“Ang iniiiit eeeeh,” reklamo ni Zarraeah habang napapapikit, halatang hindi na alam ang ginagawa.
Napalunok si Azriel at napailing. “Naku po! Ilayo n’yo po ako sa tukso,” bulong niya habang pilit na iniiwas ang sarili. Pero nang makita niyang halos kita na ang panloob ni Zarraeah dahil nakabukas na ang mga butones ng suot nitong damit, agad niyang dinampot ang kumot at ibinalot iyon sa katawan ng dalaga. “Ayoko nitooo,” reklamo ni Zarraeah at bigla niyang hinila ang kumot, tinanggal ito sa kanyang katawan. Napaurong si Azriel, pulang-pula ang mukha, at pilit na hindi tumitingin sa dalaga. Ramdam niya ang mainit na pagdaloy ng dugo sa kanyang mukha, at kahit malamig ang paligid, butil-butil ang pawis sa kanyang noo. “Bakit ka namumula?” tanong ni Zarraeah na may halong panunukso sa tinig. Napaatras si Azriel nang maramdaman niyang dumikit ang malambot na dibdib ng dalaga sa kanyang braso. Lalong bumilis ang tibok ng puso niya, para bang may kumakabog na martilyo sa kanyang dibdib. “Lumayo ka nga, masyado kang malapit,” inis na utos niya habang bahagyang itinutulak palayo si Zarraeah. Sumimangot ang babae. “Bakit ba? Ang lamig kaya. Dito ako sa tabi mo magpapainit.” Hindi na alam ni Azriel ang gagawin. Ang lambot ng katawan ni Zarraeah, ang init ng kanyang balat, at ang amoy ng alak sa kanyang hininga ay tila isang delubyo sa kanyang katinuan. “Akala ko naiinitan ka?” iritadong sabi niya. “Doon ka nga, huwag kang lumapit sa akin.” Napansin niyang natahimik ang dalaga, kaya palihim niya itong sinilip. Nakayuko si Zarraeah, hindi kumikibo, at may lungkot sa kanyang mga mata. “Are you okay?” tanong ni Azriel, bahagyang nag-aalala. "Hindi ba ako kaakit-akit sa paningin mo? Dahil ba hindi ako si Zephyrine? Kaya ayaw mo sa akin?" Nanginginig ang boses ni Zarraeah, at ang dating mapanuksong mga mata ay ngayo’y puno ng sakit at pag-aalinlangan. Hindi nakasagot si Azriel. Hindi niya alam kung paano babasagin ang bigat ng kanyang sinabi. “Wala naman talagang may gusto sa akin,” patuloy ni Zarraeah. “Ang mga magulang ko, si Zephyrine… lahat sila gusto na akong mawala. Kaya alam kong wala akong panama kay Zephyrine. Lahat ng tao gustong-gusto siya.” Napalunok si Azriel habang nakikinig. Nakayuko siya, mahigpit na nakakuyom ang kanyang kamao. Ayaw niyang amining may hatak sa kanya ang dalaga, pero hindi niya rin kayang balewalain ang nararamdaman niya ngayon. “Don’t compare yourself to that woman,” malamig niyang sagot. “Malayong-malayo ka kay Zephyrine.” Tumingin siya sa gilid, saka mahina ngunit malinaw na idinugtong, “Isa pa… mas gusto kita kaysa sa kanya.” Nagpupumilit siyang hindi lumingon kay Zarraeah, pero alam niyang kitang-kita ng babae ang pag-iwas niya. “Eh bakit lagi mo akong pinapalayo? Bakit mo ako tinataboy?” lumuluhang tanong ni Zarraeah. Gusto niyang hawakan ang dalaga, pakalmahin ito, ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili. “K-kasi… natatakot ako,” bulong niya, halos hindi marinig ang sarili niyang tinig. “Saan? Kay Zephyrine? Eh hindi ka naman niya mahal!” “Wala akong pakialam sa kanya.” Napalunok siya at hinagod ang sariling batok. “Natatakot ako kasi baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Lalaki ako, Zarraeah! Baka hindi ako makapagpigil… lalo na kung nasa harap ko ngayon ang isang napakagandang babaeng katulad mo.” Tahimik ang sumunod na segundo. Hanggang sa lumapit si Zarraeah at marahang hinaplos ang mukha niya. “Then don’t stop yourself,” bulong niya, mapungay ang tingin, halatang wala na sa sarili dahil sa kalasingan. Hindi na alam ni Azriel kung paano pa niya lalabanan ang tukso. Nang mapansin niyang marahang lumalapit si Zarraeah, unti-unting natunaw ang kanyang pagpipigil. Bigla niyang inihiga ang dalaga sa kama. Napasinghap si Zarraeah, ngunit hindi siya pumalag. Sa halip, mas lalong nag-init ang tingin nito habang nakatingin kay Azriel na ngayo’y nakapatong sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata. Wala nang pag-aalinlangan