แชร์

Chapter 10.1

ผู้เขียน: Purple Moonlight
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2024-06-08 22:23:13

SA MGA SUMUNOD na araw ay naging busy si Bethany sa pag-aasikaso ng maraming mga bagay. Nakipagkita siya kay Attorney Hidalgo at sa ilang beses na pagpunta niya sa office nito ay naipasa na niya ang lahat ng documents na kailangan ng abugado. At ang araw na iyon ay ang pinaleng pakikipagkita nila para masinsinang makausap siya nito. Tahimik niyang pinagmasdan ang abugado sa harapan niya na pinapasadahan ng mata ang mga documents na kanyang hawak. Iyon din ang araw na medyo nagtagal siya sa malawak na opisina ng abogado. Noong mga nakaraang araw kasi, kung wala ang abugado tuwing pupunta siya ay busy naman ito sa ibang kaso kaya madali lang siya doon.

“Tutal ay ipinakiusap ni Attorney Dankworth na kunin ko ang kaso ng iyong ama, sasabihin ko na sa’yo ang totoo, hija. Base sa mga na-submit mong documents at explanation, kaya nating mapababa ang magiging sentence ng ama mo sa dalawang taon.” anitong itinaas pa sa kanya ang mata gamit anng suot na salamin sa mata.

Napa-angat na sa upuan a
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (47)
goodnovel comment avatar
willy piocos
next plzzz
goodnovel comment avatar
christine Galan
gusto ko mabasa lahat hanggad ending please
goodnovel comment avatar
christine Galan
interesting story. next please.
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 5.2

    LANTARANG INIIKOT NOON ni Gabe ang kanyang mga mata. Hindi na makapaniwala sa pinagsasabi ni Fourth. Hindi na nahiya sa kanyang ama na naroon? Sadyang sinadya pa nitong ipaarinig iyon sa matanda? Sinusubok na naman siya nito.“Kung gusto mo na ng anak, bakit hindi ka pa mag-asawa? Huwag ako ang guluhin mo. My time is precious, Atticus.” “Kung ayaw mo ng anak, pwede din naman na huwag na tayong mag-anak. Ayos lang sa akin. Hindi kita pipilitin.” Tumayo na si Gavin, hindi na kinakaya ang paladesisyong usapan ng dalawa. Hindi siya makakapayag sa bagay na iyon.“Tumigil kayong dalawa! Anong ayaw niyo ng anak? Hindi pwede. Kailangan niyo kaming bigyan ng apo!”“Dad?!” “Sayang ang lahi. Ayaw niyo man lang ikalat iyan? Hindi maaari ang gusto niyo. Kailangang may apo kami sa inyo!” Napahawak na si Gavin sa kanyang batok. No matter how shameless he had been back then, he never said these words in front of Bethany’s parents. Akmang bibigyan na naman niya ng lecture ang dalawa nang tumayo na

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 5.1

    NASA MAY HAGDAN na si Fourth at paakyat na sa ikalawang palapag ng villa.“Saka na lang po, Tito. Pasensya na po kayo, gusto ko na po talagang mahiga at matulog.”Ilang beses na niyang narinig ang love story ni Gavin at ng kanyang asawa. Di naman boring, hindi lang siya interested. “Atticus!” Tuloy-tuloy pa rin ang hakbang niya paakyat ng hagdan at walang nagawa si Gavin kung hindi panoorin lang siya. Mahina na lang siyang natawa. Mukhang nasasawa na siya sa pakikinig ng mga pangaral niya. Natawa pa noon si Gavin.“Bigyan niyo na rin ako ng apo ni Gavina. Kapag nagawa mo iyon, hindi ka na noon hihiwalayan. Maniwala ka sa akin. Narinig mo ako, Atticus? Bigyan mo siya ng anak. Bigyan niyo na kami ng apo ni Gabe.” puno ng pagkunsinting sambit pa ni Gavin dahil matanda na rin naman ang kanyang anak. “Huwag kayong padadaig kay Gabriano. Huwag kayong magpapauna sa kanya. He got things done so quietly and even resolved their family conflict. Ang talino niyang bata.” pagkukumpara pa nito sa

