PINANOOD NI GAVIN na mabagal na umalis ang sasakyan ni Bethany. Kaya niya gusto pa itong makasama ay dahil plano niya sanang magnakaw ng yakap sa dalaga. Kaya lang bigo siya. Ayaw naman niyang maging kagaya siya dati dahil baka nasasakal si Bethany sa mga ginagawa niya noon kung kaya naman mas lalo itong kumakawala. Gusto niyang makuha muli ang loob ng dalaga at hindi pwersahin.“Gusto kong makuha siya sa paraan na hindi siya napipilitan kagaya noon.” mahinang bulong pa nito. Habang papaalis ng parking ay hindi nakaligtas kay Bethany ang malungkot na expression ng mukha ni Gavin na ni-reject niya. Sana pala ay pinagbigyan niya ito kung isang oras lang naman pala ang gusto. Iwinaglit niya ang isiping medyo nakokonsensya siya. Tama lang iyon. Tama ang naging desisyon niya. Dumiretso siya sa apartment niya. Ilang minutong nagtagal sa parking. Sinubukang tawagan si Rina. “Buti naman at hindi na nakapatay ang cellphone mong babae ka!”Nalaman niya mula sa kaibigan na nahanap raw ni Zac a
SA MGA SANDALING iyon ay iisa ang tumatakbo sa isipan ng magkaibigan. Maaaring narinig sila ng lalaki. Maaaring narinig nito ang buong usapan nila tungkol sa umano ay pinsan niyang si Ramir. Nang hindi pa rin umalis ang estrangherong lalaki sa gilid ng sasakyan ay napilitan na si Bethany na bumaba upang harapin ito. Nakikinita niya kasing walang planong bumaba si Rina upang siya ang makipag-usap sa kanya. Nangamatis pa ang kanyang mukha nang makita niyang titig na titig na ang mga mata ng lalaki. Ilang beses na nilingon ni Bethany ang kaibigan na nanatiling pa rin sa loob lang ng kanyang sasakyan.“Nauna ng umuwi si Ramir, kanina pa.” pilit kinakalma ang sariling sagot ni Bethany. Tumango si River, bahagyang napakamot sa kanyang leeg na para bang nahihiya sa kaharap na dalaga.“Nasa pagawaan ang aking sasakyan at sumakay lang ako ng taxi papunta dito noong tawagan niya ako tapos wala naman na pala siya dito. Kung hindi abala, pwede ba akong makisabay na lang sa inyo?”Nag-alinlangan
NAPATAKIP NA SA magkabila niyang tainga si Bethany. Hindi sa pagiging painosente niya, pero ibig bang sabihin iyong ungol na narinig nila kanina sa tawag ay literal na may kabalbalan itong ginagawa talaga?“Normal na iyon. Iyong iba nga, walang relasyon pero gabi-gabing may nangyayari sa kanila.” Biglang nakaramdam ng guilt si Bethany. Isa roon siya. Ginawa niya iyon noon kasama si Gavin. “Hay naku, Rina, basta umayos ka. Pwede ka namang gumanyan pero makipaghiwalay ka muna kay Zac sa legal na paraan. Huwag mo silang gayahin ni Audrey dahil iba ka. Kung seryoso naman sa’yo si Ramir.” Hindi pinansin ni Rina ang sinabi ni Bethany na isinandal na ang likod sa backrest ng upuan. “Saka ko na iyan iisipin.” Bumuntong-hininga lang si Bethany na pinaandar na ang kanyang sasakyan. Isang Linggo na nanatili ang kaibigan niya sa kanyang apartment. Umalis din ito upang umuwi na. Naging abala si Bethany sa trabaho kung kaya naman hindi na siya gaanong naging updated sa affair ng kaibigan. Naba
NAGSIMULA NA SILANG magkasabay na maglakad ngunit hindi naman gaanong magkalapit. Kapwa lumilinga ang kanilang mga mata. Naghahanap ng kanilang makakainan. Bakas na ang ilangan sa kanila. Iyong tipong iyon ang unang pagkakataon na nagkita ang dalawa. “May alam akong Mexican restaurant, doon banda sa harap. Gusto mong subukan na kumain doon?” Saglit na tumigil si Bethany sa paglalakad pero maya-maya ay tumuloy na ulit, mas mabagal. Nakahinga na siya ng maluwag. Kung hindi pa ito magsasalita, suggest na lang niyang sa favorite korean restaurant na lang sila kumaing dalawa ng professor.“Sige. Doon na lang.” “Pwedeng uminom doon lalo pa ngayong may importanteng okasyon. Hindi mo rin kailangang mag-alala oras na malasing ka at masobrahan ka ng alak. Tatawagan ko ang family driver namin na sunduin niya tayo mamaya. Ang mahalaga ay mag-enjoy tayong dalawa sa unang labas natin para naman maging memorable. Just be yourself. Hindi mo kailangang mahiya sa akin. Ako nga, walang hiya sa'yo.”
