tila may hinihintay.

Sa tabi niya, nakasandal sa bar counter si Dylan, ang matalik niyang kaibigan.

“Sa loob ng tatlong taon, ni katiting, wala kang naramdamang kahit ano para kay Zephyrine?” tanong ni Dylan, bahagyang nakakunot ang noo.

Bahagyang natawa si Azriel at umiling. “Paano naman ako magkaka-feelings sa babaeng ’yun, bro? Halos araw-araw kaming nagbabangayan. Parang laging may gustong patunayan. Isa pa, hindi ko talaga type ang babaeng tulad niya—masyadong matapang, masyadong palaban. Magka-clash lang kami.”

Sinimsim niya ang alak sa baso bago muling nagsalita. “At alam mo naman, wala akong panahon para sa mga ‘love life’ na ’yan. Sakit lang sa ulo.”

Napailing si Dylan. “Pre, hindi ka na bumabata. Thirty-four ka na.”

“Saka na ‘yan. Ang kompanya lang ang mahalaga sa akin.” Bahagyang lumalim ang tono ng boses ni Azriel, na parang gustong tapusin ang usapan. “Simula nang mamatay si Ate at iniwan sa akin ang negosyo, I swore to myself na gagawin ko ang lahat para mapalago pa ito.”

Tumango si Dylan. “And you did. You’re already a billionaire, bro. Hindi mo na kailangang patunayan ang kahit ano.”

“It’s not enough,” matigas na sagot ni Azriel, nakatingin sa kawalan, tila may malalim na iniisip.

Biglang bumaling si Dylan sa direksyon ng entrance. “Oh, andyan na pala ang beloved wife mo.”

Sinundan ni Azriel ang tingin nito at nakita niya si Zephyrine Rivera, ang kanyang asawa. Naka-mermaid gown ito na lalong nagpatampok sa kanyang pigura. Makinis ang kutis nito na parang porselana, at kahit halatang hindi komportable sa suot na stilettos, maganda pa rin itong lumalakad na parang isang reyna.

Sa gilid ng kanyang mata, napansin ni Azriel kung paano napapalingon ang ibang lalaki sa kanyang asawa. Pero imbes na maapektuhan, napangisi lang siya nang malamig.

Samantala, si Zephyrine ay hindi maipinta ang mukha.

Nakakainis! bulong niya sa sarili habang nagmamadaling lumakad. Kung hindi lang dahil sa utos ng Papa, hindi na talaga ako pupunta sa party na ‘to!

Nang marating niya ang pintuan ng ballroom, binuksan ito ng dalawang lalaki. Isang engrandeng party ang bumungad sa kanya—maraming bisita, maraming mamahaling alak, maraming pekeng ngiti.

Diretso ang tingin niya sa paligid, hinahanap si Azriel. Nang makita niya ito sa may wine station, nanlamig ang sikmura niya. Katulad ng dati, nakasimangot na naman ito.

Huminga siya nang malalim bago naglakad papalapit.

“Hon,” bati niya, pilit ang tono.

Napalingon si Azriel at nagtagpo ang kanilang mga mata. Isang malamig na pakiramdam ang dumaan sa pagitan nila—parang isang yelong bumagsak sa loob ng silid. Kitang-kita niya ang inis at pagkadismaya sa mukha ng asawa.

Alam na niya ang ibig sabihin ng titig nito. Late ka na naman.

Sanay na siya. Tatlong taon na silang ganito—walang pagmamahal, walang kahit anong koneksyon.

Nagpakawala siya ng pilit na ngiti. Hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan sa harap niya.

Nakatitig lang si Azriel. “Why are you so late, Zephyrine?” tanong nito, malamig ang boses.

Hindi niya gusto kung paano bumibigat ang pangalan niya sa bibig ng asawa. Napakabigat, parang isang kasalanan.

“I had an extended meeting, Azriel,” sagot niya, kaswal na sinulyapan ang paligid. Pero nang maramdaman niya ang kamay ng lalaki sa kanyang bewang, napatingin siya rito.

Mahigpit ang hawak nito sa kanya, pero hindi siya ang tinitingnan nito.

“You should know your priorities,” malamig na sabi ng lalaki.

Lihim siyang napairap. Ganoon din naman siya—lagi na lang kompanya ang iniintindi niya.

“And my company is my priority, not you,” ganting bulong niya, puno ng pang-iinsulto.

Tila hindi nagustuhan ni Azriel ang sagot niya, pero imbes na sumagot, ngumisi lang ito nang mapanukso. “Smile at the people. You’re being a brat again.”