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 4.4

    NABUHAYAN NG MATA at agad na napatayo si Jake nang makita niya ang pagpasok sa pintuan ng police station ni Gabe. Ito ang kanyang tinawagan dahil wala naman siyang ibang malalapitan para tubusin siya doon. Mabuti na lang at gising na ang abogada at hindi siya nito kayang tiisin maburo. Parang batang sinalubong niya ang babae, agad ditong yumakap. Iyong tipong batang nagsusumbong. Humagod na agad ang isang palad ni Gabe sa likod ni Jake na mula sa kanyang ulo.“Gusto lang naman kitang tingnan sa penthouse mo kagabi.” sumbong nito nang kumalas ng yakap si Gabe sa kanya, may effect pa ng paghikbi upang maging epekto ang pag-arte niya. “Hindi ko alam na ito ang sasapitin ko. Ang sakit nila…”Sinuri ni Gabe ang mga pasa at sugat nito sa kanyang mukha. Napailing siya nang bahagya. Parehas lang ito ng natamo ni Fourth. Hindi niya maintindihan kung bakit sa mukha ang naging puntirya ng dalawang lalaki sa halip na sa katawan. Pwede namang sa katawan, nagtataka siya kung bakit parehong gigil an

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 4.3

    NANLILISIK ANG MGA matang sinundan ni Fourth ng tingin ang lalaki na nakasuot ng baseball cap. He couldn't stand the thought of him and Gabe perhaps having some kind of intimate relationship. Walang pakundangan na binuksan na niya ang pintuan ng kanyang sasakyan upang lumabas at harangan ang lalaki na agad siyang nakitang naroroon.“Anong ginagawa mo dito dis-oras ng gabi?” “Kung ano ang ginagawa mo dito, iyon din ang pakay ko kung bakit narito ako sa lugar na ito.” pilosopong sagot ni Jake na nakangisi na kay Fourth, ngisi na nagpapainit pang lalo ng bunbunan ng lalaki. “Ano bang ginagawa mo dito? Hmm?”“Tulog na si Gabe.” “Talaga? Dapat lang na matulog na siya. Pumunta ako upang i-check siya kahit saglit lang.” Akmang tatalikuran at lalagpasan na ni Jake si Fourth ngunit hindi doon pumayag ang lalaki. Hinarangan niya ito. “Hindi mo siya pwedeng istorbohin. Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na tulog na siya?” “Bitawan mo ako! Sino ka para hawakan ako at harangan?” Walang paku

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 4.2

    GUMALAW ANG ADAMS apple ni Fourth nang marinig niya ang paghahamong iyon ni Gabe. Buong akala niya ay unti-unti na niyang nakukuha ang loob nito, ngunit mali siya. Isang malaking pagkakamali ang naiisip niyang madali lang ang lahat.“Lubayan mo na ako. Kahit anong gawin mo, hindi mo na mababago ang pananaw ko. Bakit hindi ka na lang umalis ng bansa? Bumalik ka sa lugar kung saan mo mas piniling maging malaya. Bakit narito ka ngayon? Sinisiksik mo ang sarili?”Sunod-sunod na napalunok ng laway si Fourth na hindi inalis ang mga mata niya sa mukha ni Gabe na namumula sa galit. Gaya ng sabi niya, hindi niya magawang sisihin ang babae kung bakit ito nagkaganito dahil siya ang may kasalanan.“Wala na ba talaga, Gabe? Kahit katiting lang na nararamdaman para sa akin? Naubos na ba iyon? Wala ng natira?”“Ano bang sagot ang nais mong malaman? Ilang beses ko bang uulitin sa’yo ang tunay kong nararamdaman?” Gabe was more difficult to deal with than any other girl he had ever met. She was unpred

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   CHAPTER 4.1

    UMALINGAWNGAW SA APAT na sulok ng sala ang malakas na tawa ni Fourth bilang tugon sa naging tanong ni Gabe. Walang humor iyon. Gamit ang wala pa ‘ring emosyon na mga mata ay hinawakan niya ang baba ni Gabe upang magtama lang ang kanilang paningin. Tinitigan niya ito sa kanyang mga mata. Hindi naman siya iniwasan ni Gabe na lumaban dito.“Anong tingin mo sa akin, Gabe? Hayok sa laman? Ito ang iniuwi ko ng bansa? Ang katawan mo lang?” puno ng hinanakit ang kanyang tinig ngunit halatang walang pakialam doon si Gabe na nakatitig pa rin sa mga mata ni Fourth noon.“Bakit hindi ba?” palaban na tanong ni Gabe na walang kurap ang mga matang nakapako pa rin sa mukha ni Fourth.Hindi makapanwala si Fourth na hindi man lang pumalag si Gabe. Kung ibang lalaki ang gagawa noon, ganito rin ba ang kanyang magiging reaction? Mapagpaubaya? Walang pakialam? Hahayaan niyang kung sinu-sinong lalaki ang humalik sa labi niya? Ang isipin pa lang iyon, parang mawawala na sa katinuan ang lalaki. Umigting pa an

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status