Share

Chapter 5: Montefalco Corp

Tinulungan si Hyness ng kanyang ina sa kanyang nilalabahan na damit, ang ina na rin niya ang sampay. Gumaan naman ang pakiramdam niya at lagi na siyang nakangiti dahil naging maayos na sila ng kangang ina.

"Nay ako na po ang magluluto." Sabi niya sa ina at tinangka na agawin ang kaldero.

"Ako na dito, magpahinga kana at samahan mo nalang doon sa Lily." Nakangiti na ani ng kanyang ina.

"Per-"

"Wala ng pero-pero Nessa." Pagpuputol ng kanyang ina sa kanyang pagtutol. "Ipakilala mo rin yang boyfriend mo sa amin Nessa ha, dapat lang na panagutan ka niya." Nawala ang ngiti sa labi niya dahil sa sinabi ng kanyang ina.

Parang may tinik na nagbara bigla sa kanyang lalamunan at hindi agad naka imik.

"Sumulong kana doon, hindi naman kita pinipilit na ipakilala siya samin." Nakahinga siya ng maluwag dahil sa narinig.

Ngumiti naman siya sa kanyang ina ng tumingin ito sa kanya ngunit nauwi ang kanyang ngiti sa isang ngiwi.

"Lily, pag laki mo anong gusto mo maging?" Tanong niya sa kapatid na ngayon ay nakahiga at nakaunan sa kanyang mga binti sa labas ng kanilang bahay.

"Simple lang ate, maging isang nurse." Sagot sa kanya nito.

"Talaga?" Paninigurado niya at tumango naman sa kanya si Lily. "Kaya magtatrabaho si ate kaya mag aral ka ng mabuti ha para makamit mo ang pangarap mo." Dugtong pa niya na sabi sa kapatid.

Binigyan naman ni Lily ng isang totoong ngiti ang kanyang ate.

"Ikaw, anong gusto mong maging ate?" Napalunok siya ng magtanong din sa kanya si Lily.

Iimik na sana siya ng bigla namang tawagin sila ng kanyang ina dahil nakahanda na ang hapag.

Masaya silang kumain na puno ng tawa ang buong kusina. May ngiti sa mga labi si Hyness na natulog noong gabing 'yon.

Alas-4 pa lang ng umaga ay nagising na si Hyness ngunit nataka siya ng maabutan ang kanyang ina na naglalagay ng kanin sa isang binalutan. Meroon ding di kalakihan na bote at mukhang bagong bili ayon.

"Nay, bakit ang aga niyo pong nagising?" Tanong niya sa ina ng makalapit sa siya sa pwesto nito.

"Kumain kana riyan para makaligo kana." Sala na sagot sa kanya ng kanyang ina.

"May pupuntahan po ba kayo?" Tanong pa niya habang nagsasandok ng kanin sa kanyang plato.

"Para sa'yo yan anak, unang araw mo sa trabaho kaya hayaan mo na pagsilbihan kita. Basta kumain kana riyan at paplanyahin ko ang iyong damit na isusuot. Maiwan na muna kita." Mahabang sabi ng ina bago tumalikod na sa kanya.

Naiwan siyang magisa sa kusina at di maiwasan na mapangiti kasabay ng pag uunahan ng masagana niyang luha sa pagpatak.

Nang nakatapos si Hyness sa pagkain ay agad naman siyang naligo dahil baka malate siya, kailangan pa kasi niyang sumakay ng dalawang sakay bago makarating sa naturang kompanya na kanyang pagtatrabahuhan.

Siya kasi ang magiging secretary ng CEO doon kaya dapat ay mas maagap siya kesa sa kanyang magiging boss.

"Mag iingat ka ha." Sambit ng kanyang ina at hinalikan siya sa kanyang pisngi.

"Babye ate." Saad naman ni Lily.

Ang kanya namang ama ay tumango lamang sa kanya at ngumiti.

"Babalik rin naman po ako nay, Lily." Natatawa niyang sambit.

Kumaway pa siya bago tuluyang maglakad sa kanto, nakahinga naman siya ng maluwag ng wala siyang nakita na Freiya upang sirain ang araw niya.

Tumabi naman siya saglit ng may dumaan na magarang sasakyan at nilagpasan siya. Mukang yayamanin ang may ari ng sasakyan pero bakit naman kaya mas pinili na manirahan sa ganitong kasikip na lugar?

Nagkibit balikat si Hyness at nag abang na ng kaniyang masasakyan.

Bago pa man sumapit ang alas-6 ay nakarating na agad siya sa kompanya na kaniyang pagtatrabahuhan. Halos pasukan ng langaw ang kanyang bibig dahil sa pagnganga at hindi makapaniwalang tayog ng building na pag mamay-ari ng kanyang magiging boss.

"Grabe." Hindi makapaniwala na usal ni Hyness at timingin sa paligid.

Huminga muna siya ng malalim bago tumapak sa floor ng pathway, pakiramdam niya ay isa siyang bata na naliligaw at hindi alaman ang gagawin hanggang sa siya ay makarating sa entrance ng building.

Pakiramdam niya na ang lahat ng tao doon ay nakatingin sa kanya.

"Ms. Savedra?" Napatingin siya sa lalaki na nagsalita sa kanyang harapan ng makapasok siya sa loob.

"Yes po." Magalang na sagot niya at ng mamukaan niya ang lalaki ay agad siyang yumuko. "Good morning po Mr. David." Yuko na bati niyang muli at tipid namang ngumiti sa kanya si David.

Iniuli siya ni Sir David hindi man sa buong building ngunit sinabi rin nito ang bawal at dapat lang na gagawin lalo na ang importante tungkol sa CEO. Puro tango lang naman ang kanyang ginawa at iniwan na siya sa harap ng office ng kanyang magiging boss.

Saktong alas-7 na ng umaga ng bumukas ang elevator at halos takasan ng kaluluwa si Hyness dahil sa lalaki na lumabas mula sa elevator. Pakiramdam niya ay nawalan ng hangin ang buong paligid na ginagalawan niya at may kung anong bumara sa lalamunan niya.

"G-good morning sir." Magalang na bigay bati niya ng malapit na ito sa pwesto niya bago yumuko.

"At my office, now!" Halos matumba si Hyness sa pamamaraan ng pagsalita ng kanyang boss. Para itong galit at kulang na lang ay magbuga ng apoy.

"You fvcking idiot! Simpleng trabaho lamang hindi niyo pa magawa!" Napaigtad siya sa sigaw ng kanyang boss.

Parang siya ay maiihi na sa kaba dahil sa awra na ipinapakita ng amo niya.

"And you!" Napakagat labi naman si Hyness ng masama siyang tingnan ng kanyang boss. "Encode all those papers." Turo pa niya sa kabilang side kung saan may tambak na papel ang nakapatong sa mesa. "When that is done, take it to the HR Department and find Mr. Sandoval." Dugtong pa nito kaya wala naman humpay sa pagtango si Hyness dahil na rin sa kaba.

Napansin naman ng binata ang kaba na nararamdaman sa kanya ng dalaga. Kaya huminga ito ng malalim upang ikalma ang sarili.

"Okay po sir." Yuko naman ni Hyness sa kanyang boss bago nagtungo sa desk kung saan naroon ang mga papel.

"Just call me Sir James." Napatigil naman sa paglalakad si Hyness at nahiwagaan na tumingin sa kanyang amo dahil sa malumanay na imik at boses nito.

"O-okay po. S-sir J-james." Magalang ngunit kabado na sagot niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status