Halos gusto niyang sabunutan ang sarili sa inis. Pero sa harap ng mga tao, kailangan nilang magpanggap.

Tatlong taon na ang nakakalipas simula nang mapilitan silang magpakasal—isang kasunduan na nagdikit sa dalawang malalaking negosyo. Walang pagmamahal. Puro negosyo.

Pero pagkatapos ng tatlong taon, magiging malaya na sila.

Tatlong buwan na lang…

Muling nanigas ang panga niya. Tatlong buwan na lang at makakalaya na ako sa lalaking ‘to.

Nang magsimula ang musika, kinaladkad siya ni Azriel papunta sa dance floor. Ipinatong niya ang kamay sa matigas na balikat ng lalaki, habang ang isa naman ay hawak nito—matibay, malamig, walang init.

Nagtama ang kanilang mga mata.

Hindi siya umatras.

“Hindi na ako makapaghintay na matapos ang tatlong buwan,” bulong ni Zephyrine, mapanuksong nakangiti.

Matalim ang tingin ni Azriel. “Can’t wait to ditch me and run off to your little flings, can you?”

Nilingon niya ito, mapang-asar ang ngiti. “Bakit, nagseselos ka na ba?”

Bahagyang lumalim ang titig ng lalaki. “Jealous? Zephyrine, in three years, I haven’t felt a single spark of attraction for you. So who cares who you’re with now?”

Sa loob niya, kumulo ang inis. Pero hindi siya nagpatalo.

“Well, I’m not exactly heartbroken to see you go either.”

At sa muling pagtama ng kanilang mga mata, alam nilang pareho—sa loob ng tatlong taon, pareho silang bihag ng isang kasunduang gusto na nilang wakasan.

Tatlong buwan na lang.

At pagkatapos noon, tuluyan na silang magiging malaya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Secret of His Obsession (POSSESSIVE BOYS SERIES 2)   Chapter 140

    Azriel froze.The world stopped.At ang tanging narinig niya ay ang munting iyak ng kanilang baby."Congratulations! It’s a baby girl!"Dahan-dahang bumagsak ang mga balikat ni Azriel habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata. "Oh my God… she's here…"Ngunit hindi pa sila tapos."Okay, Mr. Dela Vega, isa pa!" sabi ng doktor.Napabalikwas ulit si Azriel. "Ha?! May isa pa?!"Napairap si Zarraeah sa kabila ng pagod. "TWINS, AZRIEL! TWINS! KUNG GUSTO MONG BUMUO NG TEAM, TAPUSIN MO NA ANG ARENA TOUR MO NGAYON!"Muling napahawak si Azriel sa kamay niya, halos mapaigtad ulit nang lalo pang lumakas ang kapit ng asawa. "Yes, yes, love! Kaya mo 'to! Isa pa, promise, tapos na!"At isang huling pag-ire pa, isang panibagong iyak ang pumuno sa silid."Congratulations! A healthy baby boy!"Azriel was speechless.Napaluhod siya sa tabi ni Zarraeah, humahagulgol na parang bata habang hinahalikan ang kamay ng asawa. "Love… you did it. We did it."Napahinga nang malalim si Zarraeah, pagod na pagod ng

  • The Secret of His Obsession (POSSESSIVE BOYS SERIES 2)   Chapter 139

    Maagang nagising si Azriel, puno ng sigla habang naghahanda ng almusal para kay Zarraeah. Naka-apron pa siya, seryosong nagpiprito ng bacon habang sinisiguradong perfect ang sunny-side-up eggs. Everything had to be perfect—his wife was carrying their twins, and he wanted to make her morning special."Hmm, smells good," narinig niyang mahinang bulong ni Zarraeah mula sa likod niya. Napangiti siya at lumingon, pero bago pa siya makapagsalita, bigla siyang natigilan.Napangiwi si Zarraeah, hawak ang tiyan. "Azriel... I think my water just broke."Nanlaki ang mga mata ni Azriel, napaatras siya at natabig ang frying pan. "WHAT?!""My. Water. Just. Broke." Inulit ni Zarraeah, mas mabagal, habang pilit na pinapanatili ang kalmado.Nataranta si Azriel. "Oh my God. Okay! Okay! Ano'ng gagawin ko?!""Dadalhin mo ako sa ospital?" sagot ni Zarraeah, kunot-noo pero halatang inaaliw ang sarili sa kakulitan ng asawa."Yes! Yes! Ospital!" Nagsimula siyang maglakad papunta sa pinto, pero walang sapatos

