Share

Chapter 4: uncovering the truth about Aris

THIRD PERSON POV

Saturday, nasa office si Falcon nang naisip niyang tawagan si Ken. Isang genius si Ken kung technology ang pag uusapan.

"Ken, may ipapagawa ako sayo. Don't worry babayaran kita."

Sumagot si Ken sa kabilang linya. "Magkano?" pera ang naisip niya agad bago pa ang ipapagawa sa kaniya. Ganito talaga siya noon pa, mapera kahit na nagpapatakbo ng malaking establishment ang kaniyang ama. 

"3 per hour." Medyo kuripot si Falcon ngayon.

Hindi makapaniwala naman si Ken sa inasta ng kaibigan lalo pat nagmamay ari na ito ng malakig company na nagpapatakbo ng limang subs. "Baliw ka ba? Mas mataas pa ang payment ko sa part time!"

"Okay fine! 5 na lang."

"Ano! 15."

"Are you crazy. 7."

"Kulang. 12 na lang."

"Masyadong mataas, 9."

"Gusto mong gawin. Ikaw na lang gumawa. I'm tired anyway. I need to rest."

"Sige na sige na 10. Highest offer na yun."

Napangiti naman si Ken sa tugon nito. Katunayan eight thousand lang ang kinikita nito sa part time at per project pa iyon.

Inend call na nilang dalawa ang tawag. 

Nagulat si Ken ng makita ang follow up message ni Falcon. :"Aris Camleron":

'Ano naman ang meron kay Aris?' curious si Ken sa pinaggagawa ni Falcon sa kaniya. 

Gagawin niya tutal babayaran naman siya ng malaki. 

Medyo matagal na din niyang hindi nagagamit ang computer skills na tinuro ng uncle niya noong bata pa siya. 

Madali niyang naaccess ang ilang files ng National sa loob ng six hours pero hindi siya makapasok sa firewall dahil kakailanganin niya ng ilang code attemps. 

Araw ng Linggo ay personal niyang binisita ang uncle niya para dito. 

Isang old house ang nadatnan niya sa kabilang bayan. Maraming nakapaligid na bulaklak na para bang tahanan ito ng dalaga. 

"Uncle!" malakas na sigaw ni Ken sabay pagbulabog sa pintuan. 

Biglang bumukas ang pinto at tumambad ang isang may katandaan ng lalaki na may suot ng gusot gusot na pantulog.

"Anyare sa iyo, madaling araw mukha kang pulubi sa kanto" pagbati ni Ken sa kaniya.

"Anong sabi mo?" Malakas ang batok niya sa ulo ni Ken.

"Aray! Nagdala ako ng prutas."

"Ano na naman kailangan mo sa akin?"

"Uncle naman eh. Nagdala lang ng fruits may kailangan na?"

"Ganiyan ka naman diba? Kung may problema lang saka ako naaalala. May paprutas prutas ka pa! Para ano? Pansuhol? Alis ka na! Matutulog pa ako. Disturbo ka lang," pagtatakwil ng matanda sa kaniya.

"May inorder akong bulaklak, 500 thousand ang bili ko don. I cancel ko na lang."

"Ano? Saan mo binili? Pasok ka na anak, may kailangan ka diba." Nanlalaki ang mga mata ng matanda na hinila ang pamangkin sa loob ng bahay niya.

Umupo sila pareho. Nagkatinginan at hindi nagsalita ng ilang segundo.

"Ano na?!!" sigaw ng matanda kay Ken na nainis na dahil sa tingin niya ay nagsasayang sila ng oras.

Nagulat si Ken. "Ano? hindi mo man lang ako bibigyan ng coffee? or aayahin sa snack? Bisita kaya ako."

Nanlaki na naman ang mata ng matanda. Babatuka na sana pero "Hay! Manang mana talaga sa ama." Wala na itong nagawa at tumayo para kumuha ng snacks sa kitchen.

Agad namang binuksan ni Ken ang dalang backpack para ipasolve sa inaama ang problem sa ginagawa niya.

Nang makabalik na ang matanda sa sala ay tinabihan ang inaanak. Ginanahan siya ng makita ang computer sa table. 

Isang computer expert ang uncle ni Ken kaya madali lamang ang pinapagawa niya. 

Naglabas siya ng ibang mga kagamitan mula sa kaniyang kwarto. Inabot na niya ang computer at si Ken naman ay kumakain ng miryenda. 

Para sa isang computer expert ay hindi mahirap ang ipinapagawa ni Ken pero hindi rin yun madali.

Napatingin ang matanda kay Ken ilang sandali ang makalipas. "Oh bakit?" Kinapa kapa pa niya ang kaniyang mukha kung may natirang pagkain.