NAKAHINGA LANG NANG maluwag si Bethany nang makapasok na sila sa loob ng restaurant. Bagama't kumalma na ang kanyang puso, hindi pa rin mapalagay ang kanyang mga mata na panay ang lingon sa labas ng naturang kainan. Kinukutuban siya na baka bigla na lang sumulpot si Gavin at gumawa ng gulo. Nakikinita niyang paniguradong lilikha ito ng gulo. O marahil imahinasyon niya lang naman iyon? Base kasi sa huling kita nila, kalmado naman ang abogado. Hindi na ito gaya ng dati. Ni hindi nga siya pinilit na ihatid noon. Pero basta, mabuti na iyong nag-iingat siya. Gusto niyang kaltukan ang sarili. Baka masyado lang din siyang naging assuming na ito nga ang sakay ng kotse. “Bethany?” untag ni River na kanina pa palihim na pinagmamasdan ang reaction ng dalaga na parang kabado at hindi mapalagay, kanina pa rin siya nagsasalita at tinatanong kung ano ang nais nitong kainin para sa dinner.Nilingon lang siya ni Bethany nang bahagya niyang tapikin ang magkadaop na palad ng dalaga. “Hmm?” “Kanina pa
HINDI PINAKINGGAN NI Gavin ang kapatid. Halos manghaba na ang kanyang leeg upang tanawin lang kung nasaan na si Bethany at ang kasama nitong lalaki. Patuloy pang sumabog sa kalawakan ang iba’t-ibang kulay ng fireworks. “Ikaw ang anong ginagawa mo dito?” Tinaasan na siya ng kilay ni Briel. “Malamang, namamasyal Kuya Gav. Nakita mo ba akong umiinom ng kape? Naglalakad kami di ba?” Nang mapansing wala na sina Bethany sa pwesto nila kanina ay mabilis na silang hinawi ni Gavin doon. “Ouch, Kuya Gav!” “Wala na. Hahara-hara pa kasi!” bulalas ni Gavin na patakbo ng nagtungo sa kinatatayuan nina Bethany at River na sa mga sandaling iyon ay pauwi na. “Damn it! Saan na sila nagpunta? Sa hotel?” ikot pa ng mga mata ni Gavin sa paligid, naghahanap kung may malapit bang hotel na marami nga na paniguradong pagod siya kapag inisa-isa niya.“Anong nangyayari sa kapatid mo?” natatawang tanong ni Albert na tinitingnan pa rin ang bulto ni Gavin.Iginalaw lang ni Briel ang magkabila niyang balikat.
