Share

Chapter 4: Work

Hyness didn't know where she landed because of her walk. Masyadong malalim ang kanyang iniisip kaya di niya inaasahan na mapapadpad siya sa isang palaruan. She watched the children play happily at hiniling na sana ganon na lang din siya kasaya sa mga oras na ayon.

Hindi na rin niya naituloy ang kanyang pag aaral. Nagtatalo ang isip niya. Gusto niyang suwayin ang kanyang magulang. Gusto niyang pumasok sa paaralan at ilabas na lang pera ngunit hindi niya alam kung saan siya huhugot ng lakas.

Isang buwan pa ang lumipas at naging successful ang operasyon ni Lily. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kinakausap ng kanyang ina, mas lalo itong nagalit sa kanya ng malaman nito na ibenenta niya ang sarili niya para lamang maipagamot ang kapatid.

Kahit sino naman siguro ay magagalit kung ganon ang ginagawa but for Hyness mas inisip niya ang kapatid niya na nag-aagaw buhay.

Kinabukasan, napakurap si Hyness sa lalaking may magandang tindig na ngayon ay nasa harapan ng kanilang bahay. Naka tuxedo pa ito habang nasa maayos na lagay ang mga buhok na akala mo'y koreano na nakikita niya sa tv.

"Sino po sila?" Magalang na tanong niya.

"You are Hyness Savedra, right?" Buo at matikas na tanong ng lalaki sa kanya.

"Ay opo, ako nga po ayon." Tango niya habang seryoso pa ring nakatingin sa kanya ang lalaki.

"I'm David Siman, Assistant of the Montefalco Corp." Magalang na saad ng lalaki sa kaniya. Yumuko naman siya bilang pag galang.

"Ano po maipaglilingkod ko?" Taka na tanong niya.

Pinapasok naman ni Hyness ang lalaki na nag ngangalang David sa kanilang sala at binigyan ng tubig.

"50 thousand a month?" Hindi makapaniwala na tanong niya. "Seryoso po ba?" Paninigurado pa ni Hyness at tumango naman ang lalaki.

"Yes, at kung papayag ka ay bukas na bukas pwede ka ng mag start." Sabi pa ng lalaki.

Natahimik naman si Hyness at saglit na nag isip ng pumasok ang kanyang ama at ina na halos kadadating lamang.

Naguguluhan man ang kanyang magulang base sa itsura ay nagpasalamat naman siya dahil hindi nagbunganga ang kanyang ina.

"Ay opo, tatanggapin po yan ni Nessa." Napalingon siya sa kanyang ina dahil sa naging sagot. "Di'ba Nessa?" Baling sa kanya ng kanyang ina ngunit parang may kung anong bumara sa lalamunan niya kaya bahagya siyang napatango na lang.

Wala na siyang magagawa kundi tanggapin ang trabaho, 50 thousand monthly ay malaking tulong na para sa pamilya niya at gastusin sa bahay.

Agad ring nagpaalam ang lalaki sa kanila at magalang naman na nagpaalam rin sila.

Pagkapasok sa loob at akmang aakyat sa kwarto ng marinig ang sinabi ng kanyang ina.

"Kung balak mong tumanggi sa trabaho h'wag mo ng balakin Nessa. Trabaho na ang nalapit sa'yo kaya tanggapin mo ng makatulong kana sa pamilya natin at ayoko ng mabalitaan na nakikipag kirihan ka pa sa kung kani-kanino. Trabaho ang atupagin mo." Mahabang sabi sa kanya ng kanyang ina.

Hindi malaman ni Hyness kung ano ang dapat maramdaman sa kanyang narinig sa sinabi ng kanyang ina. Hindi pa rin talaga siya mapatawad nito sa kanyang naging kasalanan. Tumango na lang siya sa ina at nagtuloy na sa kanyang kwarto. Laglag na naman ang kanyang luha na nahiga sa kanyang matigas na katre.

Kung tutuusin kasi ay pwede na naman na hindi siya magtatrabaho. Ang 50 milyon na hawak niya ay kayang kaya na silang iangat sa kahirapan ngunit alam niya na magagalit lang lalo sa kanya ang kanyang ama't-ina kung ilalabas niya ayon at sasabihin sa kanila lalo na kung malalaman kung saan nga ba nanggaling ang ganong kalaki na halaga ng pera.

Wala namang ibang ginawa sa bahay si Hyness kundi ang mag imis at magluto, naglaba na rin siya ng kanilang tubal dahil kinabukasan ay mag start na siya sa kanyang trabaho.

Nahihiwagaan naman siya sa damit na lalabahan niya ngayon. May dala kasi kanina ang lalaki na magiging uniform nito sa trabaho at ng isukat niya yon ay tamang tama lamang sa kanyang katawan animo'y nakakatiyak din ito tatanggapin ko agad ang trabaho.

