Share

Chapter 3: Pictures

She did what she had to do to save her sister…

Naupo siya sa mamahaling upuan at pinag pilian ng mga bigating bilyonaryo. Pinagpapawisan siya ng malagkit ng matapat sa kanya ang ilaw. Wala siyang nakikita na kahit ma sino pero may boses siyang naririnig. 

“Okay this is Nessa. Let’s start the bidding.” 

“Ten thousand.”

“Twenty thousand.”

“Fifty thousand.”

“Five hundred thousand.” Hindi makapaniwala si Hyness sa naririnig. Iniisip niya na naka kalahati na siya at hindi na ito lugi doon.

“One million.” 

The price kept going up until she was bought for 50 million pesos.

“This way Hyness.” turo sa kanya ng isang babae.

Pumasok siya sa madilim at halos walang kahit na anong sinag ang makikita sa kabuuan ng silid bukod sa isang maliit na lamp shade lang.

Kinakabahan man ay pinilit ni Hyness na tatagan ang kanyang mga tuhod upang magawa niya ng maayos ang kanyang pakay. Hindi siya maaring pumalpak dahil kapag nagkataon ay baka mausisa niya ay hindi siya nito bayadan.

She can’t move when she felt the warm palm na bahagyang humaplos sa kanyang hubad na likuran.

Damang-dama niya ang mainit nitong hininga na tumatama sa kanyang pisngi, ramdam din niya ang pangangatal ng kanyang buong kalamnan at napaigtad na lang siya ng magsalita ito. "Are you worth it?" Mahina at halos pabulong na tanong nito.

“Y-yes, I t-think.”

“You think?” Hindi na nakasagot si Hyness ng maramdaman nito ang pag gapang ng kanyang kamay sa kabuuan ng kanyang katawan. 

The coldness of the air conditioner that she felt just now was replaced by the strange warmth inside her body.

Imbes makaramdam ng takot ay mas nangibabaw ang init na nararamdaman ng kanyang katawan sa bawat haplos na binibigay sa kanya ng lalaki. Hyness couldn’t explain the sensation she felt. Wala pa siyang karanasan ngunit alam niya ang ganitong bagay na siyang nakumperma niya na talaga namang nakakabaliw, nakakaadik at parang gusto pa niyang pailalimin.

Inalis n'ya ang hiya sa katawan at humarap sa lalaki, hinawakan ni Hyness ang tiyan nito at ipinaikot ang kanyang mga daliri sa may pusod nito.

Narinig n'ya ang malalim na paghinga ng lalaki at wala sere-seremonyang sinunggaban s'ya at siniil ng isang mapusok na halik.

Kumalabog ng mabilis ang puso niya dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman. She wants more at hindi niya yon ikakaila.

"Strip, baby." Utos nito sa kanya na agad naman niyang sinunod. "You are mine now, Nessa." Hindi niya pinagtuunan ng pansin ang pagbigkas nito sa pangalan niya.

Nag papadala lang s'ya sa alon kung saan ay nilulunod s'ya ng kaniig sa kung saan. Ang sarap na nararamdaman ang siyang dahilan ng paglabas sa bawat halinghing na namumutawi sa kanyang labi.

Isang gabi lang ito, magagamot at maooperahan rin ang kanyang kapatid pagkatapos nito. Pero hindi niya ipagkakaila na nasiyahan siya kasiping ang lalaki na ang tanging natatandaan lang niya ang sword tattoo nito sa kanang kamay.

KINAUMAGAHAN Nanghihina siyang naupo sa gilid ng kama. Chineck muna ni Hyness ang cheque na nakalagay sa kanyang maliit na wallet, tiyak na kailangan pa niyang mapapalitan ito. Pinulot niya agad ang damit na nakalapag sa sahig at agaran na isinuot, nakarinig naman siya ng pag agos ng tubig mula sa bathroom at dahil sa kaba na lumabas doon ang lalaki ay nagmamadali siyang lumabas ng unit nito.

Pumara agad siya ng may nakita na tricycle sa daan at napagpasyahan na umuwi agad sa kanilang bahay.

Nanligo agad siya at hindi maiwasan na mapaigik dahil sa sakit na nararamdaman sa kanyang parteng gitna.