sa pagitan nila. "Tell me to stop, then I'll stop right away," bulong ni Azriel, halos dumikit ang labi sa tenga ng dalaga. Pero hindi siya itinulak ni Zarraeah. Sa halip, ipinulupot nito ang mga kamay sa kanyang batok at hinila siya palapit. Mabilis ang tibok ng puso ni Azriel, parang sasabog sa sobrang kaba at pananabik. "Azriel…" bulong ni Zarraeah. At sa isang iglap, naglapat ang kanilang mga labi. Mainit. Mapusok. Parang matagal nang inaasam. Napaungol si Zarraeah nang lalong lumalim ang halik ni Azriel. Ang kanyang mga kamay ay humahaplos sa matigas na dibdib ng lalaki, tila naghahanap ng init. Ang mga daliri ni Azriel ay gumapang sa makinis na balat ni Zarraeah, bawat galaw ay puno ng pagnanasa. Hindi niya na kayang pigilan ang sarili— — “Tik-Tilaok!” Isang malakas na tilaok ng manok ang gumising sa babae. Napabalikwas ang babae at hinawakan ang kanyang sintido. Sumasakit ang ulo niya, parang may sumabog sa loob ng utak niya. Idinilat niya ang kanyang mga mata at napansin niyang nasa isang hindi pamilyar na silid siya. “Nasaan ba ako?” bulong niya sa sarili. Sinuyod niya ng tingin ang paligid at nanlaki ang kanyang mga mata nang mapansing katabi niya sa kama si Azriel—mahimbing na natutulog. “Anong…?” Mabilis niyang hinawakan ang sarili niyang katawan, kinapa ang suot niyang damit, at isang matalim na tingin ang lumabas sa kanyang mga mata. Wala siyang maalala. Napasinghap siya. Huwag mong sabihing… Mabilis niyang tinakpan ang kanyang bibig. "Hindi ako pwedeng mabisto ni Azriel!" bulong niya, ang mukha’y puno ng pag-aalala. “Hindi niya pwedeng malaman ang sikreto ko…” Dahan-dahan siyang tumayo, kahit nanlalambot ang tuhod niya. Mabilis niyang hinanap ang kanyang gamit, pati na rin ang susi ng sasakyan ni Azriel. Dahan-dahan siyang lumabas, nagmamadali ngunit maingat. Paglabas ng bahay, hindi niya na inisip kung saan siya pupunta. Ang tanging nasa isip niya—Kailangan kong makaalis bago siya magising.Azriel froze.The world stopped.At ang tanging narinig niya ay ang munting iyak ng kanilang baby."Congratulations! It’s a baby girl!"Dahan-dahang bumagsak ang mga balikat ni Azriel habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata. "Oh my God… she's here…"Ngunit hindi pa sila tapos."Okay, Mr. Dela Vega, isa pa!" sabi ng doktor.Napabalikwas ulit si Azriel. "Ha?! May isa pa?!"Napairap si Zarraeah sa kabila ng pagod. "TWINS, AZRIEL! TWINS! KUNG GUSTO MONG BUMUO NG TEAM, TAPUSIN MO NA ANG ARENA TOUR MO NGAYON!"Muling napahawak si Azriel sa kamay niya, halos mapaigtad ulit nang lalo pang lumakas ang kapit ng asawa. "Yes, yes, love! Kaya mo 'to! Isa pa, promise, tapos na!"At isang huling pag-ire pa, isang panibagong iyak ang pumuno sa silid."Congratulations! A healthy baby boy!"Azriel was speechless.Napaluhod siya sa tabi ni Zarraeah, humahagulgol na parang bata habang hinahalikan ang kamay ng asawa. "Love… you did it. We did it."Napahinga nang malalim si Zarraeah, pagod na pagod ng
Maagang nagising si Azriel, puno ng sigla habang naghahanda ng almusal para kay Zarraeah. Naka-apron pa siya, seryosong nagpiprito ng bacon habang sinisiguradong perfect ang sunny-side-up eggs. Everything had to be perfect—his wife was carrying their twins, and he wanted to make her morning special."Hmm, smells good," narinig niyang mahinang bulong ni Zarraeah mula sa likod niya. Napangiti siya at lumingon, pero bago pa siya makapagsalita, bigla siyang natigilan.Napangiwi si Zarraeah, hawak ang tiyan. "Azriel... I think my water just broke."Nanlaki ang mga mata ni Azriel, napaatras siya at natabig ang frying pan. "WHAT?!""My. Water. Just. Broke." Inulit ni Zarraeah, mas mabagal, habang pilit na pinapanatili ang kalmado.Nataranta si Azriel. "Oh my God. Okay! Okay! Ano'ng gagawin ko?!""Dadalhin mo ako sa ospital?" sagot ni Zarraeah, kunot-noo pero halatang inaaliw ang sarili sa kakulitan ng asawa."Yes! Yes! Ospital!" Nagsimula siyang maglakad papunta sa pinto, pero walang sapatos