  • The Secret of His Obsession (POSSESSIVE BOYS SERIES 2)   Chapter 138

    Habang tinatanggap nina Azriel at Zarraeah ang pagbati ng kanilang mga bisita, hindi maitatanggi ang saya sa kanilang mga mata. Hawak ni Azriel ang kamay ng kanyang asawa, mahigpit ngunit may banayad na pag-iingat, parang natatakot siyang mawala ito sa kanya muli."Are you happy?" bulong ni Azriel habang nakatitig kay Zarraeah.Zarraeah smiled softly, hinayaan ang sarili niyang lumubog sa init ng pagmamahal ni Azriel. "More than I ever thought I could be."Azriel’s lips curled into a soft smile, then he tightened his grip on her hand. "Good. Because I'm never letting you go."---Nagpatugtog ng isang romantic song at tinawag ng host ang bagong kasal para sa kanilang first dance. Tumayo sila sa gitna ng dance floor habang pinapalibutan ng mga ilaw at petals na unti-unting bumabagsak mula sa itaas.Azriel pulled Zarraeah close, wrapping his arms around her waist. Zarraeah rested her hands on his chest, feeling the strong, steady beat of his heart."You look stunning, Mrs. Dela Vega," bu

  • The Secret of His Obsession (POSSESSIVE BOYS SERIES 2)   Chapter 137

    Samantala, nakatayo si Aiden sa loob ng isang sikat na unibersidad sa Amerika, hawak ang isang stack ng books habang lumalakad palabas ng library. Matagal na rin mula nang umalis siya sa Pilipinas, at sa kabila ng lahat ng nangyari, alam niyang kailangan niya itong gawin—para sa sarili niya, para sa bagong simula.Ngunit kahit anong pilit niyang ituon ang sarili sa pag-aaral, hindi niya maiwasang mapaisip tungkol sa nakaraan. Kay Zarraeah. Kay Zephyrine. Sa lahat ng hinanakit at pagsubok na pinagdaanan nila.Huminga siya nang malalim at itinulak ang pinto palabas ng gusali. At doon, sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita niya siya.Isang babae ang nakatayo sa may courtyard, tila may hinahanap sa loob ng kanyang bag. Mahangin ang paligid, at bahagyang lumipad ang kanyang buhok, dahilan upang mas lumitaw ang kanyang maamong mukha.Napahinto si Aiden.Ang puso niya ay biglang bumilis ang tibok.Mula sa malayo, para siyang si Zarraeah—ang bawat kilos, ang postura, maging ang paraan ng pa

  • The Secret of His Obsession (POSSESSIVE BOYS SERIES 2)   Chapter 136

    Ang araw na hinihintay ni Azriel ay dumating na. Lahat ng plano niya, kasama ang kanyang mga kaibigan, ay nasa lugar na. Isang napakagandang garden venue sa isang private resort ang pinili nila para sa proposal—punong-puno ng fairy lights, eleganteng mga bulaklak, at isang intimate na ambiance na perpektong akma sa gabing ito.Si Miguel ang nag-asikaso ng security at VIP treatment ng mga guests. Si Dylan ang nag-manage ng decorations, ensuring na perpekto ang romantic setup. Si Nagi naman ang nag-aasikaso ng musical arrangement, kasama ang isang violinist na tutugtog ng romantic melody habang nangyayari ang proposal.---Sa Hotel Room ni Zarraeah“Bakit kailangan ko pa talagang mag-dress up?” reklamo ni Zarraeah habang nakatingin sa sarili sa salamin. Suot niya ang isang eleganteng white dress na may soft, flowy fabric, na lalong nagpapatingkad sa kanyang natural na ganda.Tumawa si Serenity habang inaayos ang buhok niya. “Wala namang masama kung maganda ka, ‘di ba? Special dinner lan