Pagkaligo ay nagbihis din agad siya at pumunta sa ospital kung saan nandoon si nanay, tatay at Lily.

Sumalubong sa kanya ang kanilang ina na kunot at magkasalubong ang mga nuo, naka kuyom ang kamao at galit na nakatingin sa kanya.

"Nay, kamus-"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin ng gawaran siya nito ng isang malakas na sampal. Hindi siya makapaniwala dahil sa sampal na ayon kaya't nangangatal ang labi na nilingon ang kanyang magulang.

Lumabas naman sa isang silid si Freiya suot ang mapanurang mga ngiti kaya hindi na siya nagtaka kung bakit ganito ang ini akto ng kanyang ina.

"Ang kapal naman ng mukha mo magpunta pa dito!" Gigil na sigaw sa kanya ng kanyang ina. Nakakakuha na rin sila ng atensyon sa ibang mga dumadaan.

"Nay b-bakit po?" Naguguluhan na tanong niya. "Tay." Tawag n'ya sa kanyang ama.

"Bakit?! Oh, heto tingnan mo!" May isinampal na papel sa kanya ito at nangangatal ang kanyang mga kamay na pinulot ayon. "Yan ba ang sinasabi mo na gagawin mo at babalik ka?!" Nanggigigil na sikmat pa sa kanya nito.

Napailing naman ako habang tumingin kay Freiya. Kitang kita sa mata nito na nagugustuhan niya ang nangyayari sa pamilya ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit naging ganito sa akin si Freiya, magkaibigan kami noon pero ganito na n'ya ako i trato ngayon. Pati ba naman hanggang dito ay nakikisali pa rin siya.

Hindi na lubos maisip ni Hyness kung ano ba ang nagawa niya noon rito para mas pahirapin pa ni Freiya ang sitwasyon.

"Nay, hayaan n'yo naman po akong makapagpaliwang, mali kayo ng pagkakaintindi." Pagmamakaawa ko at hinawakan ang kamay ni nanay na nangangatal na. Nawalan naman agad siya nang balanse ng tabigin ng kanyang ina ang kanyang kamay na nakahawak rito kaya natumba siya sa sahig.

"Hyness, tumigil kana!" Sigaw ng kanyang ama.

"Tay naman." May pagmamakaawa na tingin ko dito ngunit umiling lang ang kanyang ama bago tinalikuran s'ya.

"Nay." Tawag n'ya sa ina ngunit umiling lang din ito bago nagsalita.

"Nessa, nag aagaw buhay dito ang kapatid mo tapos ganyan lang ang gagawin mo! Hindi kita pinalaki ng ganyan! Sadya bang ganyan na lang ang galit mo sa kapatid mo?! Na kahit halos lagutan na s'ya ng hininga at nakikipaglaban sa kamatayan tapos ikaw nagpapakasaya lamang?! Nagkamali siguro kami ng ama mo ng pagpapalaki sayo." Halos lagutan ako ng hininga dahil sa narinig.

Is she angry with her sister? Hindi naman di'ba? Oo aminado si Hyness na nagtatampo siya at minsan ay naiingit pero hindi ito nagtanim ng kahit na anong galit sa kahit na sino.

Ang buong akala niya ay nagkakaintindihan na sila kagabi ng kanyang ina ngunit mali pala.

Tinalikuran na rin siya ng kanyang nanay at pumasok sa loob ng silid kung nasaan si Lily. Binigyan naman siya ng isang malawak na ngiti ni Freiya bago winagayway ang kamay at sumunod sa kanyang nanay.

Pakiramdam niya ay sya na ang pinakawalang kwentang anak sa buong mundo. Pero bakit hindi nila magawang pakinggan ang side niya? Una sa lahat ay hindi rin naman niya ginusto ang ginawa niya at kung ito ang tanging paraan upang mas mapabilis ang operasyon ni Lily ay hindi siya magdadalawang-isip na gawin yun ng paulit-ulit.

Humihikbi siya ng pulutin ang litrato na nagkalat sa sahig, tinitigan niya ang kuhang litrato at hindi naman niya alam kung saan ito nakuha ni Freiya. Ngayon lang din niya napagtanto na hindi siya ang nasa litrato dahil wala naman siyang boyfriend, mas lalong pribado ang unit na pinagdalhan sa kanya ng lalaki.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status