Habang tinatanggap nina Azriel at Zarraeah ang pagbati ng kanilang mga bisita, hindi maitatanggi ang saya sa kanilang mga mata. Hawak ni Azriel ang kamay ng kanyang asawa, mahigpit ngunit may banayad na pag-iingat, parang natatakot siyang mawala ito sa kanya muli."Are you happy?" bulong ni Azriel habang nakatitig kay Zarraeah.Zarraeah smiled softly, hinayaan ang sarili niyang lumubog sa init ng pagmamahal ni Azriel. "More than I ever thought I could be."Azriel’s lips curled into a soft smile, then he tightened his grip on her hand. "Good. Because I'm never letting you go."---Nagpatugtog ng isang romantic song at tinawag ng host ang bagong kasal para sa kanilang first dance. Tumayo sila sa gitna ng dance floor habang pinapalibutan ng mga ilaw at petals na unti-unting bumabagsak mula sa itaas.Azriel pulled Zarraeah close, wrapping his arms around her waist. Zarraeah rested her hands on his chest, feeling the strong, steady beat of his heart."You look stunning, Mrs. Dela Vega," bu
Samantala, nakatayo si Aiden sa loob ng isang sikat na unibersidad sa Amerika, hawak ang isang stack ng books habang lumalakad palabas ng library. Matagal na rin mula nang umalis siya sa Pilipinas, at sa kabila ng lahat ng nangyari, alam niyang kailangan niya itong gawin—para sa sarili niya, para sa bagong simula.Ngunit kahit anong pilit niyang ituon ang sarili sa pag-aaral, hindi niya maiwasang mapaisip tungkol sa nakaraan. Kay Zarraeah. Kay Zephyrine. Sa lahat ng hinanakit at pagsubok na pinagdaanan nila.Huminga siya nang malalim at itinulak ang pinto palabas ng gusali. At doon, sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita niya siya.Isang babae ang nakatayo sa may courtyard, tila may hinahanap sa loob ng kanyang bag. Mahangin ang paligid, at bahagyang lumipad ang kanyang buhok, dahilan upang mas lumitaw ang kanyang maamong mukha.Napahinto si Aiden.Ang puso niya ay biglang bumilis ang tibok.Mula sa malayo, para siyang si Zarraeah—ang bawat kilos, ang postura, maging ang paraan ng pa
Ang araw na hinihintay ni Azriel ay dumating na. Lahat ng plano niya, kasama ang kanyang mga kaibigan, ay nasa lugar na. Isang napakagandang garden venue sa isang private resort ang pinili nila para sa proposal—punong-puno ng fairy lights, eleganteng mga bulaklak, at isang intimate na ambiance na perpektong akma sa gabing ito.Si Miguel ang nag-asikaso ng security at VIP treatment ng mga guests. Si Dylan ang nag-manage ng decorations, ensuring na perpekto ang romantic setup. Si Nagi naman ang nag-aasikaso ng musical arrangement, kasama ang isang violinist na tutugtog ng romantic melody habang nangyayari ang proposal.---Sa Hotel Room ni Zarraeah“Bakit kailangan ko pa talagang mag-dress up?” reklamo ni Zarraeah habang nakatingin sa sarili sa salamin. Suot niya ang isang eleganteng white dress na may soft, flowy fabric, na lalong nagpapatingkad sa kanyang natural na ganda.Tumawa si Serenity habang inaayos ang buhok niya. “Wala namang masama kung maganda ka, ‘di ba? Special dinner lan
Maagang nagising si Azriel kinabukasan, pero hindi niya inalis ang braso niyang nakayakap kay Zarraeah. Pinagmasdan niya ito—ang mapayapang mukha nito habang natutulog, ang bahagyang pagtaas-baba ng dibdib nito sa bawat hininga.He smiled. After everything, she was finally his again.Dahan-dahan niyang inalis ang isang hibla ng buhok na nakalugay sa pisngi nito bago niya marahang hinalikan ang noo nito. Pero nang gumalaw si Zarraeah at bahagyang dumilat ang mga mata nito, napangisi si Azriel.“Good morning, Mrs. Dela Vega,” he whispered in a teasing voice.Napakislot si Zarraeah, at nang maramdaman niya ang init ng katawan ni Azriel malapit sa kanya, agad siyang bumalikwas ng bangon, hinatak ang kumot para itakip sa katawan. “Azriel!” she gasped, her face turning red in an instant.Tumawa si Azriel sa reaksyon nito, halatang natutuwa sa hiya ni Zarraeah. “Bakit parang nagulat ka? Gabi pa lang, alam mo na namang hindi ka na makakatakas sa akin.”“Shut up,” she mumbled, avoiding his gaz