"Paano nila nalaman ang sukat mo, ate?" Tanong sa kanya ni Lily habang nakaupo sa bangkito at nanunood sa paglalaba niya.

"Hindi ko nga rin alam, baka sadyang nagkataon lang." Sagot niya.

"Imposible naman 'yon." Nahihiwagaan pa rin na sagot ng kanyang kapatid.

"Walang imposible doon Lily, isa sa pinakasikat na kompanya 'yon. Malay mo may pasadya na uniform at halos hindi sila natanggap ng matataba." Pag dadahilan na lang niya dahil kahit siya ay di rin naman ang dahilan.

"Ganon? Basta ate, libre ha sa unang sweldo mo." May pagbaba at taas pa na kilay na sabi sa kanya ni Lily.

Ngumiti naman ng malawak si Hyness at agaran na tumango.

"Gusto mo ba ibili ka ni ate ng cellphone, at iba pang gamit mo lalo sa pagpasok mo?" Sabi niya sa kapatid.

Nakita naman niya ang tuwa at galak sa mukha ni Lily kahit ang mga mata nito ay daig pang bituin na kumikinang.

"Oo naman ate! Tunay ba yan?" Paninigurado nito sa kanya at isang tango ang isinagot niya dito.

"Walang imposible, Lily basta magtapos ka ng pag aaral. Ipangako mo rin na hindi kana magkakasakit, okay." Malumanay na sabi niya. "Bibilhan ka ni ate ng kahit na ano basta magiging mabait ka kina nanay at tatay ha." Dugtong pa niya.

Napalingon naman sila sa may pintuan ng makarinig ng tikhim. Nakita niya doon ang kanyang ina na nakatayo at wari'y kanina pang nakikinig sa kanilang pinag uusapan.

"Nay!" Nakangiti na bati ni Lily sa kanilang ina. "Magiging mabuting anak at kapatid ako nay tsaka mag aaral ng mabuti." Dugtong pa ni Lily.

Napakita naman ni Hyness ang paghaplos ng kanyang ina sa buhok ni Lily at hinagod ang likod. Nilagyan ng kanyang ina ng towel ang likod ni Lily bago hinaplos muli ang buhok nito.

"Pumasok ka muna sa loob, Lily. Maguusap lamang kami ng ate mo." Napatigil siya sa pagkukusot dahil sa narinig.

Sinunod naman ni Lily ang kanilang ina at pumasok na sa loob. Hindi maiwasan ni Hyness ang kabahan at sinundan ang ina sa likod bahay bago naupo sa upuan malapit sa puno ng mangga kung saan nakita niyang nakaupo ang bagong lipat noong isang araw dito.

"Nessa." Mahinang usal ng kanyang ina at rinig na rinig ang malalim na pagbuntong hininga.

"May ipag uutos po ba kayo?" Magalang na tanong niya habang nakatayo pa rin at naka dak'op ang mga kamay.

Bahagyang tinapik ng kanyang ina ang katabi na upuan hudyat ng pagpapaupo nito sa kanya na agad din naman niyang sinunod. Halos mapaigtad si Hyness ng maramdaman ang mainit na palad nito na humaplos sa kanyang mga kamay.

"Nessa anak." Panimula ng nito at humarap sa kanya. Ngayon ay natitigan muli ni Hyness ang mata ng kanyang ina na nangungusap, parang may gustong sabihin na hindi niya magawang matukoy kung ano man 'yon. "Pagpasensyahan mo na si nanay anak." Dugtong pa ng ina kaya agad naman siyang napahikbi.

Hindi agad siya makaimik basta ang alam nalang niya ay hinigpit ni Hyness ng sobrang higpit ang kanyang ina. Nauunawaan naman niya ang kanyang ina kaya hindi na nito kailangan pang magpaliwanag. Masaya na siya na humingi ng pasensya ang kanyang ina at sa wakas magiging maayos na ulit sila.

"Sorry, nay kung nagawa ko man po ang bagay na 'yon. Sorry po kung nadismaya ko kayo. Hindi na po mauulit at pinapangako po na magtatrabaho ako ng maayos para sa inyo." Iyak niya sa kanyang ina. Hinaplos naman nito ang kanyang likod upang kumalma mula sa pag iyak.

"Ang daya naman, pasali naman ako." Bahagyang napatawa sila ng kanyang ina habang nag pupunas ng luha ng marinig ang maliit na boses ni Lily sa kung saan bago yumakap rin ng kay higpit.

Para tuloy silang baliw na magkakayakap habang umiiyak at sinasabayan 'yon ng tawa.

"Kayo'y magsipasok na dito, para kayo riyang mga baliw." Mas lalo silang napatawa ng similip sa may bintana ang kanilang ama habang naiiling.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status