Nakatitig pa rin ang matanda sa kaniya kaya dagling inagaw ni Ken ang computer. Nakayanan ng uncle niya na makapasok sa firewall at tumambad ang ilang files sa name ni Aris Camleron.

Natulala na din siya sa nakita. "Ano?"

"Alam mo ba kung bakit ipinapagawa to ni Falcon sa iyo?"

"Hindi. Siguro ipinakilala ni Ellaine si Aris at nagustuhan ng lalaking yun kaya gustong ipasilip ang files niya." Naisip ni Ken na ito ang dahilan sapagkat maganda si Aris at medyo may pagkababaero si Falcon.

Binatukan na naman ng matanda ang ulo ni Ken. "Tanga ka ba? Edi sana tinanong na lang."

"Tanga ka rin ba!" napabulyaw na rin si Ken sa uncle niya at mukhang nakalimutan na mas matanda ito sa kanya. "Baguhan lang yung si Aris. Sino naman ang magtatanong ng ganito doon."

Napakunot noo ang matanda sa sinabi ni Ken. "Ano kamo? Baguhan?"

"Oo transferee si Aris sa school namin last week lang."

Hindi alam ni Ken na ang lahat ng nailantad niya ay makabuluhang impormasyon na maaaring gamitin ng matanda. At higit sa kaalaman ng lahat, ang uncle ni Ken ay hindi lamang isang computer expertise kundi isang undercover cop sa bayang ito. Hindi alam ni Ken yun dahil walang nakakaalam kundi ang chief at ang taong ito lamang.

'Huli ka Leandro Salvador!' mapangising pag iisip ng matanda. 

"Babayaran kita Ken basta huwag mo munang ipaalam to sa iba," sabi ng matanda sa inaanak na nagliligpit na ng gamit. Nagpatuloy siya sa pagsasalita "Isa pa illegal ang ginagawa mo at maaari kitang ikulong."

"Ano? Babayaran ako dito ng malaki at isa din hindi mo magagawa yun, retired ka na di ba?", yun ang pagkakaalam ni Ken sa inaama niya kaya't hindi siya natakot sa banta nito. 

Umiling lang ang uncle niya. "Konektado parin ako sa pulisya tsaka wag ka na ngang magreklamo babayaran nga kita diba basta manahimik ka lang sa bagay na ito."

"Talaga? 10 per hour ang sahod ko kung icacalculate yun aabot ng 420 thousand!" pagyayabang niya. 

Nagulat naman ang matanda sa sinabi nito. 'Talaga ngang malaki yun!' nagsasalita naman siya sa isipan niya. Pero hindi na siya nakipagresbakan at tinaasan pa ang numero. "Gawin ko nang 500 basta wag kang magbubukas ng bibig, lagot ka sa akin bata ka!" 

Ginanahan si Ken sa sinabi ng uncle niya. Sa katunayan alam niyang may itinatagong gold ang matanda at napakadamot lang nito kaya umaasta siyang poor. Halos mapaniwala na niya ang entire city na isa siyang nagluluksang plantito sa bayan. Hindi nila alam na kasali siya sa third class family. 

"Oh BA account number ko. Kailangan nakatransfer na bukas o ikaw ang lagot sa akin," nagyabang pa si Ken sa puntong ito. Muntik na naman siyang tamaan ng batok ng matanda. Buti na lang nakaligtas niya at dagliang nakalabas sa bahay na iyon. 

"Hays, ang yabang!" pahuling asta ng matanda. Mukha siyang naiinis pero ang totoo niyan. Nag eenjoy siyang masyado kung binibisita siya ng pamangkin niyang si Ken dahil sa pareho niya itong mabiro at halos hindi magpapatalo sa tuksuan. 

Halos hindi maalis sa utak ni Ken ang natuklasan kanina. Iniisip niya ang maaaring mangyari sa oras na ilalantad niya iyon sa mga kaibigan tiyak na masisira si Aris. 

Hindi niya binabalak na sirain ang babaeng ito. Mabait si Ken kaya hindi niya kayang gawin iyon. Wala talaga siyang balak na sabihin ang natuklasan niya kay Falcon kahit pa malaki ang ibabayad dito. Pero nang dahil nagsalita ang uncle niya ay mas maganda pa ang naging kinalabasan non. 

Perfect na yun. Kaya napakasaya niya kahit pa nagmamaneho siya sa highway ay hindi niya maiwasang magpatugtog ng napakalakas na kanta at sabayan ito.

Ilang oras ang biyahe niya ng makauwi na siya sa apartment niya.

Nang maggagabi na ay napag isipan niyang tawagan si Falcon at sabihin ang nangyari.

"O kumusta na?" pagsagot ng kaibigan sa kabilang linya. 

"Ano eh. Hindi ko maaccess ang ibang files pero basic informations lang ang nakita ko. Should I send it?"