MABILIS NA PININDOT ni Bethany ang end button ng tawag habang hindi na niya mapigilan ang pamamalisbis ng kanyang mga luha. Tinakpan na niya ang bibig. Damang-dama niya ang sakit sa tinig ni Gavin. Napaka-transparent. Para siyang sinasakal na ng sarili niyang mga luha ng sandaling iyon. Matapos na bitawan ang cellphone ay nanghihina na siyang tumayo. Gulong-gulo ang kanyang isipan. Gusto niya itong puntahan at pagbigyan ang hiling. “G-Gavin, I’m really sorry…” nausal niyang nagkaroon na ng tunog ang mga hikbi.Bagsak ang magkabilang balikat ni Gavin na tinanggal sa kanyang tainga ng cellphone na hawak. Dire-diretso pang umagos ang kanyang mga luha pababa ng kanyang mukha. Nakatayo siya sa harapan ng glass wall ng kanyang penthouse. Tinatanaw ang masayang kaganapan sa labas ng kanyang tahanan. Nang hindi niya makita na sina Bethany kanina ay nagpasya siyang umuwi na lang. Hindi na itinuloy ang gagawin sanang pag-iisa-isa sa mga hotel na malapit. Ewan ba niya, umaasa pa rin siyang hind
NGUMITI SI BETHANY at marahang itinango ang kanyang ulo sa pag-aakalang nahimasmasan na ang abogado. Hindi na siya nakapagsalita nang biglang bumangon si Gavin at mahigpit siyang niyakap. Amoy na amoy niya ang alak sa katawan at hininga ng abogado. Gayunpaman ay hindi niya kinalas ang mahigpit na pagkakayakap nito sa kanya, bagkus ay marahang tinapik-tapik na nito ang likod ng binata. Biglang umatungal ng iyak si Gavin na parang isang bata. Inilayo niya ang kanyang katawan sa dalaga at hinawakan ang magkabila nitong pisngi. Patuloy siyang lumuha ng pananabik habang hawak ang mukha ng dalaga.“Bakit ngayon ka lang? Bakit ngayon mo lang ako binalikan? Ikaw ba talaga iyan, Thanie?” Marahang itinango ni Bethany ang kanyang ulo na hindi tinanggal ang mga tingin sa abogado.“Ako nga, Gavin. Bangon na diyan. Bumili ako ng pagkain kasi sabi mo gutom ka. Halika, kakain tayo.” Mariing iniiling ni Gavin ang kanyang ulo. Baka mamaya kapag tumayo siya maglaho sa paningin niya ang dalaga. Gusto n
MULI SIYANG INALALAYAN na puno ng pag-iingat ni Giovanni habang dinadala sa gitnang space kung saan nakasabog ang maraming petals ng mga bulaklak na nanunuot na sa ilong nilang dalawa. Domoble pa ang kaba ng dating Gobernador nang makita ang photographer at videographer na kanyang inimbita. Gusto niyang maging detalyado ang kanyang proposal kung kaya naman naroon sila at kanyang kinuha. Naroon din ang ilang waiter ng hotel na nakahandang magsilbi sa kanilang dalawa ni Briel. Napakurap na si Giovanni nang makarating sila sa gitna at ipahawak na kay Briel ang malaking bouquet ng bulaklak na inihanda. Napakagat an sa kanyang labi si Briel na inaasahan na iyon pero iba pa rin ang naging kaba niya.“Ano ‘to?!” nangangatal na tanong ni Briel kahit pa naguguni-guni na niyang proposal ang gagawin ni Giovanni, nagmamaang-maangan lang siya kahit na bakas na sa kanyang boses ang labis na excitement.“Wait lang, Briel…huwag mo munang tatanggalin ang piring. Hintayin mong sabihin ko sa’yong pwede
NAGING PALAISIPAN KAY Briel ang sinabi ni Giovanni na okay na ang ginawa nila matapos na maramdaman niya ang pananakit ng mga muscles sa kanyang magkabilang binti. Hindi naman naging mabilis ang ginawa nilang paglalakad, naramdaman pa rin ng babae ang epekto noon. Hindi naman na niya isinatinig pa iyon kahit na gusto ng magreklamo. Tama na ang ginagawa nila? Ibig sabihin ay tapos na rin sila sa sinasabi nitong date? Iyon na iyon? Ni hindi nga siya nito pinakain man lang o pinainom man lang ng kahit na tubig o softdrinks man lang? Ano ba sila senior citizen na para maging date at bonding ang paglalakad para hindi matulog ang kanilang mga buto? Naisip doon ni Briel na isa iyon sa mahirap kapag malaki ang distance ng edad sa partner nila. Masaya na mahirap din. Gusto pa ni Briel sanang umalma at magreklamo, ngunit hinayaan na lang niya at hindi na nagsalita nang paglingon niya kay Giovanni ay malapad itong nakangiti na para bang tini-testing nito ang magiging reaction niya. Kung uu
