LUMAMLAM NA ANG mga mata ng lalaki na ang isang kamay na nasa isang tainga ni Ceska ay bumaba sa baba ng dalaga upang mas maging malinaw ang mukha nito sa kanyang mga mata. Hindi na niya napigilang ilapit ang mukha. Sabi niya, cuddle lang at hindi nila gagawin ang bagay na iyon ngunit hindi niya mapigilan na halikan ito. Angkinin ang labi nito na kanina pa siya inaanyayahang halikan. Nagawa na nilang mag-sex kanina sa silid ng babae, ngunit para kay Brian ay hindi pa sapat iyon. Kulang na kulang pa. “Gabriano…” mahinang usal ni Ceska nang saglit tanggalin ng lalaki ang labi niya sa bibig nito. “Sabi mo—”Bago pa man niya matapos ang sasabihin ay ikinulong na siya ni Brian sa kanyang dalawang braso. Muli pang inabot ang labi niya. Ipinikit na lang ni Ceska ang kanyang mga mata. Nagpatangay sa agos ng halikang iyon na alam na alam na ng babae kung saan sila papunta. Sinungaling talaga ng lalaking ito, pero hindi niya magawang makawala sa kanyang mainit na mga yakap.Lumalim pa ang hal
LIHIM NA NATAWA si Ceska na ikinubli niya kay Brian. Bakas kasi sa boses nito ang excitement bigla.“Pasta, pizza at drinks. May gusto ka pa bang ipabili sa akin?”“Wala na. Okay na ako doon. Sa totoo lang, busog pa nga ako eh.” “Kailangan natin ‘to, kasi baka mamaya bigla na lang tayong magutom.” Gaya ng kanilang plano ay dumaan muna sila sa Amare La Cucina. Buong biyahe nila ay nanatiling tahimik si Ceska. Pinagninilayan kung tama ba ang naging pagpayag niya. Mali. Alam ng isipan niyang mali, ngunit ang bulong ng kanyang puso ay tama iyon. Si Brian na lang ang pumasok sa loob ng restaurant at nag-take ng order kung kaya naman nagkaroon si Ceska ng pagkakataon na makausap saglit si Benedict kahit na mariin niyang pinanindigan kanina na hindi niya iyon sasabihin kahit kanino. Pikit ang mga matang inamin niya na nasa labas siya kasama si Brian kahit alam niyang magagalit ito. Ngunit taliwas ang nangyari. Tahimik lang siyang pinakinggan ng Manager kahit na ang dami nitong nais na sabi
MAHIGPIT ANG YAKAP ni Brian kay Ceska mula sa likod. Nasa Melvin Jones football field na sila. Ayaw na ng lalaki itong bitawan kahit na saglit lang. Kung pwede lang na habang panahon na lang silang ganito, hihilingin niya na huwag ng matapos ang sandaling iyon. Naiiyak siya. Ang buong akala ni Brian ay hindi na niya magagawa pang yakapin nang ganito ang dating nobya. Gustong-gusto niya ang mga nangyayari ngayon sa kanila na ang hiling niya ay pareho sila ng nararamdaman ni Ceska na magaan ang hawak sa kanyang dalawang braso na nakayakap sa katawan nito. Kalmado ang kanilang mukha ngunit sa loob ng kanilang dibdib ay parehong naghuhuramentado ang kanilang mga puso na gaya ng fireworks, sumasabog. Parehong nakatingala ang kanilang mukha sa langit, sa fireworks na binibigyan ng liwanag ang madilim na paligid. May distansya sila mula sa mga taong naroon at nanonood na gaya nila. Hindi sa takot sila na may kakilalang makakita, ngunit gusto nilang mas ma-enjoy ang moment na iyon. Nasa may
HINDI NA NAGAWA pang tapusin iyon ni Ceska na sinunggaban na ni Brian ang labi upang ituloy ang halik na sinimulan ng babae. Napasinghap na ang babae. Hindi niya inaasahan na gagawin iyon ni Brian. Ilang minuto iyong tumagal. Gumapang na ang mga kamay nitong humaplos na sa kanyang katawan. Palalim nang palalim ang kanilang halikan na puno pa rin ng pananabik. Kulang na lang ay ihiga siya ng lalaki sa upuan at muling gawin ang bagay doon na parehong nasa kanila ng isipan. Mabuti na lang at napigilan iyon ng tawag sa cellphone ng staff ng restaurant upang sabihing may table ng nakalaan para sa kanilang dalawa.“I told you…” marahang pisil ni Brian sa baba ni Ceska at punasan na ang lipstick na kumalat. Gulantang pa rin noon si Ceska na walang naging ibang komento sa bilis ng nangyari. “Huwag mo akong hahamunin…” Pumunta na sila ng restaurant. Pagdating nila sa upuan ay ilang minuto lang silang naghintay ng order. “Any additional order, Sir?” ibang staff iyon, hindi ang nag-assist sa k
FAVORITE NG PAMILYA Bianchi na kainan ang resto na iyon kung kaya mas gusto ni Brian siyang dalhin dito. Walang itulak kabigin ang luto doon lalo na ang Garlic Buttered Chicken, Sweet and Sour Fish Fillet at ang Lechon Brocolli Rice. Crowded, pero gustong-gusto pa rin ni Brian na iparanas kay Ceska ang kumain doon. Marahil ay dahil nais niyang hilumin ang inner child nito na hindi naranasan ang mga bagay na iyon?“May set up ng fireworks mamaya sa Melvin Jones football field. Manood tayo ha?” muli pang lingon ni Brian na pinaandar na ulit ang sasakyan niya. “Tapos noon ay uwi na rin tayo. Kung gutom ka pa, sabihin mo sa akin. Pwede tayong mag-take out sa Amare La Cucina ng pizza or pasta. The best din doon, Ceska…” “Sige…” Matapos na iparada ang sasakyan ay magkahawak-kamay na tinungo nila ang restaurant. Walang pakialam sa mga taong kanilang nakakasalubong. Hindi alintana kung sakali man na may makakilala sa kanila doon. Brian was handsome, wearing a formal suit, driving a luxury
MATAPOS NA BUHAYIN ang makina ng sasakyan ay walang-lingon sa likod na pinaandar na ni Brian ang sasakyan. Walang pakialam kung may makakita man sa kanilang pag-alis. Kapwa pigil ang kanilang mga hinga habang pinapanalangin nang tahimik na wala sanang makapansin sa kanilang sasakyan na umalis. Lingid sa kanyang kaalaman ay tanaw na tanaw sila ni Gia, na hindi pa rin mapigilan ang kilig sa kanyang labi. Proud siya sa kapatid na tumatapang na. Sa halip na sabihin iyon sa kanyang ina, ang pinsan niyang si Nabe ang kanyang tinawagan upang kuwento lang ang kanyang kababalaghang natuklasan. At dahil katabi lang ni Nabe ang kanyang Ate Gabe, nagbigay na ito ng reaction niya patungkol sa kanyang naulinigan dito. “Gia, don’t you dare na sabihin kay Tita Briel ang natuklasan mo. Hintayin mong si Gabriano ang magsabi.”“Why? Ang kupad niya kasi—” “Huwag mong sirain ang diskarte niya. Naghahanap lang iyon ng tamang tyempo.” Umirap si Gia kaya sinamaan na siya ng tingin ni Gabe na medyo bad mo