  • The Secret of His Obsession (POSSESSIVE BOYS SERIES 2)   Chapter 135

    Maagang nagising si Azriel kinabukasan, pero hindi niya inalis ang braso niyang nakayakap kay Zarraeah. Pinagmasdan niya ito—ang mapayapang mukha nito habang natutulog, ang bahagyang pagtaas-baba ng dibdib nito sa bawat hininga.He smiled. After everything, she was finally his again.Dahan-dahan niyang inalis ang isang hibla ng buhok na nakalugay sa pisngi nito bago niya marahang hinalikan ang noo nito. Pero nang gumalaw si Zarraeah at bahagyang dumilat ang mga mata nito, napangisi si Azriel.“Good morning, Mrs. Dela Vega,” he whispered in a teasing voice.Napakislot si Zarraeah, at nang maramdaman niya ang init ng katawan ni Azriel malapit sa kanya, agad siyang bumalikwas ng bangon, hinatak ang kumot para itakip sa katawan. “Azriel!” she gasped, her face turning red in an instant.Tumawa si Azriel sa reaksyon nito, halatang natutuwa sa hiya ni Zarraeah. “Bakit parang nagulat ka? Gabi pa lang, alam mo na namang hindi ka na makakatakas sa akin.”“Shut up,” she mumbled, avoiding his gaz

  • The Secret of His Obsession (POSSESSIVE BOYS SERIES 2)   Chapter 134

    Ang araw na hinihintay ni Azriel ay dumating na. Lahat ng plano niya, kasama ang kanyang mga kaibigan, ay nasa lugar na. Isang napakagandang garden venue sa isang private resort ang pinili nila para sa proposal—punong-puno ng fairy lights, eleganteng mga bulaklak, at isang intimate na ambiance na perpektong akma sa gabing ito.Si Miguel ang nag-asikaso ng security at VIP treatment ng mga guests. Si Dylan ang nag-manage ng decorations, ensuring na perpekto ang romantic setup. Si Nagi naman ang nag-aasikaso ng musical arrangement, kasama ang isang violinist na tutugtog ng romantic melody habang nangyayari ang proposal.---____“Bakit kailangan ko pa talagang mag-dress up?” reklamo ni Zarraeah habang nakatingin sa sarili sa salamin. Suot niya ang isang eleganteng white dress na may soft, flowy fabric, na lalong nagpapatingkad sa kanyang natural na ganda.Tumawa si Serenity habang inaayos ang buhok niya. “Wala namang masama kung maganda ka, ‘di ba? Special dinner lang naman ‘to.”Si Xena

  • The Secret of His Obsession (POSSESSIVE BOYS SERIES 2)   Chapter 133

    Maagang nagising si Azriel kinabukasan, pero hindi niya inalis ang braso niyang nakayakap kay Zarraeah. Pinagmasdan niya ito—ang mapayapang mukha nito habang natutulog, ang bahagyang pagtaas-baba ng dibdib nito sa bawat hininga.He smiled. After everything, she was finally his again.Dahan-dahan niyang inalis ang isang hibla ng buhok na nakalugay sa pisngi nito bago niya marahang hinalikan ang noo nito. Pero nang gumalaw si Zarraeah at bahagyang dumilat ang mga mata nito, napangisi si Azriel.“Good morning, Mrs. Dela Vega,” he whispered in a teasing voice.Napakislot si Zarraeah, at nang maramdaman niya ang init ng katawan ni Azriel malapit sa kanya, agad siyang bumalikwas ng bangon, hinatak ang kumot para itakip sa katawan. “Azriel!” she gasped, her face turning red in an instant.Tumawa si Azriel sa reaksyon nito, halatang natutuwa sa hiya ni Zarraeah. “Bakit parang nagulat ka? Gabi pa lang, alam mo na namang hindi ka na makakatakas sa akin.”“Shut up,” she mumbled, avoiding his gaz

  • The Secret of His Obsession (POSSESSIVE BOYS SERIES 2)   Chapter 132

    Tahimik na nakatingin si Zarraeah kay Azriel, hindi makapaniwala sa mga salitang binitiwan nito."Because I love you, Zarraeah. And I want to make you fall in love with me again."Mabilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung dahil sa kaba, sa gulat, o sa kilig na pilit niyang isinasantabi mula pa noon.Hindi siya nakasagot. Paano nga ba? Kapag tinititigan siya ni Azriel nang ganoon, parang natutunaw ang lahat ng depensang itinayo niya.Tiningala niya ito. "Azriel..."Ngunit bago pa niya maituloy ang sasabihin, hinaplos nito ang pisngi niya—banayad, halos parang panaginip."I missed you." Mahinang bulong ni Azriel, puno ng emosyon ang boses.Napapikit si Zarraeah nang maramdaman ang init ng palad nito sa balat niya. Hindi niya alam kung bakit, pero parang may kung anong pumunit sa loob niya."Mahal mo siya."Hindi na niya kailangang itanggi. Hindi na niya kailangang lumaban.Dahan-dahan siyang lumapit. At bago pa man niya mapigilan ang sarili, nadama na niya ang labi ni Azriel

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status