IPINAGKIBIT NA LANG ni Briel iyon ng balikat. Hindi na siya nag-e-expect kay Giovanni noong mga gasgas na dinner na may pasabog ng petals sa nilalakaran. Masyado na siyang matanda para sa bagay na iyon. Naranasan na niya iyon sa iba niyang manliligaw, pero para sa kanya ay hindi naman na iyon mahalaga. Magiging masaya na lang siya kahit saan pa sila pumunta ni Giovanni basta magkasama, sapat na sa kanya ang bagay na iyon. Hindi siya nag-e-expect nang mas bongga sa dati dahil para sa kanya ang makapiling ito gaya ngayon ay sapat ng regalo. Ano pa ang hihilingin niya dito?“Burnham Park? Anong gagawin natin dito?” puno ng pagtatakang tanong ni Briel nang bumaba na sila matapos i-park ang sasakyan at maglakad na patungo doon, “Galing na tayo dito kanina di ba? Sumakay pa nga tayo ng boat eh.” dagdag ni Briel na blangko na ang mukha kung bakit kinakailangan nilang bumalik doon ni Giovanni gayong napuntahan na nila kanina, pinasakay nila si Brian na nakailang balik dahil ayaw pa nitong bu
SABIK NA NAGPATULOY ang usapan nina Rina at Bethany na mabilis na nilang naibaling sa ibang bagay ang paksa. Sa pagkakaroon nila ng buhay may asawa na iyon napunta. Kung paano naging mahirap na maging ina kahit na masarap umanong maging asawa ang mga taong sobrang pinapahalagahan umano sila. Naging lampas-lampasan lang naman iyon sa tainga ni Briel na pagkaraan pa ng ilang sandali ay tumayo na nang maubos ang kanyang kape upang magpaalam na. Sabay siyang tiningnan nina Rina at Bethany na parehong nagulat sa agad niyang pagpapaalam. Puno ng pagtataka ang kanilang mukha sa mga katanungan na hindi maikukubli sa kanilang mga matang mapanuri doon.“Ha? Hindi ka sasabay sa akin pauwi, Briel? Saan ka pa naman pupunta?” natatarantang alma na ni Bethany na tumayo pa at nameywang dahil wala naman iyon sa kanilang usapan ng hipag na kailangan nilang maghiwalay kapag nasa city proper na, ang usapan lang nila ay sabay silang mag-shopping at inaasahan na ni Bethany na sabay rin sila nitong uuwi. Ka
KANINA PA PANAY ang irap ni Briel na nakatayo na sa may pintuan at hinihintay ang hipag na nagpapaalam sa kanyang kapatid. Naroon din si Giovanni na karga si Brian na kinausap na nang masinsinan ni Briel na may bibilhin lang siya sa labas. Kung gaano ito kaluwag sa kanya, napakahigpit ng kapatid niya na akala mo may kabalbalan silang party na pupuntahan. Sa mall lang naman sila. Bale-baleng batukan na ni Briel nang harapan ang kanyang kapatid.“Oo nga Kuya Gav, bigyan mo naman si Bethany ng oras para sa kanyang sarili. Nakakapagod kayang mag-alaga ng bata bente-kwatro oras at alam mo naman iyon. Saka, hayaan mo na kaming mag-date na dalawa. Huwag kang epal diyan!” singit ni Briel na sinamaan ng tingin ang kapatid na mukhang ayaw pa yatang payagan ang kanyang asawang umalis.“Oo na, pero huwag kayong magtatagal. Oras na magtagal kayo, ako mismo ang susundo kung nasaan man kayo! And please, huwag kayong papasok ng bar sa gitna ng tirik na araw. Binabalaan kita, Gabriella. No alcoholic d