"No. Hayaan na impossible naman kasi na mangyari yun." Medyo mahina ang pagkakasabi ni Falcon pero narinig yun ni Ken.

"Anu yun diko narinig tol?" pagsisinungaling ni Ken.

"Wala. Masyadong mahirap ang ipinagawa ko but don't worry bayaran ko na lang effort mo," napatawa pa si Falcon sa kabilang linya. 

Tatanggi na sana si Ken kaso pera yun eh. Tutal hindi naman kawalan ang kaibigan niya ng piso ay hahayaan na lang niya.

"Bahala ka tol but I think my card is really waving. Im broke. Isipin mo na lang na gift mo yan sa akin tutal malapit din birthday ko kahit wag ka na pumunta okay na sa akin." Mas malakas pa ang hatak ng tawa ni Ken kaya hindi napigilan ni Falcon na tumawa na rin.

"Baliw ka talaga kahit kailan Ken. Wag ka na magbirthday di ka naman tatanda." Mas lalo pa silang napahalakhak sa huling sinabi ni Falcon bago nila i end pareho ang call nila.

--...--

Monday morning.

Morning break time.

Mula sa di kalayuan ay nakasandal si Ken sa malaking pine tree kasama si James na siya namang naglalaro ng online game na kina aadict an niya.

Nakasandal at nakatitig si Ken sa dalawang babae na masayang nagkukuwentuhan sa isang table stone sa may school park. 

Mala angel ang ngiti ni Aris na noong isang araw pa niya napansin noong nakatitig si King sa kaniya sa cafeteria. Ngunit hindi niya maibaling ang tingin niya sa kasama ni Aris na si Ellaine. 

Maganda ito at namumula lalo na kung maarawan. Noon pa niya pinagtatago ang nararamdaman niya kay Ellaine. Nagsimula ang pagtingin niya sa babae noong kindergarten pa sila. Pareho sila ng school ma pinasukan mula kinder hanggang ngayon na seniors na sila. 

Hindi nagkaroon ng lakas ng loob si Ken na ipagtapat ito lalo pat matalik na magkaibigan ang mga magulang nila. Iniisip niya na baka bilang friend o brother ang turing ni Ellaine sa kaniya. 

Pero ngayong malaki na sila ay kailangan niyang mailabas ang nararamdaman niya kundi tuluyan na siyang mababaliw dito. Isa pa nagtatanda na siya.

Noong isang gabi na lumabas sila ay magtatapat na sana siya pero present ang parehong friend groups kaya masyadong marami ang makikinig at natatakot siya sa kalalabasan non. 

Nang isagawa ang party ni King ay naisipan niya uli ngunit hindi natuloy dahil umalis si Ellaine  kaagad ng nagpakita si Aris sa harapan nila. Naisip niya na hindi siya pinapayagan ng tadhana. Magahahanap siya ng oras pero hindi ngayon.

--...- 

Sa may park naman ay nag uusap sina Ellaine at Aris ng mapansing kanina pa nakatitig si Ken sa kanilang dalawa. 

"Ano naman kailangan niya sa atin at para siyang multo kung makatitig?" natanong ni Ellaine sa kaibigan.

Napahikbi si Aris. "Balik na tayo, we only have five minutes."

Tumayo sila agad at naglakad patungo sa backdoor. Doon na sila dumaan para makaiwas sa mga friends ni Ken lalo na kay King at baka bigla siyang susulpot doon. Hindi pa nakakalimutan ni Aris ang huling nangyari sa party kaya nga noong umaga ay nagpa late siya para hindi makita ang lalaking iyon sa morning ceremony. 

Nang makabalik sila sa classroom ay pinili nila ang last row na upuan. 

Nang magsimula na ang fourth period ay sumulpot si King sa pintuan. Sa puntong ito ay kinabahan si Aris. 

"I see you're joining my class Mr. Suprezo."  Nagulat na nakatingin si Mr. Pineta kay King. 

Ngumiti naman na tumugon si King sa kaniya. "Yes sir. You don't like it?" Humingi pa siya ng confirmation sa guro na ikinatuwa ng ibang students. 

"Of course its more than like it. It's the first time I see your face on MONDAY." Diniinan ng guro ang pagkakasabi ng monday. 

"I declared no training for today sir."  Ngumisi siyang sumagot at tuluyang naglakad para umupo sa front row kung nasaan ang mga friends niya.

"Owkay that's it. The king is joining my class on monday so let's start the lesson for today!" nagwika na ang guro at lahat naman ay naghanda na sa pakikinig.

Hindi makaiwas ng tingin si Aris kay King habang papalapit ng matapos ang last morning period nila. Natatakot siya na baka lapitan siya sa lunch break at mangyari na naman na takutin siya nito. 

"Aris, calm down." Hinawakan ni Ellaine ang balikat ni Aris nang mapansin ang ikinikilos nito. 