GINALUGAD NILANG MAG-ANAK ang lahat ng pasyalan sa buong Baguio at umabot pa sila sa La Trinidad kung nasaan ang malawak na taniman ng strawberry. Kumikinang ang mga mata ni Brian nang makita niya ang mga strawberry. Hindi ito nagpaawat sa pagha-harvest na ang feeling ay sa kanila ang tanimang iyon. On guard naman ang mga kasamang bodyguard tutal ay public place iyon. Panay ang halakhak ni Giovanni at Briel habang pinapanood ang anak. Bitbit ni Giovanni ang ilang basket na nagawa ng mapuno ni Brian, samantalang si Briel ay nagmistulang photographer ng anak. Maging si Giovanni ay kinunan niya ng larawan na hindi naman umangal. Ultimong SM Baguio ay kanilang pinuntahan upang makakuha lang ng maraming pictures na hindi maintindihan ni Giovanni kung bakit kailangang e-detalye pa iyon ni Briel. May mga katanungan man ay kanya na lang iyong hinayaan. Sinakyan na lang ang lahat ng kalokohan ni Briel. Ganundin naman ito noong namasyal sila sa Italy. Batid niyang sa mga susunod na panahon maga
BUMABA NA SINA Briel at Giovanni pagkatapos ng ilang minuto na matapos ang kanilang kababalaghang ginawa. Humarap sila kay Donya Livia na para bang walang nangyari habang salitan ang malagkit at makahulugan nilang mga tingin. Hindi naman sila tinanong ng matanda kung bakit natagalan bago bumaba. Dala ni Briel ang pamalit na damit ni Brian na sa mga sandaling iyon ay ang dungis na ng mukha dahil sa kung anu-anong kinain nito. Pagkatapos ng hapunan ay hindi naman na sila pinigilan pa ni Donya Livia na umakyat na ng silid upang umano ay magpahinga. Batid niyang pagod sila sa biyahe kahit pa chopper ang ginamit nila. Pinatunayan iyon ni Brian na agad nakatulog pag-akyat nila ng silid. Matapos na i-pwesto nang maayos ni Briel ang anak ay nahiga na rin siya. Tumabi naman sa kanya si Giovanni na agad na doong nakayakap sa kanya. Ang akala pa ni Briel ay lalabas ito upang may asikasuhin na trabaho.“Wala kang gagawing trabaho?” harap na ni Briel sa kanya at ginantihan na ito ng yakap, nasanay
MULING HINALIKAN SIYA ni Giovanni ngunit sa pagkakataong iyon ay namasyal na sa loob ng bibig ni Briel ang dila nitong mapaghanap at kung saan-saan pumupunta na para bang mayroon doong kung anong bagay na hinahanap. Sa inis ni Briel ay inihawak na niya ang dalawa niyang kamay sa garter ng suot nitong pajama na pangbahay. Walang kahirap-hirap na nagawa na niyang ipasok ang isang kamay sa loob noon habang patuloy ang kanilang mas lumalim na halikan. Hindi pa nakuntento doon ang babae na ipinasok na sa loob ng boxer ang kanyang isang palad. Segundo lang at nagawa na niyang mahawakan ang pagkalalaki ni Giovanni na mabilis ng nag-react sa init ng palad ni Gabriella.“Briel!” bulalas ni Giovanni na mabilis ng ini-angat ang katawan na para bang sinisilaban na ang buo niyang pagkatao at napaso sa hawak pa lang ni Briel sa kanyang pagkalalaki, windang na windang ang mukha niya sa ginawa ni Briel.Napangisi na doon si Briel na hinagod na ng tingin si Giovanni na para bang nang-aasar. Napaupo na
NANLALAKI ANG MGA matang pinalo ni Briel ang palad ni Giovanni nang maramdaman niyang yumakap ito mula sa kanyang likuran habang nagpapalit siya ng damit. Nakapalit na siya ng pants ngunit hindi pa ng pang-itaas na suot. “Tigil nga, baka mamaya biglang umakyat dito ang Mama mo at kasama si Brian!” asik pa niya habang nandidilat na humarap na kay Giovanni na pinapapungayan na siya ng mga mata, “Mamaya na lang, hindi ka ba napapagod, hmm? Bugbog pa tayo sa biyahe. Uso ang magpahinga muna.” taas pa ng isang kilay dito ni Briel na halatang nate-tempt din. Makahulugang ngumisi si Giovanni nang maalala ang nangyari sa kanila ng nagdaang gabi. Ito kaya ang gutom na gutom na kulang na lang ay lamunin siya nang buo kung makakaya lang nitong gawin ang bagay na iyon.“Ano bang inaarte mo? Kagabi nga ayaw mo akong tigilan, tapos ngayong nakabawi na ako ng lakas ang dami mong dahilan. Ready na ako ngayon, Baby, kahit ilan pa. Kung gusto mo bukas na tayong umaga lumabas ng silid na ito eh!” nagta