"Im scared Elle."

"Hindi na kita bibitawan this time promise. Basta huwag nating pansinin."

"THAT'S ALL FOR TODAY!!" Saktong bigkas ng guro nang tumunog na rin ang bell.

Hinintay nilang lumabas sina Vivy at siya namang sumabay sila. Sa ganitong paraan ay hindi sila mahaharangan ng personal dahil kasama nila si Vivy.

Huli na nang makalabas sila at magtungo sa cafeteria.

Gaya ng dati ay kumakain silang lahat sa iisang table ng biglang lumapit ang isang lalaki at nakiupo sa kanila. Nasa pagitan siya ni Ellaine at Vivy dahil doon lang naman ang natitirang space na pwede niyang upuan. 

"King?" Nagulat ang lahat sa ikinilos ni King lalo na si Vivy at tinabihan pa siya. Tunay ngang king and queen sila. Napamangha nila ang ilang students doon na nakapansin sa kanila at ang iba pa ay kumuha ng pictures. 

Masayang nakisalo sa kainan si King at lahat naman ng magkakaibigan na nakapaligid sa kaniya ay tinanggap siya ng masayahin liban kay Aris na patuloy parin sa panginginig at hindi nakakain ng husto. 

Ano ba naman kasi at bawat ngiti ni King ay may pag aagaw tingin kay Aris na parang pinagbabantaan ito. Halos mapukol na nga ang kaliwang kamay ni Ellaine sa higpit ng hawak ng kaibigan niya. 

Nang makakain na sila ay nanghahanda ng umalis ang magkakaibigan. Magpapaliban muna sina Ellaine at Aris at hihintaying makaalis ang lahat. 

Napatayo na si Vivy pero hindi rin gumagalaw si King at nanatili sa upuan niya tulad nina Ellaine. "You're not coming?" natanong pa ni Vivy at nagtataka kung bakit hindi siya sinasamahan ng hari niya. 

Sumagot naman si King habang pinupunasan ang mesa sa pwesto niya. "No, I'll catch by." 

Sa isang salita ni King ay hindi na siya pipilitin ni Vivy dahil alam niya ang rules dito. Si King ang masusunod at kung pipilitin niyang sumama pa sa kaniya ay baka ikainis la nito at mapapahiya lang siya kaya umalis na siya.

Nanatili sina Ellaine at Aris na nakaupo at hinihintay na makaalis si King pero mukha yatang wala siyang balak na maunat sa kinauupuan niya. 

Balak din namang kausapin ni Ellaine si King dahil concern siya sa idinudulot nito kay Aris. 

"King, you know that this is not right," bigkas ni Ellaine at bahagyang tumingin sa kaniya.

Sumabat si King na hindi man lang tumitingin kay Ellaine. "O so you decide what's right and not right, now huh?" 

"King pwede ba. She has almost freaked out sa ginawa mo last time and your planning to continue this right now?"

Bumaling na si King ng tingin at tiningnan ng madiin si Aris. "Oh are you? Aris?"

Kumusilap si Aris sa kaniya na siyang ikinatuwa ni King. 

"Stop it King. Tara na Aris."

Nang tatayo na sana sila ay nagwika pa si King. "I touched her Ellaine, she is mine! You know the rules!"

Napatingin na naman ng wala sa oras si Ellaine kay King. "Then I'm sorry to say this but I promised to not let her go. So if you want her, expect that I'm always there. I don't break promises King. Alam mo yan." Mukhang matapang si Ellaine na nagsalita ng ganito kay King. 

Pero totoo yun. Alam ni King ang pagkatao ni Ellaine na hindi ito basta basta nagbibitaw ng pangako.

"Cut the shit Ellaine! Drop it don't try me!" marahas pa rin si King dahil alam niyang siya ang masusunod. 

Mukhang isinawalang bahala ni Ellaine yun at hinila si Aris paalis ng cafeteria. 

Nang makalabas sila ay pinagpipiyestahan sila ng tingin ng ibang mga studyante habang nakatutok sa kanilang andriods. 

Alam na ni Ellaine ang nangyayari. May kumalat na naman sa group page ng Sebastian high, kaya inilabas niya ang phone niya.

"Ano?!!" gulat na gulat siyang nakatitig sa screen na siya na ring tiningnan ni Aris. 

Nagkatinginan sila pareho sa nabasa nilang headline- New Queen Spotted! To Miss Ellaine Harisson open for Voting!

"Woah!" Namangha na din si Aris sa nangyari. 

Sa maikling panahon na kagagawan ni King ay pinagpipiyestahan na. Ganito talaga kapopular si King sa entire school body. Nagagawang malaking bagay ang lahat ng maliliit na kilos niya sa mata ng nakakarami.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status